webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Tawag

Ylrza's POV

No, this really can't be true.

How could this thing happen?

Baka nagkataon lang siguro. Pero hindi e, sariwa pa sa isip ko ang lahat ng mga nangyari. Kung panaginip lang talaga yun bakit nasa harapan ko ang isang to ngayon?

Paulit-ulit akong umiling habang nakapikit at nagsasalita mag-isa.

"Hindi to maari! HINDI!" napasigaw ako dahil sa sobrang kalituhan.

"Teka, teka, Miss naaaning ka na ba?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Kung may masakit sayo sabihin mo lang at ng madala kita sa pinakamalapit na hospital," dugtong pa niya.

Akala mo'y nag-alala talaga siya pero makikita mong nagkukunwari lang dahil sa expression ng mukha niya habang makahulugang nakangisi.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo!" pabalang na sagot ko habang sinusubukang tumayo pero agad akong natumba dahil pinulikat yata ang paa ko.

Agad niya naman akong sinalo at inalalayang tumayo. Pakitang-tao talaga tong isang to porket maraming taong nakatingin. Nagpapaka-gentleman kunwari, hindi naman bagay sa kanya.

"Kyaaah! Ang gwapo talaga ni Knight!"

"Pa hard-to-get pa kunyari to si ateng. Kung ako diyan sinunggaban ko na yan. Ano ba?!"

"Kung wala lang ang mga bodyguards na nakapaligid sumugod na kami dyan. Nakakainis! We love you Knight! Ang gwapo mo talaga! Kyaaah!"

Ang ingay naman ng bunganga ng mga babaeng iyon. Ngayon ko lang na pansin na may men in black ngang nakapalibot sa amin ng asungot na to. Nakakatakot talaga ang mga itsura kaya pala hindi nakakalapit ang mga desperadang fans ng mukhang baklang to. Tsk.

"Yan kasi, sabi ko na kailangan mo ako e. Huwag ka na kasing pakipot. Alam ko namang nagwagwapuhan ka lang sa akin. Huwag kang mag-alala sanay na ako sa mga fangirls kong nagpapapansin sa akin. Hahaha." proud niyang sabi habang nakaalalay sa akin.

Ang kapal naman ng apog ng isang to. Sobrang hangin kala mo kung sinong gwapo, e lahat naman yata sa kanya ay panget. Psh.

"O, ba't natahimik ka diyan? Siguro isa ka talaga sa fangirls ko noh? Kaya siguro sinadya mong mahimatay kunwari sa gitna ng kalsada upang makuha ang atensyon ko tama? Pasalamat ka dahil matulungin ako. Nagkataon pang parehas pa tayo ng school na papasukan," mahabang litanya niya.

"Tama yan Master Knight, papansin talaga yang babaeng yan."

"Kami na lang ang pansinin mo. Sulit pa!"

Seriously? What did I get myself into? These weirdos are really annoying!

I'm so pissed right now so I didn't bother to answer him or to even look at him. Yumuko na lang ako habang nakakuyom ang kamao dahil sa inis.

"So, silence means yes right? I guess you're special. Kaya isasama na lang kita papuntang school."

"WHAT? NO! Huwag! Master Knight di kami papayag! Nooooo. Huhuhu."

Did I hear it right? Isasama niya raw ako papuntang school? So may silbi rin pala tong pangit na to. So, shall I give in?

I started weighing things if dapat ba talaga akong sumama sa kanya. But I guess I have no choice kaysa naman dumugin ako ng mga fantards niya at masabunutan pa. I don't want that hassle kaya sige magpapanggap na lang akong fangirl niya kung iyon nga ang gusto niyang mangyari.

"Ano na sasama ka ba?" tanong niya.

Tumango na lang ako. Ayoko ng magsalita dahil hanggang ngayon gusto ko pa rin sapakin ang kanyang pangit na pagmumukha kung wala lang talaga ang mga dambuhalang bodyguards niya kanina ko pa yun ginawa.

Hindi na rin siya nagsalita pero I saw him smirked. Whatever. Di ako natatakot sa kanya. Inalalayan niya rin ako papunta sa kanyang limousine habang ipinapasok naman ng mga bodyguards niya ang gamit ko sa loob ng compartment ng sasakyan.

Nakita ng peripheral ko ang mga fantards niyang umiiyak pa rin at nagtatantrums. What kind of people are they? Masyado naman yata silang obsessed sa isang to. Ganito na pala ang mundo ngayon? Ibang-iba talaga sa mga nababasa ko sa mga history books.

Anyway, I really should not care about them since they don't know me and I don't know them. It really doesn't matter.

Nang makapasok na ako sa loob ay biglang nagdilim ang aking paningin dahil may biglang nagtakip sa bibig at mata ko. What are these people thinking? Bakit pa ba ako sumama? Nakidnap pa tuloy ako nang wala sa oras. Psh.

Nawalan ako ng malay kaya di ko na alam ang sumunod na nangyari.

Mommy Luri's POV

I don't know why pero hindi ko maipaliwang kung ano ang nararamdaman ko. Kanina pa kasi ako di mapakali.

Tatlong oras na simula nung umalis ang mag-ama pero wala pa rin akong natatanggap na balita kung nasan na sila ngayon. Ilang beses ko na ring tintawagan si Steve pero di ko siya macontact. Maski ang tracking device na nakakabit sa transmitter ni Ylrza ay nakaoff na rin.

Pinuntahan ko ng lahat-lahat na pwedeng madaanan nila pero wala na akong makitang trace nila.

Kanina pa ako palakad-lakad dito pero hindi talaga ako mapakali. Sana naman walang nangyaring masama sa anak at asawa ko.

Mali ba talaga ang desisyong ginawa namin? I think I really should have gone with my daughter.

Where in the world are my contacts? Did they just betray me?

Kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa isip ko. I should have given her this cellphone. Damn it! Why did I even forget that? What kind of mother am I?

Naiiyak na talaga ako sa sobrang frustration nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Honey? Are you ok?" malambing na tanong ng asawa ko.

"Oh! Thank God! Nakauwi ka na rin sa wakas. Akala ko kung napano kana. Si Ylrza nahatid mo naman siya sa bus station diba? Nakasakay na man siya nang maayos diba?"

"Yes, naihatid ko siya pero hindi ko alam kung nakasakay ba siya nang maayos. I'm sorry wife. It's just that—"

"WHAT? Are you even thinking straight? Pano kung may nangyari sa kanya at san ka ba talaga nanggaling ha?"

Napasigaw ako sa sobrang galit sa sinabi niya nang biglang lumapit si yaya sa amin.

"Ma'am, sir, may tawag po kayo. Mukhang napakaimportante po kasi. Pasensya na po sa disturbo."

Daglian kong hinablot ang telepono at kinausap ang nasa kabilang linya. Nabitawan ko ito at ako'y napahagulhol nang marinig ko ang mga katagang binitawan ng taong kausap ko.

"We found your daughter but she's already dead."