webnovel

In Algolia Territory

ALGOLIA TERRITORY

Hinahanap na ng grupo ang hiyas ng kidlat. Wala pa ring signos kung nasaan ang hiyas ng niyebe.

Pasan naman ni Quatre sa likod niya si Jessica na kasalukuyang walang malay. Hindi kumikibo si Quatre kahit na naramdaman na niyang nagkamalay na ito.

Jessica: Quatre, okay na. Maglalakad na 'ko.

Quatre: Sigurado ka?

Jessica: (tatango)

(ibababa ni Quatre si Jessica)

Quatre: Kamusta na ang pakiramdam mo?

Jessica: (yuyuko) Maayos na... Quatre...

Quatre: Bakit?

Jessica: Yung tungkol sa insidente sa hiyas ng...

Quatre: Kalimutan mo na 'yon. Kaya ko lang naman na brought up 'yon dahil masama ang loob ko. Dahil... H-hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ni Andrea.

Jessica: May gusto ka ba... k-kay Andrea?

(silence)

Quatre (mamumula) Oo. Masyado bang halata?

Jessica: O-oo. (sabay iwas ng tingin)

Quatre: Kaya lang kasi binasted niya ko. May mahal daw kasi siyang iba. But I'm not giving up.

Jessica: Ganoon ba?

Quatre: Bakit?

Jessica: Kung may gusto ka sa kanya bakit mo 'ko hinalikan?

Quatre: (bigla)

(silence)

Ardell: (mula sa malayo) Guys!

Quatre, Jessica: (lilingon)

Andrea: Let's go.

--- Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa kweba.

Jessica: (ilalabas ang kalatas) Nasa loob ng kweba ang hiyas ng kidlat.

Purin: Pu!

Andrea: Para namang nakakatakot diyan, ano sa tingin mo Quat-- (makikitang tuluy-tuloy si Quatre na papasok sa kweba) Quatre!

(heartbeat)

Ardell: Naramdaman n'yo ba yon?

Andrea: Ang hiyas ng kidlat…

Jessica: Sundan natin si Quatre!

Andrea, Ardell: (tatango)

--- Pero bago pa sila nakasunod, agad silang sinalakay ng itim na apoy ni Rina.

Jessica, Andrea, Ardell: (iilag)

Rina: Magaling.

Andrea: Ikaw na naman?!

Ardell: Hangal ka Rina kung iniisip mo na kaya mo kaming talunin sa ganyang uri ng taktika mo.

Rina: Hindi naman. (pasusugurin ang mga baging)

Reid: (darating at hihiwain ang mga iyon)

Rina: Ikaw na naman *Strategos Aenid.

Reid: (kay Andrea) Ayos ka lang ba?

Andrea: Oo.

Rina: (titira ng kidlat)

Jessica: (sasalagin iyon ng sibat)

Rina: Ano?

Jessica: (sasakit ang ulo) Argh!

Andrea: Jessica!

--- Bigla niyang nakita sa isipan niya na nakatayo sa harap niya si Kazuma.

Jessica: (sa isip) dulot kaya ito ng itim na rosas?

Rina: Kahanga-hanga...

Jessica: (sa isip) H-hindi maaari!

Rina: Tumatalab na ang itim na rosas.

Ardell: Ano'ng ibig mong sabihin?

Rina: Ang itim na rosas ay hindi lamang lason na kumikitil sa buhay ng kahit na sinong nilalang na hindi sanay dito, isa rin itong ipinagbabawal na gamot na kung saan ang sinumang magtagal sa nasabing bulaklak ay nagiging kasapi namin.

Andrea: No way...

Rina: Pero hanga ako sa 'yo dahil saglit lamang at nagiging kaanib na namin ang sinumang nakakaligtas rito ngunit hindi ikaw. Hindi na ko magtataka kung bakit ikaw ang napupusuan ni Kazuma. (ilalabas ang tela) Ihanda mo ang sarili mo dahil ito mismo ang magdadala sa 'yo kay Kazuma! (sabay hagis ng tela)

Jessica: (hahatiin iyon) Huwag mo kong maliitin!

Rina: (aalis)

Ardell: Sandali! (hahabulin si Rina)

Andrea: (pupulutin ang tela) Ano ito?

Jessica: Andrea, bitawan mo yan!

Andrea: (babalutin ng tela) AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!

Purin: Puuu... (magtatago ulit)

KWEBA

NATAUHAN si Quatre nang makita ang lalaking kulay luntian ang kasuotan na nababalot ng luntiang balabal. Itim ang buhok nito, balingkinitan ang katawan at napapaligiran ng kuryente sa katawan. Hawak nito ang hiyas ng kidlat habang nakaupo sa isang malaking bato.

Kino: (tititigan ang binatang may ginintuang buhok) Ikaw ba ang Mandirigmang Kidlat?

Quatre: (kaba) A-ako nga... Sino ka?

Kino: Ako ang diwata ng kidlat. Ako si Kino. (tatayo at ituturo si Quatre) Ikaw na may hawak sa kapangyarihan ng kidlat, karapat-dapat ko bang ipagkatiwala sa yo ang aking kapangyarihan?

Quatre: Oo.

Kino: Patunayan mo...

(PAUSE)

Kino: Patayin mo ang Mandirigmang Yelo.

Quatre: (bigla) Ano?

Kino: Mukhang hindi malinaw sa 'yo ang iyong tadhana binata. Sa oras na maging lalaki ang hiranging Mandirigmang Kidlat, siya ay nakatakdang kitlin ang Mandirigmang Yelo na siyang nakatadhanang maging reyna ng Algolia.

Quatre: At dahil ako ang Mandirigmang Kidlat, kailangan kong patayin si Jessica, ganoon ba?!

Kino: Oo.

Quatre: Grrrrr…

--- Saglit na katahimikan at agad na tumalikod si Quatre para maglakad.

Kino: Saan ka pupunta?

Quatre: Lalayas. Hindi ko magagawang patayin ang kaibigan ko kahit na ito pa ang tadhana ko. Ngayon, kung ang pagpatay sa kaibigan ko ang tanging paraan para maging karapat-dapat sa kapangyarihan mo, mabuti pang umalis na lang ako. Iyo na lang 'yan.

Kino: Hindi mo mababago ang iyong tadhana.

Quatre: (titigil) Iyon ang akala mo.

Kino: Ano? (bigla)

Quatre: At iyon ang patutunayan ko. (aalis)

GUBAT.

Pabalik na si Quatre sa mga kasama niya....

Quatre: (sa isip) Si Jessica? Magiging Reyna ng Algolia? Pero paano? ... At papaano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?

(maririnig ang sigaw ni Andrea.)

Quatre: (gimbal) Andrea! (pupunta agad sa mga kasama niya)

--- Inabutan ni Quatre na nagbago ang baluti ni Andrea, saka ito naglabas ng baton.

Reid: (gimbal) Andrea...

Andrea: (aatakihin si Reid)

Reid: (iilag)

Andrea: (aatakihin lahat)

Jessica, Ardell: (iiwas) Andrea!

Reid: Andrea, anong nangyayari sa yo? (isasalag ang ispada sa baton) Andrea!

Andrea: (titira ng tubig)

Jessica: Snow Crystal Light!!!

(magiging yelo ang tubig)

Ardell: Fire blades!

Andrea: (iilag)

Ardell: Kinokontrol siya ng damit.

Jessica: Paano natin mahuhubad iyon sa kanya? Nakabalot ito sa kanyang baluti?! (iilag sa kapangyarihan ni Andrea)

--- Umiilag lamang sila sa atake ni Andrea samantalang napako si Quatre sa kinatatayuan niya.

Flashback

Kino: Sa oras na maging lalaki ang hiranging Mandirigmang Kidlat, siya ay nakatakdang kitlin ang Mandirigmang Yelo na siyang nakatadhanang maging reyna ng Algolia.

Quatre: (sa isip) Kung ganoon, ganoon sila ka-desperado na gawing reyna si Jessica?

Jessica: (iilag)

Andrea: (titira ng tubig)

Jessica: AAAAAAAAAAAAAAAAAAARRGHHH!!!!

Quatre: Anong gagawin ko?

--- Sa sunod na atake ni Andrea na para kay Jessica...

Quatre: (haharang at tatamaan) AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!

Jessica: Quatre!!!

Quatre: (luluhod)

Jessica: (luluha at lalapit kay Quatre) Tama na Quatre, nakikiusap ako...

Quatre: (tatayo at lalapit kay Andrea) A- Andrea... (yayakapin si Andrea) G-gumising ka... H-hindi ikaw ang Andrea na nakilala ko... L-labanan mo k-kung anuman ang sumapi sa 'yo…

Andrea: (papalag at aatake ulit)

Jessica: Kino... HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!

--- Biglang lumiwanag ang langit at lumabas ang hiyas ng kidlat. Pumasok ang hiyas sa baluti ni Quatre at kasabay niyon ay ang pag-unlad ng kani-kanilang mga ispada.

Quatre: (gulat) Kino?

Kino: Panain mo ang kaniyang baluti.

Quatre: Ano?!

Kino: Magtiwala ka sa akin…

--- Sumunod agad si Quatre kay Kino at inasinta si Andrea na pasugod na sa kanya.

Kino: Soul Cleanser Strike.

Quatre: Soul Cleanser Strike!!!

--- Pinakawalan niya ang palaso at tinamaan si Andrea ng malakas na kidlat. Naging abo ang itim na baluti at bumalik na si Andrea sa dati.

Andrea: (babagsak)

Quatre: (sasaluhin si Andrea) Andrea!

Andrea: (didilat) Q-Quatre...

Quatre: Don't worry, everything is fine now... (yayakapin si Andrea ng mahigpit) Don't think of it...

--- Nagsimula nang magpaulan si Andrea upang gamutin ang sugat ng mga kaibigan niya. Habang pinagmamasdan ni Jessica nakaramdam siya ng kapanatagan at... selos.

Kazuma: (boses) Masakit ba?

Jessica: (biglang lilingon)

Kazuma: (boses) Bakit hindi ka na lang sumama sa akin? Nang sa gayon, hindi mo na madama pa ang sakit na dinaramdam mo ngayon… Handa akong ibigay sa yo ang lahat…

*Strategos Aenid- Highest Ranking Soldier in Sangatsu

ALGOLIA TERRITORY

SA Algolia, kahit umaga mukha pa ring gabi dahil nababalot ito ng kadiliman... Patuloy na naglalakbay ang mga mandirigma kasama ang punong kawal patungo sa palasyo ng Algolia.

Ardell: (habang bitbit si Purin at kausap si Reid) Mabuti at nagawa mong sumunod rito, G. Reid.

Reid: Ang totoo, noong isang araw n'yo pa dapat ako kasama kung hindi lang masyadong malakas ang harang ng Algolia.

Andrea: (ngingiti) Mabuti at nagawa mo!

Quatre: (nasa likod ng ulo ang dalawang kamay) Sana hindi na lang...

Andrea: (kay Quatre) May sinasabi ka?

Quatre: Wala...

Purin: (kay Ardell) Pu-pu...

Jessica: (sigh)

Ardell: (kay Jessica) Bakit?

Jessica: May naalala lang. Number?

Quatre: (wala sa loob) 17.

Jessica: Ikaw yun eh...

Quatre: Bakit, wala kang ibang kakilala na nagsisimula sa letter Q?

Jessica: Wala maliban sa banana- q, barbe-q at kamote q.

(Pause)

Jessica: Sana umulan.

Andrea: Bakit?

Jessica: Wala lang. Pero ayoko noong gawa mo.

Andrea: Hm? May issue ka sa ulan ko?

Jessica: Wala, gusto ko lang makita kung ano'ng pakiramdam ng ulan sa Algolia.

Kazuma: (boses) Masusunod...

--- Maya-maya pa, lalong kumulimlim ang langit na naging dahilan ng pag-ulan at kalat- kalat na kidlat. Saka nagpakita ang aparisyon ng isang lalaki na kulay asulang-itim ang buhok, mas mataas ng isang dangkal kay Quatre, mapusyaw ang kulay ng balat at kulay pula ang mga mata. Masasabing ang katawan niya ay nababalot man ng mahabang balabal ngunit makikitang matipuno ang balingkinitang katawan nito. Wala itong bakas ng emosyong nakatitig sa apat na mandirigma.

Reid: (gimbal) Hindi maaari...

Jessica: K-Kazuma?

Kazuma: (ngingiti) Kamusta? Nagulat ka ba Strategos Aenid?

Quatre: (haharang agad kay Jessica) Anong kailangan mo?

Kazuma: Nandito ako para kunin ang aking reyna. (susugod saka susuntukin si Quatre)

Quatre: (tatamaan sa psingi) Ah! (tatalsik at tatama sa puno)

Jessica: Quatre! (kay Kazuma) Kazuma ano itong ginagawa mo?

Kazuma: Hindi mo ba nakikita? kukunin na kita upang maging reyna ko!

Ardell: (susugod) Jessica, lumayo ka sa kanya!

--- Tumalsik lang silang lahat sa mahinang pwersa na pinakawalan ni Kazuma. Pero si Jessica lamang ang hindi tinamaan.

Jessica: Minna!!! Kazuma, doshite desu ka?! [everyone!!! Kazuma, why?!]

Kazuma: Dahil mahal kita.

Jessica: (bigla)

Kazuma: Minahal na kita mula nang makilala kita sa puno ng ilusyon. Sa akin ka lang... At sa oras na magising ako, nais kong ikaw ang makita ko. Ikaw na isang reyna ng Algolia.

Jessica: Imposible 'yon, isa akong mortal. Hindi ba't sinabi mo na kauri mo lamang ang makakagising sa 'yo? H-hindi ako 'yon.

Kazuma: Pero hindi mo rin ba alam na ang maaaring gumising sa akin ay ang nilalang na aking mamahalin?

Jessica: You're just obsessed! At dahil sinaktan mo ang mga kaibigan ko hindi kita mapapatawad! (titira ng yelo)

Kazuma: (sasalagin iyon)

Jessica: Ano?

Kazuma: Kung ganoon, wala na akong magagawa. (pupunta sa likod ni Jessica)

Jessica: (bigla)

Quatre: Tingin mo papayag ako?

--- Tiningnan nila si Quatre na nakahanda na ang palaso para kay Kazuma.

Jessica: Quatre…

Kazuma: (boses) Huwag kang padadala sa mga ginagawa niya.

Jessica: (titingnan si Kazuma)

Kazuma: (boses) Isa siyang manggagamit… panakip butas ka lamang…

Jessica: (sa isip) bakit ka nagsasalita sa utak ko?

Kazuma: Iyon ay dahil nakikita ko kung ano ka talaga…

Jessica: (sa isip) Hindi maaari…

Quatre: Jessica, layo na…

Jessica: (hahawak sa ulo) Itigil n'yo 'yan!

--- Lingid sa kaalaman ng grupo, kausap ni Jessica si Kazuma sa isipan niya.

Kazuma: Ang mahal niya ay ang Mandirigmang tubig! Bakit mo pahihirapan ang sarili mo kung iba naman ang mahal niya?

Jessica: Tumigil ka Kazuma...

Kazuma: Hindi mo mababago ang katotohanang iyon… Ako Jessica, matagal na kitang mahal. Mahal na kita bago pa kita makilala… Nang ipakilala ka sa akin bago ako maikulong sa puno.

Jessica: Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.

Kazuma: Bago ako maikulong sa puno, ipinakita na sa akin ni Reinjenna, ang Reyna ng Algolia ang iyong mukha na siyang gigising sa akin sa tamang panahon. Ako lamang ang nakakita sa iyong mukha... Kaya naman, alam ko sa sarili kong mahal kita. Lalo pa nang magkita tayo sa puno ng ilusyon.

(paulit-ulit sa isipan niya ang nangyari kahapon kung saan niyakap ni Quatre si Andrea ng sobrang higpit.)

Kazuma: Hindi ka mahal ng mandirigmang iyan... sarili lang niya ang iniisip niya at itatapon ka lang din niya sa huli.

Jessica: (iiyak) TAMA NA!!!

-- Sa realidad, umiiyak si Jessica pero hindi ito tumitinag sa posisyon niya mula pa kanina. Ipinapakita ni Kazuma ang masasama niyang nakaraan.

Jessica: (umiiyak) i-itigil mo 'yan...

Kazuma: (boses) Wala siyang pagkakaiba sa mga taong nananakit at patuloy na umaapi sa 'yo sa mundo ng mga mortal.

Jessica: Sinungaling!

Quatre: Jessica, a-anong---

Reid: Naloko na! Inaatake niya si Jessica sa kalooban niya!

Quatre: Anong ibig mong sabihin?

Reid: Sa oras na makita ni Kazuma ang kahinaan ng isang tao, gagamitin niya iyon upang saktan o kontrolin ang taong iyon. At si Jessica, unti-unti niya itong nilulunod sa kalungkutan upang saktan ito.

Quatre: Ano?!

Kazuma: (ngingiti)

Quatre: Kazuma! (papana)

(sasalagin ni Jessica ang palaso)

Quatre: Jessica! (bigla)

Jessica: (hahawak ulit sa ulo) tama na... (iiyak) Tama na!!!

--- bumalik sa kanya ang masasamang alala ng kanyang pagkabata. Ang panlilibak ng mga kaklase at kapwa istudyante sa paaralan. Ang paulit-ulit na pagbale-wala sa kanya ng sariling pamilya. At ang insidente ng nagyelong paaralan.

Kazuma: (boses) Dito ka nababagay sa Algolia at ako lang ang maaaring magmahal sa 'yo. (yayakapin si Jessica mula sa likod)

Quatre: (papana ulit)

Kazuma: (sasalagin iyon)

Quatre: Jessica, makinig ka! Kung anuman ang isinasaksak niya sa utak mo, lason yon! Isang lason na siyang sisira sa yo! Huwag mo hayaang gamitin ka ng halimaw na yan!

Jessica: (wala sa sariling iiyak)

Andrea: (lalapit) Jessica... (sa isip) psychological torture?

Ardell: (lalapit kay Kazuma) KAZUMA!!! (ilalabas ang ispada at tatagain ito)

Kazuma: (iilag kasama si Jessica)

Ardell: (kina Quatre) Makinig kayo, kung tama si Reid kailangang mailayo natin siya kay Jessica kung hindi kukunin niya ito sa atin!

Andrea: (ilalabas ang baton) Let's do this.

Reid: (huhugutin ang ispada)

Kazuma: Mahal kong Reyna... (iuupo si Jessica)

Jessica: (babagsak ang kamay, nakatulala)

Kazuma: Kakalabanin ko lang ang mga tagalupang ito. (susugod kina Ardell)

--- Nagsimula na ang labanan ng grupo kay Kazuma. Sinamantala naman iyon ni Quatre para makalapit kay Jessica.

Kazuma: Ano?!

Ardell: Tingin dito! (titira ng apoy)

Kazuma: (iilag)

(at si Quatre...)

Quatre: Jessica, gumising ka! (aalugin ito) hoy!

Jessica: (nakatulala)

Quatre: Anong ginawa niya sa 'yo?!

--- Sa isipan ni Jessica, isang anino ng babae sa kadiliman ang nakita niya. Alam niyang nakangiti ito sa kanya dahil sa mahinang tawa na narinig niya.

Jessica: Sino ka?

(maririnig ang tawa, palakas ng palakas)

Jessica: MAGSALITA KA!

"Huwag kang mainip... makikilala mo rin ako"

Jessica: (sasakit ang ulo)

"Matagal na kong nabubuhay sa kalooban mo... ikaw ang lumikha sa akin."

Jessica: Hindi kita maintindihan… paano kita nilikha?

"Malalaman mo rin… sa ngayon, matulog ka na muna"

--- Saka nawalan ng malay si Jessica sa realidad.

Kazuma: (sasakit ang dibdib) AH!

Ardell: (bigla)

Kazuma: B-bakit ngayon pa... (titingnan si Jessica) J-Jessica… (pipiliting abutin si Jessica ngunit maglalaho)

--- Agad nilang nilapitan si Jessica na pagod na pagod ang itsura dahil sa pag-iyak at paulit-ulit na paglaban sa mga alaala niya.

Quatre: (ibabangon si Jessica) Jessica, gumising ka...

Andrea: hayaan mo muna siyang magpahinga.

Quatre: Ano?

Andrea: Nakaranas si Jessica ng psychological torture at mas nakakapagod iyon dahil utak mismo ang pinuntirya ni Kazuma.

Quatre: H-hindi ko man lang siya natulungan... (maaalalang tinatawag siya ni Jessica)

--- Papasanin sana ni Quatre ang walang malay nilang kaibigan ng awatin siya ni Ardell.

Quatre: bakit Ardell?

Ardell: Si Reid na lang ang pagbuhatin mo.

Quatre: Dati ko na naman itong ginagawa ah.

Ardell: Dati yon.

Quatre: What do you mean?

Ardell: (sa isip) ano kaya ang sasabihin ko sa yo? Manhid ka, bato, o tanga? - basta, simula ngayon, hindi mo muna pwedeng lapitan si Jessica. (lalakad)

--- Tulad ng napag-usapan si Reid na ang nagbuhat kay Jessica saka sila nagpatuloy sa paglalakbay. Sa paglalakad nila, naalala ni Reid ang pag-uusap nila ni Reyna Adelaide bago siya sumunod sa Algolia.

Flashback

SANGATSU

Reid: (darating at luluhod) Kamahalan.

Adelaide: Reid, mabuti't dumating ka. May kailangan kang malaman.

Reid: Ano yon?

Adelaide: Una, nakapasok na ang mga Mandirigma sa Algolia. Pangalawa...

Reid: (bigla)

Adelaide: Ang Mandirigmang Kidlat, natalo niya ang kapangyarihan ng ispada ng Mandirigmang apoy.

Reid: Pero pa'no?

(ipinakita ni Adelaide ang nangyari kung paano nagawang hawakan ni Quatre ang ispada ni Ardell)

Adelaide: Manmanan mo siya... maaaring siya ang nawawalang anak ni Shizuku.

Reid: (sa isip) Pero imposible. Ni hindi nga sila magkamukha ni Shizuku. Kung ganoon, paano?

ALGOLIA

SA trono ng mahal na reyna kung saan nag-aabang si Reinjenna.

Reinjenna: Sige lang... Lumapit kayo sa aking palasyo at kayo mismo ang magdala sa babaing gigising kay Kazuma...