webnovel

Andrea’s Challenge

ILANG araw na ang lumipas mula nang maglakbay sila kasama si Reid.

HIMPAPAWID.

--- Kasalukuyan silang nakasakay sa higanteng agila upang ipagpatuloy ang paghahanap sa nalalabing mga hiyas. Habang nakadapa si Jessica upang iwasan ang magsuka, ang iba naman ay patuloy na nagsa-sightseeing sa bayan ng Sangatsu. Maliban kay Andrea na tahimik at wala sa sarili.

Quatre: Andrea, ayos ka lang ba?

Andrea: (tatayo) Tinatawag niya 'ko.

Quatre: Ano?

Andrea: (ihuhulog ang sarili)

Jessica: Andrea! (susuka agad)

Reid: Madali ka!

--- Nahulog si Andrea sa nag-iisang anyong tubig sa lugar na iyon. Agad naman silang lumapag sa pampang.

Ardell: May kutob akong tinatawag siya ng hiyas ng tubig. Ano sa tingin mo Jessica?

Jessica: (hilong- hilo na)

Ardell: Ngeh!

Quatre: Ayan tayo eh.

(Nang mahimasmasan si Jessica…)

Reid: Dahil iyon lang ang tubig sa lugar na iyon, posibleng naroon ang hiyas ng tubig.

Quatre: Ang mabuti pa, puntahan natin si Andrea doon.

Jessica: Oo.

--- Sa paglalakad nila, bigla na lang nakaramdam ng takot si Purin.

Jessica: Purin bakit?

Purin: Puuu... (magtatago sa mga bato)

Jessica: Purin!

(aatakihin ng mga puno)

Reid: (ilalabas ang ispada) Hiyah! (hahatiin ang puno)

(patuloy ang pag-atake sa kanila ng higanteng puno)

Jessica: (ilalabas ang hiyas ng lupa) Sinasamo ko ang kapangyarihan ng lupa, alisin ang sumpa sa punong binalot ng kadiliman!

(babalik sa normal ang mga puno)

Rina: (nasa dilim) Hahaha!

Ardell: Sino yan?!!

--- Lumabas sa dilim ang isang babaing maigsi ang buhok na kulay pula, malaki ang ma matang kulay itim at nakasuot ito ng maigsing skirt na kulay itim at

itim na baluti.

Rina: Pinahanga n'yo ko Magic Warriors. Malaki ang pinagbago ninyo sa maigsing panahon.

Reid: I-ikaw si...

Rina: Ako si Rina, isa sa mga anak ng reyna ng Algolia.

Ardell: Nandito ka ba para ipaghiganti si Mari?

Rina: Hindi. Hindi ko gagawin iyon sa hangal na tulad niya. Ang kamatayang iyon ay nararapat lamang sa kanya.

Jessica: Magkapatid nga kayo.

Rina: At ako... ang siyang tatapos sa inyo! (titira ng apoy)

Lahat: (iilag)

Purin: Puuuuu... (magtatago sa sa malaking bato)

Jessica: Crystalline Icicles!!!

Rina: (haharangan ng bato)

Quatre: (haharang kay Jessica) Lightning Crashers!!

Rina: (sasalagin ulit iyon) Ako naman! (titira ng kidlat)

Reid: (ilalabas ang ispada) Liwanag ng ispada!

--- Sumabog ang dalawang pwersa ng magtama iyon.

Ardell: (ilalabas ang ispada)

Rina: (ngingiti) Hmmm...

--- itinali ni Rina sina Ardell, Quatre at Reid gamit ang baging.

Jessica: Mga kasama! (matatali rin ng baging)

Rina: Akala n'yo ba makukuha n'yo ang hiyas ng ganoon kadali? (kukuryentihin ang apat)

Lahat: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!

Jessica: (habang kinukuryente) C-Crystalline... (itututok sa sarili ang kamay) .... Icicles!!!!

--- Nakalagan si Jessica sa ginawa niya kahit na sugatan pa siya.

Quatre: J-Jessica… (mawawalan ng malay)

Jessica: (babangon) H-humanda ka…

ILALIM NG DAGAT

Nagising si Andrea na nasa harap ng diwata ng tubig. Sa anyo niyang binalutan ng kaliskis, kita pa rin ang kulay dagat niyang balat, matang isda, may pangil na tulad sa piranha, nakataas ang kulay luntiang buhok at ang baluti niya ay gawa sa balat ng dragon na may kasamang palikpik.

Agua: Ikaw ba ang mandirigmang tubig?

Andrea: (lilingun-lingon, baka sakaling iba ang kausap)

Agua: Sagutin mo ang tanong ko.

Andrea: Ako nga... sino ka?

Agua: Ako si Agua, ang diwata ng tubig. (tatayo sa kabibeng inuupuan) Ikaw na may hawak sa kapangyarihan ng tubig, karapat dapat ka bang pagkatiwalaan ng aking kapangyarihan?

Andrea: Oo.

Agua: Bakit?

Andrea: Dahil nais kong malaman ang katuturan ko sa mundong ito. Kung ako ang hinirang na maging isang Magic Warrior, bakit ako?

Agua: Ganoon ba?

Andrea: (bigla)

Agua: Wala sa katuturan mo sa mundong ito kung dapat kang mangalaga sa kapangyarihan ko. Kailangan mong matutunan ang isang bagay na hindi mo pinahahalagahan noon pa man.

Andrea: Ano'ng ibig mong sabihin?!

Agua: Alam kong tutol ka na sa pagiging isang mandirigma noon pa man, at ang masama pa, hindi mo pinahahalagahan ang mga nasa paligid mo.

Andrea: Ngunit...

Agua: Patunayan mo sa akin!

DALAMPASIGAN.

Ibinalik ni Agua si Andrea sa mga kasama niya. Kaya lang, nagitla siya nang makitang sugatang nakatali sina Quatre, Ardell at Reid samantalang si Jessica ay duguang bumagsak sa harapan niya.

Andrea: Jessica!!! (luluhang lalapit at ibabangon ito) Jessica, wag kang bibitaw nandito na ko...

Jessica: (didilat) Andrea... (ngingiti pero mawawalan din ng malay)

Rina: Huwag kang mag-alala, susunod ka rin sa kanila.

Andrea: (ihihiga si Jessica) Hindi namin sa 'yo isusuko ang mga hiyas. At hindi kami papayag na maghari ang mga tulad ninyo! (susugod)

Rina: tingnan natin. (ilalabas ang ispada at susugod)

--- Nagsimula na silang magpalitan ng atake. Patuloy na sinasalag ni Andrea ang mga taga ni Rina hanggang nadala siya sa gilid.

Andrea: (gulat)

Rina: Katapusan mo na... (itututok ang ispada kay Andrea)

Andrea: HINDI AKO MAMAMATAY RITO!!!

--- Biglang lumiwanag ang tubig at lumabas ang hiyas ng tubig na nagpakawala sa mga kaibigan niya at naghilom sa mga sugat nila.

Andrea: (bigla)

--- Nang pumasok ang hiyas sa pulseras ni Andrea, nagbago ang kanilang mga baluti, saka niya hinarap si Rina.

Rina: Grrr...

Andrea: Water droplets spray!!!

(kakalat ang isang napakakapal na hamog)

Rina: Asan ka?! Magpakita ka sa akin! (makikita ang anino ni Andrea) Huli ka!

--- Naging tubig ang aninong tinamaan ni Rina saka siya sinipa ni Andrea.

Rina: aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!

Andrea: (habang pinapaikot ang baton) Water Spiral Attack!

Rina: (tatamaan) AAAAAAAAAAAAHHHH!!!

Andrea: (nasa ere) Water Blast Showers!

Rina: (tatamaan ulit) AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! H-hindi pa tayo tapos! (aalis)

--- MATAPOS ang laban, saka lumabas si Agua upang harapin si Andrea.

Agua: Alam mo na ba ngayon ang isa sa mga bagay na dapat mong pahalagahan?

Andrea: Kaibigan. Kung wala sila, hindi ko kakayaning mag-isa, malulungkot ako at pipiliin ko na lamang na manatili rito habang buhay. Aminado ako na hindi ko sila pinahalagahan noon. Pero... nang makita ko sila walang malay, doon ko nalaman ang halaga nila.

Agua: Pinahanga mo ko sa iyong pagbabago. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong magbago at hindi rin lahat ay nagbabago sa maigsing panahon. Natutuwa ako na naisip mo ang kahalagahan ng tao sa paligid sa maigsing panahon. (papasok muli sa pulseras ni Andrea) huwag kang mag-atubiling tawagin ako oras na kailanganin mo ang tulong ko.

Andrea: Salamat... Agua.

Ardell: Walang hiya ka, tinakot mo kami dun ah! (gugusutin ang buhok ni Andrea)

Andrea: (ngingiti) pasensya na.

Purin: Puuu!!! (lalapit kay Andrea)

Andrea: Purin! hahahahha!!!

SANGATSU. PALASYO.

MATAPOS panoorin ni Adelaide ang laban ni Andrea…

Adelaide: (sa isip) Kung nagawang makaligtas ng apat na bata sa kamandag ng itim na rosas, ibig nitong sabihin… (takot) b-buhay… buhay ang anak ni Shizuku… P-Pero, sino sa kanilang apat?! (luluha)

ALGOLIA. PALACE.

HABANG pinapanood ni Rina ang sandaling lumabas si Kazuma na wala ang kanyang pisikal na katawan...

Reinjenna: Kung gano'n ang babaing ito...

(si Rina naman na palihim na dumating sa palasyo at sugatan...)

Rina: Humanda ka mandirigmang tubig, pagbabayaran mo ang iyong ginawa!

Asuka: (sa dilim) hahahaha! Ang lakas ng loob mong kantiyawan si Mari pero isa ka rin palang talunan!

Rina: Manahimik ka Asuka!

Asuka: Sinabi mo eh... (aalis)

SANGATSU. DALAMPASIGAN.

Andrea: Kailangan mo ba talagang bumalik sa palasyo?

Reid: Oo. Kailangan ko kasing magbigay ng ulat sa reyna kung ano na ang nangyari rito.

Andrea: Sige, hanggang sa ating muling pagkikita.

Reid: (ngingiti, lalapit kay Jessica)

Jessica: Ah, punong kawal?

Reid: Mag-iingat ka. (aalis)

Jessica: (bigla)

Quatre: What was that?

Jessica: Aba, malay ko? Tayo na nga… (lalakad)

--- Naiwang mag-isa si Andrea na tila hindi makapaniwala sa nakita.

Andrea: (sa isip) May gusto kaya siya kay Jessica?

Jessica: (sisigaw) ANDREA!!! BILISAN MO DIYAN!

Andrea: Parating na!

--- Sa paglalakad nila, inakbayan ni Ardell si Jessica.

Jessica: Yes, Ardell?

Ardell: Sakali lang, kung ligawan ka ni Reid sasagutin mo ba siya?

Jessica: 'Yung punong kawal? Malay ko?

Quatre: May tawag sa kanila 'di ba?

Andrea: Aenid.

Jessica: Hindi ko alam. Teka, bakit ba binibigyan n'yong kulay yung pagpapaalam niya?

Quatre: Jessica, hindi usual sa isang lalaki na magpaalam sa isang babae lalo na kung wala itong gusto rito. Maliban na lang kung nais lang niyang makipaglaro.

Jessica: whatever. Let's go! (tatakbo)

Ardell: Hoy! (habang hinahabol ni Ardell si Jessica) Ba't ka nahihiya?

Jessica: (habang tumatakbo) Hindi ah! (sabay kindat)

Ardell: Ang harot mo!!!

(tawanan)

Hanggang sa narating ng grupo ang Bayan ng Algolia.

Jessica: Nandito na tayo...

Andrea: Oo nga.

Jessica: (akmang hahawak sa harang)

Quatre: Sandali.

Jessica: (bigla)

--- Binato ni Quatre ang harang at sa isang iglap, naging alikabok ang bato.

Quatre: That's a close call.

Ardell: Oo nga.

Andrea: (kay Jessica) baka naman may iba pang daanan bukod dito?

Jessica: (mag iisip) Mabuti pang magpahinga na muna tayo. Saka natin pagusapan ang iba pang daanan patungo sa Algolia.

Quatre: Mas maganda pa.

Sa malaking puno kung saan nakahimlay si Kazuma...

Kazuma: Jessica...

Samantalang ang grupo habang tulog...

Jessica: (tulog)

"Jessica"

"Jessica"

Jessica: (gigising) S-sino yan?

Kazuma: (lilitaw)

Jessica: Kazuma?

Kazuma: Shhhh. (ilalagay ang hintuturo sa labi nito)

Jessica: ah...

Kazuma: Huwag kang maingay.

Jessica: A-anong ginagawa mo rito? (hahawakan sa pisngi)

Kazuma: Jessica (hihipan ng abo)

Jessica: (mahihilo)

Kazuma: Sumama ka sa kin.

Jessica: (wala sa sariling sasama)

Pero bago pa nakalapit si Jessica sa harang...

Quatre: Jessica? A-anong...

Jessica: (wala sa sariling susugurin si Quatre)

Quatre: Hey Jessica! (iilag agad) Jessica anong nangyayari?!

Jessica: (matatauhan) ah. (mawawalan ng malay)

Quatre: Jessica! (sasaluhin ito) Anong nangyayari sa 'yo?! Jessica!