webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

43: Pain

HER POV.

Nandito ako ngayon sa may garden pero malayo kay Jackson at sa babaeng hinahabol nya. Nakatingin lang ako sa kanila. Ano bang sinasabi ni Patrick na nasasaktan 'tong si Mamang inglisero? Eh, mukhang masayang-masaya naman sya ah? Tsaka, siguro sya 'yung babaeng gusto nya? Tama nga sya, ang simple lang ng babae. Ang ganda din. Masaya ako para sa kanya kasi sa wakas, nasabi nya na sa babaeng gusto nya 'yung tunay nyang nararamdaman. Sa wakas, graduate na sya sa pagiging torpe nya. Atsaka, mukha namang gusto rin sya nung babae eh, nag-yakapan pa nga sila eh. Bagay sila.

Nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko saka ako niyakap.

"Masakit ba sa mata? " tanong nya.

"Ha? " tanong ko rin. Ano bang sinasabi nitong si Fred?

"Naisip ko kasi na masakit sa mata 'yung nakita mo kanina kasi umiiyak ka eh. " nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Anong umiiyak? Lah, baliw ka talaga. " sabi ko sa kanya. Hinarap nya ako sa kanya at pinunasan nya ang mukha ko gamit ang thumb nya.

"Ikaw 'yung baliw, hindi mo alam na umiiyak ka na. " sabi nya. Hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga.

"Ah, oo, umiiyak ako kasi tears of joy. Masaya ako para kay mamang inglisero. Haha. Hindi na sya torpe eh. Nasabi nya na sa babaeng gusto nya, 'yung nararamdaman nya. " sabi ko saka ngumiti pero patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko mula sa mga mata ko.

"Masaya ka nga ba? " tanong nya.

"Oo, syempre masaya ako. Sobrang saya ko nga eh. Ano bang rason para hindi ako maging masaya, diba? " sabi ko saka ngumiti pero alam ko sa sarili ko na may sakit 'yung ngiti ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh.

"Halika na nga. " sabi nya saka ako hinila pero papalabas ng L. U.

"Huy, san tayo pupunta? May klase pa ah. " sabi ko sa kanya.

"Pag-usapan natin 'yang nararamdaman mo. " sabi nya at saka pumunta sa isang coffee shop malapit sa L. U.

"Lah, sabing okay lang ako eh. " sabi ko pa.

"No, you're not. " sabi nya.

"Ang kulit mo. " sabi ko sa kanya.

"Can you please stop pretending that you're okay? Because I know that you're not! " nagulat ako dahil sa sigaw nya. Napatingin samin ang mga staffs ng shop pati na rin ang iilang costumer.

"Ano ba? Wag ka ngang sumigaw. " bulong ko saka tumingin sa mga staffs at ngumiti.

"Sorry. " sabi nya. Pumunta sya sa cashier at nag-order. Ako naman umupo sa bakanteng table dun banda sa sulok.

"Here's your coffee. " sabi ni Fred. Lah? Ang bilis ah.

"Thanks. " sabi ko na lang.

"Wag kang mag-panggap na okay ka kasi ako 'yung mas nasasaktan eh. " pag-sisimula nya.

"Baliw ka. " sabi ko saka tumawa ng bahagya.

"I know you're hurting inside because of what you saw a while ago. Stop pretending. " sabi nya ulit.

"Sabing hindi ako nasasaktan eh. Baliw ka talaga. "

"Pero iba 'yung sinasabi ng mga mata mo. Sinasabi nila na nasasaktan ka na. " hayys, abnormal.

"Hindi nakakapag-salita ang mga mata kaya hindi mo sila makakausap. " sabi ko sa kanya.

"Let's talk seriously. Walang halong biro, seryosong usapan lang. " seryosong sabi nya kaya nag-seryoso na rin ako.

"Okay, yes you're right. I'm hurting inside but I don't know why. Am I a bad person to be hurt because of what I've saw earlier? I should be happy because that idiot is happy. But I don't know why I'm feeling like there's a pain in my chest? I don't know what's happening to myself. " sabi ko kasabay nun ang pag-tulo ng mga luha ko.

Parang tanga lang 'no? Naiyak kahit di alam ang dahilan.

"Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi, mahal mo sya. You love him. You're hurting because you love him. Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo sya mahal diba? MAHAL MO SYA. 'Yun lang ang tanging dahilan kung bakit ka nasasaktan. Minsan kasi, hindi natin namamalayan na nahuhulog ka na pala sa isang tao, parang ako, hindi ko namalayang unti-unti na akong nahuhulog sayo. " para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa huli nyang sinabi.

"Akala ko ba we will talk seriously? Bakit may halong joke? " tanong ko saka tumawa ng bahagya. Pero sya, seryoso pa rin.

"Sino bang nag-sabi na nagjo-joke ako? " eh? Di ba sya nagjo-joke?

Seryoso?!