webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

44: Lux the Suitor

HER POV.

"Baliw ka talaga. " nasabi ko na lang kahit ang totoo ay ilang na ilang na ako dito.

"Yeah, you're right. I'm crazy. " sabi nya saka tumawa. Naka-hinga naman ako ng maluwag dun, sabi na eh, nag-bibiro lang 'tong si Lux. Tingnan nyo ha? Bakit naman sya magkaka-gusto sakin, eh hindi naman ako sexy at hindi rin ako masyadong ka-gandahan.

"Crazy for you. " agad akong napatingin sa kanya.

"H-ha? " letse! Bingi ka, Clarisse?

"Nothing. Don't mind it. " sabi nya saka ngumiti.

"Ahm, tara na? Pasok na tayo. " pag-aaya ko sa kanya.

"Wag na. " sabi nya habang nakatingin sakin.

"Eh? San tayo pupunta? " tanong ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay, magagalit si Mama.

"May alam akong lugar na magugustuhan mo. Tara. " sabi nya saka ako hinila at iniwan ang in-order naming kape.

"Nag-bayad ka na ba? " tanong ko.

"Hindi na kailangan, amin naman 'yung coffee shop na 'yun eh. " sabi nya saka ngumiti.

"ANO?! Sa inyo 'yun?! Ganon kayo kayaman? " tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.

Mas mayaman pa samin. Aba, matindi!

"Sakay. " sabi nya. Lah? Nasa parking lot na pala kami?

"San ba kasi tayo pupunta? " tanong ko sa kanya.

"Basta. Sumakay ka na lang. " saka pinasok ang ulo ko sa kotse nya. Sumakay din naman sya. Nag-seatbelt naman ako at nag-maneho na sya.

"Malayo ba 'yung pupuntahan natin? " tanong ko sa kanya.

"Medyo pero don't worry, iuuwi kita ng safe at medyo maaga. " sabi nya. Napangiti na lang ako.

Teka, 'yung bag ko nga pala.

"Nandito 'yung bag mo, kinuha ko na. " lah? Mind reader ba 'to?

"Hindi ako mind reader, halata kasi sa facial expression mo. " sabi nya saka tumawa. Ganun?

"Lux, 'yung sinabi mo kanina sakin, totoo ba 'yun? " tanong ko kahit naiilang akong itanong 'yun.

"Alin dun? 'Yung mahal mo si Jackson? Oo, totoo 'yun. Halata naman dib---" hindi ko na sya pinatapos.

"Hindi 'yun. " sabi ko habang nakatungo.

"Eh, san dun? " tanong nya habang nagma-maneho. Maneho? Diba 'yun 'yung rabbit?

"'Yung.. n-nahulog ka na sakin? " ah, shit! Bakit ko ba kasi tinatanong?!

"Oo, totoo 'yun, ikaw lang naman ang ayaw maniwala eh. " sabi nya saka saglit na tumingin sakin.

"Pero bakit? " tanong ko.

"Anong, bakit? " tanong nya rin.

"Bakit mo 'ko nagustuhan? Hindi nga ako sexy eh, hindi pa ako maganda. " sabi ko sa kanya. Nalaman ko kasi na ang ideal girl nya ay sexy at maganda. Kung baga, sa physical appearance sya bumabase.

"Hindi naman kita gusto eh. " eh? Hindi ba?

"Ay, sorry na. Masyado lang akong assumera. Hahaha. " shet. Nakakahiya.

"Ha? Ang sinasabi ko, hindi kita gusto kasi mahal kita. " sabi nya saka tumingin ulit sakin at kinindatan ako.

*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*

Hoy, abnormal kong puso, tama na okay?! Nababaliw ka na naman eh.

"Nandito na tayo. " sabi nya saka lumabas at pinag-buksan ako ng pintuan.

"Thank you. " sabi ko.

"Close your eyes. " and bow your head? Ay, juk lang.

"Bakit? " tanong ko.

"Basta. " sabi nya kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Inalalayan naman nya akong mag-lakad. Ano na naman ba 'to?

"Now, you can open your eyes. " sabi nya at minulat ko ang mga mata ko at ang ganda.

Nasa isa kaming fields pero sa harap nang fields na 'to, kitang-kita ang nagta-taasang building at ang mga ilaw niyo. Kumbaga, kita ang kabuuan ng city. Ang ganda talaga. Gabi na kasi eh kaya magandang tingnan ang mga ilaw na nanggagaling sa mga buildings.

"Nagustuhan mo ba? " tanong ni Lux.

"Sobra. Sobra kong nagustuhan. " sabi ko habang nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun. Ikaw palang kasi ang babaeng dinala ko dito eh. Minsan kasi, pumupunta ako dito ng mag-isa kapag may problema. " sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ha? Eh, bakit mo 'ko dinala dito? May problema ka ba? " tanong ko.

"Oo, may problema ako at sangkot ka dun. " sabi nya ng seryoso.

"Hala ka, anong ginawa ko? " tanong ko.

"Ikaw kasi ang may kasalanan kung bakit ang laki ng problema ko. Kasalanan mo kasi kung bakit ako nahulog sayo. Kasalanan mo kasi kung bakit nagustuhan kita. Kasalanan mo kung bakit minahal kita. Kasalanan mo kasi kung bakit nag-iba ang taste ko sa babae. Kasalanan mo kung bakit nag-iba ang ideal girl ko. Kasalanan mo kung bakit ako nag-bago. Kasalanan mo ang lahat. Pero, dahil sa kasalanan mo, naging mabuti akong tao. Dahila sa kasalanan mo, natuto akong mag-mahal. Dahil sa kasalanan mo, natuto ako kung paano i-appreciate ang mga bagay na meron ako. Kaya, thank you. Thank you for making the new version of Fred Lux. Thank you. " sabi nya saka ako niyakap at kasabay din nun ang pagkaka-roon ng iba't-ibang kulay ng mga fireworks sa kalangitan.

"Sana, bigyan mo 'ko ng pagkakataon na tulungan kang burahin sya dyan sa puso mo. I know that you love him but I can help you to forget him. I can be a handkerchief if you'll need me. Here are my shoulder for you to cry on when you're hurting, if you'll just let me in your heart. " sabi nya saka ako hinarap.

Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ako?

"Clarisse Grahams, can I court you? " tanong nya. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata nya. I like him. I like Lux. He's everywoman's dream. He's almost perfect. He's handsome, he's smart and he's kind, sometimes. And that's the reason why I like him. Pero, tama bang mag-paligaw ako sa kanya kahit nasasaktan ako dahil kay Jackson? Hindi ba ako magiging masama kung gagawin ko 'yun?

"I-I'm sorry, Lux pero kasi hindi ako sure eh. I like you pero hindi ako sigurado kung magpapaligaw ako sayo. " sagot ko. Alam kong masakit para sa kanya pero mas okay ng masaktan sya dahil sa katotohanan, hindi dahil sa isang kasinungalingan.

"Okay lang, liligawan pa rin naman kita eh. HAHAHAHA. Sabi na nga ba eh, iba ka sa ibang babae. Hindi ka easy to get. You're one of a kind, that's why I like you. " sabi nya saka ako kinindatan.

"Abnormal! Tinanong mo pa ako kung pwede kang manligaw, eh manliligaw ka rin naman pala. " sabi ko saka tumawa.

"Syempre, gusto kong may permit sayo. HAHAHAHA! " lah? Baliw?

"Nababaliw ka na naman eh, tara na nga. Ihatid mo na ako. " sabi ko saka pumasok sa kotse. Sumunod na din naman sya. Sinuot ko na ang seatbelt at nag-maneho naman na sya.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan pero sya, ngumingiti-ngiti. May sapi ba 'to?

"Hoy, abnormal, may sapi ka ba? " tanong ko sa kanya.

"Wala, nababaliw lang sayo. " sabi nya saka kumindat. At eto na naman ang puso ko, nagpi-fiesta na naman. Abnormal din. HAHAHA.

Nagulat naman ako dahil naririnig ko syang kumakanta. Kinakanta nya 'yung I'm yours ni Jason Mraz.

"Naks naman! Ang galing kumanta ah, hulaan ko kung ano ka pag-laki mo. " sabi ko sa kanya.

"Ano? " tanong nya.

"Dancer! HAHAHAHA! "

"Mali kaya. " psh! Panira naman ng trip eh.

"Panira ka naman ng moment eh, teka, bakit ako mali ha? " tanong ko sa kanya.

"Di ako magiging dancer kasi magiging asawa mo 'ko pag-laki mo. HAHAHAHAHA! " okay, tahimik ang lola nyo.

Kinikilig ako eh.

"At sinong nag-sabi na ikaw nga ang magiging asawa ko ha? " tanong ko ulit.

"Si Tadhana po. " sabi nya.

"Yuck, ang corny mo po. " sabi ko sa kanya.

"Corny pero kinikilig ka. HAHAHAHA! " bwiset 'to!

"Mag-drive ka na nga lang! " sabi ko sa kanya.

Pero, masaya ako dahil kahit may awkwardness sa pagitan namin, para lang kaming tropa kung mag-turingan. Pero, kamusta na kaya 'yun si Jackson? Siguro, nanliligaw na 'yun dun sa babaeng gusto nya.

"Nandito na po tayo, boss. " hala ka! Nandito na kami sa bahay? Agad-agad?

Hayys. Teka, hindi ko matanggal 'yung seatbelt ko.

"Boss, okay ka lang? " tanong ni Fred sakin mula sa labas. Nasa labas na kasi sya eh.

"Boss talaga? Teka nga, pwede mo ba akong tulungan tanggalin 'tong lintek na seatbelt ng sasakyan mo? " tanong ko. Bwiset! Kanina natatanggal ko pa naman 'to ah, anong nangyari?

Lumapit sya sakin. As in sobrang lapit.

Ang bango nya!

"Ayan, okay na boss. Labas ka na. " sabi nya. Lumabas na ako sa kotse nya.

"Thank you. " sabi ko na lang.

"You're always welcome, boss. Goodnight and sweet dreams. Bukas na lang ulit. Wag mo na syang isipin, di ka naman mahal nun eh, ako na lang ang isipin mo, mahal naman kita eh. " sabi nya saka kumindat at umalis na.

Napailing na lang ako.

"Abnoy talaga. " nasabi ko na lang sa sarili ko saka pumasok sa bahay.