webnovel

The City Without Magic and The Fire Gem

Kinabukasan, habang naglalakad sila...

Andrea, Quatre: (nagkukwentuhan)

Jessica: (nagbabasa ng mapa)

Purin: Puuu...

Jessica: Bago tayo makapunta sa Algolia, may isa pa tayong bayan na madadaanan. (makikita ang pagsabog ng mga bahay sa isang bayan) Ano yon? (pupunta agad sa bayan)

Andrea: Jessica!

Ardell: Umiral na naman ang pagiging reckless niya.

--- Doon nila naabutan ang pagsalakay ni Mari sa mga taga baryo.

Andrea: Sumasalakay sina Mari at ang mga kampon niya.

Jessica: (ngitngit)

--- Agad na tumakbo si Jessica sa direksyon ni Mari.

Ardell: Hoy!

--- Sinundan nila si Jessica na agad sinalo ang ladigo na para sa matandang lalaki na yakap ang anak.

Mari: (kay Jessica) Ikaw... (ngitngit)

Ardell: (haharang kay Jessica) Itigil mo yan!

Jessica: (sa matanda) Umalis na kayo rito madali!

(sumunod naman ang taga baryo habang umiiyak ang kasamang anak)

Quatre: nanggugulo ka na naman?!

Jessica: Palibhasa maliliit na tao lang ang kaya mo.

Mari: (ngingisi) Nakaisa lang kayo sa akin noong una, akala n'yo malalakas na kayo.

Andrea: kami ang tatapos sa kasamaan ninyo.

Ardell: Tingnan natin ang yabang mo! Fire Ball!

(silence)

(sabay ihip ng hangin)

Ardell: (sweatdrops)... Fire Ball!

(wala pa rin)

Purin: Pu...

Jessica: Ardell, isa ito sa mga bayang hindi nagpapahintulot ng salamangka!

Ardell: Ano?

Andrea: Paano yan?!

Quatre: Natural, e di manu-mano. (ilalabas ang pana)

--- Nilabas na rin nila ang mga armas nila.

Mari: Tama ka. Tingnan natin kung uubra kayo sa manu-manong laban... SUGOD!

(susugod ang mga algolino)

--- Nagsimula na ang digmaan sa pagitan ng mga Magic warriors at mga algolino. Tinapos ni Ardell ang lahat ng makitang Algolino gamit ang kanyang ispada.

--- Si Andrea naman, hinahampas ang bawat Algolinong lumapit sa kanya.

--- Dahil sa malayuang laban ang magagawa ni Quatre, walang makalapit kahit isa sa kanya dahil sa mga palasong pinapaulan niya.

--- At si Jessica, na hindi hinahayaang makalapit ang kalaban gamit ang sibat niya.

--- Habang tumatagal ang laban, tinamaan si Ardell ng isang algolino dahilan para bumagsak siya sa tindahan ng alak. Sa binagsakan niya, nagtatago roon ang isang tindero na may hawak na apoy.

Ardell: (kukuha ng bote) Pwede ko bang gamitin ito?

Tindero: (tatango at magtatago ulit)

Ardell: (aagawin ang apoy sa tindero, iinom ng alak at ibubuga iyon sa apoy para lumikha ng mas malakas na apoy)

--- Lahat ng tinamaan ng apoy na likha ni Ardell ay nasunog bago pa makalapit sa kaniya.

Algolino: (susugurin si Jessica) Yaaaaaaaaaah!!!

Quatre: Jessica, sa likod mo!

Jessica: (lilingon)

(tatlong icicles ang tumama sa algolino at bumagsak)

--- Naubos nila ang mga sumugod na algolino.

Mari: (gulat) hindi maaari! paano'ng natalo sila ng walang mahika!

Jessica: Gusto mo ng paliwanag? Simple lang...

Quatre: (huhugot ng palaso at pupuntiryahin si Mari) Hindi kami pipiliin ng mga pulseras...

Andrea: Kung hindi namin kayang...

Ardell: Lumaban sa sarili naming paraan.

(saka pinakawalan ni Quatre ang palaso sa busog)

Mari: (tatamaan sa balikat) Argh! Hindi pa tayo tapos! (maglalaho)

Jessica: (manghihina)

Ardell: Jessica!

Jessica: Pagod lang siguro 'to...

Quatre: Ang mabuti pa magpahinga muna tayo...

Rui: (lalapit) hayaan n'yong dito muna kayo sa aking tirahan matulog.

Ardell: Sino ka?

Rui: Ako si Rui, isa akong manggagamot sa lugar na ito. (lalapit kay Jessica)

Andrea: (skeptical) hmmmm?

Rui: Doon na kayo sa aming bahay magpalipas ng gabi. Bukas na lamang kayo lumakad ng maaga.

Ardell: Salamat na lang. Pero hindi ganoon kalalim ang mga sugat namin.

Rui: Ganoon ba? Sayang naman...

Jessica: (mawawalan ng malay)

Andrea: Jessica!

Rui: (tututukan ng patalim si Jessica) Iwan n'yo sa akin ang babaing ito at maari n'yo nang gawin ang gusto niyo.

Quatre: Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanya!

Rui: Habang kausap ko kayo, sinaboy ko sa kanya ang isa sa malakas na lasong magpapaalipin sa kanya. Sa oras na magising siya, ako na ang kikilalanin niyang amo.

Quatre: Grrrrr, walang hiya ka! (sabay hugot ng pana)

--- Maya-maya pa, kumulimlim ang langit, at nagpakawala ito ng malakas na kulog at kidlat. Saka lumabas ang isang lalaking nakaitim.

Kazuma: (lalabas)

Andrea: (bigla)

Ardell: (matitigilan)

Kazuma: Walang pwedeng gumalaw kay Jessica, hindi ang mga algolino at LALONG HINDI IKAW!!!

Rui: (susunugin ng buhay) AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!

--- Nang maging abo ang kawawang Sangian, inalis ni Kazuma ang lason sa katawan ni Jessica.

Kazuma: Isang pipitsuging lason...

Quatre: Sino ka?

Kazuma: Ako si Kazuma. At walang sinuman ang maaring manakit o umangkin sa aking prinsesa. Ang babaing ito ay natatangi lamang sa Algolia. (maglalaho)

--- Bumalik ang liwanag sa bayan nang maglaho si Kazuma.

Andrea: Algolia?

Ardell: Kaaway natin ang taong 'yon

Andrea: Pero gusto niya si Jessica. Ibigay na lang kaya natin siya para makauwi din tayo. Malay mo.

Ardell: (babatukan si Andrea) Hindi pwede yon!

Andrea: Aray... Joke lang eh...

Quatre: (kakargahin si Jessica) Tayo na. (lalakad)

--- Sa tulong ng mga residente doon, nakaalis sila ng may sapat na pagkain at inumin.

Sa paglalakad nila, hindi maiwasan ni Quatre ang mag-isip kung si Kazuma ay isang kakampi o kaaaway.

ALGOLIA.

(kikidlat)

Reinjenna: (mararamdaman ang aura ni Kazuma) Kazuma…

IKALAWANG BAYAN.

Naglalakad ang grupo para hanapin ang ikatlong hiyas.

Ardell: (manghihina)

Jessica: ayos ka lang ba?

Ardell: M-may malakas na pwersa ako nadarama...

(pagsabog ng bulkan)

Andrea: Oh, no...

Quatre: Let's get out of here. (hihilahin si Andrea at tatakbo)

Jessica: (tatakbo pero biglang titigil)

Ardell: (tatayo)

Jessica: Ardell!

Ardell: (hihigupin ng pulseras ang apoy ng lava)

(silence)

Ardell: Nais kitang makalaban... tayong dalawa lang...

Jessica: (gimbal) A-Ardell!

Ardell: Hiyaaaah!!! (titira ng apoy)

Jessica: (yuyuko)

(haharang ang yelong pader)

Jessica: Huh? (taka)

--- Ngunit nabasag iyon at bumungad si Ardell na pasugod na sa kanila.

Jessica: (sasalagin iyon gamit ang sibat) Ardell! Anong nangyayari sa 'yo?! (didistansya)

Ardell: (titira ng apoy)

Jessica: (iilag sa sumiklab na apoy)

Andrea: Healing Rain!!!

(saka babagsak si Ardell)

Quatre: Ardell!

Jessica: Ano kaya'ng nangyayari kay Ardell?

--- Nang magising si Ardell nasa ilalim na sila ng puno at nagpapahinga.

Ardell: A-asan ako?

Jessica: Nagkamalay na si Ardell.

Quatre: Kamusta ang pakiramdam mo?

Ardell: Medyo nahihilo ako... b-ba't ganyan ang mga itsura n'yo?

Andrea: Hindi mo naalala?

--- Nabigla si Ardell sa tanong ni Andrea pero tumango na rin ito.

Andrea: Inatake mo kami kanina.

Ardell: A-ano? Seryoso ka?

Andrea: (sacastic) Hindi! Joke lang. Ginu-good time kita.

Quatre: Andrea! (babatukan ang katabi)

Andrea: Aray!

Ardell: Pa'nong nangyari yon?

Jessica: Hindi rin namin alam.

Andrea: Pero wag kang mag-alala dahil nagamot ka naman ng healing rain.

Ardell: Ganun ba? pasensya na...

Jessica: wala yon Ardell. Alam naming hindi mo rin yon gusto.

--- Muling sumabog ang bulkan na naging dahilan para mataranta ang mga tao sa karatig bayan,

Jessica: (ilalabas ang hiyas) Tenou anong nangyayari?

Tenou: (lalabas) Ang hiyas ng apoy, nasa paligid lamang ito.

Jessica: Ano?

Quatre: Nasaan ito?

Tenou: Nasa pusod ng Bulkan.

(sa 'di kalayuan nadapa ang isang bata habang lumilikas sa lugar na iyon)

bata: (iiyak)

ina: Anak! (lalapit agad at yayakapin ito)

--- Agad namang umagos ang lava papalapit sa mag-ina pero agad namang humarang si Jessica.

Jessica: Snow Crystal Light!!!

(namatay agad ang apoy at naging bato na lamang)

Mag-ina: (tatakbo)

Jessica: (hihingalin)

Quatre: Jessica! (lalapit) Ayos ka lang ba?

Jessica: Oo.

MUNDO NG MGA MORTAL.

Patuloy pa rin ang search and rescue sa kanilang apat.

Mrs. Orville: Jessica, anak!!! (iiyak)

Mr. Orville: (yayakapin ang asawa) Huwag kang mag-alala, mahahanap din nila ang anak natin.

--- Sa labas ng ambulansya, ginaganot si Andrei at sa crime scene, naroon si Irene para maghintay sa balita ng mga rescuer.

--- Sa bahay naman nina Ardell, naroon si George nag-aabang ng balita tungkol sa pinsan niya.

SANGATSU. BAYAN

Patuloy sila sa pag apula ng apoy.

Jessica: Snow crystal light!!!

Andrea: Water lion!!!

(naging bato ang nagbabagang lupa.)

Jessica: This is endless...

Ardell: (babangon)

Jessica: Ardell...

Ardell: T-tinatawag niya ako. (lalakad papunta sa bulkan at maglalaho)

Andrea: Ardell!

Quatre: Sandali! (aawat)

Andrea: Bakit Quatre?

Quatre: Posible kayang ang hiyas ng apoy ang mismong tumatawag sa kanya?

Andrea: Ano?

Jessica: Posible. (ilalabas ang hiyas ng lupa) Luntian, anong nangyayari?

Luntian: Ang Mandirigmang Apoy ay tinatawag ng isa sa mga diwata.

Jessica: Ano?

Luntian: Kailangan ng kaibigan ninyong masubukan.

--- lalong nangalit ang bulkan na naging dahilan ng lalong pag-agos ng lava sa karatig bayan.

Jessica: Hindi maaari. Kailangang mahanap agad ni Ardell ang hiyas ng lupa, kung hindi masusunog ang buong bayan!

Andrea: Oo.

Jessica: (itataas ang mga braso) Snow crystal light!!!!

--- Tuloy sa pagpuksa ng apoy sina Jessica at Andrea.

BUNGANGA NG BULKAN

Samantalang si Ardell ay bumaba na sa bulkan para puntahan ang hiyas ng apoy.

BAYAN

--- Patuloy pa rin sina Jessica at Andrea sa pag-apula sa apoy nang biglang may umatake mula sa likod. Mabuti na lamang at naagapan ni Quatre ang yelong tatama kay Andrea.

Jessica: Sino 'yan?!

Mari: (nakaapak sa sanga ng puno) hahahaha!

Jessica: Ikaw na naman?

Andrea: Wala ka ring kadalaan no?

Mari: Sinasabi ko sa inyong walang pwedeng kumuha sa hiyas ng apoy!

Quatre: (bubuka ang busog sa braso) Lightning Arrows! (sabay pakawala sa mga palaso)

Mari: (iilag) Hindi n'yo maaring kunin ang hiyas ng APOY!!! (susugod)

Jessica: Snow Crystal Light!

(naglaban ang dalawang pwersa ng yelo)

Jessica: Magaan lang ang kaypangyarihan mo kumpara sa mga pinaglalaban namin kaya WAG KANG UMASA NA MATATALO MO KAMI!!!

Mari: (tatalsik) AAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRGH!!! (tatama sa puno)

--- Agad namang itinutok ni Jessica ang sibat kay Mari.

Mari: Hindi pa tayo tapos! (aatras)

PUSOD NG BULKAN.

Pagdating ni Ardell...

Ardell: (makikita ang hiyas ng apoy) Ang Hiyas! (akmang lalapit)

--- Isang toro na mula sa magma ang humarang sa hiyas ng apoy at walang atubiling bumuga ng apoy.

Ardell: (iilag) Fire ball!!!

--- Tinamaan naman ang kalaban ni Ardell ngunit lalo lamang itong lumaki.

Ardell: (gimbal) Ano?!

BAYAN

AT sa labas habang patuloy sa pagpuksa ng apoy sina Andrea at Jessica...

(sasabog ang bulkan)

Andrea: Masusunog ang buong baryo kung magpapatuloy ito.

Jessica: Kailangan nating pigilan ang lava flow. Pero hindi natin pwedeng pabayaan si Ardell.

Quatre: Anong gagawin natin?

Jessica: Andrea, do the honor.

Andrea: Do the honor ka diyan, eh ikaw nga itong may kakayahang kontrolin ang yelo!

Jessica: Bakit ikaw hindi? Gusto mo lang dikitan si Quatre kasi siya ang gagawa ng trabaho mo!

Andrea: At sino kaya sa atin ang may gusto sa kanya?

Jessica: IKAW!

Andrea, Jessica: GRRRRR!!!

Quatre: excuse me...

Jessica, Andrea: WHAT?!

Quatre: Ako na lang kaya para walang gulo?

Jessica: (mapapaisip) Oo nga 'no? --- call!

Quatre: Call.

Andrea: Ano ka, lider? Hindi pwede! Matutunaw si Quatre sa--- (gagawing yelo ni Jessica)

Jessica: Pakakawalan ko rin yan pag nagawa na natin ang dapat nating gawin. (itataas ang kamay) Snow Crystal Light! (lilikha ng bola ng yelo) Gamitin mo ito para makapasok ka sa loob ng bulkan.

Quatre: (kukunin ang bola ng yelo)

Jessica: tatagal lamang iyan ng 30 minuto sa katawan mo. Dapat mailigtas mo si Ardell sa mga oras na iyon. Sakali mang matapos kami rito, susunod kami.

Quatre: Oo. (maglalaho agad)

(saka pinakawalan ni Jessica si Andrea.)

Andrea: (hingal) Walang hiya ka!

Jessica: Ang ingay mo eh. Ngayon tayo ang mag aapula ng apoy at si Quatre ang magliligtas kay Ardell.

Andrea: Call! (ilalabas ang baton)

Jessica: (ilalabas ang sibat)

(at nagsimula na silang mag apula ng apoy)

PUSOD NG BULKAN

Si Ardell naman na walang humpay sa pakikipaglaban sa kalaban niyang toro.

Ardell: (sasalagin ng ispada ang atake) Hindi maaari ito...

--- Maya-maya pa, tinamaan ng palaso ang kalaban. Saka bumaba si Quatre.

Ardell: Quatre. (bigla)

Quatre: Ayos ka lang ba?

Ardell: Oo, paano ka nakapasok rito?

Quatre: binigyan ako ni Jessica ng bahagi ng kanyang kapangyarihan para matulungan kita sa misyon mo. Sila ang umaapula sa apoy para hindi ito tumuloy sa baryo.

Ardell: (mapapangiti) Kaya naman pala nilang magtulungan ng 'di nagbabangayan.

Quatre: Akala mo lang iyon.

Ardell: (mapapayuko)

--- Agad naman silang umilag nang bumuga ng apoy ang kalaban nila. Muling binuksan ni Quatre ang busog niya at nagpakawala ng palaso. Ngunit lumaki lang lalo ang kaaway nila.

Quatre: Ano? (gulat)

Ardell: (akmang titira)

Quatre: Huwag!

Ardell: Bakit?

Quatre: Lumalaki lang ang kalaban sa enerhiyang pinapakawalan natin. Kailangang makapasok ang lamig sa katawan niya upang matalo ang kalaban natin.

Ardell: Thermal expansion?

Quatre: Sakto.

--- muling umilag ang grupo sa atake ng kalaban nila.

BAYAN.

SINA Jessica at Andrea naman...

Jessica: Masama ito, hindi matatapos ito kung hindi makukuha nina Ardell ang hiyas.

Andrea: Anong gagawin natin?

Jessica: Lilikha tayo ng bagyo.

Andrea: Bagyo?

Jessica: (ilalabas ang hiyas ng lupa) Sinasamo ko ang kapangyarihan ng hiyas ng lupa, lumikha ka ng harang na pipigil sa nagbabagang lupa.

(Isang malaking pader ang nalikha ng hiyas ng lupa.)

Jessica: (ilalabas ang hiyas ng Hangin) Andrea.

Andrea: (tatango) Rainshower dance! (saka paiikutin ang baton)

Jessica: (sa hiyas ng hangin) Tenou kailangan namin ng buhawi upang ikalat ang ulan sa nagbabagang lupa.

Tenou: Masusunod.

(pagbuhos ng ulan na may malakas na hangin...)

Jessica: Tayo na! (magteteleport)

Andrea: (susunod)

PUSOD NG BULKAN

SINA Ardell naman na patuloy na umiilag sa atake ng kalaban nila...

Quatre: (sa isip) Wala nang ibang paraan...

Ardell: (maiisip ang nasa utak ni Quatre) Mamamatay ka pag ginawa mo 'yan.

Quatre: Pero...

"CRYSTALLINE ICICLES!!!"

Agad na tinamaan ang kalaban nila. Hinarangan agad sila nina Jessica at Andrea.

Jessica: Sorry to keep you waiting.

Andrea: Ayos lang ba kayo?

Quatre: Jessica. Andrea.

Jessica: Maraming oras para sa kwentuhan pero sa ngayon... (ilalabas ang sibat) Andrea!

Andrea: Freezing Mists!

Jessica: Snow Crystal Light!

--- tuluyan nang naging abo ang kalaban nila.

--- Lumapit naman si Ardell para kunin ang hiyas sa kinalalagyan nito. Doon lumabas ang diwata ng apoy; si Pyros.

Pyros: Ikaw ba ang mandirigmang apoy?

Ardell: Ako nga po.

Pyros: Pinahanga mo ko sa taglay mong katapangan. Sa kabila ng pagnanais mong makuha ang hiyas hindi mo hinayaang isakripisyo ng iyong kaibigan ang nag-iisang kapangyarihang pumoprotekta sa kanya para sa misyon.

Ardell: (bigla)

Pyros: Dahil doon, (papasok sa pulseras ni Ardell) tanggapin mo ang aking kapangyarihan.

"Hindi dito nagtatapos ang lahat... sa oras na makuha ninyo ang mga hiyas, kailangan ninyo itong ibalik sa kung saan ito nararapat. Nang sa gayon, hindi na maulit pa ang nangyari noong nakaraang digmaan."

--- Naglaho ang lava, ibinalik ni Luntian ang anumang nasira ng apoy, at umunlad ang kanilang mga sandata't baluti.

--- Nagpatuloy na ang apat sa kanilang paglalakbay.