webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Reeze

Present day

"NAMATAYAN ka ba, Martha? Tirik na tirik ang araw, naka-all black ka. Ba't ka ba nandito?" unfriendly na tanong ni Reeze sa pinsan nang isang umaga ay puntahan siya nito sa kanyang apartment. Itim na itim ang get up nito magmula sa sapatos, sa skirt at blouse, at sa Cleopatra Clutch nito.

Si Martha Benidez ang pangalawang anak ng CEO ng Benidez Hotel Group. Kaaway niya ito since birth. The last time she saw her cousin was three or four months ago. Ngayon ay bago na naman ang hairstyle ng lukaret. Bob cut na kinulayan ng buttermilk blonde.

Bumagsak ito ng upo sa armchair at bumuntung-hininga. "I need your help, Reeze."

"Help, huh?" Dumakot siya ng popcorn at tamad na ngumuya. Kanina lang ay busy siya sa panonood ng Season 23 ng America's Next Top Model. Reeze was working as a freelance photographer, kaya naman kapag wala siyang raket o gala sa labas, madalas ay nasa bahay lang siya. Napilitan lamang siyang ihinto ang kanyang TV marathon nang dahil sa istorbo niyang pinsan.

Inalok niya ang bucket ng popcorn kay Martha pero tumanggi ito. "Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa kasal ko, hindi ba?"

"Alin, 'yong hindi ka sinipot ng fiancée mo?" Pinadalhan siya ng pinsan ng wedding invitation pero hindi siya pumunta.

"Lagyan mo naman ng konting sympathy 'yang tono mo!"

"Anong gusto mo, i-console kita? Pang-apat ka na sa angkan natin na na-letse ang kasal. Anong bago sa sitwasyon mo?" Dalawang pinsan nila ang ikakasal na dapat noon pero parehong iniwang nganga sa altar ng mga groom. Their aunt suffered the same miserable fate as well.

"Pero mas grabe naman ang nangyari sa 'kin. On the day of our wedding, nahuli ko ang fiancée ko na nakikipag-sex sa friend ko. Sa isa sa mga bridesmaid ko! 'Tapos sila naman ang magpapakasal ngayon? Ang sakit-sakit kaya!" Lumukot ang mukha ni Martha. "Nilimas pa ni Arthur ang laman ng joint account namin."

"Ganyan ka ka-tanga?" Napangiwi siya. "Bakit ka naman kasi nag-open ng account kasama siya? Ikaw lang naman yata ang naglalagay ng laman doon."

"Eh sa ikakasal na nga kami. Natural na 'yon 'no!"

Reeze rolled her eyes. Kung pwede lang, iuuntog niya ang ulo ng pinsan sa pader na puro pako. Ilang beses na itong naloko ng lalaki pero hindi pa rin nadadala. May itsura naman si Martha at matalino academically. Pero kung bakit wala ni isang lalaking nagseryoso rito, wala siyang ideya.

"Sobrang sakit kaya ng ginawa sa 'kin ni Arthur," sabi nito.

"Hindi ka kaya mukhang apektado d'yan." Dinampot niya ang baso ng pineapple juice mula sa center table.

"I am! Naubos na lang talaga ang luha ko kaya hindi ako makaiyak sa harap mo."

She shrugged, looking apathetic. "So anong tulong ang kailangan mo sa 'kin?"

"I want you to have sex with my ex-fiancee!"

Muntik na niyang maibuga ang ininom. "What?!"

"Bingi lang? I said I want you to—"

"Baliw ka na ba, Martha?"

Parang hindi siya narinig ng pinsan. Nakatingin ito sa malayo na animo kontrabida sa isang teleserye. "Sinadya akong lokohin ng dalawang 'yon? Pwes, gagantihan ko sila!"

"At ako ang gagamitin mo?" Luka-luka na yata talaga ang pinsan niya.

"Yes, my dear Reezelda Anne. I know naman na expert ka sa mga dirty job na ganito eh." Martha smiled wickedly. "Remember, Dominic? Harry? 'Yong mga naging boyfriend ko noon na basta mo na lang nilandi at inagaw mula sa 'kin?"

She produced a lazy chuckle. "Naalala mo pa 'yon?" Totoong naging mang-aagaw siya noong high school at college days nila, pero dahil lamang iyon sa kagustuhan niyang inisin si Martha. Masyado kasing maarte at pabida ang pinsan niya noon.

"Of course, bitch! Hindi ko basta-basta makakalimutan 'yon. But let's not talk more about the past, mas mahalaga ang present. So, are you in?"

Tumaas ang kilay niya. "Anong in?'Wag mo nga akong idamay d'yan sa kalokohan mo, Martha. Just hire a damn hooker and leave me alone!"

"Sa tingin mo ba, hindi ko pa sinubukan 'yan? Dalawang beses na 'kong nagbayad ng female escorts, pero pareho silang tinanggihan ni Arthur." Nanggigil muli si Martha. "Ang walanghiyang 'yon, nakuha pa raw magdahilan na kesyo ikakasal na at gustong maging faithful kay Patricia. Pero n'ong sa 'kin, ang dali niyang nakapagloko!"

Napailing na lamang si Reeze. Hindi siya interesadong makinig pa sa drama ng pinsan.

Tinabihan na siya ni Martha, nakikiusap ang anyo. "Sige na, Reeze, please? Sigurado akong hindi ka matatanggihan ni Arthur dahil mga katulad mo ang type niya. If you meet Patricia, you'll know what I mean." Sandali nitong sinagiran ng tingin ang kabuuuan niya. "I'm desperately asking for your help."

"Anong akala mo sa katawan ko, car-for-rent na ipapa-drive mo sa ex-fiancee mo?"

"All you need to do is sleep with him. Just a one night stand," ungot nito.

"At kapag nagpa-freebie ako ng katawan, nakaganti ka na no'n?"

"Gaga! Siyempre hindi lang 'yon gano'n. Gusto kong i-record mo sa video ang gagawin n'yo."

Napanganga siya.

"Pagkatapos, ipapapanood ko sa malandi kong kaibigan." Nang mag-emote na naman si Martha na parang kontrabidang luka-luka, na-realize niyang seryoso nga ito. "Tignan ko lang kung hindi siya magwala sa galit!"

"Gusto mo bang sugurin ako ng babaeng 'yon?"

"Patricia doesn't know you naman eh." Lumabi ito. "And if ever, ako na'ng bahala d'on. Importante lang naman na makita niya kung gaano ka-unfaithful ang lalaking inagaw niya sa 'kin."

Deadma siyang pumunta sa kusina para mag-refill ng juice. Hindi pa siya hibang para gawin ang sinabi ng pinsan niya. She should like the guy first before she could agree to sleep with him. Kumbaga, kailangang may makita muna siyang point of interest bago pindutin ang shutter button ng camera. Paano kung mukhang paa pala ang fiancee nito? Hindi pa niya nakikita ang lalaki. Matagal na siyang nawalan ng interes na kilalanin ang mga nagiging nobyo ng pinsan.

"Reeze, please?" Sinundan siya ni Martha, bitbit pa ang bag. "Ganito na lang, may ibibigay akong kapalit, basta pumayag ka lang sa request ko."

"Like what? Money? Get out of my apartment, witch! I'm not a whore." Tinalikuran niya itong muli.

"Fine. You leave me no choice." Narinig niya na parang may hinahalungkat ang pinsan na kung ano sa bag. "I'm claiming this now." Inilapag nito sa dining table ang pamilyar na coaster ng Jeloney's Grill. Sa likod niyon ay may handwritten note na: "I owe you one, M.B." May pirma pa niya iyon sa baba.

Oh my.

Four years ago, desperadong humingi siya ng tulong sa pinsan para mahanap ang papa niya. They made the deal at a resto-bar, and Reeze gave the coaster to Martha as a token of quid pro quo. Ang akala niya ay naiwala na iyon ng babae.

"Akala mo siguro, nakalimutan ko na ang tungkol d'yan ano?" Naka-maldita smile si Martha nang harapin niya itong muli. "Last resort ko talaga 'yan."

Bumagsak ang mga balikat niya. Kasama sa ipinangako niya noon na tatanggapin ang kahit anong pabor na hihingin sa kanya ni Martha balang araw. Gaano man kahirap. Gaano man kaimposible.

I really shouldn't have made a deal with a devil.

"Fine, I'll do it. Sabihin mo kung saan at kelan, ako na ang bahala."

Nagliwanag ang mukha ng bruha. "Nasa Benidez Hotel siya ngayon, actually."

Napangiwi siya. "At talagang nag-check-in pa siya sa hotel n'yo? Bakit ka pumayag?"

"We can't use personal reasons to ban him, Reeze. Guest pa rin siya eh. Talagang makapal lang ang pagmumukha ng lalaking 'yon at gusto akong inisin. Pero okay na rin, para mas mapadali ang balak kong mangyari. Tonight, pumunta ka sa hotel. Ibibigay ko sa'yo ang master key."

"'Tapos?"

"Magpapadala ako ng wine sa kuwarto niya. Mas mabuti nang lasing siya para siguradong may mangyayari sa inyo. Make sure na makukunan ng video 'yon ha. Pagkatapos, um-exit ka na."