webnovel

LACERTA

ALGOLIA

SA trono ni Reinjenna kung saan nakaharap sa kaniya ang 3 misteryosang babae na nagtatago sa dilim.

Mari: Ina, natalo si Jordi sa laban. At nakuha na ng mga mandirigma ang hiyas ng lupa.

Reinjenna: Oo. Bukod pa roon, lalong lumalakas ang kapangyarihan ni Kazuma.

Mari: K-kung ganoon…

Reinjenna: Ngayon na ang kaganapan ng propesiya. Isa sa mga hinirang na Magic Warriors ang gigising kay Kazuma.

(silence)

Reinjenna: Mari, (tatayo sa trono) Hanapin mo sa apat na Magic Warrior ang taong bubuhay kay Kazuma.

--- Lumabas sa dilim ang isang babaeng matangkad, balingkinitan, kulay asul na langit ang buhok niyang mahaba, maputi at nakasuot ng mahabang kimono.

Mari: Masusunod! (aalis)

KAPATAGAN

PAGDATING naman ng apat sa malawak na kapatagan…

Ardell: (hahanapin ang isla) wala namang isla rito ah.

Quatre: (naghahanap rin) Oo nga.

Andrea: Jessica, sigurado ka ba sa tinatahak natin?

Jessica: Oo. (ilalabas ang mapa) Tama naman ang mapa…

Quatre: Sa'n dito ang isla?

Jessica: (ilalabas ang hiyas ng lupa) Luntian…

Luntian: (lalabas) Huwag kayong mag-alala, tama ang landas na inyong tinahak.

Ardell: Pero bakit wala kaming makitang isla?

Luntian: Minsan, ang ating hinahanap ay hindi nakikita sa paligid natin. Kailangan momunang lumipad bago matunton ang iyong nais. (maglalaho)

Quatre: Words of wisdom from Luntian. Great!

Jessica: Lumipad? (titingala) Ayun!

--- Tumingala din ang tatlo at nakita nila ang isla na lumulutang.

Ardell: Floating…

Andrea:… Island?

Quatre: (sweatdrops) THE HELL?!

Jessica: (nakangiti) tayo na! (mag-teteleport)

Quatre: Hoy! (magteteleport rin)

--- Agad namang sumunod sina Andrea at Ardell sa kanila. Pagdating nila sa itaas na isla, inabutan nila si Jessica na nakatitig sa gumagalaw na halaman.

Ardell: Ano yon?

Jessica: Hindi ko alam… (lalapit sa damuhan)

--- Patuloy sa pagkaluskos ang mga hayop hanggang sa lumabas ang isang bilugang hayop na kulay asul na may bilugan at malalaking mata.

Purin: Puuuuuuuuuuuuuuuuuuuurriiiiiiiiiiiiiin!!! (pupunta kay Jessica)

Jessica: (taka) ano'ng kalseng hayop ito?

Lacerta: Purin!

Purin: (yayakap kay Jessica) Puuuuu!

Lacerta: (makikita ang apat)

--- Natigilan si Lacerta nang makita ang apat. Agad siyang naglabas ng ispada nang mapansing dayo ang apat

Lacerta: Sino kayo?

Quatre: Hinahanap naming si Lacerta.

Jessica: Ahhh… (haharang kay Quatre) Inatasan kami ng kanang kamay ng reyna na hanapin ang taong nagngangalang Lacerta. Siya raw kasi ang nag-iisang panday ng Sangatsu.

Lacerta: Ako si Lacerta. Teka, huwag ninyong sabihin sa akin na kayo ang bagong Magic Warriors?

Quatre: Kami nga. May inaasahan ka bang iba?

Lacerta: Iniisip ko kung hibang na ang mga pulseras para hirangin kayong apat. Lalo ka na. (sabay tingin kay Quatre)

Quatre: Naghahanap ka ba ng away?

Jessica: Quatre!

Lacerta: Bakit? Ano'ng ipinagmamalaki mo? (sabay tutok ng talim sa leeg ni Quatre)

Ardell: (haharang sa dalawang binata) Ipagpatawad n'yo ngunit nandito kami upang tupdin ang misyon.

Jessica: Patawad sa inasal ng kaibigan namin kanina. Nakikiusap kami, kailangan naming ng armas na maaring magamit sa pakikipaglaban.

--- Sandaling katahimikan. Dinig na rin ng bawat isa ang pintig ng mga puso nila. Nang mga sandaling iyon, ibinaba ni Lacerta ang kanyang ispada at tinalikuran sila.

Lacerta: Umuwi na kayo. (lalakad) Purin tayo na!

Purin: (malungkot) Puuuu….

--- Tuluyan nang nawala sa paningin nila si Lacerta.

NAIWAN namang nakatanga silang apat.

Andrea: Engot ba siya?! Kung Alam natin ang daan pauwi 'di sana noon pa natin ginawa at 'di na tayo nag-abalang hanapin siya 'di ba?

Jessica: Quatre, kausapin mo kaya?

Quatre: Ayoko nga! Bahala kayo diyan!(sabay walk-out)

Ardell: Gago talaga.

Jessica: Tingnan mo 'to… haaay.

Andrea; Ano? Tutunganga na lang ba tayo rito?

Jessica: Natural Hindi.

Andrea: (magniningning ang mga mata) Kung ganoon, uuwi na tayo?

Jessica: Isa ka pa eh… Sa 'yo na nga galing na hindi natin alam ang daan pauwi, hihirit ka pa eh…

Andrea: Oo nga. (sabay pout)

Ardell: Kailangang mapagkasundo natin ang dalawang iyon.

Jessica: Tama! Hanapin na natin si Quatre.

Andrea: Mabuti pa nga.

--- Saka sila nagsimulang maglakad para hanapin si Quatre.

BAHAY NI LACERTA

Sa tahanan ni Lacerta, nilapag ni Lacerta ang hawak na diwata sa mesa at kumuha nga aklat. Saglit siyang natigilannang maalala niya si Ardell at 'di naman iyon nakaligtas sa paningin ni Purin.

Purin; Puu..

Lacerta: (uupo) haaay...

(silence)

Lacerta: Hindi naman lahat katulad ng lalaking iyon na hambog.

(silence)

Lacerta: Kailangan ko pa rin silang gawan ng sandata dahil sila ang hinirang na mga Magic Warriors at iyon ang tungkulin ko sa kanila bilang nag-iisang panday ng Sangatsu.

--- Tumayo si Lacerta at binuksan ang kahon ng mga metal. Napangiti siya nang makitang sapat ang metal na itinigo niya sa mahabang panahon. Pero naalarma siya nang marinig niyang tumili ang isa sa mga batang iniwan niya.

Lacerta: Ang mga bata!!!

--- Kina Ardell, isang higanteng gagamba ang bumuga ng sapot sa kanila. Nagapos si Ardell ng sapot sa puno.

Andrea: Ardell!

--- Bumuga ulit ng sapot ang gagamba at sa pagkakataong iyon, agad nila iyong naiwasan.

Jessica: Crystalline Icicle!

--- Mabilis ring naiwasan ng higanteng gagamba ang atake ni Jessica, saka tinabig si Andrea ng mga paa nito.

Andrea: (gugulong sa lupa) Ah!

Jessica: Andrea!

Ardell: Andrea! (ilalabas ang kamay sa sapot) Fire---

Andrea: (babangon)

--- Lalong sinaputan ng gagamba si Ardell hanggang sa hindi na ito makakilos. Saka ito bumuga ng asido kay Jessica.

Jessica: (panic) Ardell!

Andrea: Umilag ka! (itutulak si Jessica)

--- Si Andrea ang tinamaan ng asidong binuga ng gagamba na para sana kay Jessica. Tinamaan si Andrea sa likod at namimilipit ito sa sakit.

Jessica: Andrea! Andrea!

(bubuga ng asido ang gagamba)

Jessica: Snow Crystal Light!!!

(magyeyelo ang asido)

--- Agad namang itinakas ng gagamba si Ardell na hindi na makakilos.

Jessica: Ardell!

Andrea: (mamimilipit sa sakit) AAAAARRRGGGGHHH!!!!

--- Nilapitan ni Jessica si Andrea na nawalan ng malay dahil sa nangyari.

Jessica: Andrea! Andrea! (ilalabas ang hiyas ng lupa) Luntian, tulungan mo 'ko.

Luntian: (lalabas) Bakit? Ano'ng nangyari?

Jessica: Kailangang magamot si Andrea dahil sa asidong tumama sa kanya pero hindi ko alam kung papaano ko siya gagamutin.

Luntian: Gamitin mo ang hiyas ng lupa para mailabas nito ang halamang gagamot kay Andrea.

Jessica: (sa hiyas ng lupa) Sinasamo ko ang kapangyarihan ng hiyas ng lupa. Ilabas mo ang halamang gagamot kay Andrea!

--- Agad na lumabas ang higanteng bulaklak at doon ihiniga ni Jessica si Andrea. Sumara ang halaman at bigla iyong naglaho.

Jessica: Salamat Luntian.

Luntian: Walang anuman at mag-iingat ka.

Jessica: (tatango at tatakbo)

--- Sa daan, nakasalubong niya si Quatre na papunta sa kanila.

Jessica: Quatre! (titigil at hihingalin)

Quatre: Jessica, (hinihingal rin) Kayo ba 'yung naririnig ko? N-nas'an ang iba? S-Si Andrea?

Jessica: Ginagamot ni Luntian si Andrea. Si Ardell dinukot ng higanteng gagamba.

Quatre: Ano? Ano'ng nangyari kay Andrea?

Jessica: Tinamaan ng asido si Andrea... (iiyak) dapat ako iyon eh... Kasalanan ko...

Quatre: Huwag mong sisihin ang sarili mo. (hahawak sa ulo nito) Ang mahalaga ligtas ka. At sinabi mo na ginagamot na ni Luntian si Andrea 'di ba?

Jessica: Oo...

Quatre: Tara na. Ang mabuti pa, puntahan na natin ang gagamba para mailigtas si Ardell.

Jessica: (magpupunas ng luha) Right!

--- Si Lacerta naman, wala nang inabutan nang puntahan ang pinagmulan ng tili.

Lacerta: (pupulutin ang sapot) Ang halimaw na namang iyon…

Purin: Puuu.

Lacerta: Kailangan nating matunton ang kuta ng gagambang iyon. Baka kung anong ginawa niya sa mga bata.

Purin: Puuu!

KUTA NG HIGANTENG GAGAMBA

Sa likod ng malalaking bato, nagtatago ngayon sina Jessica at Quatre. Oo, inabot sila ng gabi para lang hanapin ang kuta ng gagambang dumukot kay Ardell.

Quatre: Akong bahala sa gagamba, ikaw ang magligtas kay Ardell.

Jessica: Oo.

Quatre: (magpapakita sa gagamba) Lightning… Crasher!!!

--- Naputol ang isang paa ng gagamba, sinamantala naman ni Jessica ang pagkakataon na nakatuon ang atensyon ng kalaban kay Quatre.

Jessica: Crystalline Icicles! (puputulin ang nakataling sapot kay Ardell)

--- Agad namang nasalo ni Jessica si Ardell at tinanggal ito sa pagkakasapot.

Jessica: Ardell!

(bubuga ng asido ang gagamba)

Jessica: (iilag kasama si Ardell)

--- Pero nadale rin siya ng asido sa binti.

Jessica: Ahhhh!!!

Quatre: Jessica! (sa gagamba) Lightning Arrow!

--- Isang paa ulit ang naputol sa gagamba.

Quatre: (haharang kay Jessica) Umalis na kayo dito. Iligtas mo si Ardell!

Jessica: (yakap si Ardell) Pa'no ka?

Quatre: Tatapusin ko ang gagambang ito!

Jessica: Hindi mo siya kayang talunin ng nag-iisa!

(tatabigin si Quatre ng gagamba at tatama ito sa pader)

Jessica: Quatre! (tatayo) Crystal--- (babagsak)

Quatre: Jessica! (lalapit agad) Jessica, bakit? (makikita ang sugat sa hita)

Jessica: N-nahihilo ako. ..

--- Bago pa makasugod sa kanila ang higanteng gagamba, isang mandirigma ang pumutol sa natitirang paa ng gagamba. Nagpupumilit na bumangon ngayon ang kalaban.

Quatre: I-ikaw? (bigla)

Lacerta: Ayos lang ba kayo?

Quatre: (ngingiti at tatango)

Lacerta: (ihahagis ang isa pang ispada)

Quatre: (sasaluhin iyon)

Lacerta: Marunong ka naman sigurong gumamit niyan 'di ba?

Quatre: Oo naman!

--- Agad nilang pinagtulungan ang gagamba at ginawang abo gamit ang kidlat ni Quatre.

Lacerta: (sa isip) Lalaki ang may hawak sa elemento ng kidlat? kung ganoon ang lalaking ito…

Quatre: Salamat sa tulong mo.

Lacerta: (titingnan si Quatre)

Quatre: Pasensya ka na sa inasal ko kanina.

Lacerta: Kalimutan mo na 'yon. Pagpasensyahan mo na rin ako sa ginawa ko.

Quatre: (makikipagkamay)

Lacerta: (tatanggapin iyon)

--- Maya-maya pa, lumabas sa liwanag ang isang halaman at ibinalik si Andrea na magaling na ang mga sugat.

Andrea: Ano'ng nangyari?

Quatre: Andrea! (lalapit agad dito)

Lacerta: Napalaban sila ng husto sa higanteng gagamba.

Andrea: Ano?

--- Saglit na natigilan si Andrea nang kausapin siya ni Luntian sa kanyang isipan.

Luntian: Andrea…

Andrea; Luntian!

Luntian: Gamitin mo ito. (ibibigay ang isang dakot ng liwanag) Ang kapangyarihang iyan ang magbibigay sa iyo ng kakayahang gamutin ang sugat ng iyong mga kaibigan.

--- Itinuon ni Andrea ang atensyon sa mga sugatang kaibigan.

Andrea: (itataas ang kamay) Healing Rain!

--- Naulanan silang lahat at unti-unting naghihilom ang mga sugat nila.

Ardell: (gigising) Mga kasama!

Quatre: Huwag kang mag-alala, tapos na ang laban.

Lacerta: Halina kayo sa aking tahanan nang tayo'y makapaghapunan na.

Andrea: (magniningning ang mga mata) Mabuti na lang at may pagkain! Gutom na 'ko!

Ardell: Sigurado ka ba diyan? Baka pagbalik natin sa mundo natin eh balyena mode ka na.

Andrea: hindi no!

(mauunang maglakad sina Ardell at Andrea)

Lacerta: (lalapitan si Jessica na walang malay)

Quatre: Ako nang bahala sa kanya.

Lacerta: (tititigan si Quatre) sige… sinabi mo. (lalayo)

Quatre: (papasanin si Jessica sa likod)

ALGOLIA

PATULOY pa ring naglalabas ng masamang enerhiya ang matandang puno kung saan nakakulong si Kazuma.