webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Marcus

"MARCUS? Marcus!" Halos mapatalon siya sa swivel chair nang marinig ang malamyos pero matigas na pagtawag sa pangalan niya. Damn. Nakaidlip pala siya. Hihikab-hikab siya nang iikot ang upuan paharap sa matandang babaeng nakaupo sa tapat ng desk niya. Napangisi si Marcus. Galit ang tingin sa kanya ng ginang na nakataas pa ang manipis na kilay.

"Ikaw bata ka! Paano mo nagagawang matulog habang nakikipag-usap sa kliyente mo?" Kahit kunwaring galit, malambing pa rin ang himig nito.

He rubbed his eyes and smiled smugly. "Ikaw lang naman 'yan, Ninang eh."

Nasa mid-sixties na ang Ninang Felize niya. Second cousin ito ng kanyang ina. Ito lang sa lahat ng mga kamag-anak niyang matatandang babae ang hindi nagpadoktor ng itsura. Wala itong pakialam kahit mapuno ito ng kulubot sa mukha at balat. Sapat na raw dito ang sopistikadang pananamit at tamang hair grooming. Palagi nitong sinasabi na: "It's a beauty I can afford, but not something I can be proud of."

Kaya naman mataas ang respeto niya rito.

"Tsk, tsk. Ikaw talaga oh! Pasalamat ka at ako ang kliyente mong kausap ngayon. Kung nagkataong iba, baka nawalan ka na agad ng project."

"Don't worry, Miss Gorgeous. It's Saturday. Kayo lang talaga ang pwede kong maging client ngayon." Kumindat siya rito. Sapat na iyon para mapatawa at mapalambot muli ang kanyang Ninang.

"Naku, baka naman puro puyat ka na at hindi kumakain nang maayos. I'm just worried about you, Marcus. Baka kasi bumabalik ka na naman sa dati. Noong time na nag-break kayo ng first lov—"

"Details noted, Ninang," paglilihis niya sa usapan saka kunwaring itinuon ang mga mata sa notebook. Nakalista roon ang mga bagay na gustong ipadagdag ni Ninang Felize sa bahay na ipapagawa nito sa kanya.

The old woman fell silent for a short moment. Kabisado nito ang ugali niya kaya't alam nito kung mayroong usapan siyang sadyang iniiwasan. He could be playful and fun to converse with most of the time, but he'd usually turn withdrawn when it comes to a talk about his past.

"So ikaw na ang bahala sa bagong bahay namin ng asawa ko ha. We know naman how great an architect you are, hijo." Pinisil nito ang kamay niya.

He gave her a small warm smile as a reply.

"Paano, mauuna na 'ko at may date pa kami ng Uncle Leo mo." Natawa siya sa kinikilig na reaksyon ni Ninang Felize saka niya ito pinagbuksan ng pinto. Hindi na ito nagpahatid sa labas.

He heaved a sigh as he closed the glass door of his office. Ang totoo, pagod lang talaga siya. Marami siyang inasikaso these past few days dahil nagsunud-sunod ang malalaking projects na natanggap ng firm nila. Some clients were becoming a pain in his ass. Maraming pinapabago, maraming pinapadagdag na detalye sa last minute. Pasalamat sila't professional siya at mahaba pa ang kanyang pasensya. Kung hindi lang talaga biglang nag-resign ang project manager nila, napabilis sana ang pagtapos sa lahat. Bagsak tuloy sa kanya ang lahat ng trabaho dahil wala pa silang makuhang matinong kapalit.

Another heavy sigh escaped his lips. Hell, he really needed a rest. Gusto pa sana niyang mag-stay upang tapusin ang pending works—para less work load na next week—pero talagang malapit nang bumigay ang katawan niya. Ilang araw na ba siyang puyat? Ah, kailangan niya ng mahabang tulog. He just wished he didn't look anything close to shit yet. Siya na ang kahit kilalang subsob sa trabaho, hindi naman pabaya sa physique. Kahit busy, sinisigurado pa rin niyang in shape siya palagi.

Binanat-banat niya ang kanyang leeg. "'Gonna call it a day." He then grabbed his car keys and went home.

***

NADATNAN ni Marcus si Sam sa condo na naka-apron pa at katatapos lang mag-prepare ng dinner. Sinalubong siya nito sa sala.

"Ay sakto lang ang dating mo, irog. Ready na ang special beef stew na niluto ko para sa'yo. Gusto mo ba ng masahe after?" Pumupungay-pungay pa ang singkit na mga mata ng bading niyang kaibigan na sinimulang pisil-pisilin ang kanyang mga balikat.

"Gusto mong palayasin kita?" pabirong banta niya.

"'Eto naman, parang hindi ka mabiro o! Kumain ka na nga." Lumaki at lumalim bigla ang boses nito sabay hampas sa likod niya. Natawa siya saka siya sumunod dito sa kusina. Matalik niyang kaibigan si Sam simula pa noong high school. He definitely had straight male and female friends, but no one got close to him like Sam did. Pamilya na kasi ang turing niya rito at talaga namang sa lahat, ito ang pinagkakatiwalaan niya nang lubos. Si Sam din ang naging karamay niya noong mga panahong nawalan siya ng gana sa buhay. Noong mga panahong depressed siya nang dahil sa isang babae. Their closeness had always been something special.

"Baka kambal tayo sa past life natin, Marcus. Pinaghiwalay lang tayo ni Lord sa lifetime na ito dahil hindi raw ako pwedeng maging anak ni Madam," minsang hirit ni Sam.

"'Uy nga pala, anong nangyari sa twenty-second date na ni-set up ni Madam sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang."

"Okay lang?" Nagtaas ng kilay si Sam. "Hoy Marcus Santillez, kilala kita mula ulo hanggang talampakan. Since Miss Number Eighteen, hindi mo na sinisipot ang mga date mo. Tsk, tsk. Lagot ka naman sa nanay mo."

A phone ring jolted him. Madali niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon.

"Huhulaan ko, si Madam 'yan 'no?" ani Sam.

"Speaking of the devil," Marcus sighed and reluctantly answered the call.

"What is this I heard that you stood up your date with Senator Medina's daughter? Nakakahiya sa papa niya!"

Natawa siya sa reaksyon ni Sam. Nauna na itong magtakip ng tainga. "How's your trip, Mom? I've missed you."

"Don't change the subject, Marcus!"

Pinigil niya ang pagbungisngis. Nai-imagine niya ang nanlalaking mga mata ng ina at ang galit nitong mukha. Base sa medyo tahimik na tunog ng background, pihado siyang nasa kotse ang mommy niya at pauwi na sa Laguna. Kagagaling lang nito mula sa business trips sa Bangkok at Taipei.

"Dalawang linggo na ang lumipas, Mom. I'm sure Ashley Medina is already dating someone else by now."

"You brat! We need to talk." His mother now spoke in her famous composed but tyrannical voice.

"Mom, we're talking now."

"Mag-usap tayo d'yan sa condo mo."

"Tomorrow?" He shrugged. " Sure."

"Not tomorrow, son. Now. I'm on my way."

"What?! Mom—Shit!" Dali-dali siyang napatayo nang biglang putulin ng ina ang tawag.

"Bakit?" tanong ni Sam na ngumunguya-nguya pa.

"Papunta si Mommy dito ngayon."

Napabuga ito ng kinain. "What?! Magpapakita si Madam sungit—as in now? Kabilugan ba ng buwan ngayon?"

Dumiretso siya sa kwarto at madaling kinuha ang laptop. Hindi na siya nag-empake ng pampalit dahil lagi naman siyang may nakahandang overnight rucksack sa kotse. "Pakisabi kay Mommy, umalis ako at hindi mo alam kung nasa'n ako."

"Ako ang iiwan mo ditong haharap sa mader mo?" sigaw nito.

"Uh-hum."

"Marcus, gusto mo bang sunugin ako ng dragon eyes no'n? Siguradong ako ang tatalakan ng nanay mo kapag nakitang wala ka dito."

"Close naman kayo eh."

"Nagpapatawa ka ba? Maramdaman ko pa lang ang presensya niya, nanginginig na ang brain cells ko. Hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanya nang hindi niya ako tatarayan."

Lumabas siya ng kuwarto bitbit ang laptop.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sam.

"I'm staying in a hotel tonight."