webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

21: Weird

HER POV.

Nawi-weirduhan na talaga ako kay mamang inglisero. Kanina, pinagtanggol nya ako sa three idiots girl version, tapos sinabay nya ako sa recess tapos nilbre nya pa ako at ngayon, ihahatid nya ako sa room ko. Ano bang nangyayari sa kanya?

Huminto ako sa pag-lalakad saka humarap sa kanya. Napahinto rin naman sya.

"Bakit mo 'to ginagawa? " tanong ko sa kanya.

"What do you mean? " tanong nya rin.

"Wag mo 'kong kinakantahan dyan ha. Tsaka, tama bang sagutin mo ang isang tanong ng isa pang tanong? " pangsesermon ko sa kanya.

"Pero, hindi ko talaga ma-gets 'yung sinasabi mo. " sabi nya pa.

"Bakit mo 'ko pinagtanggol? Bakit mo 'ko sinabay mag-recess? Bakit mo 'ko nilibre? At ngayon, bakit mo 'ko ihahatid sa classroom ko? " sunod-sunod kong tanong.

"It is because of your mom. Your mom told me that I should protect you. " sagot nya. Eh? Pero bakit parang nadismaya ako sa sagot nya?

Ang ini-expect ko kasi ay sasabihin nya na, "Dahil gusto kita. " o kaya "I like you, Clarisse. "

"Okay. Sana sinabi mo kaagad nang hindi ako nagtataka sa mga kilos mo. Ang weird mo eh, mukha kang alien. " sabi ko saka nag-lakad na lang ulit.

"Kailangan ko pa bang ipaalam sayo? Ano ba kita? " eh? Bat nya biglang sinabi 'yun? Pero na-hurt ako dun ah.

"Lah? Bat mo natanong? Tsaka, oo, kailangan mong ipaalam sakin kasi anak ako ng nag-utos sayo. " sabi ko saka umirap.

"Sige, dito na ako. Madapa ka sana. " sabi ko saka papasok na sana sa classroom kaso hinila nya na naman 'yung kamay ko at..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Niyakap nya ako?!

"H-huy, bitawan mo nga ako. " bulong ko sa kanya. Waaaaaaah! Pagiinitan na naman ako ng three idiots girl version nito!

"Sorry. Gusto ko lang ipaalam sayo kung ano ikaw sa buhay ko, you're special to me. " Hala ka!

"A-ahh, wag mo naman akong gawing special child, mamang inglisero. Hahahaha, normal pa naman ako. " sabi ko sa kanya. Gooosh! Awkward!

Binitiwan na nya ako saka humarap sakin saka pinat ang ulo ko saka umalis. Ako naman naiwang tulala at bigla sa nangyari.

'Gosh, bakit ganon 'yung pakikitungo ni prince sa kanya? '

'Is she courting him? ' wow, ako pa talaga nanliligaw ha?

'Di sila bagay sa totoo lang. '

Whatever.

Pumasok na lang ako sa loob ng classroom saka umupo sa upuan ko. Ramdam ko ang mga mata ng mga bubuyog kong kaklase sa'kin. Stupid daw ako pero kung pag-usapan nila ako parang artista ako. Tch.

Pero ang weird talaga ni mamang inglisero. Ano kayang nangyari dun?