webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata Siyam

Kabanata Pang Syam

"The Girl who can Smell death"

Written by Shirlooocks

"Nandito na po ako" sabay lapag ng bag ko sa counter area.

"Oh nasaan yung mask mo? ba't hindi mo sout yun?" sita ni mama habang may dala dalang tray.

"Nasa bag kakahubad ko palang non,ang init kasi sa mukha" giit ko at nag palit ng apron para makapag simula na.

"Ibigay mo'to sa table 5" sabay lahad ni Mama ng tray at agad ko namang tinanggap.

"Table 5 po maam?,here's your order"magiliw na sambit ko at dahan dahan nilapag yung mga orders nila.

"Teka kilala kita"

Nagulat ako ng biglang nagsalita yung costumer at...

"Ikaw yung kaklase ko diba?, yung bagohan lang?" magiliw na sambit niya "Cattleya pala but Cat nalang" sabay lahad niya sakanyang kamay para makipag shakehands.

Kilala ko siya,isa siya sa pinakamatalino sa classroom namin at isa siya sa Chairman ng Mistery club na pinapasukan ko rin pero ni isa hindi ako ng attend ng class na iyon dahil kada dismissal dritso na yung uwi ko.

"Nangngawit na ako girl" singit niya dahil yung kamay niya naka lahad parin saken.

"So-sorry.. Arc-"

"Archa Marie Rivera right? tas sa inyo tong resto? mama mo yung may ari nito? at yun ang mama mo" sabay turo niya kay mama na nag seserve ng ibang costumer , nagulat ako ng bigla siyang lumapit ng bahagya sa tenga ko sabay tingin sa paligid.

"Alam ko ang kulay ng underwears mo HAHA"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at..

ano raw?!?

0__0

"Sorry hehe"

Nag bow nalang ako sakanya at tumalikod na.

Weirdddd

×××××

Kakatapos ko lang maligo para matulog na , nakaharap ako sa salamin habang naka pulupot ang towel sa katawan ko.

Kitang kita ko ang birthmark sa bandang dibdib ko na hugis mukha hindi ko ma eexplain kong ano to pero minsan sumasakit siya at umiinit pero hindi naman gaanong mainit yung keri lang.

Hinihimas himas ko ito pero nagulat ako ng nakaramdam ako ng kirot at mainit,mas hinihimas ko siya dahil parang mas uminit siya ng lalo.

"Kriiing!!"

Halos mapatalon ako ng mag ring ang phone ko at nakita ko yung uknown number naka dial at agad kong sinagut yun.

"Hellow?" panimula ko

"Archa? si Neo to"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Neo

"Hoy saan mo napulot number ko?"sita ko sakanya

"Mamaya na yan,nasa abandoned cave ako may pupuntahan tayo"

Napadungaw ako sa orasan at pasado 8:30pm na at paniguradong uuwi na si Mama galing sa resto.

"This late? tas saan tayo pupunta?"

"Basta dalian mo diyan aantayin kita dito."

"Teka--"

"Tooott-tooot"

Ang galing binabaan ako hayst.

Dali dali akong nag bihis ng pajama at tshirt lang tas sinukbit ko yung jacket ni Mama at dahan dahang lumabas ng bahay.

Dumiritso na ako doon sa abandoned cave at agad kong nasilayan si Neo naka cap siya habang naka sipsip ng chuckie at nakaupo sa bench.

Favorite niya ba ang Chuckie?

"Tara na" sabay tayo niya.

"Teka..saan ba tayo pupunta? tas hindi alam ni Mama na lumabas ako okay?"

"Saglit lang tayo doon, pupuntahan natin ang bahay ni Shane na ngayon ay kakatapos lang mag imbestiga"

"Ha??! ano?! gago ka ba? crime scene yun unggoy tas nakakatakot doon no"

"Hayst kakatapos nga lang ng imbestigasyon okay? tas wala ng patay doon gusto ko lang makisigurado kong hindi mo talaga yun nasesense ang pagkamatay ni Shane"

"Teka..sarado" sita ko sakanya at mabilis niyang inunlock ang pintuan ng bahay ni Shane

Sa pagkakaalam ko, mag isa nalang si Shane dahil nasa abroad yung mga parents niya at sabi ni Neo hindi pa raw alam ng parents ni Shane ang pagkamatay niya.

"Pasok na" bulong ni Neo

"Ikaw mauna bahala ka diyan"

FYI lang guys kahit marami rami na akong na encounter na bangkay at accidents hindi pari mawawala sa pagkatao ko yung pagiging duwag at matatakutin duhh.

Agad kong inon yung flashlight ng phone ko at si Neo rin. Mas nagulat ako ng makita ang isang lubid na nakatali sa bandang kusina ng bahay ni Shane.

"Teka..diyan ka lang" sita niya at napakapit ako sa likuran ni Neo.

Kinapa niya yung dingding sabay bukas ng ilaw sa paligid at mas naaninag ko ang kabouan ng bahay at halos ng gamit dito ay sira at sobrang gulo.

Napatitig ako doon sa lubid na nakakonekta doon sa baba na tinali sa may pintuan ng cr.

Biglang may nag play sa isip ko.

Gabing madilim kakauwi lang ni Shane galing school at diritso siyang pumasok sa bahay niya pero hindi lang pala siya ang nasa loob ng bahay.Nakita niya ang isang lalaki,galit na galit ang pagmumukha habang may dala dalang kutsilyo at pagkatapos ay hinigit ang kaniyang liig gamit ang lubid akmang sasaksakin na sya ng lalaki pero agad nagpumiglas si Shane.

"Archa??"

Nagising ako sa kanituan at nakita ko ang alalang alalang mukha ni Neo

Gustong mag sink in sa utak ko ang nangyari sa imagination ko bukod doon hindi ko labis maisip bakit..bakit lumalabas iyon sa utak ko ngayon lang na namatay na ang biktima.

"Archaaa?" tawag saken ni Neo

"Si Shane.."

Biglang nanlabo ang paningin ko at ramdam kong parang sumasayaw ang paligid at kitang kita ko sa mukha ni Neo ang pagka gulat.

"Archa?? archaa gissss"

At hindi ko na alam ang kasunod na nangayari.

Zarich Neo's POV

"Archa gising!!" giit ko sakanya na parang lantang gulay na biglang natumba

Hindi ko alam kong anong pumasok sa imaginasyon niya kani kanina lang.

Dali dali ko siyang hiniga sa couch dito sa bahay ni Shane pero wala parin siyang malay.

Mas nagulat ako nang mapatanto kong may umiilaw sa dibdib ni Archa ayokong tignan dahil nasa bandang dibdib niya, kung titignan mo ay makikita mo yung isang bulkana niya.

"Archa??" sabay yugyug sa mukha niya.

Napatalon ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang isang babaeng pamilyar saken.

"Anong nangyari sakanya?" tanong niya sabay luhod at sabay dampi ng kaniyang kamay sa noo ni Archa

"Hindi ko alam bigla nalang siyang nahimatay" sagot ko at may kinuha siya sa bulsa niya.

"Teka ano yan?"

"Wag kang magulo,isang patak lang nito malalaman natin kong buhay pa ba sya o hindi"

Medyo nag alinlangan akong mag sang ayun dahil hindi ko naman kilala ang babaeng to, tas saan ba siya galing?

"Teka?..ba't nandito ka?"

Hindi siya nakinig saken instead ay dahan dahan niyang pinatakan ang noo ni Arch at sinuri niya ito gamit ang kaniyang daliri.

"Okay na siya dalhin mo siya sa ospital ngayon na" giit niya at dali dalo kaming lumabas ng kwarto.

Nang makapasok na kami sa kotse nagulat ako ng biglang lumabas yung babaeng yun at sinara ang pintuan ng kotse ko.

"Dalhin mo na siya doon ako na pupunta sa bahay ni Archa at mag eexplain sa mama niya. alis na"