webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata Isa

Kabanata Isa

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Many Years Ago

"Mama ang cute po ng baby sister ko"masiglang sambit ng batang si Archa habang nakadungaw sa crib ng kanyang kapatid.

"Manang mana sa'yo mahal ko,kaya habang wala kami ni Papa sa bahay ikaw ang mag aalaga sakanya, diba Good girl ka?" sagot naman ng kaniyang ina habang ito ay nakasout pa ng Hospital gown.

"Oo naman po, kaya lang mama 5 palang po ako hindi ko pa po kayang buhatin si Baby baka po mahulog siya" malungkot na sambit ni Archa habang nakapout pa ito na kinatuwa ng kaniyang Ina.

"Haha ikaw talaga,kunin mo muna yung cellphone sa bag ko tatawagan ko muna ang papa mo" utos niya sakanyang anak pero bago ito dumiritso sa kaniyang bag biglang tumigil si Archa sa paglalakad.

"Mama naamoy ko po ang pabango ni Papa." sambit niya na kinagulat ng kaniyang ina. "Naamoy ko rin yung sampaguita, yung tinitinda sa tapat ng church?"

Halos mahulog ang kaniyang Ina sa kaniyang hinihigaan at kahit masakit pa ng katawan niya dahil kakapanganak lang nito ,pero napatakbo siya ng wala oras para tawagan ang kaniyang asawa.

"The person is out of coverage area"

Napamura ang kaniyang ina at kunot noong tumingin si Archa sa mama niya dahil mukhang naiiyak na ito.

"Mama..ba't po kayo umiiyak?"

"Hindi..nagkakamali ka lang archa!, sigurado ka ba sa naamoy mo?" panigurado niya sa kaniyang anak na ngayon ay gulat na gulat sa sigaw ng kaniyang ina.

"O-opo mama..kilang kilala ko po ang amoy ni papa pero bakit po nakaamoy ako ng sampaguita eh wala--" hindi pa natapos ni Archa ang sasabihin niya bigla nalang may tumawag sa cellphone ng kaniyang mama at dali dali niya itong sinagot.

"Kilala niyo ba ang may ari ng cellphone na ito?" tanong ng kabilang linya.

"O-opo..b-bakit po? n-nasaan ang asawa ko?" nanginginig na ang labi ng kaniyang ina at halos mabitawa niya ang kaniyang cellphone ng sumagot ang kabilang linya. "Natagpuan po siya kaninang madaling araw,may tama sa kaniyang ulo basi sa mga nakakita binaril po ang biktima"

Muntikan ng mahulog ang cellphone niya at unti unting tumatagaktak ang mga luha sa mga mata niya, hindi niya labis maisip na patay na ang ama ng kaniyang mga anak.

Napatingin siya kay Arch na ngayon ay umiiyak at napadako ang kaniyang tingin sa kaniyang bunsong anak na kakalabas lang ng kaniyang sinapupunan at naisip niya na hindi na niya makakapiling ang ama nito.

Napatingin siya kay Archa na ngayon at nakaluhod halos manlumo siya dahil sa ginawa ng kaniyang anak.

"Mama sorry..hindi ko po sinasadya, sorry mama.." iyak ng iyak si Archa sa murang edad niya alam na niya kung ano ang mga nagawa niyang kasalanan lalo na't ikinasasakit ito ng kaniyang pamilya.

Dali daling tumayo ang kaniyang Ina at niyakap siya sabay sabing "Wala kang kasalanan anak. Mangyayari ang dapat na Mangyayari. Ingatan mo ang sarili mo dahil tayo nalang tatlo ang magkasama ngayon."

Alam ng mama ni Archa ang kakayahan ng kaniyang anak , Simula nong mag tatlong taon siya doon na rin nag simula ang kaniyang kakayahan na malaman ang susunod na mangyayari sa pamamagitan ng pag amoy at pag imagine ng mga bagay bagay at kalaunan.. Ito ay nangyayari.

Napa hiwalay si Archa sa yakap ng kaniyang ina at pinunasan niya ang luha ng kaniyang mama.

"Wag po kayong umiyak mama,yoko pong nakikita kang umiiyak, pangako po,hindi na po mauulit kung kailangan po mag pa sipon ako lagi para wala akong maamoy kundi matutulog ako para wala akong maisip, gagawin ko po" malungkot na sabi ng batang si Archa na kinatuwa ng kaniyang ina.

Nagpapasalamat ng malaki ang kaniyang ina dahil nabiyayaan siya ng mapagmahal na anak kahit may isang tao na kinuha sakanya at yun ang ama ni Archa.

"Wag kang ganyan, bigay yan ng panginoon sa'yo. Sabihin mo lahat ng nakikita mo pero wag mong ilahat dahil hindi pa sigurado na malalaman mo ang susunod ba mangyayari. Maliwanag?"

"Opo mama." nakangiting sagot ng munting Archa.

Makalipas ang ilang araw, nilibing na ang kaniyang ama at ngayon at iyak ng iyak ang pamilya Rivera dahil ngayon na ang huling hantungan ng   isa sa kanilang pamilya.

Hindi dinala ang nakakabatang kapatid ni Archa dahil hindi pa ito nabinyagan at tanging si Archa lang ang sinama ng kaniyang ina. Habang nakaupo silang lahat at kakatapos lang pag tabon ng papa ni Archa, nangulit siyang makipag laro sa kaniyang mga pinsan dahil bata pa siya hindi niya pa alam ang mga nangyayari.

Habang nagtatakbuhan sila bigla nalang may nabangga si Archa at napaupo siya sa bermuda grass.

"Arayy huhu" sambit niya habang hinimas ang kaniyang noo. pero hindi naman talaga siya nasaktan nag aacting lang siya.

"Pasensya na anak pero kailangan mo munang puntahan ang mama mo." saad ng lalaking nabunggo niya at dahilan napadungaw si Archa.

"P-papa?" sambit niya at nginitian siya nito. Lumuhod ang kaniyang ama para magka pantay sila ni Archa "Sorry anak dahil iniwan ko kayo ni Mama,pwede mo bang puntahan si Mama ngayon at patahanin mo siya dahil tignan mo oh" sabay turo ng kaniyang mama sa di kalayuan at tulala ito "Malungkot si mama,diba sabi mo ayaw mong may isa samin ang malungkot?" agad tumango si Archa.

"Paalam anak,babantayan mo sila parehas ah?"

Dali daling tumakbo si Archa sa kaniyang mama at niyakap ito at agad naman siyang hinalikan ng kaniyang Ina sa kaniyang noo.

"Mama..nakita ko po si Papa kanina" saad ni Archa na kinagulat ng kaniyang ina "Sabi niya po papasayahin raw po kita dahil ayaw raw niyang malungko kayo" patuloy ni Archa na kina ngiti ng kaniyang ina at the same time naiyak siya.

Kahit pumanaw na ang kaniyang asawa sila parin ang iniisip nito at agad nakaramdam ang Mama ni Archa na malamig na hangin na para bang niyayakap silang dalawa.

"Mahal na mahal po tayo ni Papa kahit nasa heaven na po siya" sabay dungaw ni Archa sa langit.

"Mahal din natin siya Archa" sagot naman ng mama niya.