webnovel

Mari

BAHAY NI LACERTA. LOOB. SILID TULUGAN.

NANG magising si Jessica, nakatunghay silang lahat.

Andrea: Ayan nagkamalay na siya…

Jessica: (masakit ang ulo) Hindi.. tulog pa ko.

(sweatdrops)

Andrea: Nagsisimula ka na naman ba?!

Jessica: Paano naman kasi, obvious namang gising na 'ko may hirit ka pang ganyan.

Andrea: E, kug tirisin kita diyan?!

Jessica: Tagal!

Andrea, Jessica: Grrrrr!

(sa isang sulok...)

Quatre: Walang pagbabago…

Ardell: Sila talaga…

Lacerta: Ganyan ba talaga sila?

Quatre, Ardell: Mula nang magkakilala. Haaay…

HAPAG

Matapos ang bangayan ay nagpasya na ang grupo na kumain. Nakakalimang mangkok na si Jessica samantalang isa pa lang ang iba sa kanila.

Quatre: Ang lakas mong kumain.

Ardell: Sabagay, kung ganyan ka-energetic ang kasama mo, kailangan niya ng carbs, protein at sugar.

Jessica: Hindi ako mahilig sa matamis. (lulunok)

Andrea: Nang lagay na 'yan?

Jessica: (hihigop ng sabaw) Haaaaaaaaaay! Ang sarap! Nabusog ako dun!

Andrea, Ardell, Quatre: (sweatdrops)

ALGOLIA

Dumating si Raiden sa palasyo at binisita ang kasalukuyang reyna nito.

Raiden: (lilitaw sa likod ni Reinjenna) Reinjenna…

Reinjenna: (lilingon) Raiden! Anong nangyari?

Raiden: (dumudugo ang kaliwang mata) Kagagawan ito ng isang Magic Warrior… Kamusta ang hardin ng itim na rosas?

Reinjenna: Patuloy ito sa pagpaparami. Anong nangyari sa 'yo at nagawa iyan ng isang Magic Warrior?

Raiden: Kinalaban niya ko upang maipagtanggol si Shizuku. Reinjenna, buhay ang aking anak.

Reinjenna: Ano? Pero alam nating pinatay ni Adelaide ang bata noong ipinagbubuntis siya ni Shizuku.

Raiden: Nakaligtas ang bata. At tinatago siya ni Shizuku… (sa isip) Hindi kaya ang batang pilit niyang ipinagtatanggol sa akin at ang may kagagawan ng sugat sa mga mata ko… Siya ang aking anak?

BAHAY NI LACERTA. LOOB. SILID TULUGAN.

Matapos magbihis ni Jessica ay ibinalik na ni Lacerta ang kwintas niya.

Jessica: Paano napunta sa 'yo ito? (kukunin ang kwintas)

Lacerta: Nahulog iyan habang ginagawa mo ang iyong sandata. S-saan nga pala galing ang kwintas na iyan?

Jessica: (habang isinusuot ang kwintas) Ito ba? Binigay ito ng aking ina noong bata pa 'ko. Sabi niya, ingatan ko daw ito at mahalaga ang kwintas na ito sa akin.

Lacerta: Alam ba ng taong nagbigay sa 'yo niyan kung ano ang kwintas na iyan?

Jessica: Hindi eh…

Lacerta: Iyan ang kwintas ni Hermes. Iyan ang kwintas na nagtatago sa kapangyarihan ng isang Sangian o ng isang Algolino.

Jessica: (taka)

Lacerta: Iyan din ang ginagamit upang alisin ang ugnayan ng mundong ito sa mundo ng mga mortal.

Jessica: (sa isip) Kung ganoon, ito ang susi na tinutukoy ni Shizuku upang mapalaya kaming mga mortal sa mundong ito.

Lacerta: Bakit?

Jessica: Nakausap ko kasi si Shizuku…

Lacerta: Ano?

Quatre: (boses) Jessica! Matagal ka pa ba diyan?

Jessica: 'Eto na nga… Sige… (aalis)

Lacerta: (bigla) Si Shizuku…

Flashback

Shizuku: Lacerta, parang awa mo na wag ang anak ko… (iiyak)

Lacerta: H-hindi ko maaring baliin ang utos ng reyna…

BAHAY NI LACERTA. LABAS.

ISA-isa nang lumabas sina Jessica, Andrea, Ardell at Quatre.

Quatre: Aalis na kami Lacerta.

Lacerta: Isama n'yo si Purin sa inyong paglalakbay. Malaki ang maitutulong niya sa inyo lalo na sa mga lugar na dapat ninyong iwasan.

Jessica: (bubuhatin si Purin) Sasama ka sa amin… (ngingiti)

Purin: Puuuu!

Ardell: Mag-iingat ka.

Lacerta: kayo rin.

--- Saka umalis ang grupo sa bahay ni Lacerta.

--- Sa paglalakad nila…

Andrea: Alam mo bang binalot ka ng itim na usok habang ginagawa mo ang iyong sandata?

Jessica: Talaga?

Ardell: Ano nga palang nakasagupa mo?

Jessica: Si Raiden.

Quatre: (titigil)

Jessica: Isa siyang dragon na nagiging tao. Ayon sa kanya isa siya sa pinakamalakas na Algolino na kahit si reyna Adelaide ay hindi siya natalo. Bukod pa roon, nakausap ko rin ang dating MW.

Andrea: Oh?

Jessica: Oo. At nasabi niya sa akin na may kinatatakutan ang reyna kaya ito nangyayari.

BALIK SA TAHANAN NI LACERTA.

BINUKSAN ni Lacerta ang isang aklat at doon niya nakita ang kwintas ni Jessica. Saglit niyang binasa ang parte ng kwintas.

Lacerta: Kung ang papel ng kwintas na iyon ay upang pigilin ang malakas na kapangyarihan sa isang Sangian o Algolino bakit ito nasa pangangalaga ni Jessica. Posible kayang may mas malaki siyang papel kaya nasa kanya ang susi?

--- SA labas ng bahay, isang babaing kulay asul na malamlam ang lumitaw sa isa sa mga punong nakapaligid sa bahay ni Lacerta.

--- SAMANTALA sa paglalakad nila…

Jessica: (matitigilan)

Quatre: bakit?

Jessica: (titingin sa direksyong pinanggalingan nila) Si Lacerta…

Ardell: Bakit?

Jessica: (tatakbo)

Ardell: Hoy!

Andrea: Sundan natin siya.

Quatre: Oo!

--- Agad silang sumunod kay Jessica.

BAHAY NI LACERTA. LOOB.

HINDI naman nagdalawang isip si Mari na sugurin si Lacerta.

Mari: Hiyaaa! (titira ng yelo)

Lacerta: (iilag) M-Mari?

Mari: Narito ako upang tapusin ang mga Magic Warrior, nasaan sila?

Lacerta: Malas mo lang dahil kanina pa sila nakaalis.

Mari: Ano?

Lacerta: Hindi ako papayag na galawin mo ang mga bata! (kukunin ang ispada at susugurin si Mari)

Mari: (gagawa ng yelong ispada at sasalagin ang atake ni Lacerta) Tingnan natin!

BAHAY NI LACERTA. LOOB.

SA laban, sugatan na si Lacerta, pero si Mari hinihingal na.

Mari: (susugurin si Lacerta) Pahirap ka… LACERTA!!!!

(isang sibat ang sumangga sa taga ni Mari)

Mari: Ano?

Jessica: Kami ang labanan mo kung kami ang hanap mo. (itutulak si Mari gamit ang sibat) Ako ang mandirigmang yelo. Ako si Jessica!

Mari: (mapapaatras)

Lacerta: Jessica, bakit kayo bumalik?

Jessica: Hindi ko alam pero ramdam ko hanggang sa nilalakaran namin ang kasamaan ng babaing ito.

--- Sumunod ang apoy na umatake kay Mari.

Ardell: Ako ang mandirigmang apoy, ako si Ardell.

Andrea: (haharang kina Jessica at Lacerta) Ako ang Mandirigmang tubig. Ako si Andrea!

Quatre: (pupuntiryahin si Mari ng palaso) At ako ang mandirigmang kidlat. Ako si Quatre!

Mari: Kayo na pala ang mga Magic Warrior. Ako nga pala si Mari… Ang babaing yelo. (agad titira ng yelo)

Ardell: Fire ball!

(natunaw agad ang kapangyarihan ni Mari)

Andrea: (habang pinapaikot ang baton) Water droplets spray!!!

(lumayo agad sina Jessica at Lacerta habang makapal ang hamog at nangangapa si Mari)

--- Nang mawala ang hamog.

Mari: Freezing wind!

Jessica: (magiging yelo)

Quatre: Jes--- (magiging yelo)

Andrea: Quatre!

Mari: Ikaw na ang susunod! (susugurin si Andrea)

--- Tinamaan ng apoy si Mari dahilan upang makalaya si Quatre sa pagiging yelo.

Mari: Ano? Walang hiya ka!

Ardell: Nasaktan ko ba ang iyong dangal? Pasensya ka na!

Mari: Ice dragon!

Quatre: (papana) Lightning Arrow!

(pagsabog)

Ardell, Andrea, Quatre: (tatalsik)

Mari: (babagsak)

--- Pero agad na nakabangon si Mari sa naganap na pagsabog.

Mari: Freezing Wind!

Ardell, Quatre: (iilag)

Andrea: (magiging yelo)

Ardell: Andrea!

Mari: dalawa na! Ice dragon!

Ardell: (kay Quatre) Ngayon na!

Quatre: Oo!

Ardell: (popormang baril) Fire… Shot!

Quatre: Lightning Arrow!

--- Natalo ang ice dragon ni Mari at maging siya ay tinamaan nito.

Mari: AAAAAHHHHHH!!!! (maglalaho)

Jessica, Andrea: (babalik sa dati)

Quatre:Andrea! (yayakapin si Andrea) Ayos ka lang ba?

Andrea: (tatango) Oo, Quatre.

Jessica: (yuyuko)

Ardell: (lalapit) Kaya mo bang tumayo?

Jessica: Oo naman. Si Lacerta nga pala…

--- Agad nilang pinuntahan si Lacerta na sugatan, walang malay at bnabantayan ni Purin.

Andrea: Healing Rain!

(naghhihilom ang sugat ni Lacerta pero hindi pa rin ito gumagaling)

Andrea: Anong nangyari? Bakit hindi naghihilom ang sugat niya?

Jessica: (ilalabas ang halamang nanggagamot)

--- Agad nitong kinuha si Lacerta saka iyon naglaho.

Jessica: Ibabalik nito si Lacerta oras na gumaling ito. (lalakad) tayo na.

Andrea: Anong nangyari doon?

Quatre: Malay. (sabay kibit balikat)

Ardell: (popormal)

--- Iniwan na nila ang tahanan ni Lacerta habang ito ay nasa loob ng halaman at ginagamot ni Luntian.

ALGOLIA

Sa trono ni Reinjenna.

Reinjenna: Nabigo si Mari.

Rina: (sa dilim) Hindi niya dapat maliitin ang mga Magic Warrior. Nagawa nitong talunin ang ambisyosang si Jordi at nakuha nila ang hiyas ng lupa.

Mari: (sugatang darating)

Reinjenna: Nabigo ka!

Mari: Patawad Ina! Bigyan n'yo pa ako ng isa pang pagkakataon!

Rina: Isa pang pagkakataon? Hahaha!

Mari: (inis)

Reinjenna: Rina! Itigil mo 'yan. (mag-iisip) Sige. (aalis)

Rina: Mahina. (aalis)

Mari: Grrrr…. (sa isip) Magbabayad ka ng malaki, mandirigmang yelo.

GUBAT.

SA hapunan nila, halos 'di nagalaw ni Jessica ang pagkain niya. Habang sina Quatre at Andrea ay masayang nagkukwentuhan.

Jessica: (sa isip) Nagseselos ako? Pero bakit?

Ardell: Kanina ka pa tahimik diyan ah… May problema ba?

Jessica: (tulala)

Ardell: Hoy! (sabay tulak kay Jessica)

Jessica: Aray! Tama bang manulak? (inis)

Ardell: yang isda, kinakain yan. Hindi tinititigan.

Jessica: Pasensya na… pagod lang siguro ako. I mean dala siguro to ng sobrang pagod. (lalapit kay Purin at ibibigay ang parte ng isda) Matutulog na ko.

-- Nahiga na si Jessica at natulog.

Andrea: (kay Ardell) May nangyari ba kanina?

Ardell: (iiling)

Quatre: Baka pagod lang siya Hayaan na muna natin siya.

Ardell: Tama ka.

Samantala sa gubat, patuloy na nagliliwanag ang isang malaking puno kung saan nakahimlay si Kazuma.