webnovel

Chapter One

GUN

Messiah Leona Caraiona

My whole day was so wonderful, dahil naibalik ko na sa dati ang pagkakaibigan namin ng mga kaibigan ko. Akala ko talaga hindi ko na iyon maibabalik dahil nawalan ako ng oras sa kanila at sila na sa sarili nila ang lumayo sa akin.

Pero ngayong araw naiba na 'yon dahil naibalik ko na at na ayos ko na ang lahat sa amin. Nasabi ko na ang pasensya ko sa mga nagawa ko, nawala 'yung atensyon ko sa kanila.

Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. My friend Yzanne is calling.

"Hi Yzanne!"

I greeted.

"Messiah..."

"Why Yzanne? May problema ba o may nangyari ba?"

"I saw your boyfriend."

Kanina ko pa kasi hinahanap si Achilles dahil sabi ng mga kaibigan niya ay maagang umalis daw ito.

"Where?"

"At the devil's bar."

"Okay, thanks!"

I ended the call, agad ko namang hinanap ang SUV ni Daddy na pinangsusundo sa 'kin ng driver namin.

"Uuwi na po ba kayo ka agad?" bungad na tanong ni Kuya Nelso.

"Nope, idaan niyo po ako dun sa may bar sa kabilang street may dadaanan lang po ako." Tumango naman ito at pinaandar na ang SUV.

Nang makarating na kami sa tapat ng bar ay bumaling akong muli kay Kuya Nelso.

"Kuya alam ko pong gabi na pero magpapaiwan na po ako dito, magpapahatid na lang po ako kay Achilles pauwi," sabi ko kay Kuya Nelso.

"Sige po Lady, sasabihan ko na lang po ang mga magulang niyo," sabi nito na parang nag-aalinlangan pa.

"Thank you po!"

Ako na ang nagbukas at nagsara ng pintuan ng SUV para sa akin at hinintay ko munang makaalis si Kuya Nelso bago ako pumasok sa bar.

"Ma'am, bawal po ang minors sa loob," sabi ng bouncer na nasa may pintuan.

"Excuse me, sinabi mo bang minor ako? For your information nineteen years old na po ako." Yumuko 'yung bouncer saka nagsalita.

"Sorry po, parang bata pa po kasi kayo sa itsura niyo." Pumasok na ako ng binuksan na niya ang pintuan.

Hinagilap ng mata ko sa buong bar ang hinahanap ko pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"A-achilles?" I saw my boyfriend kissing someone else.

"M-mi amore. let me explain plea—" I slapped him.

He deserved it but I know he deserve harder than that.

"Ano pang explain ang sasabihin mo panay kasingungalingan, ha?!" I shouted loudly at his face.

I don't care about the people around us. I just care for myself, so I will hurt this man. He deserve to be hurt and I deserve to be happy without him of course.

"Mi amore—" I cut him off.

"Stop it! Ang sakit sa tainga Achilles! Stop calling me your love! I'm not your love anymore! So, let's cut this shit! Let's cut this relationship!" I hissed.

"Leona sorr—" I walked out, I walked towards to the bar island of this place.

"One shot of vodka please." When the bartender already served my drink I sipped a little bit.

"Keep the change." I put some paper bill on the table enough for my drink and for his tip.

Naglakad ako palapit sa Ex-boyfriend ko na katabi ang kalandian niya. I smiled at her then I spilled the vodka on her head.

"I'm so sorry bitch, I didn't mean to," I chuckled then I glared at her deadly like a hungry tiger ready to attack her prey. "You're such a slut! May girlfriend ang nilalandi mo! Pero wala na akong pakialam dahil sayung-sayo na! Iuwi mo na din 'to." I slapped her hard as I can, then I kicked her.

"Damn you!" she hissed while glaring at me.

Ibinaba ko na ang basong hawak ko then I wave my hand to them, then walk away like a beauty queen with her best signature walk. Naramdaman kong tumayo ang babae kaya agad akong humarap. Natigil sa ere ang kamay niya na hawak ang wine glass na handa nang ibato sa akin.

But I am faster than her, I kicked her again on her stomach. Nang matumba siya ay hinagis niya din sa akin ang wine glass pero agad ko 'yong sinalo.

They arched their eyebrows at me. Nagtataka siguro kung bakit ko sinalo ang wine glass na ibinato sa akin. I walked towards at her then I bend my left knee enough to got her full attention.

"Don't mess up with me, Candy Almero," I know her because I already heard some rumors about her relationship with Achilles.

At first I don't want to believe them because I always keep on my mind that "To see is to believe" Pero ngayong nakita ko na at napatunayan, pinagsisihan ko na ang "to see is to believe" na 'yan.

"W-what the hell are you planning to do, Leona?" I smirked at Achilles.

"Shut the fuck up, bastard," I hissed at him.

Binasag ko ang wine glass sa kamay ko sa harapan ng malanding si Candy Almero,  saka binitawan ko ang basag na baso at nakita ko kung paano tumulo ang dugo sa kamay ko.

Malakas kong sinampal si Candy Almero, naramdaman ko ang sakit sa kamay ko sa pagkakasampal ko ng makapal niyang mukha. Pero mas masakit pa din ang nararamdaman kong galit dahil sa ginawa nila sa akin.

"You dared to mess up with me Candy Almero, good luck to your journey. Lahat ng sakit na nadarama ko ngayon ay ipaparanas ko sa inyo ng triple." I stood up.

But at the same time Candy Almero did the same. Hawak niya ang hawakan ng wine glass at nakatutok sa akin 'yun.

"You bitch! Masusunog ka sa impyerno!" Sinugod niya ako pero naunahan ko siya.

Hinawakan ko ang braso niya nang mahigpit dahilan para mabitawan niya ang bubog na hawak niya.

"Bitch, let me go!" Hinila ko ang buhok niya at ng hindi pa ako nakuntento tinuhod ko ang tiyan niya saka ko siya sinipa dahilan para tumalasik siya sa mapahiga sa lamesang nasa likuran niya.

"Achilles Dela Vega, you can call me if you need some money for her hospital bills. Good bye bastard, fuck you." Tumalikod na ako at pumunta sa may bar island.

"Call your manager."

Agad naman iyon ginawa ng waitress doon at agad kong nakita ang isang lalaking may asul na mga mata.

"Why do you want to talk to me?" His baritone voice sent shivers down to my spine. He's scary.

"I'm Messiah Leona Caraiona."

"I'm Grysion Kilua Devilson." Nakipagkamay siya kaya naman inabot ko ang kamay niya.

"Why do you want to talk to me, Miss Caraiona?" he asked.

"Just Messiah."

"Okay Messiah, bakit mo ko kailangan kausapin?" tanong niya sa akin.

"I want to clear my side okay? Pasensya na sa gulo." I bowed my head a little.

"It's okay, alam ko ang nararamdaman mo at dahil lang sa galit 'yun," sabi niya. Then he chuckled. "Please. don't bow down your head, parang kinakawawa ka naman."

Iniangat ko ang ulo ko. "Sorry."

"It's okay, ako na ang bahala sa mga tao."

"Thank you." I smiled at him.

Ngayong araw ay kailangan ko ng kalimutan na ang lahat ng mga kasinungalingan at kawalanghiyaang ginawa ng lalaking inibig ko ng sobra pero sa huli sasaktan lang pala ako mahirap tanggapin pero kailangan nang tapusin.

"Wanna drink to forget?" he suddenly asked.

"Sure."

"Go on drink all you can, for free."

"Nah, I will pay for it." Tinawag ni Kilua ang isa sa mga waitress ng bar niya.

"Assist her, please." The waitress nodded.

"What can I do for you, Ma'am?"

"Give me some vodka," sabi ko.

"One bottle Ma'am?"

"Yes."

"Are you going to kill yourself?" sabi ni Kilua na nakisawsaw sa usapan.

"Yes."

"You're crazy, Messiah."

"Yes, I am." Inirapan pa ako ng loko.

"Anything else, Ma'am?"

"Just vodka." I ended our conversation.

Umalis na siya at si Kilua naman ay nanatiling katabi ko at nanghingi na din ng sarili niyang inumin.

Oo na baliw kung baliw, inubos ko lang naman ang isang boteng vodka. Fuck my vision is spinning like crazy.

I stand up and pretend like I'm still okay, like I am not drunk. Then someone pulled me.

"Don't touch me!" I hissed.

"Let's dance, baby," he whispered.

"Damn you!" I punched him on his face.

"Fuck!" he cursed.

Lakad takbo akong umalis sa bar hanggang sa nakalabas na ako at naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin sa labas. Umikot na naman ang paningin ko dahil sa dami ng nainom ko, buti na lang nakakalakad pa ako.

Walang dumadaang taxi o kung ano mang pwedeng sakyan dahil alas dose na ng hating gabi araw. I'm sure Mom and Dad will kill me if they found out that I am drunk.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang kung sino mang gising pa sa oras na ito. Pero mukhang malupit talaga si tadhana, lowbat ang cellphone ko.

"Pati ba naman ikaw, iiwan ako!" Inihagis ko ang cellphone ko sa kalsada.

Nagpagewang-gewang ako habang naglalakad at naramdaman ko ang pagbasak ng tubig ulan kaya basang-basa na ako.

"Damn it!" I hissed.

I keep on walking and pretending like I'm not drunk. Pero hindi ko na napigilan at natumba na ako sa daan at may narinig akong nag-preno.

"Are you insane?! What the fuck are you doing, huh?! Trying to kill yourself?!" sigaw ng lalaking nakasakay sa kotseng muntikan ng makasagasa sa akin.

"Yes! I want to kill myself right now!" I also shouted at him then I stand up.

"Then, jump on the river or somewhere else! 'Wag kang mandamay ng ibang tao!" pinaharurot niya paalis ang kotse niya.

"Fuck you! You almost hit me!" I frustratedly shouted.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na kinaya ang bigat ng katawan ko at bigat ng nararamdaman ko. Napaupo na lamang ako sa basa at malamig na kalsada.

Sinapo ko ng palad ko ang mukha ko at humagulgol doon, para lang akong batang inagawan ng candy.

Can someone help me?

I stand up again and try to walk straight but I can't.

"Hey woman!" I heard Achilles' voice.

"Stay away from me, fucker!" I hissed and I stand up again but this time I can't stand up.

Fuck my head is trembling, my whole surrounding is spinning, and my knees started shaking. Nilapitan pa din niya ako at inalalayan.

"Don't touch me!" I wiggled.

"Leona, you're drunk," he hissed.

"I know! Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman sa sarili ko na lasing ako! Uminom nga ko diba?! Sino bang may kasalanan kung bakit ako uminom?! It's all your fault Achilles, just leave me alone!"

"Hindi kita iiwan dito," he said with finality.

"I said just leave me alone!" I punched his chest hard.

"Whether you like it or not, you have no choice Leona, sasama ka sa akin at iuuwi kita, dahil ako pa rin ang boyfriend mo."

"Baliw ka na ba?! Eh wala nga akong boyfriend! Dahil napakag*go ng ex boyfriend ko! Tangina siya pa may ganang manloko!" Binuhat niya ako pasakay sa kotse niya pero nagpumilit akong makaalis sa pagkakabuhat niya.

"Help! Help! Help!" I shouted.

May humintong itim na kotse sa harapan ko akala ko masasagasaan ako nito pero huminto ito bago pa ako mabangga ng harapan ng kotse nito.

"Hop in!" thanks God.

"Leona! Oh come on! Let's go home!" Achilles keep on shouting until I reached the car's door.

Sumakay na ako sa kotse ni Kilua at agad na isinara ang pintuan at pinaharurot agad ni Kilua ang kotse niya.

"Saan ang bahay niyo?" tanong nito sa akin.

"Ayaw ko umuwi ng bahay Kilua, can you help me?" tanong ko naman sa kaniya.

"Sure, you can stay on my house for a while," sabi nito at nakahinga ako ng maluwag.

"T-thanks," I catched my breath.

I can't breathe properly damn it! Maybe I am so tired so I closed my eyes.

"You're just tired Messiah, hindi na babalik pa ang asthma mo."

I tried to convince myself, dahil ayaw na ayaw kong inaatake ako ng asthma. I look so damn weak. Dahil alam ko sa sarili ko na 'I am brave'.

Pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya naman dumilat ako at hinabol ang hininga ko at kasabay no'n ang pagpreno ni Kilua.

"Hey Messiah, are you okay?" tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakalagay sa may clutch at hinigpitan ang hawak doon.

"I c-can't br-bre-athe..." I catched my breath again.

"Hey, hold on," pinatakbo na niya ang sasakyan niya ng mabilis at agad na huminto sa isang pharmacy.

"Hold on okay? Give me a minute," Bumaba na siya at agad na tumakbo papasok sa pharmacy at hindi pa man siya tumatagal ng sobrang tagal ay bumalik na siya.

Binuksan niya ang pintuan sa gilid ko at yumuko siya at nanginginig ang kamay niya habang inilalagay ang gamot sa may inhaler na hawak niya.

Nang maayos na niya iyon ay agad niyang inabot sa akin at ginamit ko na iyon. Isinara niyang muli ang pintuan at sumakay na din siya saka pinaandar ang kotse niya.

Tinanggal ko na sa bibig ko ang inhaler nang alam ko na sa sarili ko na nakakahinga na ako ng maayos.

"Are you okay now?" he asked.

"Y-yep, thank you."

"Tumigil ka na sa kakaiyak na trigger siguro ang asthma mo dahil sa kakaiyak mo at dahil sa haba ng nilakad mo plus pa ang pagpapaulan mo," he sounded like Daddy.

"So, you're my Dad now?" I chuckled.

"I'm not kidding Messiah, mali ang ginawa mo kaya sinesermonan kita. Huwag kang tumawa d'yan." I rolled my eyes at him.

"Opo."

Nang makarating kami sa isang bahay na black and white ang theme, sobrang nagandahan ako sa bahay kahit nasa labas palang kami. Although black and white din ang theme ng bahay namin parang mas bumagay ito sa design ng bahay ni Kilua.

Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan niya akong bumaba at nagpapasalamat ako dahil parang tutumba ako sa kalasingan.

"Welcome to my humble home," he smiled.

"You're alone?" tanong ko sa kaniya.

"Nope, nandyan ang mga maids," I rolled my eyes again.

"I mean...you have some family member or someone like girlfriend?" I curiously asked.

"My Mom and Dad died because of car accident, my big brother died—" I cut him off.

"Stop it, I don't want to hear it anymore." he nodded, naglakad na kami papunta sa may pintuan.

Nang nasa may pintuan na kami at may PIN lang siyang pinindot at nabuksan na ang pintuan.

"Amazing!" parang bata akong tuwang tuwa nang bumukas ang pinto

"Hijo, ginabi ka ata?" sabi ng isang may edad ng babae.

"Dahil sa makulit na babaeng ito." Tinuro pa ako ng loko. "Siya ang dahilan."

"H-hi po..." nahihiya kong sabi.

"Ito ba ang kasintahan mo, hijo?" sabay kaming naubo sa sinabi ng matandang babae.

"Ilang beses ko bang uulitin sa inyo Manang? Wala po akong kasintahan," madiin na sabi ni Kilua.

"Hija, ako nga pala si Flora, at ako ang mayordoma ng bahay na ito." Pagpapakilala nito sa akin kaya tumango ako.

"Messiah po ang pangalan niya," sabi naman ni Kilua.

"Kakain pa ba kayo?" tanong nito sa amin kaya naman agad akong umiling.

"You need to eat, wala ka pa sigurong kinakain at uminom ka," sabi niya sa akin at inalalayan ako papunta sa kung saan.

Hanggang sa nakapasok kami sa kusina at binuhat niya ako paupo sa may high chair.

"Stay here." I nodded like a puppy.

"Hijo, nagluto ako ng tinola," sabi ni Manang Flora.

Yumuko ako dahil ramdam na ng buong katawan ko na inaantok na ako hanggang sa lamunin na ng dilim ang paningin ko.

Nagising ako nang maramdaman kong nauuhaw ako pero pagkaangat ko ng ulo ko ay madilim pa din kaya hinilot ko ang sintido ko. Bumalik sa reyalidad ang utak ko ng makarinig ako ng kasa ng baril.

Then I saw Kilua...

He's pointing his gun at me.

"W-what are you d-doing?" my voice started to stutter.

"I didn't mean to wake you up, I'm sorry. May narinig kasi akong nabasag dito at akala ko may magnanakaw pero pusa lang pala, saka yung naabutan mong nakatutok ang baril ko sa 'yo nagulat lang ako nang bumangon ka," sabi niya at nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit ka nga pala nagising?" tanong niya.

"Nauuhaw ako," sabi ko sa kaniya.

"Okay wait for me." Lumabas na siya sa may pintuan dala-dala ang baril.

Hindi na nagtagal pa at dumating na din siya at inabot sa akin ang baso ng tubig, agad ko naman iyong inubos at ibinalik sa kaniya.

"Thanks," sabi ko.

"Pasensya na ulit kung nagising kita," sabi niya.

Tumango na lamang ako dahil naramdaman ko na naman ang antok ko. Lumapit siya sa akin at inayos ang pagkakalagay ng comforter sa katawan ko.

"Good night again," I nodded again before closing my eyes.

Nang magising ako ay tirik na ang araw kitang kita ko ang sinag na nanggagaling sa may bintana ng kwarto na to.

"Damn it, my head feels so heavy," I whispered.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo at saka kinuha sa gilid ng sink ang toothbrush na hindi na nagagamit dahil may cover pa 'yun.

When I already done brushing my teeth, I washed my face to look presentable, kahit na simpleng pink na oversized shirt at maong na shorts ang suot ko.

Buti na lang talaga may mga damit na pang babae dito sa bahay ni Kilua dahil may kapatid siyang babae pero hindi na ako nagtanong kung nasaan ito.

Kahit hindi ko alam kung saan ang pasikot-sikot sa bahay na ito dahil lasing ako kagabi at hindi ko maalala ay lumabas ako ng kwarto.

Naglakad ako kung saan patungo at mabuti na lamang ay nakita ko ka agad ang hagdanan kaya bumaba ako doon.

Naririnig kong may nag-uusap sa may kusina kaya pumunta ako doon, nakita ko ang dalawang babae doon isang may edad at ang isa ay nasa kinse anyos lang ata, at naka uniform pa ito na papasok pa lang ata.

"H-hi po," kuha ko sa atensyon ng dalawa na agad namang lumingon.

"Pumasok ka dito hija at maupo ka muna at mukhang hindi pa nagigising si Grysion," sabi nito at agad akong pumasok at umupo sa isang high chair doon.

Tumabi sa akin ang batang babae, ngumiti ito sa akin. She look so friendly.

"Hi po." She smiled at me. "Ikaw po ba ang kasintahan ni Kuya Gry? Ang ganda niyo po."

Nasamid ako sa sinabi ng babae kaya napakunot ang noo nito. "Hindi."

"Eh ano niya po kayo?" tanong pa nito.

"We're friends," I think so.

"Oh okay...kayo lang po kasi ang unang babaeng dinala niya dito," sabi nito.

"Oh, I see."

"Ella, anong pinagsasabi mo kay Messiah?" Mukhang nagulat ang babae ng marinig ang boses ni Kilua.

"Nagkukwento lang siya," sabi ko naman.

"Oo nga, Kuya Gry," sabi naman ng babae.

"Ay ako nga po pala si Ella," pagpapakilala nito at inabot ang kamay sa akin kaya inabot ko iyon.

"I'm Messiah," I smiled at her.

"Mukhang bata pa po kayo, ilang taon na po ba kayo?" tanong nito sa akin.

"Nineteen." She nodded.

"Ang bata niyo pa po talaga kung ikukumpara ang edad niyo ni Kuya Gry," bumungisngis ito.

"Ilang taon na ba ang Kuya Gry mo?" pakikisakay ko.

"Twenty two po," sabi nito.

"Tama na 'yan Ella, hindi ako matanda dahil tatatlong taon lang ang agwat ng edad namin," sabi ni Kilua.

"Okay..." Nakangisi pa din ito.

Naghain na ng pagkain ang may edad na babae na Manang Flora daw ang pangalan nito ayon kay Kilua. At ang batang babae pala ay anak nito.

Naging masaya ang habang kumakain kami dahil kay Ella na inaasar pa rin si Kilua sa akin. Dahil sinasabi nito na matanda daw si Kilua para patulan ko.