webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata pito

Kabanata Pang pito

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Dinala ko siya sa resto ni Mama at doon kami kumain medyo nagtataka pa nga si Mama ba't raw nagdala ako ng lalaki eh ni minsan hindi ako nagpapa punta sa bahay kung sino sino dahil wala naman akong naging kaibigan simula pa kaya ganun nalang yung gulat ni Mama nang makapasok kami sa resto.

"Hoy Archa sino pala yang poging dinala mo?" pang chichismiss ni Ate Dina na isa sa server dito.

"Kaklase ko lang po yan,nabully po kasi kaya tinulungan ko." palusot ko at agad namang tumango si Ate Dina dahil mukha naman talagang binully si Weird dahil sa itsura niyang puno ng pulbo or para bang harina HAHAHA.

Dinala ko na yung tray sa table namin ni Weird guy at todo punas siya sa sarili niya nung makita niya yung itsura niya sa salamin kanina.

"Ito muna gamitin mo Hijo sa asawa ko yan" lahad sakanya ni Mama ng itim ba plain tshirt at agad siyang napasalamat.

Sinamahan muna siya ni Mama sa Cr para makapag bihis pero napasulyap ako sa ID na nakalapag sa table namin.

"Zarich Neo Kim"

At nakita ko ang mukha ni Weird guy doon.

Bwahaha Zarich pala pangalan ng timuho nayun.

Dali dali kong nilapag pabalik ang ID nang palapit na siya sa table namin.

"Woy okay kana?" tanong ko at tumango siya tsaka umupo sa table namin.

"Sa inyo to?" tanong niya nang magsimula kaming kumain.

"Hindi..kaya nandito mama ko eh" pamilosopa ko at hindi ko man lang siya tinignan dahil ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Oo samin to.." pang iba ko ag tumango tango siya.

"Sinong kasama ng mama mo para palaguin ang restong ito?"

"Kaming pamilya niya" simpleng sagot ko.

"Eh yung papa mo?"

Natigilan ako sa pag subo nang bigla niyang tinanong ang tungkol ni Papa.Tandang tanda ko pa kasi kung paano ko nalaman kung kelan mamatay si Papa.

"Wala na siya." sagot ko naman at ramdam ko rin na natigilan siya sa pagkain.

"Pasensya na"

"Okay lang matagal na naman yun"

Pero ni isang katiting hindi nawala ang pangungulila ko kay Papa hangang ngayon.

"Okay lang ba kung ikwento mo para naman hindi maging boring ang pagkain natin" saad niya at may umukit na simpling ngiti sa labi niya.

Feeling Close amp.

"5 years old palang ako non nang mamatay si Papa at--"

"Teka..ikaw ang unang nakakaalam diba?" singit niya at tumango ako.

"Oo, tandang tanda ko pa nung gabing iyon bago kami ng punta ng Ospital ng mga ante ko,nakaamoy ako ng pabango ni Papa at kasunod ang sampaguita pero hindi ko sinabi kay mama dahil excited ako nung time na dahil kakalabas lang nang bunsong kapatid ko."

"Na try mo na rin bang binago ang takbo ng tadhana?" seryosong tanong niya at natigilan ako.

"Hindi"

"Hindi?"

"Oo hindi,hindi kahit kailan..simula nong mamatay naman si Lola"

"Andami mo palang dapat ikwento saken partner" saad niya at napataas ang kilay ko.

"Tse partner ka diyan" sita ko.

"Eh di wag..tuloy ang kwento babae" sambit niya at napailing iling nalang ako.

"Grade 7 ako nun..pauwi ako ng school ang aliwalas ng araw ko nung time na iyon..wala akong naamoy,wala akong naiimagine kaya yun yung unang araw na wala akong naramdamang kakaiba pero nagkamali pala ako." napayukom ako sa kamao ko habang binabalik ang nakaraan sa nangyari kay lola "Nang pasakay na ako ng jeep bigla akong nakaamoy na amoy matanda yung usually amoy ng matatanda at hindi ko iyon pinansin dahil baka isa lang sa pasahero ang amoy matanda." I paused habang pinipigil ang luha ako "Sa kamalasan biglang nag pop up sa isip ko.. si Lola..tumawid sa daan..walang awang ginasagasaan, ang nakaka gago lang ay hindi man lang namin nahuli or nakilala ang suspect."

Napadungaw ako sakanya at napakurap kurap siya ng ilag ulit bago binuka ang bibig niya.

"Napaginipan ko yan 4 years ago."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"N-napaginipan?"

Tumango siya at umayos ng upo.

"Sa panaginip ko,nasa bakanteng lote ako habang naka tambay may nakita akong matanda na patawid ng kalsada at biglang na iba ang clip ng panaginip ko,may nakita akong babae kasing edad ko lang habang tumatakbo hindi ko alam kong saan siya papunta pero umiiyak siya at paulit ulit niyang binabanggit ang katagang "Hindi..hindi pwede" at bumalik yung clip ng panaginip ko at nakita ko yung matanda,nahulog yung pirasong papel sa daan at hindi niya siguro alam na nasa gitna siya kaya nabunggo siya ng itim na kotse at bigla kong nakita yung babaeng umiiyak at sabay sabing "Lola Paulina" "

Napatakip ako sa bibig ko ng marinig iyon..alam kong kuha ko na ang gustong ipahayag ni Neo pero ang labo ng brain system ko.Andami kong gustong tanuning sakanya.

"May kakayahan ka bang lumigtas ng biktima sa panaginip mo?" Mahinahong tanong ko pero yumuko siya

"Hindi..hindi ko kaya,kahit sumigaw sa panaginip ko..maliban lang yung sa'yo"

Kumunot ang noo ko at napasinghap siya.

"Okay..makinig ka,naaalala mo yung time na niligtas kita? yung sa muntik ka ng masagasaan?" tumango ako "Napaniginipan kita, nabunggo ka ng kotse sobrang lakas ng tama at kitang kita ko kong paano ka tumilapon sa ere at naligo sa sariling dugo"

"ANO?!"

"Oo, tas nag fast forward at bigla akong napunta sa Ospital at nakita kita kasama ata yung pamilya mo nakita ko rin yung mama at may isang batang babae..umiiyak sila.."

"Teka..don't tell me--"

"Yes..namatay ka sa panaginip ko at may possibility na mangyayari iyon sa kasalukuyan"

Bigla akong kinabahan..hindi ko alam na pwede pala akong mapahamak sa sarili kong kakayahan,sapagkat hindi lang ako ang nakakaalam sa mangyayari saken.Pwede akong mapahamak anytime at sigurado akong walang makakaligtas kapag mangyayari ang dapat na mangyayari.

"Pero..bakit..bakit hindi ako namatay?"

"Nakilala kasi kita..hindi lang sa bilang kaklase kundi ang totoong pagkatao mo..nong una mo palang tumuntong sa paaralan,nasesense ko na..Kakaiba ka Archa Marie Rivera"

Napatakip ako sa bibig ko at halos luluwa na yung mga Eyeballs ko dahil sa gulat na nireveal lang ni Neo ngayon..hindi ako makapaniwala na may ganito rin palang tao na namumuhay sa mundong earth.Naaalala ko rin dati yung sinabi ni Papa na hindi lang tayo ang namumuhay sa mundong ito.

"Mas sigurado ako na iba ko lalo na nung sinabi mong may mamatay kahit First day palang ng klase."

---------------------------

A/n

Hi guys please support me for my very first story<3 Keep comment lang for more updates.

Ate Shirr