webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Just A Night With Him

"WALA pa siya dito?" paglilinaw ni Reeze sa sinabi ng receptionist. Kararating lang niya sa Benidez Hotel at agad niyang hinanap si Martha.

"Yes, Miss Reeze. Pero binilin niya po na mag-stay raw muna kayo sa room na 'to." Iniabot nito sa kanya ang susi ng room 275. Old school talaga ang style ng papa ni Martha. Mechanical keys pa rin ang ginagamit dito imbes na electronic key cards. Gusto kasi ng Uncle Glenn niya na i-preserve ang 1970s classic ambience ng Benidez Hotel.

Nasa tapat na siya ng elevator nang tawagan niya si Martha. "Where are you? Akala ko ba nandito ka na?"

"May dinaanan lang akong friend. Pero on the way na 'ko. Mag-relax ka muna sa room na pina-reserve ko. Wait me there."

"Okay." Pinindot niya ang end button. Pabagsak siyang umupo sa kama nang marating ang room 275. Nang mapabaling sa dambuhalang salamin, tumapat siya roon at sinipat ang sarili. Sinigurado niyang kaakit-akit na ang kanyang hitsura. She looked taller because of her red stiletto. Terno roon ang kulay ng nail polish niya sa kamay at paa. Naka-brown cocoon coat siya na lampas tuhod ang haba. Balot siya ng ganito lamang mula sa bahay. Under her coat was a pink silk lace nightie. No bra. Just a sexy thong. Para easy access at wala nang drama.

Just a one night stand. Aminado siyang may pagka-liberated siya, pero hindi naman siya katulad ng ibang babae na basta-basta pinapahain ang sarili sa kung kani-kaninong lalaki. Kaya itong revenge sex para kay Martha, kaya ba niya? Mang-aakit siya ng isang lalaking ngayon pa lamang niya makikita. Isang lalaking nanggago sa pinsan niya.

And with a video… Pahamak na coaster iyon!

The wall clock displayed ten o' clock. Nagpadala muna siya ng wine. Mas mabuti nang lasing siya kapag ginawa ang evil plan ng pinsan niya.

"Why are you drinking?" Narinig niya ang boses ni Martha mula sa likuran. Hindi pala niya namalayang nakapasok na ito.

"Oh you're there. Uminom lang ako nang konti. Kailangan ko 'to 'no. Pa'no kung mukhang kuhol pala 'yong ex mo?"

"Anong akala mo sa standards ko? Guwapo 'yon siyempre. Here's the video cam. Pinili ko talaga 'yong medyo maliit para hindi ka mahirapan sa pagtago n'yan. Bahala ka na kung paano mo itatago o kung saan mo ipupuwesto."

Inabot nito sa kanya ang video camera na kasing-laki ng palad niya. Sinuri niya agad ang specs niyon. "Ako na'ng bahala dito."

"And here's the key. Natagalan pa 'ko sa pagkuha n'yan dahil sinuhulan ko pa 'yong isang staff na tulungan akong sungkitin 'yan sa bulsa ni Felipe." Ang tinutukoy nitong Felipe ay ang matandang manager ng Benidez Hotel. Nag-flash sa isip niya ang isang panot at masungit na lalaki.

"Kinuntsaba ko pa 'yong security team, kaya be careful with that ha. That's the master key and it could open all the guestrooms here. Kapag na-misplace mo 'yan o may ibang nakaalam na hawak mo 'yan, lagot tayo pareho," dagdag nito.

"Don't worry, 'cuz."

Humugot ng hangin si Martha. "I'm breaking every rule here, Reeze—sa sarili naming hotel. So please do this as neatly as possible, and quietly."

Tumango siya. They both knew how ugly everything could turn out once Martha's father learned about their scheme. Mabait si Uncle Glenn, at hindi niya gugustuhing magalit ito sa kanya o sa sarili nitong anak.

"Napadala ko na ang wine kanina sa kwarto ni Arthur. Knowing him, lalo na kapag alam niyang libre, sure na susunggaban niya 'yon agad ng inom. Walanghiya 'yon eh," saad pa ng pinsan.

"Paano mo nagawa 'to lahat sa isang araw lang?" manghang tanong niya kay Martha.

"Matalino ako eh. Sige na, pumunta ka na. Just call me when you're done. And by the way, Arthur's room is 309. Oh wait, are you on the pill?"

"Of course. Teka, sigurado kang walang sakit 'yung ex mo ha."

"Oo naman 'no!"

She shrugged, grabbed everything she needed and went out. Maayos siyang nakarating sa upper floor pero nagsimula siyang mahilo nang maglakad na siya sa hallway. Ngayon pa lamang nagki-kick in nang tuluyan ang alcohol sa sistema niya. Lumalabo nang kaunti ang kanyang paningin at tila ba sumasayaw ang paligid.

"302… 303…" Hindi niya alam kung nababasa pa niya nang malinaw ang room numbers. Puro number three na lang ang kumakaway sa paningin niya. Shit. Gaano ba katapang ang alak na ininom niya? She couldn't screw this up. Not now.

Huminto siya saglit sa paglalakad at pilit kinundisyon ang sarili. Buti na lang at sanay siya sa high heels dahil kung hindi ay baka kanina pa siya natapilok. She stopped in front of a room. "Ito na siguro 'yon." Inilabas niya ang master key saka marahang binuksan ang pinto.

Bahala na si Batman.

***

PATAY ang ilaw pero bukas ang lampshade kaya't may liwanag pa rin sa loob kahit papaano. Nadaanan ni Reeze ang banyo at narinig niya ang malakas na paglagaslas ng tubig. Mukhang nagsya-shower si Arthur. She sighed and smiled in relief. At least, mapapadali sa kanya ang trabaho.

Inilibot niya ang mga mata sa buong kuwarto. "Akala ko ba nagpadala ng wine si Martha?" Wala naman siyang makitang bote ng alak. May brown rucksack na nakapatong sa couch, may pantalon at polo shirt na maayos na nakasampay sa rack. Isang laptop ang nasa ibabaw ng coffee table. Nakabukas iyon at sa screen ay may nakabalandrang 3D model ng animo palapag ng bahay.

"Tch. Nag-check in siya sa hotel para magtrabaho?"

Inilabas niya ang video cam saka ito isiningit sa mga accent pieces na naka-display sa TV rack. Itinago rin niya sa likod ang pouch na naglalaman ng susi at phone niya. She switched the camcorder on, started the recording and flipped her hair back.

Humugot siya ng malalim na hininga.

Just a night with him Reeze and everything will be over, page-encourage niya sa sarili. Nakaupo siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si—

Ooh la la…

There he was, standing with his gloriously half-naked body, fresh from the shower… hot in every way! How she wanted to take a photo of him and frame it. Isasabit niya sa dingding ng kanyang kuwarto at pagpapantasyahan gabi-gabi. Arthur was a freakin' hunk! Not too massive pero well-defined ang biceps at muscles sa katawan. Ang yummy tignan ng katawan nitong may patak-patak pa ng tubig.

At ang abs…

Bruha ka Martha! Paano ka nagka-fiancee nang ganito?

Nag-init ang paningin niya sa sexy V-line ng kupal. How could he turn her on just by standing there with nothing but a white towel? Mukha tuloy siyang batang naglalaway sa isang dambuhalang caramel cake.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Who are you?" Pinutol ng husky at guwapong boses nito ang pagpapantasya niya. Pero mas lalo lamang yata siyang nalunod sa himig nito. She wanted to hear him say her name and groan with it!

Pati boses, appetizer na?

Umakyat sa mukha ng lalaki ang makasalanang mga mata niya. There was a small glow casted on half of his handsome face from the bathroom light, giving him a dangerous but enthralling look. Nakagat niya ang ibabang labi.

"Paano ka nakapasok dito?" Nang tumalikod si Arthur upang suriin ang pinto, noon lamang siya natauhan. Mas matindi pa yata ang naging tama ng presensya nito sa kanya kaysa sa matapang na alak na ininom niya kanina.

Hinubad niya ang coat at maharot na humakbang palapit kay Arthur. Nang harapin siya nitong muli ay halos isang pulgada na lamang ang pagitan nila. Nagtagal ang mga mata nito sa nakaumbok niyang dibdib. The masculine scent of his shower gel filled her nostrils and for a second, she held her breath. He smelled sex and trouble. Nagsisimula nang mag-alab ang buong sistema niya. Really, Reeze? Agad-agad?

Matangkad si Arthur na siguradong mababa siya sa balikat nito kung hindi siya naka-heels. At that moment, she only had to tip her head up a bit to see him. His face looked dusky in this proximity, but she could swear how good-looking he was. He looked so freaking sexy with his wet hair. Madalas na hindi appetizing sa paningin niya ang lalaking basa ang makapal na buhok. Pero iba si Arthur. Iba ang dating nito sa kanya.

Bago pa niya maisip gawin, tinunton na ng mga daliri niya ang palibot ng maanggulong panga ni Arthur. His fine stubble tickled her fingertips. Gumalaw ang adam's apple ng lalaki. Nakatitig pala ito sa nakaawang niyang mga labi. And oh, his sensual lips… Red and wet. Cherry with honey.

"What are you doing?" pagaw na bulong ni Arthur. Bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng katawan niya nang biglang sakupin ng dalawa nitong kamay ang kanyang manipis na baywang. His hands were big and powerful. The peaks of her breasts hardened, her core throbbed in need and anticipation.

She was ready to feel him.

She wanted him.