webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Four

Agaser pov.

"Isang babae ang patay ng madatnan ito ng kanyang magulang, halos isang daang saksak ang tinamo ng biktima, ayon sa kanyang mga magulang ay nadatnan na lamang nila ito kinabukasan na wala ng buhay at duguan na ang dalaga, ito ay nangangalang jasmine mendoza, ito po si-"

"Ateeee!!" Sigaw ko kay ate angelica

"Bakit anong nangyari agaser?!" Tarantang tanong nya pababa ng hagdan

Naiiyak ako dahil may pinagsamahan din kami ni ate jasmine dahil kada walang pasok ay dito sya tumatambay.

"Ate si ate jasmine wala na" sabi ko habang humahagulgol

"Shh tama na" pagpapagaan nya sa loob ko habang nanood ng balita tungkol kay ate jas.

Nakayuko lang akong umiiyak kaya hindi ko nakikita ang reaction ni ate pero malamang sa malamang ay sya ang pinaka nasaktan dahil sa pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan.

Angelica POV.

Natatakot ako, natatakot akong baka mahuli ako ng mga police, nakuha kona ang 500,00 at mamaya ay papaoperahan kona si agaser.

"Tahan na agaser, may surpresa ako sayo" pagtatahan ko

Unti unti naman syang tumingin saakin at pinunasan ang kanyang luha

"May pera na tayo pang paopera mo" nakangiting saad ko

"Talaga ateee?!" Masayang sigaw nya

"Oo agaser kaya bukas ay pupunta na tayo sa hospital" nakangiti kong sagot

"Pero san ka naman nakakuha ng pera ate?" Tanong nya, hindi na ako nakasagot dahil biglang may nag chat sa laptop.

From: Nerve

This is your second challenge angelica.

Flirt with your ex and make them brake for 100,000 pesos.

Accept or Decline

Ex? Si rey lang naman ang ex ko na pinagpalit ako dahil sa girlfriend nya ngayon and nabalitaan ko na hanggang ngayon ay sila parin.

Madali lang toh para sa 100,00. Pero kailangan kopa ba ng pera?

"Ate kasya ba yan para rin sa mga gamot?" Singit ni agaser

"Oo naman, kasyang kasya toh" sagot ko

'Accepted' pindot ko.

'Hindi na natin kailangan pang maghirap agaser' sabi ko sa isip ko.