webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Sumpa

Someone's POV

"Is this the girl?" my master asked me with questioning eyes.

"Yes, it's her," I humbly answered him while my face is facing down the floor.

"I didn't expect that she will be this weak. I guess it's not yet the right time."

"Indeed. What shall we do to her? Shall we return her to her foster parents?" I asked.

"NO! Don't you ever dare do that or else it will cost you your life!" he said angrily while looking at me with his murderous eyes.

"I apologize for my ignorance, Master Ryu. Hindi ko dapat kayo pinapangunahan. Sabihin niyo lang po kung ano ang dapat naming gawin at yun po ang masusunod."

That was close. I thought I'll be eaten alive by him buti na lang at medyo kumalma siya.

"Bahala ka na kahit anong gawin mo sa kanya basta wag mo lang siyang iuuwi sa kanila. Ipapatawag na lang kita uli sa takdang oras kung kailan may pakinabang na ang babaeng yan," maotoridad niyang sabi sa akin habang tinitingnan ang dalagang mahimbing na natutulog sa harap niya.

"Papano na po ang kinalakhan niyang mga magulang? Wala po ba tayong gagawin sa kanila? Baka po pinaghahanap na nila ang kanilang nawawalang anak," natataranta kong tanong sa kanya dahil sa matinding kaba.

"Can't you even understand what I'm saying my bastard son? Sabi ko ikaw na ang bahala sa kanya! Do whatever you want with her! Basta sa tamang panahon dapat dalhin mo siya dito sa parehong lugar at oras. Para saan pa ang utak mo kung di mo naman ginagamit? Bahala ka ng lumusot sa mga problemang dadating sa inyo basta ang importante madala mo siya dito sa oras na ipatawag kitang muli. Naiintindihan mo?", bulyaw niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

"I've been trying to be calm here but you're ruining my mood. Kaya mabuti pa umalis na kayo baka magbago pa ang isip ko at matuluyan na talaga kita dahil sa katangahan mo."

I clenched my teeth and closed my fist when he finally turned his back at me. If only I could do something against him. I sighed.

"Yes, master," I answered him and left the room while carrying the mysterious girl in my arms.

...

Third Person's POV

This happened 16 years ago.

Isang sanggol ang iniwan sa harap ng simbahan ng isang babaeng may balingkinitang katawan na nakatakip ang mukha at nakasuot ng mahabang bestida.

Nakita ng isang pari ang babaeng lumilingon-lingon sa paligid bago iniwan ang sanggol sa pintuan ng simbahan at maya-maya pa'y kumaripas ito ng takbo.

Balak pa sanang habulin ni Father Damian ang babae subalit hindi niya mawari kung bakit hindi siya makapagsalita at makakilos hanggang sa mawala na sa paningin niya ang babae.

Kesa habulin niya pa ang naturang babae ay pinuntahan niya nalang ang iniwang sanggol sa harap ng simbahan.

Isang malusog na kapapanganak pa lang na batang lalaki ang natutulog sa isang basket ang nasilayan niya.

"Kay gwapong bata ire. Bakit kaya naisipan ng nanay mong iwan ka dito? Kawawa ka naman. Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa iyo."

"Ano bang ipapangalan ko sa iyo? Hmm. Alam ko na. Neon. Neon Knight."

Ngumiti ang sanggol sa sinabi ng pari.

"Nagustuhan mo ba ang pangalan mo?"

"Alam kong balang araw ikaw ang magsisilbing liwanag at inspirasyon sa ating bayan dahil sa isa kang malaking biyaya mula sa kalangitan" sabi ng paring nagagalak habang pinagmamasdan ang sanggol.

Ngumiting muli ang munting anghel dahil sa sinabi ng matandang pari kaya mas lalong nasiyahan ang matanda habang hinihele niya ang sanggol sa kanyang braso.

Makalipas ang maraming taon ay lumaking mabuti at masayahing bata si Knight. Marami ang natutuwa sa kanya at ginawa siyang huwaran ng mga kabataan sa kanilang nayon.

Ngunit isang hatinggabi sa kasagsagan ng malakas na ulan ay may malagim na nangyari sa kanilang lugar. Namatay ang kanyang pinakamamahal na ama-amahan nang may walang awang bumaril dito. Dahil sa sobrang galit at halo-halong emosyong naramdaman ni Knight ay nagising niya ang isang bagay na matagal ng natutulog sa kanyang buong pagkatao na sya namang kinatuwa ng taong pumatay sa kaawa-awang pari.

Naging dahilan ang pagkagising ng hindi maipaliwanag na enerhiya mula sa katawan niya ang pagkabura sa mundo ng buong nayong kinalakhan niya. At magpahanggang ngayon ay walang may ibang nakakaalam sa totoong nangyari kundi ang lalaking nagpakilalang tunay niyang ama na siya namang pumaslang kay Padre Damian.

Naguguluhan man sa mga naganap ay sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili sa lahat ng nangyari kaya naging sunud-sunuran siya sa taong kinamumuhian niya. Maraming beses niyang binalak na maghiganti rito ngunit palagi siyang nabibigo dahil kontrolado siya nito. Dahil na rin sa isang importanteng bagay na matagal na niyang pinanghahawakan ay hindi niya maatim na labanan ang isang sumpa sa katauhan ng kanyang tunay na ama.