webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

20: Protector

HER POV.

Kakatapos lang ng third subject namin, it means, recess na! Yippee!

Inaayos ko ang mga gamit ko dahil pupunta na ako sa canteen ng biglang lumapit sakin sila Rara, Lorna at Fe. Girl version ng three idiots. HAHAHAHA.

"How are you, Clarisse? " Fe.

"Are you okay? " Rara.

"Be safe, okay? " Lorna.

Mga plastik. Jusko!

"Yeah, I'll take care of my self for the three of you. " at ngumiti ako ng plastik.

"Oh, you're so sweet. " sabi ni Rara saka hinawakan 'yung buhok ko at bigla na lang hinila.

"Get your dirty hands off to my hair, Rara or else.. "

"Or else what? " tanong naman ni Lorna.

"Or else, isusumbong ko kayo sa adviser natin. " pananakot ko.

"Psh! Sumbongera! " sabi naman ni Fe.

"Sabihin nyo na ang gusto nyang sabihin. " sabi ko saka umirap.

"At iniirapan mo pa talaga kami ha? " tanong ni Lorna.

"Ay, hindi. Nakita mo na nga diba? " pambabara ko sa kanila. Mukhang nainis naman sya dahil lalong hinigpitan ni Rara ang paghawak nya sa buhok ko.

"Let her go! " nagulat na lang ako dahil sa sigaw na 'yun.

"P-prince.. " bulong nila. Eh? Sinong prince? Si prince charming? Inangat ko ang ulo ko at mali pala ako, hindi pala prince charming. Tsk.

"Let's go, stupid. " sabi nya saka ako hinila papalayo sa three idiots girl version. Eh? Ano bang ginagawa nito?

"Huy, anong ginagawa mo sa room namin? Inii-stalk mo 'ko no? Ayiieee. " pang aasar ko sa kanya.

"Bakit di mo sinabi sakin na ginaganon ka pala ng mga kaklase mo? " tanong nya.

"Bakit? Kailangan ko pa bang sabihin? " tanong ko rin.

"No, pero, Clarisse naman, they hate you because of me. " sabi nya. Ano bang pinaglalaban nito?

"Hoy, hindi no. Wag ka ngang assumero. " pagsisinungaling ko.

"From now on, sakin ka na sasabay ng lunch. " sabi nya saka hinawakan ulit ang kamay ko at hinila. Lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin samin at 'yung iba, nagbubulungan pa. Tsk, instant celebrity na naman ako nito ah.

"Pwede bang bitiwan mo 'ko. Andaming tao oh. " sabi ko sa kanya.

"Don't mind them. " hala ka! Nagkagusto na kaya 'to sakin?

Nang makarating na kami sa canteen ay pinaupo nya ako sa isang bakanteng upuan at lamesa.

"Stay here. " bilin nya sakin. Ano ako? Aso?

"Opo. " sagot ko saka umirap. Nagulat maman ako ng bigla nyang i-pat ang ulo ko. Baliw ba 'yun?

'Sila na ba? '

'Baka nililigawan? '

'Matagal na ring usap-usapan 'yan. '

Pwede bang pumatay ng chismosa? -___-

"Hello, Clarisse! " oh, kasama 'to sa three idiots ah? Si.. Karl ba 'to?

"Hello. " sabi ko rin saka ngumiti.

"Si Jack ang nag-dala sayo rito? " tanong nung isa. Si Patrick ata.

"Ah, oo. " sagot ko na lang.

Maya-maya ay dumating na rin si mamang inglisero at may dalang..

"Bakit ang daming fries naman nyan?! " sigaw ko.

Naninibago na talaga ako kay mamang inglisero.

"This is your favorite, right? " tanong nya.

"Bawal na ako sa pagkaing mamantika. " sabi ko rin. Pwede naman akong kumain ng fries pero dapat onti lang.

"Ganon? Edi, share na lang tayo. " sabi nya saka ngumiti.

Weh? Ngumiti sya? Di nga?

"Share? Lagi na lang ba akong may kahati? " pag-hugot ko.

"Sakin wala kang kahati" sabi nya saka kumindat. Naghintay ako ng 'joke' o halakhak sa dulo ng sentence nya pero umalis lang sya bigla.

Feeling ko aatakihin ulit ako sa puso. What's happening to me?