webnovel

The Duo

Musika..... Maikling salita ngunit malaki ang impluwensiya sa buhay nang isang tao. Sumasalamin sa bawat damdamin o emosyong nadarama nang isang tao. Ang Musika din ang magiging daan upang magtagpo ang mga landas nang tatlong tao na hinahanap ang kanilang mga sarili. Ano ang magiging papel na gagampanan nang bawat isa? Mahahanap nga kaya nila ang kanilang mga sarili? Masasagot kaya ang mga katanungan na, Ano ang halaga nila sa mundong kanilang ginagalawan? Sino nga ba sila? May mamumuo nga bang busilak na Pag-ibig at Pagka-kaibigan sa Mundong napapalibutan nang mapanlinlang na katotohanan?

5UNOU5MYW5 · Urban
Not enough ratings
2 Chs

PROLOGUE

"Hey, Girls! Pupunta ba kayo sa Concert nang The Duo?" matinis na boses ang kanyang narinig na nagmula sa isang puwesto na hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Ang nagsalita ay isang babae na may katangkaran, sa tantiya niya ay nasa 5'5 ang tangkad nito. Nakasuot ito ng White Long Sleeve bilang pang-ilalim na damit na pinatungan nang Blue Plain Blazer. Ang bawat gilid nang convertible collar at gilid nang mga manggas ay kulay yellow. Ang School Emblem o Logo ay naka-imprenta naman sa kaliwang bulsa nang Blazer. Blue Plaid Pleated Skirt na hanggang tuhod naman ang pang-ibabang kasuotan. Plain Black Trouser Socks ang para sa mga binti at Black Kicker Shoes naman ang para sa mga paa. Mahaba ang buhok nito na naka-ponytail. May bahagyang make-up na nakalagay sa mukha nito. Nasa magkabilang tabihan naman niya ang ilan pang mga estudyanteng babae.

"Oo naman, pupunta ako! Excited na nga akong makitang muli ang Baby Red ko." impit ang tili at tugon nang isang babaeng mestisahin at may katabaan ang pangangatawan. Nakalugay ang makapal-kapal nitong buhok na hanggang balikat ang haba.

"Yeah! Ako rin, pinag-ipunan ko talaga ang pambili nang ticket para sa concert nang The Duo. Nanggaling pa nga ito mula sa allowance ko. Napagalitan pa ako ni Mama kasi ang akala niya kaya ako nag-iipon nang pera ay para hindi na ako palaging humihingi sa kanya nang pambaon, iyon pala ay dahil nga sa concert." saad nang isang estudyanteng babae sa mga kasamahan nito habang natatawa sa kanyang sarili. Natawa rin ang iba niyang mga kasama nang dahil na rin sa paraan nang pagkukuwento nito.

"Ang akala ko nga hindi ako papayagan ni Mama pumunta sa concert, mabuti na lamang sinalo ako ni Kuya at sinabing sasamahan ako dahil manunuod din siya ng concert ng The Duo. Fan din kasi si Kuya nina Red at Silver." ang dagdag paliwanag pa nito na may kasama pang pag-mumustra nang mga kamay. Maliit ito kumpara sa ibang mga kasamahan dahil halos kasing laki lang ito ng isang Grade 5 Student. Kayumanggi ang balat at petite.

"Saka matagal na rin noong huli natin marinig mag-perform ang The Duo kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataon makapanuod." pagsang-ayon naman nang isa pang babae na kulot ang buhok at may kaitiman ang balat habang tumatango ito sa mga sinasabi nang iba pang mga estudyanteng katabi niya.

Mataman lamang siyang nakikinig sa usapan nang nasabing grupo nang mga estudyante. Nakatayo siya mula sa hindi kalayuan puwesto habang nakasandal ang likuran sa pader nang isang kuwarto kung saan siya uma-attend nang klase. Grade 12 na siya, ganoon din ang mga estudyanteng tinutukoy niya. Maraming mga pauli-uling estudyante sa harapan niya habang paroo't-parito sa hallway. Ang iba naman ay labas-pasok sa kani-kanilang mga kuwarto. Mayroon Thirty minutes kasi silang break.

May hawak siyang Acoustic Guitar habang bahagya lamang kinakalabit ang bawat kuwerdas nito. Gusto niya sanang humanap ng isang tahimik na lugar para tumugtog nang gitara pero dahil nasa ikatlong palapag nang building ang mga kuwarto nang Grade 12 Students o ang kanilang kuwarto kaya no choice siya kung hindi manatili sa puwestong iyon.

"Hello, Miss?" tugon nang isang estudyanteng babae na mayroong maiksing buhok. Hanggang balikat niya ang tangkad nito. Nakangiti ito nang lumapit sa kanya samantalang siya ay hindi alam kung ngingiti dito o hindi.

"Pinky!, tawagin mo na lang akong Pinky. Ano iyon, Miss?" saad niya habang nakatingin sa babae.

"Hi! Pinky, I'm Raine nga pala! Ahm, nagpla-play ka pala ng guitar." naniniguradong saad nang babae habang nakatitig ito sa kanya at hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Ahh, Oo! Bakit?" sagot niya rito. Napakunot ang noo niya habang nananatiling nakatingin sa babaeng lumapit sa kanya.

Nagtataka man ay minabuti na lamang niyang pakinggan ang sasabihin nang estudyante.

"I'm just wondering, are you a Fan of The Duo?" nag-aalinlangan pagtatanong nito sa kanya. Mababakas sa mga mata nito ang pagbabaka-sakaling makukuha nito ang sagot na hinihingi sa tinatanong nito sa kanya.

"No! I'm not a Fan of them, pero wala akong against or issue sa The Duo. Huwag mo sanang mamis-interpret ang sagot ko." muling tugon niya sa estudyante. Hindi niya alam kung saan Tracks ito kabilang.

"Oh! I see, Don't worry! It's okay. But... you know their songs?" muling pagtatanong nang babae sa kanya.

"Yes! Popular ang The Duo at sa tingin ko naman walang hindi nakakakilala sa kanila o sa mga kanta nila." tugon niya na nakangiti na rin habang nakatingin sa estudyante.

"Yeah! You're absolutely right." masiglang sagot nito sa kanya. Napansin niya na tila nangislap pa ang mga mata nito habang patango-tango ito na tila sumasang-ayon sa sinabi niya.

"Ahm, Well! Can---can I request, please? Co---could you play one of the song of The Duo?" saad nito na bahagyang yumuko na tila nahihiya ito.

"Ahh, Iyon lang pala! Okay, Sure! What's the song title?" nakangiting tugon pa rin niya rito.

"Uhmm! I hope, I'm not bothering you." may pag-aalinlangan na tugon nito na napakamot na lamang sa kanang pisngi nito.

"Ohh, No! It's okay, Anyway, what's your request again?" muling pagtatanong niya sa babae.

"Wow! Really, Thank you!" saad nang babae na kulang na lang ay magtatalon mula sa kanyang kinatatayuan.

"I guess you heard the news about the Concert of The Duo this coming November 03, 2018 at the Center-Stage Arena?" sagot nito na sumandal na rin sa pader katabi siya.

"Ohh! The concert. Well, yes! And?" tugon niya at sinenyasan ang babae na magpatuloy ito sa pagsasalita.

"Unfortunately, I can't go to that concert because I have more important things to do on that day." saad nito habang nakapanguso at napabuntong-hininga na lamang ito at kulang na lang ay maluha. Mababakas din sa tono nang pananalita nito ang pagkadismaya.

"Ohh! I don't know what to say?" sagot na lamang niya dito at bahagyang tinapik ang kanang balikat nito.

"Ohh, It's okay! Anyway, liked I said, I can't come and watched their performance so I was hoping if you don't mind, could you play a song of The Duo for me?" saad nito na may pagsusumamo sa tinig. Hinawakan din nito ang kamay niya at paulit-ulit na iniyuyuko at iniaangat ang ulo nito.

"Hey, Raine! Stop that! You don't need to do that!" pagsasaway niya sa ginagawa nang estudyante.

"Okay, okay! Mag-play na ako ng song nila. Ano bang song nila ang gusto mong i-play ko?" tanong niya sa babae habang napapakamot sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi sa taong nasa harapan niya.

"Oopss, Sorry! Sorry! So much excited lang talaga kasi pinagbigyan mo ang hiling ko. Thank you so much talaga." muling tugon nito sa kanya. Nagulat pa siya nang magtatalon ito at bahagya siyang niyapos nito.

"Now na ba Raine? Alin kanta ba?"

"Ahh, Oo! Kahit ngayon na. Oh! The Title! Liwanag At Dilim (Song by Red)." sagot nito sa kanya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito. Tinakpan nito ang bibig nang sariling kamay nito. Tila ba pinipigilan nito ang sarili na tumili at kiligin.

"Actually itong kantang nire-request ko sa iyo ay isa sa paborito ko kahit angst ang ibig sabihin nang kanta. Wierd bang pakinggan?" sagot nito sa kanya. Umiling na lang siya na ang ibig sabihin ay hindi naman wirdo para sa kanya ang sagot nito.

Pamilyar naman kay Pinky ang kantang nabanggit ni Raine sa kanya. Isa ito sa madalas Number One sa Ranking sa mga Music Charts or Playlists.

"Okay!" tugon niya at pa-crisscross ang mga legs niya nang umupo siya sa sahig. Umupo din ang estudyante kagaya nang ginawa niya at inilabas mula sa bulsa nang skirt nito ang isang Iphone para i-video ang pagtugtog. Bigla naman nagsilapitan ang ibang mga estudyante at pinalibutan silang dalawa.

Nagsimula na siyang tumugtog.

Liwanag at Dilim

I.

Liwanag at Dilim

Palaging magkasama

Ngunit magkakontra

Parang ikaw at ako

Magkasama nga tayo

Pero hindi magtagpo

Itong ating mga puso

II.

Naging liwanag ka sa madilim kong mundo

Ngunit akong naging dahilan upang magdilim ang iyong puso

Dumating ka para damayan ako

Ngunit iniwan kitang luhaan at ningning sa iyong mga mata ay naglaho

Chorus:

Liwanag at Dilim

Bakit hindi na lang nagkaisa?

Bakit kailangan magkaiba?

Bakit kung kailan handa ka na?

Saka pa siya nawala

III.

Puwede pa ba?

Bumalik sa dati tayong dalawa

Pero paano kung ayaw mo na?

Paano kung kailan handang yakapin ka?

Ngunit nais mo na ay makawala

Reapet Chorus

Bridge:

Liwanag at Dilim

Parehong nandiyan

Mayroon umpisa ngunit sa huli ay may katapusan

Parang tayo

Nagkaroon ng simula tayo

Ngunit nang umabot sa dulo

Naging katapusan din ito

Na wala nang uulitin o babalikan

Habang tinutugtog niya ang ini-request na kanta nang bago niyang kakilala na si Raine, napagmasdan niya ang mga hitsura at kilos nang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya habang nakikinig ang mga ito sa kantang kanyang tinutugtog.

Ang kantang kanyang tinutugtog ay ang Kantang binuo o isinulat ng Composer/Lyricist na si Ms. Peachy. Kinanta naman ito nang Solo Singer na si Red na miyembro ng The Duo.

Hindi na naman bago sa paningin ni Pinky ang makakita nang mga Tagahanga na kapag narinig na ang mga kanta ng paborito nilang mga Singers ay mapapa-awit o mapapasayaw na ang mga ito. Ang kadalasan pa nga karamihan sa kanila ay gumagawa pa nang sarili nilang Versions o iyong tinatawag na Music Cover na ipino-post naman sa mga kilalang Social Media Websites katulad ng Popular na Youtube Website.

Napansin niya kasi kung gaano ka-attentive ang mga estudyante habang nakikinig sa kanyang pagtugtog. Habang nakikinig lamang ang iba. Ang iba naman ay sumasabay sa pagkanta. Mayroon magaganda ang boses at may ilan naman na kahit masakit sa tenga na pakinggan ang boses ay tuloy-tuloy lamang ang mga ito sa pagkanta. Hindi pa dumarating ang araw ng concert pero ang impluwensiya ng musika ng The Duo ay hindi maitatatwa.

Marunong talaga siyang magpatugtog ng gitara dahil bata pa lang siya ay ito na ang nakahiligan niyang gawin bilang pampalipas-oras. Pero aminado siya na hanggang pagtugtog lang nang mga Musical Instruments ang kaya niyang gawin. Hindi lang gitara ang kaya niyang patugtugin.

Marunong din siya mag-Piano, Violin at Drums. Pero hindi siya katulad ng kanyang kakambal na marunong magsulat nang kanta at marunong din magpatugtog ng musical instruments. May boses naman daw siya sabi nang iba sa kanya pero hindi niya hilig ang pagkanta. Doon naman siya lumamang sa kanyang kakambal.

May kakambal siyang lalake at kahit Fraternal Twins sila, napagkakamalan silang dalawa bilang Identical Twins dahil sa malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.

Pero katulad nga nang sabi ng iba na kahit ang kambal ay mayroon pa rin pagkakaiba sa maraming bagay o kahit sa mga hilig at gusto. Kung ang kakambal niya ay Fan nang The Duo, siya naman ay ibang Singers ang paborito. Pero kagaya nang sabi niya sa estudyanteng si Raine wala siyang problema sa pagiging sikat nang The Duo dahil aminado siyang mahusay kumanta ang Singer na si Red at ang partner nitong si Silver na isang Acoustic Guitarist Player ay mahusay din tumugtog ng gitara.

Pagkatapos niyang tugtugin ang Liwanag at Dilim (Song by Red) ay nagpalakpakan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya.

"Isa pa, another song naman nang The Duo."

"Oo nga, isa pa Miss!"

"Ang galing mo naman tumugtog nang gitara."

"Oo nga, turuan mo naman kami."

"Kumakanta ka rin ba? Maganda rin siguro ang boses mo?"

"Puwede ka ba namin i-hire na tagaharana sa mga nililigawan namin?"

"Oo nga noh! Magandang ideya iyan."

"Yihee! Kaklase namin iyan."

"Talented talaga iyan si Pinky. Tahimik at mahiyain iyan pero maniwala man kayo o hindi halimaw iyan sa husay sa pagtugtog nang ilang Musical Instruments. Matalino na maganda pa. Hindi ba kamukha pa niya si Miss Peachy?"

"Oo nga! Para silang pinag-biyak na bunga."

Sunod-sunod na mga tanong at papuri ang kanyang naririnig pero nanatili na lang siya tahimik. Mahirap makipag-sabayan kung sabay-sabay na nagsasalita sa harapan niya.

Ang tanging tumatak sa kanyang isipan ay ang huling sinabi nang isa niyang kaklaseng lalake. Matangkad at singkitin ito. Nakasuot ito nang reading eyeglass na manipis ang lenses.

Miss Peachy

Ang babaeng sinasabing kamukhang-kamukha niya kahit malaki ang agwat nang edad nila sa isa't-isa. Napagkakamalan silang iisang tao lamang.

"Naku! Sorry, Pinky! It was my fault. Kung hindi sana ako nangulit sa iyo. Hindi ka pagkakaguluhan. Pasensiya na." pagpapaumanhin tugon ni Raine sa kanya na kapuna-puna ang pag-aalala at guilt sa mga mata nito. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo nito kaya ganoon na rin ang ginawa niya.

"No! It's okay, Don't worry. Sanay na ako. Anyway, sana nagustuhan mo iyong pagtugtog ko." saad niya na napakamot na lang sa kanyang ulo. Nginitian niya si Raine nang maluwang na ngiti at tinitigan ito sa mata na parang sinasabing hindi dapat ito mag-alala.

Kahit paano para kay Pinky nabawasan ang pagka-bored niya. Magaan din ang loob niya dahil kahit paano ay may napasaya naman siyang mga tao nang dahil sa pagtugtog niya. Pero aminado siya na kung hindi dahil sa kanta ni Red baka hindi rin pakinggan ang pagtugtog niya. Ibang genre kasi ang madalas niyang patugtugin.

"Oo naman, I'm so happy! Kahit hindi ako makakapunta sa concert para na rin akong nagpunta kasi napakinggan ko ang paborito kong kanta. At salamat talaga sa iyo, kakahiya nga Feeling close ako sa iyo. Pero hindi ba Friends na naman tayo? Well, kung okay lamang sa iyo." saad nito sa kanya. Napansin niya ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito.

"Oo naman! Friends." tugon na lamang niya at inilahad niya ang kanyang kanang palad para makipagkamay dito.

Kahit maingay sa labas nang mga kuwarto, unti-unti na rin itong nababawasan dahil sa nagdadatingan na ang mga Teachers na magtuturo. Dumating na rin ang Teacher ni Raine kaya nagpaalam na ito kay Pinky. Pumasok na siya sa loob nang kanilang Classroom at naupo sa kanyang puwesto.

Nagmamasid lang siya sa kabuuan ng classroom nila nang mapansin niya ang isa sa mga study table. Mayroon nakapatong sa ibabaw nito na isang malaki-laking poster na nadadaganan nang mga notebooks at ilang libro at dahil na-curious siya kung ano ito, tumayo siya para tingnan ito. Nakita nga niya ang isang poster. Ang poster na may kinalaman sa concert nang The Duo.