webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Mukha

Ylrza's POV

Tulala lang ako at nakatingin sa kawalan habang iniisip ng maigi ang mga nangyayari. Nandito ako ngayon nakaupo katabi ni Sye sa loob ng sasakyang puro salamin. Wala na akong balak pang alamin kung anong ginagawa niya o ng mga kasama niya.

Sa lagay nato di ko na pwedeng isantabi na lang kung anuman ang nagaganap ngayon sa buhay ko sapagkat ito na yata ang pinakamalala sa lahat. Pinilit kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari mula ng gisingin ako kanina ni yaya hanggang sa paghawak ko sa logong lumitaw galing sa virtual screen na mula sa envelope ngunit wala talaga.

Sumasakit na ang aking ulo sa kakaisip ngunit di ko pa rin maanalyze kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari. Masyadong malabo at illogical kung iisipin mong mabuti.

Panaginip ba ito o ano? Bakit ibang katauhan ang nakikita nila at ang nakikita ko sa harap ng salamin? Pero kung titignan ko naman ang sarili ko alam kong ako pa rin to. Parehas lang naman ang itsura ko mula pa kanina. Nakauniform ako with a braided hair. Alam kong ako si Ylrza hindi si Ken o sino pa man. Illusion lang kaya ang lahat ng ito?

Nawala ako sa focus nang bigla akong tapikin ng katabi ko.

"Hoy, ang lalim ng iniisip natin ah. Hindi bagay sayo. Ikabit mo na nga yang seatbelt mo at nang makaalis na tayo" mariing sabi ni Sye na may halong inis at panunukso.

Dahil wala ako sa katinuan ay di ko na siya sinagot at tumango na lang habang sinusuot ang seatbelt gaya nga ng sabi niya.

"Ayan, buti naman at matino ka ng kausap ngayon," proud niyang sabi.

Hindi na siya nagsalita at ilang sandali pa ay narinig ko na ang kakaibang tunog ng makina ng sasakyang ito. Kung puro salamin ang nasa labas ng sasakyan nato, puro silver at gold naman ang lahat ng makikita mo sa loob.

Gusto ko sanang mamangha pero wala akong oras para dun. Gaya nung kotse kanina kung saan ako nagising wala ring driver to. Kakaiba ang anyo nito sa loob dahil parang hindi ito sasakyan kundi isang leisure room.

Kasama ko pa rin ang mga weirdo kanina na may kanya-kanyang ginagawa. I think I better sleep to escape from all of these. With that in mind, I dozed off.

"Miss, Miss, ok ka lang?" boses ng lalaking gumigising sa akin.

Na naman? Kung kailan napapasarap ang tulog ko lagi na lang may asungot na gumigising sa akin.

"Ano ba? Patulugin niyo naman ako," reklamo ko habang nakapikit ang mata. Inaantok pa kasi talaga ako.

"Akala ko pa naman kung napano kana e. Nahimatay ka kasi kanina. Ganyan ka ba talaga? Ba't trip mong sa gitna ng kalsada natutulog?" tanong niya sa akin na may halong pagtataka.

Ano raw ang sabi niya? Sa gitna ng kalsada ako natutulog e nasa loob ako ng sasakyan kanina e. Kaya pinakiramdaman ko ang aking paligid. Masyadong maingay ang kapaligiran at talagang masakit sa tenga.

Alam kong maraming tao at mga sasakyan ang nakapalibot sa amin dahil naririnig ko ang sabay-sabay na pagsasalita nila at busina ng mga sasakyan. Naramdaman ko ring masakit na ang likod ko dahil matigas nga ang hinihigaan ko. Don't tell me?

That's when reality hits me. Kaya agad kong minulat ang mga mata ko. Laking gulat ko na lang ay may isang lalaking nakatitig sa mukha ko habang nakangiti.

"Hay, buti naman at gising ka na. Ano pala ang pangalan mo?" tanong nung lalaki sa akin.

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil nung tinitigan ko ang mukha niya. May bigla akong napagtanto. It literally brought shivers to my spine.

No, this can't be true.