webnovel

Who is Kazuma?

ALGOLIA

Dumating si Mari sa trono ng reyna at lumuhod. Sa likod niya, nagtatago ang mga kapatid niya sa dilim.

Mari: Patawad Ina.

Rina: (sa dilim) Sunud-sunod na ang iyong pagkatalo Mari, iyan ay dahil sa labis mong pamamaliit sa mga Magic Warriors.

Mari: Eh, kung ikaw kaya ang humarap sa kanila?!

Rina: Tatlo sa mga elementong hawak nila ang kaya kong gamitin kaya alam kong hindi nila ako matatalo. Hindi ako tulad ninyo ni Jordi... Mga talunan!

Mari: (akmang sasagot)

Reinjenna: Tama na!

(tatahimik ang dalawa at titingin si Mari sa reyna)

Reinjenna: Mari. Binibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon. Dalhin mo rito ang Magic Warrior na gigising kay Kazuma at patayin mo ang iba sa kanila. Hindi ka maaaring bumalik sa palasyo ng wala ang babaing 'yon!

Mari: Opo! (aalis)

--- Lumabas na sa dilim ang isa sa mga kapatid ni Mari at siyang kadebate niya kanina: si Rina. Mataas na babaing may gintong mata at kulay bughaw na langit ang buhok niya. Maputi siya at parating masama ang tingin niya sa paligid.

Rina: Bakit ka ba nagmamadaling gisingin si Kazuma?

Reinjenna: Hindi na kaya pang pigilan ng puno ang paglakas ni Kazuma. Kamakailan lamang ay nagawa niyang pumatay ng isang Sangian kahit wala ang kanyang pisikal na katawan.

Rina: Ano?

Reinjenna: Isa lang ang ibig sabihin nito... Malapit na ang kaniyang paggising.

SANGATSU. PALASYO

NARAMDAMAN din ni Adelaide ang paglakas ng kapangyarihan ni Kazuma.

Reid: Bakit Mahal na Reyna?

Adelaide: Si Kazuma... Lalo siyang lumalakas.

--- Nagtungo si Adelaide sa balon upang tingnan ang sitwasyon sa kanyang nasasakupan. Sa ngayon, may liwanag na sa paligid, mayabong na ang mga puno at halaman at masigla na ang mga hayop at diwata. Ang tanging problema na lamang ay ang balanse ng init at lamig, kawalan ng tubig at walang humpay na pag-ulan ng kidlat.

Adelaide: Kamakailan lamang ay pumatay si Kazuma ng isang sangian na nagtangka sa buhay ni Jessica.

Reid: Nang wala ang kanyang katawan?

Adelaide: (tatango) Isa lamang ang ibig sabihin niyon, si Jessica ang napupusuan niya na maging reyna ng Algolia.

Reid: (kukunot noo) Ano?

Adelaide: Kailangan nating ilayo si Jessica sa halimaw na 'yon. Maaring hindi siya gusto ni Jessica, pero maaaring baligtarin ni Kazuma ang lahat...

Reid: Katulad ng ginawa ni Raiden...

Adelaide: ... Sa matalik kong kaibigan. Kaya isinilang ang batang iyon...

(pause)

Adelaide: Reid.

Reid: Mahal na Reyna.

Adelaide: Madali ka. Puntahan mo agad ang mga Magic Warriors at bigyan sila ng babala.

Reid: Masusunod! (aalis)

Adelaide: (titingin sa bintana. yuyuko at luluha) Shizuku... patawad.

PILAPIL

SAMANTALANG ang mga Magic Warriors na kasalukuyang lumulusot sa masukal na damuhan...

Quatre: (lulusot sa damuhan) Ano ba yan?!

Ardell: (naglalakad habang ginagapas ang damuhan)

Quatre: Jessica, wala na ba tayong ibang madadaanan kundi ang masukal na gubat na 'to?

Jessica: Wala na Quatre eh... (madadapa) Ah!

--- Biglang dumilim ang paligid ni Jessica at doon niya nakita si Kazuma sa harapan niya. Sa pagkakataong iyon hindi na siya aparisyon dahil nakikita na niya ang itim at magulo nitong buhok at ang mga pula niyang mata na nakatunghay sa kanya. Nababalot si Kazuma ng itim na balabal.

Kazuma: Jessica.

Jessica: K- Kazuma? (bigla)

Kazuma: (iaabot ang kamay)

--- Natauhan siya nang biglang tapikin ni Ardell ang balikat niya.

Ardell: Jes, ayos ka lang ba?

Jessica: (matatauhan) O-oo. Para kasing...

Andrea: Sus! nag-iilusyon ka no?

Jessica: At sino namang pag-iilusyonan ko? Ikaw? Over my dead body. Baka ikaw ang nag-iilusyon sa akin!

Andrea: Talaga lang? Ang kapal mo!

Jessica: Sino sa atin?!

Andrea, Jessica: Grrr....

Quatre: (sweatdrops)

--- 'Di na lang pinansin ni Quatre ang dalawang ilusyonada at bumaling kay Ardell na nakayuko na rin sa kahihiyan.

Quatre: Ardell.

Ardell: Hm?

Quatre: Tingin mo 'yung gumamot kay Jessica...

(tumigil sa pagtatalo sina Jessica at Andrea at bumaling kay Quatre)

Ardell: Si Kazuma?

Quatre: Kalaban kaya siya?

Jessica: (taka) Kilala n'yo si Kazuma?

--- Bago pa nakasagot si Quatre, bigla na lamang dumating si Mari na galit at hawak ang ispadang yelo.

Ardell: Mari!

Mari: Magic Warriors, magbabayad kayong lahat sa akin! (magpapaulan ng icicles)

Lahat: (iilag)

Ardell: Fire Blades!

(uulan ng apoy sa paligid at tatamaan si Mari sa buong katawan niya)

Quatre: Lighting Crasher!!!

Mari: (tatamaan ng kidlat) AAAAAAAAAAAAARRRRRRRGGGHHHH!!!!! (babagsak)

--- Sandaling katahimikan. Nakikiramdam ang grupo kung buhay pa ang kalaban. Naabutan ni Reid na nakikipaglaban ang grupo kay Mari.

Mari: (babangon) H-hindi... M-maaari...

Andrea: Buhay pa siya!

Mari: Hindi ako papayag... (ilalabas ang itim na rosas) HINDI AKO MATATALO NG MGA TULAD N'YONG MORTAL!!!

--- ikinalat ni Mari ang itim na rosas pagkahati niya rito. Napaatras ang apat sa ginawa niya at bagama't mabango ang nasabing bulaklak, nakaramdam sila ng pagkahilo nang malanghap iyon.

Andrea: (mahihilo) Nahihilo ako... (luluhod)

Quatre: (luluhod) H-hindi...

Mari: Hahaha! Alam n'yo bang wala pang kahit isang nakaligtas sa kamandag ng itim na rosas?!

Ardell: (mapapaluhod) A-ano?

Mari: Kahit ang mga nagdaang Magic Warriors ay hindi nakaligtas sa amoy ng bulaklak na ito. Kaya naman magpaalam na kayo! HAHAHAHAHA!!!!

Jessica: (luluhod) ... (sa isip) hindi ako pwedeng...

--- Napunta ulit si Jessica sa kawalan kung saan naroon si Kazuma. Tulad ng dati nakatayo pa rin ito sa harap niya.

Jessica: K-Kazuma...

Kazuma: (luluhod) Hindi ka maaaring mamatay. (hahawak sa pisngi ng kausap)

Jessica: (bigla)

Kazuma: Nasa kalooban mo, ang siyang tatalo sa rosas.

--- Bumalik si Jessica sa mga kaibigan niya at nagawa niyang pigilan ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa.

Jessica: (matatauhan)

Ardell: H-hindi ako... (babagsak)

Jessica: (sa isip) H-hindi ako pwedeng mamatay rito...

(heartbeat)

Jessica: WALANG SUSUKO!

Andrea: (bigla) J-Jessica?

Jessica: N-na... n-nangako tayo di ba? (nanghihinang ilalabas ang sibat) N-nangako tayong... b- babalik sa ating m-mundo... n-ng magkakasama!

Ardell: (pipiliting bumangon)

Andrea: (tatayo) T-tama ka...

Quatre: (babangon at ilalabas ang pana) h-hindi... HINDI TAYO MAMAMATAY DITO!!!

Jessica: (paiikutin ang sibat) Snow Crystal Showers!!!!

(magyeyelo ang mga talulot ng rosas)

Mari: Ano?

Andrea: (paiikutin ang baton) Healing Rain!!!

(uulan)

Ardell: Fire Ball!

Mari: (tatamaan ng umuulang bolang apoy)

Quatre: (habang pinupuntirya si Mari) Jessica!

Jessica: Oo! (hahawak sa busog ni Quatre) Snow...

Quatre: Lightning...

Jessica, Quatre: Arrow!!!

--- tinamaan si Mari sa dibdib kasabay ng kidlat.

Mari: H-hindi... m-maaari... (maglalaho)

--- sandaling katahimikan. nakikiramdam sila kung buhay pa ang kalaban o hindi na.

Jessica: (hihingalin) N-nagawa... n-natin...

Quatre: N-natalo natin siya...

--- Sabay-sabay silang bumagsak at nawalan ng malay. Saka lamang bumaba si Reid dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari.

Reid: (sa isip) Posible kayang buhay pa ang anak ni Shizuku? … Pero… sino? Sino sa kanilang apat?

Purin: (lalapit kay Reid) Puuuuu!

Reid: Tulungan mo ko Purin, gamutin natin sila.

Purin: Puuu Puuuu!!!

HAPON

Nagising si Andrea na may basang tela sa noo niya. Nakita niyang nanonood si Reid sa kanya.

Reid: Mabuti at gising ka na…

Andrea: H-hindi ba't ikaw ang punong kawal ng reyna?

Reid: (tatango) Ako si Reid. At ikaw si Andrea hindi ba?

Andrea: Oo... Pa'no mo nalaman?

Reid: Pinakilala na kayo sa akin ni Purin.

Andrea: (biglang babangon) Ang mga kaibigan ko, Ah! (sasakit ang ulo)

Reid: Ligtas sila.

--- Isa-isang tiningnan ni Andrea ang mga kaibigan niya. Si Ardell, may dahon sa ulo habang pinauusukan. Si Jessica naman, pinaiinom ng tsaa ni Purin kahit wala itong malay. At si Quatre, may kumot lamang ito at payapang natutulog.

Andrea: (sigh)

--- Nang magkamalay ang apat, agad silang naghanap ng paupahan upang magpalipas ng gabi.

BAYAN. PAUPAHAN. LOOB. KWARTO.

Sa isang silid kung saan naroon ang mga mandirigma.

Andrea: Meron rin pala silang paupahan rito... (papasok sa silid)

(pagkapasok sa isa sa mga silid doon)

Reid: Paumanhin. Hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko sa inyo. Ako si Reid, ang Strategos Aenid ng reyna at ng Sangatsu.

Jessica: Ako si Sarah Jessica Orville.

Quatre: Ako si Quatre Nevin Triumvir.

Ardell: Ako si Ardell Chi-Xan Li

Andrea: At ako si Andrea Martini.

--- Naupo sila sa mesa doon habang si Purin ang nagsisilbi ng pagkain at inumin nila.

Reid: Nandito ako upang balaan kayo tungkol kay Kazuma.

Jessica: Kilala mo siya?

Reid: At nagkita na kayo?

Jessica: Oo.

Reid: (gimbal) hindi maari..

Ardell: Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung sino si Kazuma at ano ang kinalaman niya kay Jessica?

Reid: Si Kazuma ang pinakamalakas na Algolino sa lahat. Higit siyang malakas sa mga diwata, higit na malakas kay Reyna Adelaide.

Quatre: Ganoon siya kadelikado?

Reid: (tatango)

Andrea: Kung ganoon siya ba ang sinasabi ni Lacerta na kinulong ng ibang Magic Warrior sa tulong ng pulseras ng lupa at hangin?

Reid: Siya na nga.

Jessica: (wala sa loob) At siyang gigising sa halik ng isang mortal.

Quatre: Jessica?

Jessica: (titingnan si Quatre) Iyon ang sabi niya sa akin.

Reid: Teka, nagkausap na kayong dalawa?

Jessica: Oo. Katunayan, siya ang tumutulong sa akin kapag wala sila.

Andrea: (kay Reid) Bakit?

Reid: Si Jessica ang nais niyang maging reyna at sa oras na magising si Kazuma, gagawing niya ang lahat makuha lang niya ito.

Quatre: At bakit siya?!

Ardell: Galit ka 'tol?

Quatre: (mamumula) H-hindi ah...

Reid: (kay Jessica) Kaya Jessica, kailangan mo siyang labanan oras na magising siya. Wala pang nakakaligtas sa kamandag niya...

(heartbeat)

Jessica: (bigla)

Ardell: Ayos ka lang ba?

Jessica: Ah, Oo. Ang mabuti pa, matulog na tayo para may lakas tayong maglakbay bukas.

Quatre: Mabuti pa nga.

--- Agad namang nahiga ang grupo at nagpahinga. Kailangan nilang maghanda para sa susunod na paglalakbay....