webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

3: First Encounter

HER POV.

Papunta ako ngayon sa canteen dahil break time na namin. Tamang-tama, gutom na rin ako eh tsaka parang nag-lilihi ako sa fries, hahahaha. Bumili muna ako ng shake sa labas ng mismong canteen tsaka fries. Pumasok ako sa loob saka nag-hanap ng mauupuan habang hawak ang tray ko.

*Lingon*

*Lingon*

*Lingo--boogsh*

"WHAT THE HELL?!" Singhal sakin ng isang lalaki. Hala! Nabangga ko ata sya! Tiningnan ko ang pagkain ko at parang gusto ko ng umiyak. 'Yong fries at mango shake ko, natapon. Waaaaaaah! Babies kooooooo! Inangat ko ang tingin ko saka tiningnan ng masama ang lalaking matangkad na nasa harapan ko ngayon.

"Kasalanan mo 'to eh!" Sigaw ko sa kanya.

"What?! It's not my fault, stupid! It's YOUR fault! " sigaw n'ya rin saka pinag-diinan 'yung salitang 'YOUR'. Panira ng araw si mamang englishero amp!

"Really? Oh, I'm really sorry, Mister, " sarcastic kong sabi. Anong akala nya? Magpapatalo ako sa pagi-english nya? Hah! Best in english ata 'to!

"You should be sorry, idiot! " Aba't--sumusobra na 'to ah? Una, tinapon na nga 'yung pagkain ko, s'ya pa galit. Pangalawa, sinabihan nya akong stupid. Pangatlo, sinabihan naman nya akong idiot.

"Don't you ever call me an idiot, because you are the REAL idiot here, " Seryoso kong sabi. Iniinis talaga ako nito eh.

"What did you just said? " Inis nyang tanong.

"Are you deaf or you're just stupid? " Tanong ko habang naka-cross arms. Kapag naiinis o nagagalit talaga ako, napapa-english ako. Tsk.

"Hah! Hindi mo ba alam na etong uniform na 'to.." turo nya sa parte ng uniform nya kung saan may mantsa. ".. ay gawa ng isang magaling at sikat na designer? "

"Pakihanap 'yong pake ko, " Bored kong sabi. Nag-tagalog na sya kaya nag-tagalog na rin ako. Duh.

"Argh! You're very annoying!" Inis nyang sabi.

"You too, " Bored kong sabi ulit.

"You should pay for my uniform!"

"Ge, bukas na lang." Sabi ko. Nakita ko namang lalo syang nainis.

"Hindi mo ba ako kilala o sadyang nagpapa-pansin ka lang talaga sakin? O baka naman isa ka rin sa mga fangirls ko?" Saka sya ngumisi. Kanina naiinis, ngayon naka-ngisi. May bipolar disorder ba 'to? Tsaka, anong sabi nya? Ako? Magpapa-pansin sa kanya at isa sa mga fangirls nya? Bakit, sino ba sya? Artista ba sya? Bat hindi ko kilala?

"Crazy, " Tanging nasambit ko na lang. Wala ako sa mood maki-pagtalo sa kanya, hindi ko naman sya kilala eh. Tsaka,tinapon nya ang mga babies ko. Huhu! Ipaghihiganti ko kayo mga anak ko, don't worry.

"Ako lang naman si Jackson Laerin. LAERIN. L-A-E-R-I-N." At ini-spell nya pa talaga sakin 'yung apelyido nya ha? Anong tingin nya sakin? Bobo? Tss.

"Pakihanap ulit 'yung pake ko, " Sabi ko ulit.

"You will pay for messing up with me, stupid!" Sabi nya saka umalis na kasama 'yung dalawa nyang kaibigan. Teka, hindi nya pa binabayaran 'yung fries at mango shake ko.

"Hoy lalaking inglisero!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya.

"Bayaran mo 'tong pagkain ko!" Sigaw ko pero ini-snob nya lang ako. Saka ko lang napansin na marami na palang nakiki-chismis.

"Tapos na 'yung show, alis na!" Sabi ko saka umalis na lang din sa canteen. Wala na akong pagkain eh. Bwiset kasi 'yung lalaking 'yun eh. Pakialam ko kung Laerin apelyido nya? Psh! Parang pangalan lang naman 'yun ng school nami----teka, anong apelyido nya? Laerin? LAERIN?! Hala! S'ya kaya 'yong anak ng may-ari nitong L.U? Oh my gosh! Patay na ako!