webnovel

Chapter Two

LAST TIME

Nang matapos kaming kumain ay nanatili kaming nakaupo doon para magpahinga, hanggang sa tumayo na si Ella.

"Papasok na po ako!" Lumapit ito sa ina nito at humalik sa pisngi nito.

"Bye Nanay! Bye Kuya! Bye Ate Messiah!" parang hindi ito nauubusan ng sigla kaya napangiti ako.

"Oh baon mo." Iniabot ni Manang Flora ang pink na lunch box kay Ella at ngumiti naman si Ella.

"Salamat 'nay!" Masiglang sabi nito.

At balak na nitong umalis ng magsalita si Kilua, "Come here, Ella."

"Bakit po?" Nagtataka man ay lumapit ito kay Kilua.

"Here's your allowance for a week." Iniabot ni Kilua ang isang libong pera kay Ella.

"Naku Kuya Gry! Huwag na po, kayo na nga po ang nagbabayad ng kalahati ng matrikula ko eh!" sabi nito at ibinalik ang isang libo kay Kilua.

"Saan ka nag-aaral?" bigla ko namang tanong.

"Sa Eugenio-Chan Colleges po," sabi nito.

"I can give you a scholarship," sabi ko dahil kilala nila Mommy ang may-ari ng school na yun at nagbibigay din ng scholarship sila Mommy at Daddy.

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yep, madami ding pinapaaral ang magulang ko at pwede kitang maisama doon." Nakangiti kong sabi.

"Maraming salamat po! Ate Messiah!" Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Kaya huwag mo nang tanggihan ang baon na binibigay ng Kuya Gry mo, dahil kami na ang sasagot ng tuition mo." Pagkukunsinti ko sa kaniya.

"Salamat po talaga! Hindi na ako magiging pabigat kay Nanay o kaya kay Kuya Gry!" sabi niya.

"Hindi naman pabigat sa akin ang kalahati ng tuition mo, dapat nga buo na 'yun pero ayaw pumayag ni Manang Flora eh," sabi ni Kilua.

"Nakakahiya kasi 'yun hijo, sinasahuran mo pa kasi ako," sabi naman ni Manang Flora.

"Eto na ang baon mo," sabi ni Kilua at kinuha na iyon ni Ella.

"Salamat, Kuya Gry!" saka ito bumaling sa akin. "Salamat po ulit, Ate Messiah."

Ngumiti ako at tumango ganoon din ang ginawa niya bago siya kumaway bago lumabas ng kusina.

"Salamat, hija," sabi ni Manang Flora.

"Walang anuman po, unang kita ko lang po kay Ella alam ko pong mabait siyang bata at pursigidong mag-aral."

"Mabait na bata talaga iyang si Ella, ngayon niya nga lang tinanggap 'yang baon na binibigay ni Grysion," pagkukwento nito.

"Kaunti na lang ang gan'yang bata, dahil ang mga estudyante ngayon katulad ko hindi nakakapasok ng walang dalang pera." Napalingon ako nang tumawa si Kilua.

"Anong tinatawa mo d'yan?" asik ko.

"You admitted that you're a spoiled rotten brat." I gave him a deadly glare.

"How dare you?!" I hissed.

"Totoo naman, hindi ka papasok ng wala kang dalang pera dahil masyado kang spoiled ng magulang mo," he said.

"Syempre nag-iisa akong babae and take note bunso ako!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Tanggap mo na spoiled ka talaga." Ngisi niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya at siya naman ay nagpatuloy sa pagtawa. "Paghindi ka nanahimik d'yan Kilua, matatamaan ka sa akin."

"How dare you! Mas maayos ang pangalan kong Grysion kesa sa Kilua!" asik niyang sabi sa akin.

"Mas okay sa aking tawagin kang Kilua," sabi ko sa kaniya.

"Then I'll call you spoiled brat." I just rolled my eyes at him.

Naligo na ako ng matapos ang bangayan namin ni Kilua, ibinigay na din sa akin ni Manang Flora ang suot kong damit kahapon na nilabhan niya na kagabi.

Ngayon at pinapatuyo ko na lang ang buhok ko para naman presentable akong uuwi sa bahay namin.

Bumaba na ako at nakita kong naka upo si Kilua sa may sofa sa sala at nanonood ng television.

"Let's go?" tanong niya.

Tumango ako at agad naman siya tumayo sa masarap niyang pagkakaupo. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya naman ay sumunod na ako sa kaniya.

Lumapit kami sa isang Mustang, I really love cars kaya naman sa isang tingin ko lang ay alam ko na ang kotseng nasa harapan ko. Ang nakakalungkot lang ay ayaw ko pang bumili ng sarili kong kotse kahit na sa edad na nineteen ay mayroon na akong professional driver's license.

"You adored my car so much," he chuckled a bit.

I nodded then give him a sad face. "You're right I really adored your sexy mustang so much."

"Then, bakit hindi ka nagpapabili sa magulang mo?" tanong niya sa 'kin.

"Ayaw ko pa kahit na mayroon na akong professional driver's license."

"Wanna try?" he asked me.

"Are you serious?" I am a little bit scared.

Baka kasi mamaya hindi ko na alam kung paanong magdrive dahil ang tagal ko ng hindi nakakapagdrive ng kotse.

"Yeah," sagot naman niya at sumakay siya sa may passenger's seat.

Kaya naman agad akong sumakay sa kotse niya. Oh god this is a dream come true!!

"How many horse power?" I asked.

He smirked. "One thousand horse power."

"Oh my god," I muttered. "Are you serious?!"

"Yeah."

"This is so amazing!" I started the engine.

Oh wow! That roar is so amazing!

"Ready?" I asked him.

"I am born ready." then he smirked.

Papalabas pa lang kami ng village kahit hindi ko alam kung saan ang palabas dito, I hit 180kmph. Habang si Kilua naman ay itinuturo ang daan palabas dito sa village.

"Left."

"Right."

"Then straight." nakalabas na kami ng village ay nakita kong 50kmph lang ang speed limit sa loob ng village. I smirked.

Nang nasa daan na kami ay umabot na ng 190kmph ang takbo at lahat ng mababagal na kotse ay iniiwanan ko. Damn I'm so evil.

Huminto ako sa may tapat ng village namin dahil biglang hinarang ang kotse. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan.

"Oh Miss Messiah, Good Morning po. Mayroon na po pala kayong kotse?" gulat na tanong ng Guard dito sa may village.

"Ah no po, sa kaibigan ko po ito," sabi ko.

"Say hi to him," sabi ko kay Kilua.

"Hi," he simply said.

"Hi po, Sir," sabi naman ni Kuya.

"Bisita niyo po siya?" I nodded.

"Kayo na po ang maglagay sa Log Book n'yo, ang name niya po ay Kilua Devilson," sabi ko at tumango naman ito.

"Pasok na po kayo." May pinindot ito at bumukas na ang gate kaya naman pinaandar ko na ang kotse.

Halos maalis na ang kaluluwa ko sa bilis ng pagpapatakbo ko at bawat street na nililikuan ko ay padrift ang ginawa ko imbes na mahinahong liko.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ay pinaingay ko lang ng sandali ang kotse at pinatay ko na.

"That was so lit!" I punch my knuckles on the air.

"Are you serious Messiah?" bigla niyang tanong sa akin.

"Huh?" taka kong tanong.

"Na wala kang kotse?" tanong nito.

"Wala nga dahil no'ng eighteenth birthday ko bahay ang bigay sa akin ng mga magulang ko. At aaminin ko champion ako sa pagiging racer pero ang mga napapalanunan ko ay napupunta sa charity dahil masayang tumulong. Madaming nag-o-offer sa akin ng kotse galing sa mga endorsers pero hindi ko tinanggap," kuwento ko sa kaniya.

"That's crazy," he said.

"Yeah, parang sobrang laki ng grasyang tinanggihan ko pero ang goal ko talaga ay ang makabili ng kotse sa sarili kong pera," simple kong sabi.

"Bababa na ako, mag-iingat ka sa pag-da-drive," he nodded.

"See you around, take care." Tumango din ako sa sinabi niya at bumaba na.

Binuksan na niya ang engine ng sasakyan niya saka niya pinaharurot iyon paalis. Pumasok na ako ng bahay na parang hindi ako nanggaling kung saan.

At pagkabukas ko ng pintuan si Kuya Mazzini na naka business attire ay masama ang tingin sa akin.

"Hindi ka umuwi kagabi," he speak coldly.

"Yeah," I said.

"Messiah, are you crazy?!" Kuya Mazzini hissed at me.

"Maybe," I shrugged my shoulders.

"Come back here! You little brat!" I ignored Kuya Mazzini.

Naglakad na ako papasok sa bahay at nasa may sala sila Mommy at Daddy kaya naman naglakad ako papunta doon at hinalikan sa pisngi ang mga magulang ko.

"Hindi ka umuwi kagabi," 'yun kaagad ang bungad sa akin ni Daddy.

"Yep, I'm so sorry, Dad."

"It's okay, you're with Achilles right?" I nodded.

Tumango na lamang ako dahil sa lahat ng lalaking nakapaligid sa akin si Achilles ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Daddy, ang palagi lang nilang pinaaalala ay huwag na huwag akong matutulog kasama si Achilles. Dahil lalaki din siya at likaw ang ugali ng mga lalaki sabi ni Daddy.

"Aakyat na po ako." Tumango naman si Daddy kaya naman naglakad na ako paakyat.

When I already reached my room I immediately entered then I jumped on my bed. Ugh, It feels so comfortable...

Nang magising ako ay maaga pa din dahil 10:35 A.M. pa lang kaya naman agad akong pumasok ng bathroom para maligo.

Nang matapos ako ay isang simpleng black na off-shoulder dress ang sinuot ko. Ang haba nun dahil paa na lang ang nakikita sa ibaba. Nagsuot ako ng block heels na brown saka ko nag-bun ng buhok at nilagyan ko ng buhok na nakalaylay sa gilid para magkaroon ng frame ang mukha ko.

Matapos no'n ay kinuha ko na ang wallet ko saka ako kumuha ng shoulder bag para doon ilagay ang wallet ko.

Damn, I need to buy a new phone. Ayon sa naalala ng diwa ko ay itinapon ko iyon sa kalsada dahil sa kabaliwan ko.

Bumaba na ako at naririnig kong bukas ang television sa sala kaya doon ako nagpunta.

"May date?" Nakangiting sabi ni Mommy.

"Nah, I will go to the mall to buy a new phone."

"Did you lost your phone?" Dad asked.

"No, I broke it," then I smiled at them.

"Need some money?" Daddy knows me well.

I nodded at him, kinuha niya ang wallet niya sa bulsa niya at ibinigay sa akin ang credit card niya, ay hindi pala, dahil 'yun ang card ng isa niyang company.

Isang itim 'yun na card na exclusive lang para sa mga business tycoons at 'yung card na iyon ay unlimited ang perang pumapasok pero hindi ko naman iyon sasagadin.

"Thank you, Dad!" Niyakap ko siya. "You're the best!"

"Dad, your daughter growing up too fast," sabi ni Mommy habang nakatingin sa amin.

"It's okay, as long as she's still a Caraiona and she's living with us. She will always be our baby girl," sabi ni Daddy at pinisil ang pisngi ko.

"Daddy!" I hissed and he just laughed.

"Okay baby, go shopping now," sabi ni Mommy.

"Tell Nelso to drive you," sabi naman ni Daddy.

"No Dad, I will just grab a cab," Daddy nodded at me.

"Take care," sabi ni Mom at tumango ako.

"Bye Mom and Dad, te amo!" Naglakad na ako papalabas ng bahay at mabuti na lang ay may nakita akong taxi na nagdaan ngayon dito sa loob ng village kaya pinara ko.

"Saan po, Ma'am?" tanong nito sa akin.

"Sa SM Mall of Asia po." Tumango ito at nagmaneho na.

Nang makarating ako ng MOA ay agad akong pumunta sa isang cafe at bumili ng frappe. Kailangan ko ng malamig para kumalma naman ang katawan ko.

Nang makabili na ako ay naisipan ko namang maglakad-lakad habang hindi ko pa nauubos ang frappe ko. Hanggang sa may nakita akong nagkakagulo sa may second floor dahil may babaeng nagtatangkang tumalon doon.

Umiiyak siya doon habang nakahawak pa rin sa may rails doon.

"Huwag kayong lalapit! Hayaan niyo akong tumalon!" sigaw nito sa mga taong nagtatakang lumapit sa kaniya.

"Huminto kayo dyan! Huwag kayong lalapit! Hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko! Iniwan ako," sigaw pa nito.

"Excuse me," sabi ko sa mga taong nasa harapan.

Tinangka kong lumapit sa babae. "Ikaw babae ka! Huwag kang lumapit! Tatalon ako!"

"Edi tumalon ka pakialam ko sa 'yo," sabi ko sa kaniya at nanahimik ito.

"Ano bang pinagsasabi ng babae na ito?!"

"Tatalon na nga 'yung babae ginaganyan niya pa?!"

"Anong problema nito?!"

"Miss nababaliw ka na din ba?!"

Sabi ng mga tao sa paligid ko.

"Ako nga eh niloko ako tapos ikaw iniwan ka nagpaalam sayo, sakin bigla-bigla. Alin ang mas masakit ha? 'Di ba 'yung akin?" inis na sabi ko sa kaniya.

"Sige tumalon ka d'yan bali lang ang makukuha mo, sana tumalon ka na lang doon sa dagat para kainin ka na ng pating," dagdag ko pa.

"Ano pang ginagawa mo tumalon ka na!" pamimilit ko sa kaniya.

Mukhang natauhan ang baliw na 'to at bumalik na siya sa maayos na tatayuan. Tumakbo na siya paalis kaya naman umalis na din ako. Kung sana handa na siyang mamatay hindi na siya gagawa pa ng eksena.

Pumasok ako sa Power Mac para bumili ng bagong phone. Tumingin ako ng mas updated sa dati kong phone at ang latest ang binili ko.

Nang matapos kong bayaran ang phone na binili ko ay saka ako muling pumasok sa isa pang shop para bumili ng phone case at SIM card.

Nang mailagay ko na ang SIM ay agad kong tinext sila Mom.

To Mom:

Here's my new phone number😗

Matapos no'n ay lumabas na ako doon saka nagpunta sa isang boutique para bumili ng bagong damit.

Mabilis naman akong nakakita ng gusto kong damit kaya mabilis din akong nakapagbayad. Lumabas ako dala-dala ang apat na shopping bags.

Hanggang sa naisipan kong bumaba at magpunta sa gilid ng bay para makita ang payapang dagat. Huminto ako sa isang bench doon at naupo kahit medyo malayo ako sa dagat ay rinig ko pa din ang lagaslas ng tubig.

While I am listening to the sounds of waves, my phone rang so I pick it up.

"Hello?"

"L-leona..."

Damn it! Where the hell did he get my phone number?!

"Enough with your bullsh*ts, Achilles! Tigilan mo na ko!"

"L-leona please, please listen to me. I will prove my love to you again I promise, so please give me another chance."

"No way! You already ruined my trust Achilles, so don't waste your freaking time to revive this relationship. Because you can't do anything about it!"

"Leona..."

I ended the call then I blocked his number. After that I wipe my tears, hindi ko manlang namalayan na bumaksak na ang luha ko.

Then I stiffed when someone hug me on the back.

"Bitiwan mo ko." Nagtitimpi kong sabi.

Pero mas hinigpitan pa niya ang yakap niya at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko, naramdaman kong nabasa ang leeg ko dahil sa luha niya. Naamoy ko din na amoy alak siya, pero wala akong pakialam.

"P-please, I'm begging you. L-leona please comeback to me, I can't live without you. Please mi amore, I will explain it to you. I-inutusan lang siya ni Papa na lumapit sa akin kaya—"

I cut him off. "Enough."

I stand up, agad namang lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"L-leona please..." he begged.

"Hindi na natin 'to maayos Achilles, sirang-sira na ko ang sakit-sakit na ayaw ko na," tumulo na naman ang luha mula sa mata ko.

"Leona, don't say that please."

"Ayaw ko na Achilles, kasi alam kong kapag sumugal pa ulit ako, ako at ako lang ang masasaktan ulit. Magmumukha akong tanga dahil doon, pagod na ako Achilles itigil na natin 'to," akmang aalis na ako nang hilahin niya ako at lumuhod siya saka niyakap ako.

Nasa tiyan ko ang mukha niya at patuloy siya sa pag-iyak niya dahil ramdam ko ang bawat hikbi niya.

"Stand up, Achilles," pero hindi pa din ito tumayo.

"I said stand up!" I hissed.

Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay saka hinawakan niya iyon na parang ayaw na nitong pakawalan pa.

"Bitiwan mo ko."

"No Leona, because if I let you go I know that you will never be back again," he sincerely said.

Napatingin ako sa mga kamay namin at napatitig ako doon, nakita ko ang bangle na suot ko. Pinilit kong alisin ang kamay ko at nagtagumpay naman ako.

Itinaas ko ang kamay ko saka ko kinuha ang necklace niya at saka ko itinaas ang kamay ko kung nasaan ang bangle na suot ko.

Ipinasok ko ang pendant na susi sa bangle ko na may padlock at ng bumukas 'yun ay tinanggal ko na ang susi at hinawakan ang bangle.

"My bangle and your pendant symbolizes our relationship and remember the day you give this to me?" he nodded.

"That day is our first anniversary and it's been three years since you gave this bangle to me. I never remove this bangle on my wrist because this bangle means a lot for me, and remember what you said?" he nodded again.

"You said, 'Messiah Leona Caraiona, let this bangle and pendant symbolize our love, hindi na kita papakawalan' kaya eto ako ngayon pinakawalan ko na 'yung sarili ko. Hindi na ako bilanggo sa hawlang pinaglagyan mo sa 'kin, hindi na ako alipin ng puso mo," tumulo ang luha ko ng todo.

"Leona, no..." dumausdos din ang luha sa mata niya.

I smiled at him then I speak again. "This may be sound foolish but do me a favor, please tell me when you fall out love."

He stayed silent and I'm thankful for that, I don't think I can still hear a word from him.

"Do me a favor, never say I love you when you kiss another lips, kasi may nasasaktan kang tao isipin mo 'yan. Achilles, I love you," I kissed him on his lips.

"This will be the last time and promise me that, huwag na huwag ka ng mananakit pa ng iba pang babae. Please Achilles, kasi hindi mo nararamdaman 'yung nararamdaman ng tao kapag nasaktan mo, durog na durog ako pero kakayanin ko." Kinuha ko na ang gamit ko.

"For the last time," I kissed him again. "Te amo."

Akala ko hindi na siya magsasalita pa pero nagsalita pa rin siya. "Nasasaktan din ako Leona, sana isipin mo din 'yun dahil tao din ako."

Lumuhod na naman siya at parang nadudurog ang puso ko.

"You know how much I love you," may inilabas siyang maliit na kahon.

"Nasabi ko na sa panginoon na hinding-hindi na kita papakawalan kasi nakikita ko na yung future ko kasama ka—"

"Tama na Achilles, sinasaktan mo lang ako lalo." Naglakad na ako paalis.

"Messiah Leona!"

Parang piniga ang puso ko ng marinig ko ang sigaw niya ng pangalan ko. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito, sana panaginip na lang 'to.

Pero hindi eh hanggang sana na lang iyon dahil nangyari na.