webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Kill Me Now

"SEDUCING you, handsome." Reeze smiled provocatively. Nanginig ang katawan ni Arthur nang dumausdos ang mga daliri niya sa malamig at matigas nitong dibdib. Her red-coated nails and slender fingers looked beautiful against his beige skin. Smooth and no scars. Pang-anak-mayaman ang kutis. Sigurado ba si Martha na ito ang gagong nanghuthot ng pera dito?

"Are you going to stop me?" she whispered. Aktong ilalapat niya ang mga labi sa ilalim ng panga ni Arthur nang bigla siya nitong hawakan sa magkabilang braso at tiim-bagang siyang pinakatitigan. Nanlamig siyang isipin na baka hindi tumalab ang pang-aakit niya.

Sasakalin kita kapag ni-reject mo 'ko!

"Yes, I will stop you," mapanganib nitong banta. At ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla nitong angkinin ang mga labi niya.

Arthur was a damn good kisser. Bigla-bigla ay nakalimutan ni Reeze ang lahat ng lalaking nakatalik niya noon. She couldn't stop herself from moaning against his soft and warm lips. Gigil ang mga kamay ng lalaki habang pumipisil sa bawat bahagi ng malambot niyang katawan. As if he was a hungry lion and she was the best prey he had ever caught in his entire life.

The idea had turned her on more.

Napasinghap siya nang pumasok ang isang kamay ni Arthur sa loob ng kanyang saplot at buong layang nilukob ang kanyang dibdib. His thumb gently grazed her erect nipple. His hand was still cold from the shower, but his touch was scorching. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.

"Who are you?" he asked, panting.

"You don't need to know." Senswal na humaplos ang mga kamay niya mula sa pantay na balikat ni Arthur, sa matipuno nitong dibdib… pababa sa matigas nitong tiyan. Her fingers were teasing above the knot of his towel. Naramdaman niyang lalong nag-igting ang kalamnan nito. Pinapungay niya ang mga mata nang salubungin ang tingin ng lalaki.

"Tell me your name." She liked his tone of subtle authority. He grabbed her bottom and pressed her soft body against his. She moaned when she felt his hardness. He was clearly aroused, and she knew he wanted her so badly.

"Mahalaga pa ba 'yon?"

"I want to know." Hinalikan nito ang puno ng kanyang tainga. He licked the side of her neck, her shoulder… tasting her like a sweet delight. Sumabunot ang mga daliri niya sa basang buhok ng lalaki nang dumapo ang mga labi nito sa ibabaw ng kanyang dibdib. He suckled her nipple against the thin fabric and she was aching to take the freakin' cloth off.

Nag-angat ng mukha sa kanya si Arthur, ang mga mata ay lunod sa magkahalong pagtataka at pagnanasa. "Why are you here?"

Mapang-akit siyang ngumiti at kinalas ang tuwalya nito. "Just shut up and play with me, handsome."

Muling sinakop ni Arthur ang mga labi niya. Mas matagal. Mas pangahas. It was so intoxicating that Reeze was having a hard time remembering why she was there. Naramdaman na lamang niya na pinangko siya ng lalaki at maingat na inihiga sa kama. Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang-gilid niya. She could feel his hardness rubbing against her thighs. He was... big. Natutukso siyang iangat ang kanyang balakang upang ipagtama ang dapat ipagtama.

Arthur was studying her face, an amused smile playing on his wet lips. "I don't know who you are and how you got inside my room. But I damn hope you're not just an illusion."

Reeze ran her fingers from his chest down to his abs. And when she wrapped her hand around his shaft, Arthur groaned helplessly. "So much for an illusion, huh?" she teased.

Ngumiti si Arthur saka siya ginawaran ng maiksing halik. Pagkuwa'y tumayo ito at nilapitan ang rack kung saan nakasabit ang pantalon nito. He took out his wallet and pulled out a pack of condom.

Umupo si Reeze sa kama at buong-layang pinagmasdan ang likod ni Arthur, hanggang sa humantong ang mga mata niya sa firm nitong pang-upo. He was perfect. "I'm on the pill just so you know," simpleng sabi niya. "And I'm clean."

Parang modelong rumarampa na humakbang patungo sa kanya si Arthur. The sight of his arousal overwhelmed her. She felt hot as hell.

"I believe you, sweetheart. But you can't be too careful these days. Nasa shower lang ako kanina pero paglabas ko, may naghihintay na sa 'king magandang babae sa kama." Yumuko ito upang hagkan ang mga labi niya. "Other than making you mine tonight, I'm not gonna risk anything else."

"Fair enough." She smiled and took off her sleepwear. Nang muli siyang ihiga ni Arthur sa kama, nagsimula nang mablangko ang isip niya.

***

PUPUNGAS-PUNGAS si Reeze nang mapansin ang pagpasok ng liwanag mula sa floor-to-ceiling glass window ng kuwarto. Kunot-noo siyang napalingon sa lalaking nakatalikod sa kanya saka pilit inalala ang nangyari.

Nang maramdamang gumalaw si Arthur kagabi matapos ang pagtatalik nila ay nagtulug-tulugan lamang siya. Hinintay niya itong pumasok sa banyo bago siya maingat na tumayo mula sa kama. She made sure the video was saved before she turned the camcorder off. Saka siya muling nagpanggap na tulog. Ano't natuluyan siya?

She poked Arthur's back, checking if he's still asleep. Nang makuntento, marahan siyang bumangon at isa-isang dinampot ang mga damit. Nang lapitan niya ang pinagtaguan ng mga gamit, narinig niya ang malakas na pag-vibrate ng cellphone niya. Napamura siya nang mahina. Nakalimutan pala niya iyong i-off. Buti na lang at walang tumawag sa kanya kagabi.

Martha. Agad niyang kinansela ang tawag at nagpasyang mag-text na lang sa pinsan. Alerto siyang napalingon nang umungol si Arthur. Higit niya ang kanyang hininga sa takot na magising ito bigla. Tumihaya ito sa kama pero nakapikit pa rin.

Okay, hindi pa siya gising, she sighed in relief.

May na-send yata siyang message pero hindi na niya iyon tinignan. Dali-dali siyang nagbihis, hinakot ang mga gamit saka tahimik na tinungo ang pintuan. Sandali siyang huminto para sulyapan si Arthur.

"Sayang ka. If you weren't such a jerk," sambit niya.

Paglabas ng kwarto, napamulagat siya nang makitang naglalakad sa hallway si Martha. Sinalubong niya ito halfway. "Hindi ka naman excited n'yan? Kailangan talagang sunduin pa 'ko?"

"'Yong text mo kasi hindi ko maintindihan. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa'yo at—anong ginawa mo sa room na 'yan?" Namimilog ang mga mata ng pinsang nakatingala sa pinto ng kwartong pinanggalingan niya.

"Anong klaseng tanong 'yan? 'Tapos na ang pinagagawa mo. May nangyari na sa 'min ng ex-fiancee mo. Happy now?" Inabot niya rito ang video camera.

Laglag ang pangang tinignan siya ng pinsan. "What are you saying, Reeze? Hindi naman 'yan ang kuwarto ni Arthur."

"Huh?"

"Room 309. Not 306!"

"30—what?" Napanganga siya't napasinghap nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto sa likuran niya. Nag-slow motion ang ulo niya palingon sa gwapong lalaking nakasandal sa hamba ng pinto, nakasuot ng white robe, at nakakrus ang mga braso. Nakangisi ito.

"Thank you for crashing into my room last night. I really enjoyed it," kaswal na sabi ng lalaking nakatalik niya.

"Reeze, sino 'yang lalaking 'yan?" takang bulong ni Martha.

"Aba malay ko."

"Malay mo pero nakipag-sex ka sa kanya?"

Tumingala siya at binasa ang room number. 306.

Holy moly.

Balik sa mukha ng lalaki ang mga mata niya. Pinamulahan siya mula ulo hanggang talampakan. Malinaw na nag-flashback sa isip niya ang mga nangyari kagabi na parang live scandal na nagpe-play sa harap niya.

"Just shut up and play with me, handsome…"

She had spread her legs for a complete stranger?

"Reeze, umalis na tayo!" Niyugyog siya ni Martha.

"Bakit?" Wala na siya sa sarili.

"Anong bakit? Palabas si Arthur ng kuwarto oh! Hindi kami pwedeng magkita nang ganito. Gusto mo bang maging warzone 'tong hotel namin?"

Natanaw niya ang lalaking palabas ng room 309. Nakatalikod ang totoong Arthur at may kausap sa telepono. Bago pa siya makapagsalita, hila-hila na siya ni Martha palayo.

She glanced over her shoulder. Nangingislap pa rin ang mga mata ng lalaking nakatalik niya kagabi.

Kill me now. Please.