webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata walo

Kabanata Pang Walo 8

"The Girl who can Smell death"

Written by Shirlooocks

Kinagabihan pinuntahan ko si Zior sa kwarto niya para manghiram ng lapis dahil mag project kami na kailangan pang edrawing buti namana ko kay papa ang pagiging Architect niya kaya hindi ako mahihirapan.

"Zior?" katok ko sa kwarto niya at sabay pihit sa doorknob.

"Zior pahiram ng lapis dahil--" halos mahulog ang panga ko ng makapasok ako sa kwarto ni Zior.

BAT NAKALUTANG ANG MGA GAMIT NIYA DITO!??!

JUSKOO MAY TIME RIN BA NA MAWAWALA BIGLA ANG GRAVITY NG EARTH?!

Napatingin ako kay Zior na ngayon ay naka tulala sa mga gamit na nakalutang.

Dali dali ko munang nilock ang pintu tsaka siya nilapitan.

"Wag ka ng magtanong ate dahil mismo ako hindi ko alam ba't nakalutang ang mga yan" mahinahong sambit niya at mas lalo akong nagtaka.

"Pa-paano..ba't nakalutang yan?"

Habang nakatitig ako dahan dahan naman lumapag ang mga yun at tumingin si Zior saken.

"Ate mag papacheck up na po tayo"

gulat akong tumingin sakanya

Owemjiii!

"Ha?! bakit?"

"Mukha po tayong baliw..kung ano ano nalang po nakikita natin"

Napakurap kurap ako at nilugod yung mata ko ng bigla niyang tinaas yung daliri niya at lumutang ang lapis papunta saken.

"Iyan na yung lapis na hihiramin mo..nakalutang pa yan" nakangiting sabi niya.

"Teka Zior..may...

"May super powers kaaaaa!?!" gulantang na tanong ko habang hinihinaan ang boses dahil baka maririnig nila Mama sa baba.

"Hindi ko alam ate,hindi naman nag eexist ang ganyang bagay siguro may multo lang dito at siguro pinaglaruan lang ako."

Umupo kami sa kama niya at hinawakan ko yung magkabilang balikat niya.

"Zior..kinakabahan ako nyeta kang bata ka. Paano mo nalalaman ang ganitong bagay?"

"Ewan..sa tuwing tinitigan ko ang specific na bagay kusa nalang silang lumutang gaya nito." sabay tingin niya sa kanyang notebook na nakahilata sa lamesa niya at hindi na ata mawawala ang gulat ko at lumutang nga ito.

"Minsan nga ate hindi ko makontrol nagawa ko nang palutangin pati ang mga taong tinititigan ko..gaya ng crush ko."

Hindi ko alam kong kikiligin ba ako or tatawa jusko..waaah ano bato!!

"Anong nangyari?"

"Ayun..natakot sakanya mga kaibigan niya dahil bakit daw siya nakalutang at hindi niya namalayan na lumutang na pala siya"

Pagkatapos ko sa project ko dali dali akong nag on ng Computer at sinearch ang kakayahan ng kapatid ko dahil baka may abnormality siya or kami yung baliw.

Psychokinesis or telekinesis – The ability to manipulate objects using the mind.

"Woahhh?" napasigaw ako sa gulat nang mabasa ko iyon.

Base sa nabasa ko rare daw ang may ganitong ability and most of them are aliens..jusko hindi naman siguro alien yung kapatid ko kahit ang pangit nun.

"Talaga? o baka nabaliw ka na" Giit ni Neo habang nasa library kami ng sesearch pa ng ibang impormasyon at kinuwento ko sakanya kanina ang nakita ko kagabi.

"Ewan..siguro nga pero binigyan niya ako ng sample gosh nakakaloka na" sabay hilamos ko sa mukha ko.

Habang nagbabasa ako nakita ko si Neo na antuk na antuk siya sa binabasa niya.

"Matulog ka na nakakahiya naman sa'yo" sita ko sakanga tsaka nakangiwing tumingin saken.

"Woah buti nga..gisingin mo lang ako kapag tapos ka na" sabay higa niya sa lamesa

Hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pagbabasa. Hindi ako makapaniwala na hindi lang pala ako ang may ganito sa pamilya namin pati rin pala si Zior.

Mga Aliens ba parents namin?

Habang nagbabasa ako hindi ko namalayan ang oras, tapos na pala ang break namin at napatingin ako kay Neo na ngayon ag tulog na tulog habang nakaface saken kaya kitang kita ko yung laway na tumutulo sa bibig niya kadiri.

Nagulat ako ng makarinig ng biglang may nahulog..yung kakaibang klase ng kulambag parang may mali.

Biglang may naiimagine ako at pumasok sa isip ko.

Lalaking naka green..may dala dalang libro naka itim na pantalon.

Sa Rooftop..Nahulog..Hangang sa groundfloor.

Dahan dahan akong nakaamoy ng masangsang na amoy at kasunod ang amoy ng Kandila at amoy ng libro.

"Woaah!"

"Ayy pwet ng kambing!"

Gulat at inis akong tumingin kay Neo na ngayon ay parang binangungot dahil sobrang pinagpapawisan siya kahit may Aircon naman dito sa library

Biglang nag pop up saken yung boung nangyari pero hindi ko makita ang pagmumukha niya.

"May mamamatay" giit ko at napatingin si Neo saken.

"Teka..wag mong sabihin"

Nasa quadrangle kami at nakiusyoso sa mga tao dito,kakarating lang ng mga taga SOCO at inimbestigahan pa ang nangyari.

"Isa siyang librarian"

napatingin ako kay Neo at pumikit.

"Napaginipan ko siya,hindi siya mapakali at parang wala siya sa kanyang katinuan,actually kahapon ko lang siya napaniginipan at mas naging klaro saken nung matulog ako ulit kanina."

Tahimik lang ako habang nakatingin sa lalaking tinatakpan ng puting tela dahil hindi mo talaga ma dadare na tumingin sa bangkay niya dahil halos boung mukha niya ay wasak.

Pumasok na kami sa Last subject namin sa morning period. Kahit dala dala ko tung ability ko hindi ko parin maiiwasan ang magulat sa mga nangyayari.

"Teka nasaan si Shane ?" rinig kong tanung ng isa sa mga kaklase naming lalaki.

"Sinong Shane?" tanong ko ka Neo na nasa harapan ko nakaupo as usual naka tanaw sa bintana.

"Siya yung bestfriend nung babaeng tumalon ng rooftop last week"

"Ha?..yung..yung nakita natin pareho?"

Tumango siya at bahagyang tumigilid ulo niya para maharap ako.

"Bakit siya--"

Nagulat ako ng lumapit siya ng bahagya sa tenga ko at may binulong

"Nagbigti siya kahapon at walang nakaalam"

"ANO!?" sabay takip niya bunganga ko.

"Shh..napaniginipan ko siya."

"Bakit siya nag bigti at bakit hindi ko na sesense yun?"

"Na konsensya sa nangayari kaya nung time na hindi siya makapakali alam niya na yun yung time na tatalon na yung bestfriend niya."

"May alitan ba sila?"

"Siguro..dahil inagaw ni Shae(yung tumalon) yung Boyfriend ni Shane kaya nag away sila nang dahil don may kumalat na scandal ni Shae sa boung campus na kakagawan ni Shane at hindi niya napigilan ang kahihiyan..Boom! nag fefeeling ibon"

"Pero..bakit hindi ko man lang naamoy na may mamatay?"

"Hindi ko alam..pero sa tingin ko..hindi mo rin alam HAHA"

Binatukan ko na

"Aray naman"

"Ewan ko sa'yo."

"Oo nga..ba't hindi mo na sesense?" nagtatakang tanong niya.

"Ewan."