webnovel

The Girl who can smell death

Shirlooocks · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata tatlo

Kabanata Pangatlo

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Lunch time na at lumabas muna ako ng campus dahil sobrang daming tao sa canteen ayaw na ayaw ko yung mga crowded places dahil baka mabaliw lang ako kung iba't ibang amoy na yung naamoy ko.

Habang naglalakad ako papuntang karinderya dito, may biglang sumigaw sa di kalayuan saken.

"Tabi kayoooo!" sigaw niya at mas nagulat ako nang may paparating na bus at dali dali akong nag hanap ng safe na lugar.

Gumigiwang giwang ang takbo ng bus at marami narin siyag nabangga mukhang nawalan ng preno ang bus na iyon.

Tinititigan ko yung plate number ng bus at iyon rin yung nakita ko kaninang umaga,tandang tanda ko yung plate number niya at kitang kita ko mula rito kung paano nagpapanic si Manong driver sa loob pati na rin yung ibang mga pasahero.

"Tumawag kayo ng tulongggg!" sigaw ng mamà at mukhang naiiyak na siya.

"Anong nangyari?!"

"Diyos ko!"

Sambit ng mga tao dito at hindi nagtagal biglang tumaklob ang bus at para siyang lumpyang niroroll sa gitna ng kalsad at unting unting umaapoy ito.

"Nagkakatotoo na naman." sambit ko at umalis na sa lugar na iyon.

Nanginginig ang tuhod ko papuntang classroom wala na akong ganang kumain pinasngal ko nalang yung earphone sa tenga ko at hiniga yung ulo sa lamesa ko.

"Yoko na!" sambit ko at nilakas pa yung volume ng music ko, parang naiiyak na ako sa mga nangyayari mas lumala na siya.

•••

Habang nag lelecture ang last period namin agaw pansin saken yung isa sa classmate kong babae.Parang hindi siya mapakali sa sarili niya at ramdam kong nanginginig siya sa takot.

"Miss Rivera?" nagising ako sa katinuan ng tinawag ako ng prof namin.

"Po?"

"May problema ba?"

"Ah..may i go out po?"

"Okay mukhang hindi ka mapakali diyan"

Dumiritso ako sa cr para maghilamos at mag ayus ng kaunti. Habang palabas ako ng lady's Room nakasalubong ko yung lalaking classmate ko yung palaging tulala pero masyado ring matalino.

Diritso lang siya sa paglalakad habang nakasilid ang mga kamay niya sa kanyang bulsa

"Kyaaaaaaaa!!!!!!"

nagulantang ako or should i say kami, dahil parehas kaming natigilan dahil sa sigaw.

Napatingin siya sa gawi ko pero agad siyang yumuko at nakiusyoso sa mga estudyanteng nasa baba.

Halos maduwal ako ng makita ang bangkay ng babae naka handusay sa semento at durog ang bungo niya,naka dilat pa ito.Mukhang nahulog siya galing sa roof top namin dahil halos basag na yung ulo niya.

"Nagkaka totoo na namn shit!" napatingin ako sa serious guys na tinutukoy ko kanina at agad niyang sinout ang hood niya at umalis sa crime scene.

Ang Weird!.

Hindi ko labis maisip na kaka transfer ko lang dito may namamatay na agad.Ganito ba ako kalapitin ng trahedya? hayst!.

Maaga kaming dinismiss dahil sa nangyari kanina at naisipan kong maglakad pauwi dahil dadaan muna ako sa resto ni Mama para tumulong ng kaunti doon.

Habang naglalakad ako medyo dumilim mukhang uulan mamaya at dinalian ko na ang pag lakad at dumiritso ako sa shortcut way ko yung sa cave, abandoned cave kasi yun at yun lang yung daan para mas bilis akong makarating sa resto.

Habang naglalakad ako may biglang pumasok sa isip ko.

"Umuulan..lalaking naka red polo..sinaksak sa dibdib"

Napatigil ako ng magising ako sa katinuan.

"Hindi pwede.." giit ko "Ayoko nang may mabiktima paaa!" sigaw ko.

"Tumahimik ka nga" natigilan ako ng may nagsalita sa likuran ko hindi ko maaninag ang mukha niya dahil dim yung lights dito at mukhang pundido na

"Sino ka?" giit ko at naglakad parin siya sa gawi ko pero hindi ako nakaramdam ng takot at inantay ko siyang makalapit saken.

"Mangyayari ang dapat na mangyayari. Tadhana na ang may gawa niyan at nakasulat na mismo sa kapalaran ng isang tao." giit niya at bigla akong natigilan sa sinabi niya,Inantay ko nalang na makalapit siya.

Parang may kahulugan ang sinasabi niya.

Pero bago paman siya makalapit biglang bumuhos ang ulan at dali dali akong tumakbo dahil bawal sa loob ng cave kapag umuulan sabi ni Mama hindi ko alam kung bakit kaya hinayaan ko nalang yung lalaking iyon.

"Ba't basang basa ka? nasaan ang pinabaon kong payong sa'yo?" bungad ni Mama at agad niya ako binigyan ng towel para pamunas ko.

"Nasa bag kasi eh tinatamad ako kunin hehe" giit ko at hinubad ang suit ko tsaka nagpalit ng damit at sinout ang apron para magkapag serve na sa mga costumer.

"May nangyari ba ngayon ?" tanong saken ni Mama nang nilapag niya ang order sa isang costumer.

"Wala naman po." I lied

"I know you're lying, buti hindi ka sumakay sa bus na iyon."

Halos lunukin ko ang boung dila ko ng sinabi ni Mama iyon.May ability rin ba siya or sadyang alam niya lang talaga.

Nginitian niya lang ako at agad sinerve sa costumer ang order niya.

Halos manlumo ako ng makitang isang costumer...Naka red polo..umuulan ngayon..may dala dala siyang mga alahas..

"Excuse me miss"

"A-ah..sorry po..here's your order" kahit gulat na gulat ako ngayon pinilit kong ngumiti sakanya at pumunta sa counter para ibalik ang tray ko.

"Archa bakit parang kinabahan ka diyan?" tanong ni Mama.

"Kasi Mama..yung lalaking naka red polo" sabay turo ko doon sa isang costumer na nakaupo sa gitna "Nakita ko po siya sa imagination ko..sinaksak po siya mukha pong hinold up siya dahil sa mga alahas na dala niya." giit ko at napaisip si Mama ng paraan.

Inantay naming mag bayad siya sa counter na imbes yung cashier namin ang mag titake non kami nalang dalawa ni Mama.

"780 pesos po sir" magiliw na sambit ni Mam at ramdam kong nakatingin siya sa mga alahas na sout nito.

"Ahm..sir andami mo masyadong alahas" saad ni mama habang kinukuha ang panukli.

"Oo at totoo to lahat bigay to ng mga dayuhang kaibigan ko." sambit naman niya at mukhang mayaman talaga ang isang to

"Pwede ko bang bilhin yan lahat?"

0__0

Halos malaglag ang panga ko ng sinabi iyon ni Mama,hindi ko akalain na iyan pala ang naisip niyang paraan para maligtas ang lalaking iyan.

"Haha hindi po pwede maam dahil hindi ko alam kung magkano ang halaga ng lahat ng to"

"Ano pang nakita mo sa emaginasyon mo?" bulong ni Mama

"Naamoy ko na po ang malansang amoy at unti unti ko na pong naamoy ang bulaklak ng kalachuchi" mahinahong sambit ko.

"Pwede bang dumarito ka muna sir? dahil baka mapahamak ka sa daan." mahinanong suhestyon ni Mama

"Salamat pero mauna na ako keep the change ladies" giit nita ay lumabas ng resto.

"Teka sir...sirr?" sigaw ko at papasok na siya sa kotse niya.

"Ano bang problema ninyong mag ina? umalis nga kayo!" sigaw niya sabay tulak saken at napadapa ako sa kalsada.

Rinig ko ang pag start ng engine niya at si mama todo katuk doon sa pintuan niya pero hindi talaga siya nakinig

"Mama tama na" giit ko at pumasok na kami sa loob ng resto.

A/N

Hindi ko po nilagay kung anong year na si Archa

Fourth Year Highschool na po siya hehe.

Keep reading..!