webnovel

Weapons

NAGISING si Jessica na nasa isang silid at nakahiga sa kama. Simple lang ang silid na nasa kanya; 'yung kama'ng hinihigaan niya ay malaki at katulad ito ng Spanish era na kama. Meaning, may apat na poste sa bawat kanto nito at may kurtina. May maliit ding mesa sa tabi ng kama'ng hinihigaan niya, may malaking bintana na pwede kang mag-harakiri at duyan-duyan. At dahil katulad ito ng Spanish era na silid malaki ang nasabing lugar.

Jessica: (babangon) Asan ako? (ililibot ang paningin) Bumalik ba ako sa nakaraan? O panaginip na naman ba ito? (sasampalin ang sarili) Aray… (titingnan ang sarili) Pantulog?

Purin: (lalapit kay Jessica) Riiii!

Lacerta: (boses) Mabuti't gising ka na.

(nakasandal pintuan si Lacerta habang nakahalukipkip at mahaba ang kulay kayumanggi niyang kasuotan)

Jessica: (lilingon) Lacerta? P-paanong…

Lacerta: Si Purin ang nagpalit sa 'yo ng damit. Isa siyang diwata kaya hindi malabong gawin 'yon.

Jessica: (titingin sa tabi) Quatre? (gulat)

Okay, tama lang na maging mapagmasid sa paligid pero di naman ata tama na di mo pansinin ang tao sa tabi mo, sa tingin mo?

Lacerta: Masyado siya nag-alala sa 'yo. Hindi ka niya pinabuhat sa akin matapos ang laban. Hmm… (tatalikod) Sa totoo lang, iba ka sa kanilang lahat dahil madali mong nagagamit ang iyong kapangyarihan. Lamang, tila hindi pa sanay ang iyong katawan. (lalakad) Handa na ang pagkain, mabuti pa'ng gisingin mo na rin ang iba.

Jessica: Ang totoo, nagagamit ko ang kapangyarihan ko sa aming mundo, ngunit hindi para makipaglaban.

Lacerta: (titigil) Huh? (taka)

Jessica: Ah, wala, sige susunod na lang kami sa baba.

--- Nang mawala sa paningin niya si Lacerta, pinagmasdan niya si Quatre na tulog sa tabi ng kama. Maamo siya kung tutuusin pero parang antipatiko siya pag gising.

Jessica: (sa isip) Bakit gan'on? 'Pag tulog siya ang amo niyang tingnan… Sana tulog na lang siya parati para maamo s'yang tingnan… di naman pwede 'yun. (gigisingin si Quatre) Quatre, gising na.

Quatre: (gigising) J-Jessica?

Jessica: Sabi ni Lacerta, handa na daw ang almusal.

Quatre: Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?

Jessica: (ngingiti) Oo naman. Salamat. Alam mo sa totoo lang, nag-panic ako nang mapahamak sina Andrea at Ardell tapos wala ka... h-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko... (luluha)

Quatre: (ipa-pat si Jessica sa ulo) Ako din, nag-alala ako ng husto sa ginawa mo. Hangal ka talaga. (tatayo)

Jessica: Quatre...

Quatre: Tayo na nga.

Jessica: (magpupunas ng luha) 'Eto na nga… (tatayo)

HAPAG

Habang kumakain sila…

Jessica: Lacerta, asan nga pala si Purin? Gusto ko kasi siyang pasalamatan ng personal.

Lacerta: (sweatdrops)

Quatre: (sasapuin ang ulo)

Andrea: Seriously, hindi mo kilala si Purin?

Jessica: (blank stare) Sa tingin mo ba itatanong ko kung alam ko?

Ardell: Si Purin… ayun oh.

--- Tinuro ni Ardell ang asul na bilugang diwata na naghahanda ng pagkain nila.

Jessica: Siya si Purin? (kukunin si Purin at kakargahin) wow!

Lacerta: Isa siyang diwata. Isang diwata na taliwas sa inilalarawan sa mundo ninyo.

Jessica: Oo nga, pwede ko ba siyang kunin at alagaan sa mundo namin?

Purin: (sweatdrops) riii…

Ardell: Sinabi mo'ng isa siyang diwatang iba sa nilalarawan ng mundo namin. Ibig ba nitong sabihin, nakabisita ka na sa amin?

Purin: (taka) ???

Lacerta: Hindi pa. Pero noong hirangin ang unang Magic Warriors, may isang nagsabi sa 'kin kung ano ang diwata sa mundo n'yo.

Andrea: Well, technically…

Jessica: Andrea, baka gusto mo namang magsalita sa paraang maiintindihan ka nila?

Andrea: Sorry na… (kay Lacerta) … ibig kong sabihin, sa mundo namin, kathang isip lang ang mga diwata.

Lacerta: Ganoon ba?

Quatre: Pero kung may nahirang nang Magic Warriors, ano'ng nangyari sa kanila?

Lacerta: Nasawi ang iba sa kanila, habang tumakas naman ang iba at nawalan na rin kami ng balita.

Jessica: Taihen desu ne. [that's tough isn't it?]

Quatre: Hai, so desu. [Yes it is]

Andrea: Pang-ilan na ba kami?

Lacerta: Pang-lima na kayo.

Jessica: Kung tama ang pagkakatanda ko sa kwento ni Adelaide este, ng Mahal na Reyna, anim ang mga pulseras at nasira ang dalawa… bakit iyon nasira?

Lacerta: Ginamit ang pulseras ng lupa at hangin upang ikulong ang pinakamasama at pinakamakapangyarihang Algolino sa lahat.

Ardell: Iyan ba ay isang bagay na dapat namin ikatuwa o dapat namin ikabahala?

Lacerta: Isang bagay na dapat ninyong ikabahala…

Andrea: eh? Bakit?

Lacerta: Darating ang panahon na gigising siya sa halik ng isang mortal.

Jessica: Ang lakas maka-sleeping beauty ah. Babae ba ito?

Lacerta: Lalaki ito.

Jessica: Male edition… pero parang narinig ko na 'yan… (isip-isip) Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang magising sa tulong ng isang halik.

Lacerta: Sino?

Jessica: Iyon nga ang hindi ko maalala… (sa isip) Sino nga ba?

Lacerta: (tatayo) Siya nga pala, hindi ko pa kayo kilala ng husto. Ano nga palang pangalan ninyo?

Jessica: Oo nga pala. Ako si Sarah Jessica Orville.

Andrea: Ako si Andrea Martini.

Ardell: Ako si Ardell Chi- Xan Li

Quatre: Ako si Quatre Nevin Triumvir.

Lacerta: Ipagpatuloy ninyo lang ang inyong pagkain, mamaya lang ay magsisimula na tayong gumawa ng inyong armas. (aalis)

Ardell: Sige.

BAHAY NI LACERTA. LABAS.

DUMATING ang dapit hapon at nagsimula na sila sa paglikha ng armas.

Lacerta: (ilalabas ang mga metal)

Jessica: wow!

Lacerta: Ang tawag dito ay rigel. Dito sa Angelice o maging sa Algolia, ginagamit namin ang isip namin sa paglikha ng armas.

Andrea: Ang galing.

Lacerta: Ang kapangyarihan ng rigel ay nagmumula sa kidlat. Si Quatre ang mauuna.

Quatre: (lalapit)

Lacerta: Handa ka na ba?

Quatre: Oo.

Lacerta: Kung ganoon, ipikit mo ang iyong mga mata.

Quatre: (pipikit)

--- Napunta si Quatre sa mundo kung saan puno iyon ng kadiliman.

Quatre: Asan ako?

(aatakihin ng uwak)

Quatre: (tatamaan sa pisngi) Uwak?

--- Muling umatake ang uwak sa kanya.

Quatre: (iilag)

--- Sina Andrea, habang pinapanood si Quatre…

Andrea: (takot) Ano'ng nangyayari?

Jessica: Hindi ko alam eh…

Ardell: (pagpapawisan)

--- Biglang bumagsak si Quatre saka sumabog ang rigel.

Andrea, Ardell, Jessica: (sabay-sabay na yuyuko)

(mawawala ang usok)

Lacerta: Tapos na.

--- Pagtingin nila sa braso ni Quatre may nakakabit na rito'ng busog sa braso niya at ang mga palaso ay sa hita niya.

Quatre: (gigising)

Ardell: (lalapit) Quatre, ayos ka lang ba?

Quatre: (tatango)

Ardell: (aalalayang tumayo si Quatre)

Lacerta: Ang sunod na rigel ay sa tubig.

Andrea: Ano? (gulat) Ako agad?! Bakit? (hihilahin ng tela ni Lacerta) AAAAAAAAHHH!!!

--- Sa panaginip ni Andrea, isang babae ang nakita niyang sumasayaw.

Andrea: Ma?

Rose: Do you still remember this dance? (ihahagis ang isang baton kay Andrea)

Andrea: Yes… I am.

Rose: Can you show it to me?

Andrea: (ngingiti) Sure…

--- Parang hamog na nawala ang harang sa rigel ni Andrea.

Quatre: (mamamangha sa nakita)

Ardell: Baton?

Jessica: (magpapaikot ng patpat na parang majorette) tatatatatatatatata!!

Quatre, Ardell: (sweatdrops) basag.

--- Si Ardell naman ang sumunod at dinala siya ng rigel sa panahong sinasanay siya ni Master Shin.

Master Shin: Ardell, saluhin mo ito! (titira ng apoy)

Ardell: (iilag agad)

Master Shin: (bubuga ng apoy)

Ardell: Nyah! (iilag)

Master Shin: hindi ka magiging malakas sa pag-ilag mong 'yan kailangan mong lumaban!

Ardell: Opo Master Shin!

--- Hinugot ni Ardell sa tabi ang ispadang nakabaon sa isang bato.

Ardell: handa na 'ko!

Master Shin: Heto na!

Ardell: (handspins) Fire thrower! (bubuga ng apoy)

--- Nagliyab bigla ang paligid na agad inagapan nina Andrea at Jessica. Isang nagliliyab na ispada ang naging sandata ni Ardell. Dahil tameme ang tatlo, wala silang nagawa kundi ang super epic na slow clap.

Quatre: Excellent.

Andrea: Brilliant.

Jessica: Awesome!

--- At ang huli, si Jessica.

Jessica: Asan ako?

Shizuku: (darating) Jessica.

Jessica: (lilingon at poporma) Sino ka?!

Shizuku: Ako si Shizuku… Ang dating reyna ng Algolia.

Jessica: Kung ganoon…

Shizuku: Hindi ako isang kalaban. Narito ako upang makipag-usap.

Jessica: Ano'ng kailangan mo?

Shizuku: Tungkol ito sa iyong misyon.

Jessica: Misyon? Bilang isang Magic Warrior?

Shizuku: (tatango)

Jessica: Bakit nag-aaway ng dalawang bayan ng dahil sa mga hiyas?

Shizuku: Si Reinjenna, ang kasalukuyang reyna ng Algolia ay nais makuha ang kapangyarihan ng mga hiyas upang angkinin ang mundong ito at ang mundo ng mga mortal. Samantalang si Adelaide, ang reyna ng Sangatsu ay nababalot ng takot dahil sa kaganapan ng isang propesiya.

Jessica: Sinasabi mo ba sa amin na hindi din namin dapat pagkatiwalaan si Adelaide?

Shizuku: Hindi sa ganoon.

Jessica: Kung ganoon,ano?

Shizuku: Upang maputol ang ugnayan ng mga mortal sa mundo'ng ito kailangang maibalik ninyo sa dambana ang mga hiyas at sambitin ang orasyon sa pag-aalis ng nasabing ugnayan.

Jessica: Sino'ng gagawa niyon?

Shizuku: Ikaw.

Jessica: AKO???

Shizuku: Jessica, walang nagmamay-ari sa mga hiyas. Hindi ang Sangatsu at lalong hindi ang Algolia. Ikaw lamang ang tanging may kakayahan na gawin ito.

Jessica: Paano?

Shizuku: Ang susi na nasa iyong mga kamay.

Jessica: (akmang kukunin ang susi)

(kikidlat)

Jessica, Shizuku: (magugulat)

Jessica: Ano yon?

Shizuku: Masama ito… natunton tayo ni Raiden!

Jessica: Sino 'yon?

---- Sina Lacerta naman…

Ardell: Lacerta, bakit?

Lacerta: Hindi ko alam ngunit hindi nabubuo ang armas ni Jessica.

Ardell: Ano?

Andrea: Ano nang mangyayari sa kanya?

Lacerta: Habang buhay na siyang makakatulog .

Andrea: (magugulat)

Quatre: Hindi maari!

--- Maya- maya pa, binalot ng itim na usok si Jessica.

Lacerta: Nasa panganib si Jessica.

Ardell, Andrea, Quatre: Ano?!

Lacerta: (sa isip) Hindi maganda ito. Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Mabibigo na naman ba kami?

IBANG DIMENSYON.

NAGPAKITA kina Jessica ang isang itim na dragon. Maya-maya pa, naging tao ito.

Shizuku: (gimbal)

Jessica: (taka)

Raiden: Kamusta ka Shizuku? Kay tagal nating 'di nagkita.

Shizuku: Anong ginagawa mo rito Raiden?

Raiden: Narito ako para alamin kung nasaan ang aking anak.

Jessica: (sa sarili) Anak?

Shizuku: Matagal na s'yang patay sa mundo ng mga mortal! Ipagpaumanhin mo ngunit kasama ko siyang namatay sa mundo ng mga mortal!

Raiden: Hindi totoo 'yan! Dahil kung totoo man ang sinasabi mo, hindi na sana ipapatawag pa ng mga pulseras ang mga bagong mandirigma. At nararamdaman kong buhay ang anak ko na siya ang natatangi kong tagapagmana!

Shizuku: Kung buhay man ang anak ko, hindi ko hahayaan na mapunta siya sa mga kamay mo!

Raiden: tingnan natin ang tigas mo! (titira ng itim na kapangyarihan)

Shizuku: (sasalagin iyon)

Jessica: Shizuku!

Shizuku: (tatalsik at babagsak) Ah!

Jessica: (lalapit) Shizuku…

Raiden: Ilabas mo ang anak ko! (titira ulit)

--- Sa pagkakataong iyon, lumikha si Jessica ng pader na yelo para harangan sila. Bagama't nasira din iyon, nagawa nitong protektahan ang dalawang babae.

Raiden: Ikaw…

Jessica: Hindi ko alam kung anong nangyayari rito. Pero may kutob akong kaguluhan ang dala mo sa amin.

Raiden: (kay Shizuku) Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?

Shizuku: Hindi na kailangan.

Jessica: Ako si Jessica. Ang mandirigmang yelo.

Shizuku: (sweatdrops)

Raiden: Kung ganoon Jessica, dalawa lang ang kailangan ko; ang anak ko na siyang tagapagmana ng aking kapangyarihan at ang mundong ito! (titira ulit)

Jessica: (iilag buhat si Shizuku)

--- Nang makadistansya sila...

Jessica: Crystalline Icicle!

Raiden: (lilikha ng harang)

Jessica: (ngitngit)

Shizuku: Jessica, hindi mo siya matatalo sa lagay mo ngayon!

Raiden: Tama siya bata… Ako ang dating hari ng Algolia at ang pinakamakapangyarihang Algolino sa lahat. At kahit si Adelaide ay bigo din na matalo ako. Hahahahaha!

Jessica: Pwes, sa akin ka babagsak!

Raiden: Tingnan natin ang tapang mo.

--- Binuksan ni Jessica ang mga bisig niya na tila handang tanggapin ang lahat.

Jessica: Snow Power!!!(sa isip) tulungan mo 'kong matalo ang kalaban… Sinasamo ko ang kapangyarihan ng pulseras ng yelo… ibigay sa akin ang kapangyarihang tatalo sa kalaban ko!

BAHAY NI LACERTA. LABAS.

Habang nag-aalala ang lahat dahil sa pagbalot ng itim na usok sa katawan ni Jessica...

Quatre: Lacerta, wala ba tayong magagawa para tulungan siya?

Lacerta: (kaba) W-wala. Tanging magdasal lang ang magagawa natin para sa kanya. Kung hindi niya maliligtasan ang nangyayari sa kanya, lalamunin siya ng itim na usok na bumabalot sa kanya ngayon.

Andrea: Hindi… (takot)

Ardell: Tingnan n'yo.

--- Nabigla sila nang makitang lumalakas ang aura ni Jessica.

Lacerta: Lumalaban siya.

Quatre: (ngingiti)

--- Lumapit si Quatre at naglabas siya ng bola ng kidlat.

Quatre: Jessica, tanggapin mo ito.

IBANG DIMENSYON.

Jessica: Snow Crystal Light!

Raiden: (tatamaan at makukuryente) Arrrgh!!!

Jessica: (gulat) May kasamang kidlat? (titingnan ang dibdib) Kung ganoon…

--- Nakita niya sa kanyang isipan na ipinagdarasal ng mga kaibigan niya ang kanyang kaligtasan.

Jessica: Quatre… (titingnan si Raiden)

Raiden: (babangon) Magaling dahil nagawa mo kong daplisan ng mahina mong kapangyarihan! (bubuga ng kidlat)

Jessica: (iilag pero madadaplisan pa rin) AH!

Shizuku: Jessica! (babangon at ilalabas ang sibat)

Raiden: Sayang naman kung tatapusin agad kita…

Shizuku: Raiden!!! (susugod)

(naglabas ng mga galamay si Raiden at iginapos si Shizuku.)

Jessica: Shizuku!

Raiden: At ikaw… (ituturo ng mga galamay) Binibigyan kita ng pagkakataon na maging isa sa mga alagad ko.

Jessica: damn you, patayin mo na lang ako!

Raiden: Katulad ka ni Shizuku… katulad ka ng aking asawa.

Jessica: A-asawa? (titingnan si Shizuku)

Shizuku: Oo Jessica...

Raiden: Si Shizuku ay isang Magic Warrior kasama nina Adelaide. At lingid sa kaalaman ng reyna ng Sangatsu, si Shizuku ay anak ng isang mortal sa isang Sangian. Inibig ko siya sa taglay na katapangan. Kaya naman ginamit ko ang mundo ng mga mortal upang pakasalan niya ako at ginamit ko ag aking kapangyarihan upang maangkin siya ng tuluyan. Nagbunga ang naganap sa aming dalawa at magkakaroon sana kami ng isang anak. Ngunit, nang maganap ang huling digmaan, pinatay ni Adelaide si Shizuku habang nagdadalang tao sa aming anak. Ngunit… alam kong buhay pa ang aking anak.

Jessica: (bigla)

Shizuku: Jessica, huwag kang padadala sa mga sinasabi niya! (kay Raiden) Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na kasama kong nasawi ang aking anak!

(lalong hihigpit ang gapos sa kanya) AH!

Raiden: Tumigil ka! Wala kang karapatang ipagdamot ang aking anak dahil siya ang tutupad sa itinakda, ang gugunaw sa Sangatsu!

Jessica: Crystalline Icicle!!!

Raiden: (sasalagin iyon) Grrrr!

Jessica: Hindi kami papayag! Hindi kami papayag na gunawin mo ang mundo'ng ito kasama ng mundo ng mga mortal, pipigilan kita!

Raiden: Manahimik ka! (titira ulit)

Jessica: (tatama sa bato) Ah!

Raiden: Pinili mo ang iyong kamatayan. Sige, pagbibigyan kita!

Shizuku: Icicle chain!!!!

--- Nakawala si Shizuku sa gapos at maagap na sinangga ang atake ni Raiden para kay Jessica.

Shizuku: Hindi ako makakapayag na saktan mo pati ang mundo ng mga Mortal!

Raiden: Walang makakapigil sa akin. (lalakas ang aura)

Shizuku, Jessica: (tatalsik)

Raiden: (aatakihin si Jessica) Mamatay ka!

Jessica: (pipikit)

--- Bago pa nakalapit si Raiden, isang harang ang ginawa ng kwintas na matagal nang nasa kanya.

BAHAY NI LACERTA. LABAS

Nahulog ang kwintas ni Jessica na emblem ng planet Mercury.

Lacerta: (pupulitin ang nahulog) Saan niya nakuha ito?

Quatre: Iyan?

Ardell: Matagal nang nasa kanya iyan. Pero 'di ko alam kung saan galing.

Lacerta: (titingnan ang rigel at ibabato ang kwintas)

IBANG DIMENSYON

Habang sinasalag ng kwintas ang atake ni Raiden, ibinato ni Shizuku ang sibat niya sa kwintas at nabuo ang panibagong sibat kasabay ng pagsabog.

Raiden: (susugod)

Jessica: (kukunin agad ang sibat at sasalagin ang atake ni Raiden)

Raiden: (mapapaatras)

Jessica: (susugod) Heto'ng bagay sa 'yo!!! (hihiwain si Raiden)

Raiden: (maglalaho)

--- Sumabog ang rigel kina Lacerta at sa pagkakataong iyon, inagapan naman iyon ni Ardell dahil sa kapangyarihan ng yelo. Nakita nilang nakatayo si Jessica sa gitna ng malamig na paligid at hawak ang kwintas.

Jessica: (didilat) N-nagawa ko… (babagsak)

Quatre: Jessica! (sasaluhin agad si Jessica)

Lacerta: Kamusta siya?

Quatre: Nawalan siya ng malay…

Andrea, Ardell: haay…