webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

2: Jackson Laerin

HIS POV.

Kasalukuyan akong nag-mo-motor ngayon papunta sa school. Psh! Late na naman ako, but I don't care. Anak naman ako ng may-ari ng school na pinapasukan ko eh. Yeah,you read it right, I'm the only son of L.U's owner. Hindi ba halata? Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi kung sino ako. Ako si Jackson Laerin. Gwapo, sikat at gwapo ulit. Sikat ako sa L.U dahil sa tatlong dahilan. Una ay dahil anak nga ako ng may-ari ng University na pinapasukan ko. Pangalawa ay dahil gwapo ako. At pangatlo ay dahil ako ang gangster prince. Oo,isa akong gangster. SIKAT na gangster. Rank one lagi ang grupo ko pag-dating sa mga labanan. Halos lahat ng gang ay kinakatakutan kami pero merong isang gang na hindi namin masindak. Ang Black Snake. Pangalawa ang grupo nila sa pinaka-magaling, ang gang naman namin ay Blue Dragon, lahat ng miyembro nitong gang na 'to ay may tattoo sa likuran ng asul na dragon.

Maya-maya pa ay nakarating na rin ako sa eskwelahan. Pinark ko ang itim kong motor sa parking lot saka na pumasok. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room ko ay pinapalobo ko ang bubble gum na binili ko sa tindahan. Nang makarating na ako sa room ay dire-diretso akong pumasok.Walang katok-katok. Ramdam ko naman ang pag-tingin ng mga kaklase ko sakin, maging ang guro ko ay nakatingin din sakin.

"You're late, Mr.Laerin, " sabi ng teacher namin na si Miss Avila.

"I know." Maikli kong sagot. Alam ko naman kasing late ako eh, kailangan pang sabihin? Nakita ko na lamang syang napa-iling. Napangisi ako dahil do'n. Wala silang magagawa, Laerin apelyido ko eh.

Mabilis namang natapos ang oras dahil nga late ako. Pangatlong subject na kasi 'yun si Miss Avila kaya break time na kaagad ako.

"Bakit ka na naman ba na-late, Jackson?" Tanong ni Karl Sayson. Gangmate-slash-kaibigan ko.

"None of your business, " Sagot ko saka umirap. Tumayo naman na kami saka lumabas. As usual, tinitilian at pinagkakaguluhan na naman kami ng kababaihan.

'Gosh! Ang gwapo talaga ni Jackson 'no?'

'Yeah,pero mas gwapo si Patrick ko.' Ang tinutukoy nya ay si Patrick Mendoza.

'Waaaaaah! Ang hot talaga ni Karl my loves! Naglalakad palang 'yan oh.'

Hindi na ba sila napapagod na kada dadaan kami ay titili sila o kaya mag-bubulungan na pagkalakas-lakas? Oh well, 'di ko sila masisisi, ang hirap talagang maging gwapo.

Hanggang sa makarating kami sa canteen ay puro bulungan at tilian pa rin ng mga babae ang mga naririnig ko. Nakakarindi na, sa totoo lang -____-

"Oh, ba't ganyan na naman itsura mo? " Tanong sa'kin ni Patrick. O, nag-sasalita pa pala 'to? Sa amin kasing tatlo, s'ya ang pinaka-tahimik, silent type kumbaga.

"Nakakarindi na kasi 'yung mga babae eh,parang bubuyog ampotek!" Reklamo ko.

"Agree ako sa'yo, Jack, kaso,wala tayong magagawa, gwapo tayo eh, " pagsang-ayon ni Karl sa 'kin.

Matapos naming bumili ng kakainin namin ay nag-lakad na kami pabalik ngunit habang nag-lalakad kami ay may nakabangga ako, at natapunan pa ang uniform ko!

"WHAT THE HELL?!"