webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata dalawa

Kabanata Dalawa

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

"Kakain na raw ate!" sigaw ng nakakabatang kapatid ko sabay hampas ng pintuan ng kwarto ko.

"Hoy kapag yan masira ikaw talaga gagawin kong pintuan!" sigaw ko at sumigaw rin siya pabalik "Bwesit talaga ang sarap pa ng tulog ko." bulong ko at dumiritso na sa baba para kumain.

Agad kong nakita si Lolo at si Mama habang nag hahanda ng pagkain si Zior naman kumakain habang naka school uniform sana all naka ready na.

"Ang tulog mantika mo talaga Archa kahit kailan, firstday na firstday mo ngayon at malalate ka na naman." bungad saken ni Mama at umupo nalang ako at kumuha ng hotdog at kanin.

"Timplahan mo nga ako ng gatas" utos ko sa kapatid ko at pinadilatan niya ako ng mata "Ako ang ate ako ang masusunod" bulong ko at padabog siyang naglakad sa kusina. Hahh!.

"Hoy san ka pupunta?" tanong sakanya ni Mama pero hindi siya sinagot. "Tong batang to manang mana talaga sa'yo" sabay turo ni Mama saken.

"Ohh? anong kasalanan ko?" patay malisyang sambit ko at nagsimula ng kumain.

Napatigil ako sa pagkain ng maalala ko ang panaginip ko. Nasa building raw ako feeling ko rooftop iyon hindi ko alam kung bakit nandon ako at hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari.. Nahulog raw ako tas yun nagising ako kasabay ng sigaw ni Zior saken kanina.

"Hoy anong iniisip mo?" singit ni Lolo na ngayon ay nagbabasa ng diaryo. "May naamoy ka na naman ba?"

Napatingin si Mama saken at umiling ako,agad kong nakita si Zior habang dala dala ang baso na lulan ng gatas ko.

"Mama bigla pong nahulong ang plato kanina" sambit ni Zior habang nilapag ang gatas sa lamesa.

"Biglang nahulog o pinakialaman mo na naman?" singit ni Lolo.

"Hindi po,nagtitimpla lang naman ako ng gatas tas pagtingin ko bigla lang siyang lumutang sa ere" giit niya habang naka pout.

"Namalikmata ka lang Anak,sige na dalian niyo na diyan ,at ikaw Archa hindi ka pa nakabihis." giit ni Mama at nagpatuloy kami sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain dumiritso na ako sa kwarto para mag ready sa school, New school na naman ang pinasukan ko tae. Halos taon taon akong palipat lipat ng school dahil feeling ko kapag nag sstay ako sa isang lugar ang daming namamatay at alam ko ako ang dahilan ng mga yun.Kaya kapag may mangayaring trahedya na ako ang nakakaalam agad akong pinalipat ng school ni Mama.

Binuksan ko ang kabinet ko at bumungad saken ang iba't ibang school uniforms ko,hindi ko sila pinatapon dahil wala lang trip ko lang.

Habang nag bibihis ako biglang may pumasok sa isip ko..

Isang bus..tumilapon..madaming patay

"Ahhh! eraseee!" bulong ko at niyugyug ang ulo ko.

Bigla akong nakaamoy ng gas at parang usok sobrang baho niya tas sumunod ang amoy ng sampaguita at kandila.

"Mama??" sigaw ko at agad bumukas ang pinto ng kwarto ko at bungad ang nag aalalang mukha ni Mama.

"Bakit? anong nangyari?"

"Nag susunog ka ba ng mga plastik? ang baho tas bumili ka ba ng sampaguita?" giit ko at kumunot ang noo ni Mama.

bigla siyang umalis at bumalik na may dalang black mask at earphones.

"Para san to?"

"gamitin mo yan magmula ngayon"

"Ha?" taas kilay na tanong ko.

"Basta..hindi ka makaamoy na kung ano ano kapag sinout mo yang mask mo at yung earphone nayan magpa tugtug ka ng magandang music para hindi ka maka imagine ng mga bagay bagay.. maliwanag?" giit niya sabay sirado sa kwarto ko.

Habang naglalakad ako pasakay ng bus nag aantay muna ako ng ilang minuto dahil feeling ko may kakaibang atmosphere ang nararamdaman ko ngayon.

Sinout ko agad yung mask at earphones na binigay ni Mama saken at nagpatugtug ako ng magandang music at medyo gumaan ang pakiramdam ko.

May humintong bus sa tapat ko at may mga taong sumakay at bumaba pero bago paman ako nakapatong sa bus bigla ko nalang naimagine kung paano ito na aksidente.

"Tumaklob ang bus kasunod ng pagdanak ng mga dugo sa mga sakay nito" bulong ko at napatingin saken ang driver.

"Ano miss sasakay ka o hindi?" tanong niya at napa atras ako ng bahagya.

"Manong..magparada ka na po,wag po kayong mamasada ngayon Please" pakiusap ko pero tinawanan niya lang ako at nagtataka na saken yung mga tao dito

"Manong please makinig po kayo saken,magpahinga po muna kayo pleaseee!" halos maiyak na ako sa pakikiusap ko sakanya.

Napatitig siya saken na nagbabakasali akong makinig siya pero agad siyang humalakhak.

"Ikaw talaga hija sige kung ayaw mong sumakay mauna na ako" giit nita at sinarado ang pinto ng bus at tumakbo.

Hindi ko labis maisip na sinubukan ko na naman baguhin ang mangyayark,halos maiyak na ako habang nakatanaw sa bus na iyon..inisiip ko kung paano ito ma aaksidente.

Wala akong nagawa kundi dumiritso nalang ako sa school at nilakad ko nalang papunta doon dahil baka maling bus lang yung nasabi ko.

Habang papunta ako ng school marami rami na ang studyanteng nakasalamuha ko marami rin sakanila ang mukhang rich kid.

Hinanap ko agad yung classroom ko at dumiritso sa pinaka dulong seat at fortunately walang tao sa classroom maliban sa isang lalaki na nakadungaw sa lang bintana..tulala..

Hindi ko nalang siya pinansin at hiniga ko ang ulo ko sa lamesa at ilang minutong lumipas agadag nag ring yung bell at nasitakbuhan ang mga studyante.

Nagbabasa lang ako ng libro habang nakapasngal parin yung earphone sa tenga ko at nakasout parin ang ng mask dahil ilang minuto wala akong naamoy na kakaiba mukhang gumana ang binigay ni Mama.

"Okay class" natigilan ang lahat at bumalik sa kani kanilang pwesto ng biglang pumasok ang guro. "Welcome back to school I'm Mrs.Cruz your adviser"

Tinanggal ko yung earphones ko at binalik ang libro sa bag ko at nagulat ako ng biglang napatingin yung guro sa gawi ko.

"Owh may transferre pala tayo, can you introduce yourself hija?" nakangiting sambit niya at napalunok ako dahil sa kaba ko slight lang naman.

"I'm--" hindi pa natapos ang sasabihin ko biglang sumingit si Mrs.Cruz.

"Can you remove your mask hija?"

*Gulp*

Dahan dahan kong kung kinuha sa mukha ang mask ko at pinasok sa bulsa ng aking palda.

Napa pikit ako sa kaba dahil baka any minutes may nakabulagta nang bangkay sa harap ko.

Hindi ako huminga.. ayokong huminga!..

"Hija?"

Napasinghap ako ng biglang tumawag ulit ang guro ko at halos ang mga mata nila ay nasa saakin na.

Yung mga tingin nila para akong weird na abnormal pero para saken perfect definition yan sa pagkatao ko.

Bigla akong nakaamoy ng pabango.. pang babae siya.

Napatitig ako kawalan kasunod ng pag amoy ko ng sampaguita.

"May mamamatay" giit ko.

Ramdam kong nagtataka na lalo yung mukha nila,pati si maam napataas ang kilay.

Lupaa langit..please kainin niyo na akoooo.

Halos gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa sinabi ko.

Waaaaah!.

A/N

Hi guys so mga na confuse kung ano ba talaga ang pronunciation ng pangalan ng ating bida

It's pronounce as "Arka" hindi po siya ar-cha nooo HAHAHA

Keep readingggg! mwahh :-*