webnovel

Broken Hearts

YUNGIB

Bumalik na si Reid sa palasyo upang magbigay ulat sa reyna, samantalang ang apat nagpapahinga muna para maghanda sa susuunging panganib.

Andrea: Sigurado ka bang dadaan tayo diyan?

Jessica: Kailan ba ako nagbiro pagdating rito?

Andrea: (kikilabutan) nakakatakot kaya?

Ardell: Wala bang ibang daan, Jes?

Jessica: Wala eh…

Quatre: (papasok sa gubat) Tayo na ng matapos na ito…

Jessica: (taka) Ano'ng problema n'yon?

Ardell: Masama ang gising?

Quatre: (mula sa malayo) Ano ba? Tutunganga na lang ba kayo diyan o ano?!

Andrea, Ardell, Jessica: 'Eto na nga… (papasok sa gubat)

--- Hindi madali ang ginawa nilang pagpasok sa gubat. Maraming malalaking ugat ng puno na kailangan nilang tabasin at nakausling tinik ng mga baging na hindi mo alam kung baging nga talaga.

Ardell: Nakakatakot talaga ahhh...

Purin: (yayakap kay Ardell)

Quatre: (nag-iisip)

--- Ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Quatre…

FLASHBACK

Quatre: Andrea.

Andrea: bakit?

Quatre: Sorry, but I- I can't help it...

Andrea: What is it?

Quatre: I like you...

(pause)

Andrea: Sorry, hindi pwede eh.

Quatre: Bakit? hindi pa naman kita liligawan eh...

Andrea: May ibang tinitibok ang puso ko. At si Reid iyon.

Quatre: (patda)

Andrea: Sorry Quatre.

--- Natauhan si Quatre nang tapikin siya ni Jessica sa balikat.

Jessica: May problema ba?

Quatre: Wala.

Jessica: Bad trip ka?

Quatre: Hindi.

Jessica: Ba't ganyan ka? Hindi naman siguro tama na pag-initan mo kami sa init ng ulo mo.

Quatre: At nagagawa mong sabihin sa akin 'yan?! tell me Jessica, nasabi mo ba sa amin kung ano ang tumatakbo sa isip mo bago natin kunin ang hiyas ng hangin?

Jessica: Q-Quatre, That doesn't concerns our mission so I decided to keep it to myself. And I just ask you to give me some space…

Quatre: Then leave me alone! This does not concerns you or the mission OKAY?!!!

Jessica: Quatre, I just want to be some help or at least to relief your depression... Sabi mo nasa tabi lang kita kahit anong mangyari at nais ko na ganoon din ako sa 'yo. Gusto kitang tulungan kaya…

Quatre: Enough Jessica, Just leave me alone!

Andrea: Quatre, kung mainit ang ulo mo sa akin, wag mong idamay si Jessica rito!

Quatre: Isa ka pa! (aalis)

(pag-alis ni Quatre)

Ardell: Ano ba ang problema?

Andrea: Binasted ko?

Ardell: Ano? (nganga)

--- Pero si Jessica, para siyang sinasakal sa narinig niya nang marinig iyon kay Andrea. Lalong bumigat ang nararamdaman niya nang magkasagutan sila kanina.

Ardell: Haayy... sa kanya na nga galing na hindi kayo pwedeng magligawan dito.

Andrea: Hindi naman siya nanligaw eh.

Ardell: Eh, ano?

Andrea: Nagtapat lang siya.

Ardell: At binasted mo agad?

Andrea: (tatango)

Ardell: Ano? Kailangan na ba kitang kantahan ng (sa tono ng spongebob ending song) "Ang ganda-ganda mo"?!

Andrea: Ardell, naman eh!

Ardell: (mapapansin na nakayuko lang si Jessica) Hoy, ayos ka lang ba?

Jessica: (tatalikod) Tayo na... (aalis)

--- Habang patuloy silang naglalakad, isang pares ng mata ang nakatingin sa kanila...

ALGOLIA

Habang pinapanood ni Reinjenna ang paglabas ng enerhiya ng puno kung saan nakakulong si Kazuma...

Rina: (darating) Ina.

Reinjenna: (lilingon) Ano yon Rina?

Rina: Sabihin mo sa akin? Buhay pa ba ang batang nasasaad sa propesiya?

Reinjenna: Ang batang magmamana sa trono ng Algolia... Oo.

Rina: Ano?

Reinjenna: (lalakad paalis sa hardin) At siya ring gigising sa pagkakahimbing ni Kazuma.

Rina: Sandali! (sa isip) Kung ganoon, sino sa kanilang tatlo iyon ang tinutukoy ni Ina?

GUBAT

Walang kibuan sa grupo habang si Purin ay napapatingin na lamang sa awkward situation ng grupo.

(lalabas ang mga paniki)

Andrea: (yuyuko) AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!

Ardell: Tsss..

--- Maya-maya pa lumabas ang isang lobo na naglalaway sa gutom.

Andrea: O my-g.

Quatre: Grrr...

*growls*

(susugurin ng lobo)

Lahat: (iilag)

Ardell: Fire ball!!!

(walang lalabas)

Ardell: Restricted area ulit!

Jessica: (ilalabas ang sibat) Ardell! (hihiwain iyon)

--- Tinamaan ang lobo pero agad din iyong naghilom. Saka sila hinampas ng buntot ng higanteng lobo at lahat sila ay tumama sa puno. Pero si Jessica, saktong pagtama niya sa puno, nahulog siya pagkatapos niyang bumagsak.

Jessica: (titili)

Quatre: Jessica!!!

--- Biglang sumunod ang lobo sa hinulugan ni Jessica.

Ardell: Hindi maaari, anong gagawin niya?

Quatre: Jessica! (pupunta agad sa butas) JESSICA!!!!

--- Nagising si Jessica sa gitna ng hardin. Naamoy niya ang mabangong simoy ng bulaklak at nakita niyang nakatingin sa kanya ang lobong umatake sa kanya.

Jessica: (babangon) S-sino ka? (maninikip ang dibdib) A-aargh... a-ano itong ... (titingin sa paligid) i-itim na rosas... (tatayo)

Kazuma: (boses) Tama ka...

Jessica: (titingnan ang lobo) K-Kazuma... (lalakad palapit dito)

Kazuma: Ako nga. (lalapit) Naririnig ko ang iyong panaghoy... Ano'ng nangyari? Bakit ka malungkot?

Jessica: (luluha)

Kazuma: Sinong nanakit sa 'yo? Ang mortal na iyon?

Jessica: (yuyuko)

--- Pumulupot sa kanya ang lobo na tila yakap siya.

Jessica: Kazuma... bakit sa akin ka lang mabait?

Kazuma: Hindi mo pa rin ba maramdaman?

--- sa itaas...

Quatre: Jessica!

(walang sasagot)

Quatre: Jessica!! Sumagot ka!!!

Ardell: Hindi iyon sasagot.

Quatre: (titingnan si Ardell)

Ardell: Tinaboy mo si Jessica dahil lang sa binasted ka, ngayong wala na siya, tatawag-tawag ka?

Quatre: Pwede ba Ardell, tumahimik ka muna?

Ardell: 'Wag mo na siyang iligtas. Tutal tinakwil mo na siya bilang kaibigan. (kay Purin) Maari mo ba kaming bigyan ng lubid para makababa sa hinulugan ni Jessica?

Purin: Pu!

--- Naglabas ng lubid si Purin at agad namang bumaba sina Andrea at Ardell. Naiwan naman si Quatre na natanga lang sa tabi ng butas.

HARDIN NG ITIM NA ROSAS.

Inilayo ni Kazuma si Jessica sa kanyang hinulugan at yakap pa rin siya nito habang si Jessica, unti-unting nawawala sa sarili habang paulit-ulit na inaalala ang pagtataboy ni Quatre sa kanya.

Kazuma: Sumama ka sa kin...

Jessica: (bigla)

Kazuma: Pangako, hindi ko gagalawin ang mundo ng mga mortal sa oras na sumama ka.

Jessica: Anong ibig mong sabihin?

Kazuma: Aalagaan kita na parang reyna... hindi, higit pa sa isang reyna. Kung kinakailangang bihisan kita ng ginto gagawin ko.

--- Unti- unti na siyang nawawalan ng malay nang marinig niya na tinatawag siya nina Andrea at Ardell. Pagbaba nila, laking gulat nilang bumaba si Quatre nang walang lubid sa hinulugan ni Jessica.

Quatre: Jessica!

Ardell: Quatre?

Jessica: (mawawalan ng malay at babagsak)

--- Agad sinugod ng lobo si Quatre pero nagawa nitong agapan ang bunganga ng lobo sa paglapa sa kanya.

Quatre: Ardell, ang ispada!

Ardell: Ano?!

Quatre: Dali na!

Ardell: Hindi maari! Ginawa ang mga sandata para lamang sa atin, kung ipapagamit ko iyon sa iyo baka...

Quatre: (mapapaatras habang pinipigilan ang bunganga ng lobo) Ano ba?!

Ardell: (sa isip) Teka… (kay Andrea) Andrea pahiram ng baton!

Andrea: O-oo. (ilalabas ang baton at ibibigay iyon kay Ardell)

--- Natunaw ang baton at naging tubig pangalawa, lumikha iyon ng paso sa kamay niya.

Andrea: Ano ba ang iniisip mo at nagawa mo pang...

Ardell: Kung hihiramin ni Quatre ang ispada ko masusunog siya!

Andrea: Ano?!

Quatre: (patuloy pa ring pinipigilan ang lobo) Ardell! Wala akong pakialam kung masunog ako rito!

Ardell: Bahala na (ibibigay ang ispada kay Quatre) Quatre!!!

--- Pagsalo ni Quatre sa ispada, nasunog siya agad. Pero isinaksak na niya agad iyon sa lobo dahilan para masunog din iyon.

--- Nang maging abo ang kalabang lobo…

Kazuma: (boses) Nagtagumpay ka sa ngayon, Mandirigmang Kidlat.

Quatre: (lilingon)

--- Nakita niya si Kazuma na isang aparisyon at masamang nakatitig sa kanya.

Quatre: Ikaw, anong ginawa mo kay Jessica?!

Kazuma: Ang isang bagay na dapat ikaw ang gumagawa.

Quatre: Ano?

Kazuma: Sa akin si Jessica.

Quatre: Hindi ako papayag na makuha mo siya. Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo magawa iyon.

Kazuma: Sisiguruhin kong makukuha ko siya sa susunod nating paghaharap. (maglalaho)

--- Agad nilang kinuha si Jessica at inalis sa hardin ng itim na rosas. Samantala, palihim namang nanonood sa kanila si Rina.

Rina: Ganoon pala.

--- Sa isang ligtas na lugar paglabas sa yungib, agad nilang ginamot sina Quatre pero hindi nagbabago ang sitwasyon ni Jessica.

Jessica: (nahihirapang huminga)

Quatre: Jessica, gumising ka! Gumising ka!

KAWALAN.

Jessica: (gigising) Nasaan ako?

Kazuma: Sumama ka sa akin...

Jessica: Kazuma...

Quatre: (boses) Jessica!

Jessica: Quat...

Kazuma: Kapag sumama ka sa kanya, sasaktan ka lang niyang muli!

Jessica: (iiling)

--- Naramdaman ni Jessica na may tumutulong luha sa pisngi niya. Nang magkamalay siya nakita niyang umiiyak si Quatre.

Jessica: (uubo)

Quatre: Jessica...

Jessica: (nanghihina) Q- Quatre...

Quatre: Thank Goodness… you're alive!

Jessica: B-bat ka u-umiiyak? (hahawak sa pisngi nito)

Quatre: (iiyak) Nagagawa mo pang itanong iyan samantalang halos mamatay na 'ko sa pag-aalala.

Jessica: H-hindi ka na... g-galit?

Quatre: Hindi ako galit sa 'yo, ano ka ba?! (yayakapin si Jessica) S-sorry kanina...

Jessica: (luluha rin)

(sa di kalayuan)

Andrea: Sa tingin ko infatuated lang si Quatre sa akin.

Ardell: Tingin ko nga.

ALGOLIA. PALASYO.

KUMUHA si Rina ng mga itim na rosas at lumikha siya ng isang damit.

Reinjenna: (darating) Rina.

Rina: Mahal na reyna.

Reinjenna: Ano'ng ginagawa mo?

Rina: (itataas ang damit) Mahal na Reyna naisip kong makakatulong ang damit na ito upang mapasunod ang mandirigmang yelo at siya mismo ang gumising kay Kazuma.

Reinjenna: (kunot noo) Sigurado ka?

Rina: Magtiwala ka Ina.

Reinjenna: (tatalikod) Sige, humayo ka.