webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Three

Angelica Pov.

Hindi maalis ang kasiyahan ko sa natanggap kong imbitasyon, nagpadala narin ako ng mensahe doon at hinihintay ko lamang, limang daang libong piso. sobra pa sa halagang kailangan ko.

kasalukuyan akong nakaharap ngayon sa laptop ng kaklase ko, hiniram ko lamang ito dahil wala kaming pambili. hinihintay ko ang mensaheng matatanggap ko galing sa nerve.

ilang minuto pa at ako ay nakatulog, ngunit agad nagising ang aking diwa noong biglag tumunog at nag vibrate ang laptop na nakapataong sa aking hita.

N E R V E IS CALLING....

Answer or Decline

agad na nabuhayan ang kaninang natutulog kong diwa, agad agad ko itong sinagot. ngunit may lumabas pa ulit na isang mensahe.

Kill your bestfriend for 500,000 pesos.

ACCEPT or DECLINE

agad nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking nabasa, tila hindi makapaniwala.

ngunit agad akong nasilaw sa perang nakahain, napag desisyunan kona. papatayin kita.

agad kong pinindot ang ACCEPT.

You are now official player, do it before february 15.

tinignan ko ang aming kalendaryo, february 10.

apat na araw..apat na araw ko tatapusin ito at gagaling na ang kapatid ko.

POV

Ngayon ay nandito ako sa tapat ng matalik na kaibigan ko

'Patawad jas' ang tanging nasa isip ko

Kailangang kailangan ko ng pera para maipagamot ang kapatid ko at eto nalang ang tangin paraan.

Gabi na kaya naman ay hinda ako masyadong kita at kaunti na lamang ang mga tao.

Unti unti na akong umakyat sa bakod nila, laking pasasalamat ko dahil hindi sila ganoon kayaman para magkaroon ng cctv, o ng mamahaling gate pa. Dahil bakod lamang ito, madali akong makakapasok sakanila.

Tanging kutsilyo lamang ang aking hawak upang pumatay.

Pag ikot ko sa doorknob nila ay mukha namang kampi saakin ang tadhana dahil hindi ito naka lock.

Dahan dahan akong pumasok sa loob, walang ginagawang kahit na ano mang ingay. Ngunit kailangan ko parin magingat dahil kahoy ang aking tinatapakan, maari itong gumawa ng anumang ingay.

Binuksan ko ang kwartong una komg makita at kung seswertihin nga naman ay si jas agad ang unang tumambad saakin, tulog at walang kamuang muang.

Bago ko gawin ang masama kong balak ay pinagmasdan ko muna sya, tumulo ang aking luha sa kanyang pisnge dahilan upang magising sya.

"a-angelica anong ginagawa mo dito?" Tanong nya, at walang alinlangan kong tinakpan ng unan ang kanyang buong mukha sabay pinagsasaksak sya ng ilang beses hanggang sa mawalan na sya ng buhay.

Bago ako umalis ay sinigurado ko munang wala akong maiiwang ebidensya na makakapag pahamak sa akin.

From: NERVE

Congratulation Angelica Vasquez! You did great, your prize is on your way.

Agad sumilay ang tuwa saakin, mapapagamot kona ang kapatid ko.

Ngunit pano nila nalaman na napatay kona ang kaibigan ko, nandito ba sila?