webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

Room Crasher

"TANGA lang? Nagkamali ng kuwartong pinasukan?" singhal sa kanya ni Martha nang makabalik sila sa room 275.

Bagsak ang mukha niyang nakatampal sa noo ang kamay. She was sitting on the edge of the bed and she looked like shit. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hang over. Ano bang kagagahan ang nagawa niya kagabi?

"Bingi ka ba o hindi ka lang marunong magbasa ng room number? 309, Reezelda! Bakit sa 306 ka napunta?"

She looked up at her cousin who was furiously pacing back and forth in front of her. "I was drunk, remember? Nahilo ako kaya siguro hindi ko nabasa nang maayos ang room number."

"Eh kung hindi ka naman kasi gaga, uminom ka pa ng sobrang tapang na wine kagabi." Huminto si Martha sa tapat niya at nagpamaywang. "You screwed everything up!"

Napikon na siya. "Kung makapagsalita ka, parang ang laki ng nawala sa'yo! Ano naman ang tingin mo sa nangyari sa 'kin?" She was obviously not talking about her virginity, but about her dignity for Christ's sake! Ihain daw ba niya nang libre ang katawan sa kung sinong lalaki?

"Kasalanan mo 'yan!" Pabagsak na umupo ang pinsan sa tabi niya, panay ang iritableng pakawala ng hangin. Maya-maya lang ay umusod ito palapit sa kanya at naging mapag-usisa ang itsura. "But tell me, did something really happen between you and that stranger?"

Umarko ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Sa tingin mo ba magiging ganito ang itsura ko kung wala?"

Martha cleared her throat, big eyes beaming. "Infairness, guwapo siya ha."

Kanina lang ay gusto na siyang sakmalin ng pinsan, tapos ngayon, change mood agad? Kung minsan, gusto niyang isipin na bipolar si Martha. "Nakita mo ba kung paano niya 'ko tignan at ngitian nang nakakaloko?" Uminit na naman ang ulo niya nang maalala kung paano siya pinagmasdan ng ungas. He made her feel like she's a cheap whore!

Saka siya may biglang naalala. Hinagilap niya ang video cam at in-on pero—no card? Mabilis niyang sinilip ang memory card slot. Walang laman. Imposible! Sigurado siyang nai-save pa niya nang maayos ang video kagabi.

"Saan napunta 'yon?"

"Ang alin?" tanong ni Martha.

"'Yung memory card. Wala dito." She double-checked the cam but it was still empty. Wala rin sa loob ng pouch o kahit sa kama.

"Hindi ba natanggal, nalaglag or something?"

"Imposible. Ngayon ko lang naman 'to binuksan—" Naalala niya ang lalaki sa room 306. Posible kayang kinuha nito ang memory card? Pero sigurado siyang wala itong alam tungkol sa video cam na itinago niya.

Nag-vibrate ang phone niya. Unknown caller.

"Hello?"

"Hi room-crasher." Namilipit ang mga bituka niya nang marinig ang pamilyar na husky and handsome voice na iyon. Mas lively nga lang iyon ngayon kumpara kagabi. In her mind, she could hear him groaning and panting just like last night—while he was wildly pounding inside her.

Nakagat niya ang ibabang labi. Nagkamali siya ng pasok ng kwarto. Nagkamali siya ng inakit na lalaki. May mas tatanga pa ba sa kanya?

"Still remember me?"

"S-Sino 'to?" pagmamaang-maangan niya.

Tumawa ito. "Oh c'mon, nakalimot ka na agad? After what we did last night?"

"Paano mo nalaman ang number ko?" Kinabahan siya bigla.

"Hmm… I just did a little chat with a female hotel staff, Miss Reeze." Ganoong kabilis ito nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Anong kailangan mo sa 'kin?"

"Well, I think ikaw ang may kailangan sa 'kin."

She squirmed in her seat. "So nasa'yo nga 'yung memory card?"

"Uh-hum."

Muntik nang dumulas sa kamay niya ang aparato. "P-Pero paano—"

"If you want it, let's meet up. Tatawagan ulit kita," sabay putol nito sa linya.

Siniko siya ni Martha. "Ano raw sabi?"

Matagal naging blangko ang kanyang mukha. Saka siya biglang humiyaw nang pagkalakas-lakas at sinabunutan ang sarili.

***

"HAY NAKU, Marcus. Alam mo bang nagka-near death experience na naman ako nang dumating ang mommy mo dito kagabi? Aba, habang tinatalakan ako ni Madam, kumakaway na sa 'kin si Lucifer. 'Sabi niya, malapit na due date ko."

Kauuwi lang ni Marcus sa condo unit nila. He was tired. Drained. And hungry. Napangiti siya sa naalalang dahilan niyon. Dumiretso siya sa kusina. May nakasalang nang brewed coffee sa coffee maker. Nagsalin siya sa isang tasa.

"Nakakaloka ka talaga! Sa tuwing tatakasan mo si Madam, ako palagi ang pinangsasalo mo ng galit niya." Nakapamaywang si Sam sa entryway ng kitchen area. "Para pa namang whirlpool ang bibig ng nanay mo. Nanghihigop ng pagkatao! Sabi niya, sinusulsulan daw kita na 'wag siputin ang mga date mo. Na bad influence raw ako sa'yo at dapat na 'kong lumayas sa condo mo."

Bumagsak siya ng upo sa tapat ng mesa at dumampot ng wheat bread. Muling gumitaw sa alaala niya ang magandang mukha ni Reeze. Her sexy eyes and pouty lips… When he first saw her sitting on the bed, he thought he was just hallucinating. Paano nga ba naman kasi itong nakapasok sa kuwarto niya kagabi nang basta-basta? Sigurado siyang naka-lock ang pinto bago siya nag-shower. But fuck the how's and why's. All his reasoning had been blown away the moment he smelled her sweet and seductive scent. Mabilis na rumagasa ang pagnanasa sa mga ugat niya nang masilayan ang kaakit-akit nitong katawan. Her full breasts bouncing, sensuous hips swaying… She sauntered toward him like a goddess of sex in a pink nightgown.

At siya ay isang mortal na pinagpala.

"Bilin ni Madam na kapag umuwi ka na raw, tawagan mo agad siya."

Napangisi muli si Marcus.

"'Ay 'nakanang froglet! High ka ba? Naglalabas ako ng sama ng loob dito, oh!" Pumitik-pitik si Sam sa harapan niya. "Anong meron?"

"Nothing. I just had fun last night." Inangat niya ang coffee mug.

"Fun?" Umupo si Sam sa tapat niya. "Ano 'yan, nakahanap ka ng playmate kagabi at niyaya mo sa playground?"

He chuckled. "Sorta. A playmate slash room-crasher."

"Room-crasher?"

"May isang lasing na babaeng basta na lang pumasok sa kuwarto ko."

"A hooker?"

Umiling siya.

"Pinagsamantalahan mo naman?"

"She seduced me."

"Malamang lasing eh. Walang alam si girlaloo sa pinaggagagawa niya." Dumampot na rin si Sam ng tinapay sabay pasak nito sa bibig.

"Nope. She was still sane, kaya nga nagawa pa niyang ipuwesto ang camcorder." Nang mapalapit sila ni Reeze sa TV rack, napansin niya agad ang ga-tuldok na pulang liwanag sa pagitan ng accent pieces. Kahit medyo madilim, madali niyang na-realize na camcorder ang nakatago roon. And it was on. He knew what was happening but still, he didn't make her stop.

Hell, it was hard to make Reeze stop.

"Camcorder?" Namilog ang singkit na mga mata ni Sam. "Bakit, balak niyang gumawa ng scandal with you?"

"I don't know." He shrugged.

Nagpalaman ng peanut butter si Sam sa tinapay at tumingin sa malayo. "Hmm… hindi kaya pakana 'to ng competitors ng firm n'yo? 'Di ba may rumor na 'yong presentation n'yo ang balak i-approve ng ICS bank para sa renovation-chuchu ng main office building nila? Bongga 'yon, right? Baka balak kang siraan n'ung karibal n'yong firm, para sa kanila mapunta 'yung prowject."

"I don't think so, Sam. I'm a goddamn architect at anong masisira sa 'kin ng isang sex video?" Sam's theory had crossed his mind last night, but he found no sense about it at all. Sa industriyang ginagalawan niya, competence ang mas mahalaga. No one would give a damn about his sex life. Just one a look at him and everyone would surely shut up.

Napalabi si Sam. "Sabagay. Pero ano nga kayang trip ng haliparotang 'yon? Alangan namang nag-eenie meenie miney mo lang 'yon ng hotel rooms at na-random pick 'yong sa'yo? Pero paano siya nakapasok? At bongga siya ha. Ni-video-han pa. Pero teka nga, hinayaan mo siyang mag-fly away tangay-tangay ang video?"

"I have the memory card." He gave Sam a sly smile. Kinuha niya ang cellphone maya-maya at tinitigan ang contact number ni Reeze.

"Inabot sa'yo na parang souvenir?"

"I stole it."

Sige pa rin sa paglamon ng tinapay si Sam nang hindi inaalis ang mulagat na tingin sa kanya. "'Tapos sisirain mo?"

Umiling siya.

"Bakit parang hindi big deal sa'yo ang dahilan ni girlaloo?" Matagal siyang pinag-aralan ni Sam bago ito pumalatak. "Hala ka, sinasabi ko na nga ba eh! Kaya pala hindi ka mukhang concerned doon sa video, ang habol mo kasi, 'yong babae mismo!"