webnovel

The Duo

Musika..... Maikling salita ngunit malaki ang impluwensiya sa buhay nang isang tao. Sumasalamin sa bawat damdamin o emosyong nadarama nang isang tao. Ang Musika din ang magiging daan upang magtagpo ang mga landas nang tatlong tao na hinahanap ang kanilang mga sarili. Ano ang magiging papel na gagampanan nang bawat isa? Mahahanap nga kaya nila ang kanilang mga sarili? Masasagot kaya ang mga katanungan na, Ano ang halaga nila sa mundong kanilang ginagalawan? Sino nga ba sila? May mamumuo nga bang busilak na Pag-ibig at Pagka-kaibigan sa Mundong napapalibutan nang mapanlinlang na katotohanan?

5UNOU5MYW5 · Urban
Not enough ratings
2 Chs

01

Chapter One

"Anna!... Anna! Lumabas kang haliparot na babae ka."

Paasik na boses na nagmumula sa isang babae ang maririnig o umaalingawngaw mula sa hallway nang isang boarding house. Padaskol ito kung maglakad habang humihiyaw sa hallway. Papalapit ito sa isang kuwarto.

Halos magiba naman ang pinto nang kuwartong pinuntahan nito nang puwersahang buksan ito.

"Huwag na huwag ka lang talagang magpapakita sa akin babae ka, dahil sa oras lang na makita kita, titiyakin ko na iyon pangit mong pagmumukha ay lalo pang papangit kapag pinatikim kita nang mag-asawang sampal sa mukha." nanggugumigil na saad nang babae. Nasa loob na ito nang isang malaki-laking kuwarto.

Simple lang ang disenyo o pagkakaayos nang kuwarto. Mayroon itong isang single bed at isang full-size bed na puwedeng tulugan nang tatlong boarders. Ang dalawang kama ay nakapuwesto malapit sa may pintuan nang kuwarto. Nasa kanang bahagi ang single bed at nasa kaliwang bahagi naman ang full-size bed. Sa kanan bahagi nang kuwarto, malapit sa pintuan nakapuwesto ang bintanang double casement at natatakpan ito nang Wooden Curtain Blind.

Mayroon ilan furniture na yari sa kahoy ang nasa loob nang kuwarto katulad nang hanging shelf, cabinet, drawer, at isang maliit na patungan nang flower vase. May isang lamesita na malapit sa patungan nang flower vase ang yari naman sa salamin. Nasa tabi nito ang isang floor lamp at sa kabila naman ay isang silya na yari din sa kahoy. Ang iba pang importanteng kagamitan ay nandoon din sa loob nang kuwarto.

Tila ba may kaharap o kausap na ibang tao ang babae ngunit wala naman talaga dahil mag-isa lamang ito sa loob nang kuwarto na iyon.

Matalim ang pagtitig nito at para bang mahihiwa ang bawat matititigan nang mga mata nito nang dahil sa sobrang galit na nadarama nito. Napapakagat-labi din ito at nagngangalit ang panga. Nanginginig din ang katawan nito nang dahil sa panggigigil.

Kanina pa ito naghahanap sa bawat bahagi o maging sa kasulok-sulukan nang boarding house kung saan ito nanunuluyan. Pero dahil parang bulkan na sasabog ang hitsura nito, iniiwasan tuloy itong usisain, batiin o kausapin man lang nang bawat makasalubong nito sa daan.

May magandang hubog nang pangangatawan ang babae bagamat maliit lamang ito o hindi katangkaran.

Mayroon ilan katao na mga naglalakad din sa hallway ang hindi maiwasang mapasilip sa loob nang kuwartong kinatatayuan nang babae, ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtatangkang magtanong o mag-usisa kung ano ang ginagawa nang babae na iyon sa loob nang kuwartong iyon. Ang ilan naman ay wala talagang pakialam kahit ano man ang dahilan noon babae sa pagpasok sa ibang kuwarto.

May hinahagilap ito kaya nandoon sa loob nang kuwarto. Noong hindi nito nakita ang hinahanap na tao, pinuntirya nito ang mga gamit noong taong kanina pa nito hinahanap. Ipinaghahagis ang bawat mga gamit na mahagip ng mga mata nito na sa palagay nito ay pagmamay-ari noon taong kinaiinisan nito kaya naman kumalat ito sa sahig, tinapak-tapakan ang mga ito at ang iba ay pinagsisipa pa kaya kung saan-saan sulok na napasuot ang ibang gamit. Pinagpupunit ang mga papel o mga notebooks na nasa ibabaw nang isang lamesita.

Nakasuot ang babae ng Tube Top Spaghetti Strap na kulay pula. May kalusugan ang mga dibdib nito at tila wala pa itong suot man lang na bra kaya hindi maiwasan na may bumakat sa damit na suot nito. Nakikita ang makinis at may kaputian nitong tiyan na wala man lang bilbil sa tuwing umaangat ang suot nitong damit. Maiksi ang suot nitong maong short kaya kulang na lang ay makita ang mga singit nito sa tuwing kumikilos ito nang alanganin posisyon.

May kakapalan ang make-up sa mukha nito at ang buhok nitong mahaba ay nakaponytail. Ang mga kuko sa kamay at paa ay naka-cutix nang kulay pula.

Papalabas na ito nang kuwarto dahil hindi nito natagpuan sa loob ang taong kanina pa nito hinahanap. Siya naman pagpasok sa pintuan nang isa pang boarder na babae.

Ang bagong babae na pumasok sa loob nang kuwarto ay mas matangkad nang kaunti kaysa sa babaeng kanina pang naroon sa loob nang kuwarto. May nakapulupot na malaking puting tuwalya sa ulo nito. Nakasuot ito nang puting Short Sleeve Loose T-shirt at pink na Hello Kitty Printed Pajama. May hawak-hawak ang magkabilang-kamay nito nang ilang piraso pa nang damit. Tila katatapos lang nitong maligo.

Sa unang palapag nang boarding house nakapuwesto ang banyo. Ang kuwartong pinasok nang babaeng nakasuot ng Tube Top na damit ay ang kuwartong tinutulugan nang babaeng nakapajama. Sa ikalawang palapag naman ito nakapuwesto.

"Teka! Anong ginagawa mo sa kuwarto namin?" gulantang na pagtatanong nang babaeng nakasuot nang pajama nang makita na nito ang naging hitsura nang loob nang kuwarto.

Namilog ang mga mata nito nang dahil sa pagkagulat habang nakatingin ito sa mga gamit na nagkalat sa loob nang kuwarto. Ang ibang mga gamit na nakita nito ay may sira o wasak at kilala niya kung sino ang may-ari nang mga gamit na iyon.

Nagtataka ito kung bakit ikinalat at sinira nang babaeng kasama nito sa loob nang kuwarto ang mga gamit nang kanyang kaibigan na si Anna. Nagtataka ito kung bakit galit na galit kay Anna ang babae.

Nagsalubong ang mga kilay nito at halata sa mukha nito ang pagkainis pero nagpigil pa rin itong magpadala sa emosyon. Pinulot na lang nito ang ilang gamit na natatanaw nang mga mata nito mula sa sahig at pinaglalagay ito sa ibabaw nang kama nang kanyang kaibigan. Sa halip na makipagsabayan ito sa init nang ulo nang babaeng kasama nito sa loob nang kuwarto, huminga muna ito nang malalim bago hinarap ang babaeng nakasuot nang Tube Top na damit.

"Bakit mo naman pinakialaman ang mga gamit ni Anna? Hindi ka pa nakuntento at pinagsisira mo pa ito. Inano ka ba noon bata? Bakit ka ba nagagalit sa kanya?" saad nito sa babaeng kaharap sa medyo mahinahong boses.

Nagpupuyos ang damdamin nito. Ngunit pinapanatili nitong kalmado ang sarili habang nakikipag-usap sa babaeng nasa harapan nito. Samantala nakapulupot pa rin sa ulo nito ang tuwalya at hindi inaalis.

"Wala kang pakialam! Tama lang na gawin ko iyan. Kulang pa nga iyan ginawa ko. Kulang na pambayad sa pagsira niya sa mamahalin kong Cocktail Dress." pabulyaw na sagot nang babaeng nakaponytail ang buhok.

"Hah? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan tugon nang babaeng nakasuot nang pajama.

"Bakit hindi mo itanong sa Anna na iyan kung anong ginawa niya sa damit ko? At saka teka nga lang, huwag mo nga akong pinakikialaman sa gusto kong gawin. Kung ano man ang gawin at gagawin ko, wala ka na roon paki. Boarder ka lang dito." depensang tugon nang babaeng nakasuot ng Tube Top habang pinandidilatan nito nang tingin ang babaeng nakasuot nang pajama.

"Kung---kung may atraso man nagawa sa iyo si Anna, siguro hindi naman niya sinasadya iyon. Puwede mo naman siyang kausapin nang maayos tungkol doon, hindi mo kailangan manira nang gamit." paliwanag na saad naman ni Rina. Ang babaeng nakasuot nang pajama.

"So, hanggang ganoon na lang iyon? Matapos niyang sirain iyon mamahalin kong damit. Sorry lang, tapos wala na! Okay na lahat." sarkastikong sagot ni Sheryll kay Rina. Nakakuyom ang kanang kamao nito na tila nagpipigil nang panggigigil.

"Tanga ka pala eh! Sa palagay mo ba, papayag ako na palalagpasin ko na lamang ang ginawang katangahan nang babaeng iyan?"

"Punyeta ka rin eh! Anong akala mo doon sa damit ko, pipitsugin? Ukay-ukay?"

"Saka huwag ka nga magmarunong. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay iyon tinuturuan ako nang mga dapat kong gawin. Kaya itikom-tikom mo iyan bibig mo, kung ayaw mong sa iyo ko ibunton ang galit ko." nanggigigil na saad ni Sheryll habang tinititigan nang masama si Rina.

"Puwede ko naman palagpasin ang ginawang kapalpakan ni Anna." pamaya-maya ay muling nagsalita si Sheryll at ngumiti ito nang naka-iinsultong ngiti at malisyosong tumitig kay Rina.

"Kung babayaran mo ang damit na sinira niya. Ang tanong? May pambayad ka ba? Sa estado nang pamumuhay mo na umaasa lang sa Scholarship para makapag-aral sa College. Pambili pa kaya nang mamahalin damit magkaroon ka?"

"Hah! hah! Kawawa ka naman, ang hirap noh? Ang hirap maging mahirap." pambubuskang saad ni Sheryll sa harapan ni Rina.

Nagpipigil naman si Rina na makapanakit. Ang saktan nang pisikalan ang babaeng nasa harapan niya. Ang babaeng para sa kanya ay walang modo.

"Alam ko naman hindi mo kayang bayaran. Kaya kung ako sa iyo, iharap mo sa akin si Anna. Nasaan siya? Ituro mo kung nasaan ang babaeng impakta na iyon." pabalang na tugon ni Sheryll habang ang mga mata ay muling pinandilatan nang tingin ang babaeng kaharap.

Kung makaimpakta ka! Akala mo naman isa kang Anghel, mas masahol ka pa nga sa impakta.

"Aba malay ko! Nasa loob ako nang banyo at naliligo kanina, kaya hindi ko alam iyan sinasabi mo. At kung sakaling alam ko kung nasaan siya, sa palagay mo ba sasabihin ko sa iyo?" mapang-asar na sagot ni Rina kay Sheryll na parang si Medusa ang expression nang mukha. Kulang na lang ay paikutin ni Rina ang mga mata niya at dukutin naman ang mga mata ni Sheryll.

"Tinatanong kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos." mataray na sagot naman ni Sheryll habang dinuro-duro pa nang isa nitong daliri si Rina at bahagyang itinutulak pa ito.

"Sira pala ulo nito!" halos pabulong na sagot ni Rina na kanina pa nakakaramdam nang pagkayamot ngunit nagtitimpi lamang dahil iniiwasan nitong makipag-away.

"Anong sinabi mo?" tugon naman ni Sheryll sabay hawak nang madiin sa braso ni Rina.

"Aray! Ano ba? Nasasaktan ako!" sagot ni Rina habang tinititigan nang matalim na tingin si Sheryll at nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak sa kanya ni Sheryll.

"Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi ka nagsalita at sabihin kung nasaan si Anna?"

"Bakit ba ang kulit mo Sheryll? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi ko nga alam. Nasa banyo ako kanina at kanina pa ako naliligo doon. Katatapos ko nga lang! Don't you understand?"

"Huwag mo akong ma- Don't understand, understand diyan! Hindi bagay sa iyo! Huwag kang feeling sosyal."

"Kaibigan mo siya, kaya huwag kang sinungaling! Alam kong alam mo kung nasaan siya."

"Haayy! Ang kulit, Ewan ko sa iyo! Bumili ka nang makakausap mo tutal naman ipinagmamalaki mong Rich ka."

"Huwag mo nga akong tinatalikuran. Nag-uusap pa tayo. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Anna at saka kita lulubayan."

"Bakit mo ba sa akin hinahanap si Anna? Ako ba ang nanay noon para alamin kung saan lupalop siya naroroon?"

"Mag-jowa ba kami at kailangan 24/7 ay palagi kaming magkasama?"

"Huwag mo nga akong pinipilosopo. Malilintikan ka sa akin."

"Teka nga lang! Sumusobra ka na! Kanina pa akong nagtitimpi sa mga pang-iinsulto mo sa akin. Hinahamon mo ba ako? Sige ba, pagbibigyan kita. Hindi kita uurungan. Hindi porke't anak ka ni Tita Sonia ay hindi na kita papatulan."

"So, kakasa ka na! Sige lang, wala ka naman binatbat." tugon ni Sheryll sabay halakhak nito.

"Tingnan mo nga iyan pangangatawan mo. Kumakain ka pa ba? Ayy, Oo nga pala! Poor ka nga pala. Walang pambili nang pagkain."

"May watermelon ka man pero kaya pa rin kita, mas malaki ako sa iyo, kasing liit ng height mo ang utak mo." tugon ni Rina sa mapang-asar na tono nang boses.

"Anong sinabi mo? Ginagalit mo ba talaga ako? Inggit ka lang. Pangit ka na nga at mukhang tabla, Poor ka pa."

"Aba, talagang sinusubukan mo pasensiya ko! Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong ipagmalaki."

"Iyan pakwan mo lang naman ang kaya mong ipagyabang. Pero iyan maitim mong budhi at masamang pag-uugali ay kasing baho nang isang burak na kahit paliguan nang ilang beses nang pabango ay umaalingasaw pa rin ang baho."

"Anong sinabi mo? Walanghiya ka! Hayop! Pangit kang impakta ka."

"Pangit at tabla pala hah!" tugon ni Rina na ngumisi nang nakakaloko.

Malakas na itinulak ni Rina si Sheryll bago pa siya maunahang saktan nito dahilan para mawalan nang panimbang si Sheryll dahil hindi nito napaghandaan ang pagsugod ni Rina.

Nasaktan ang puwitan ni Sheryll kaya hindi kaagad ito nakatayo. Nasa harapan naman nito si Rina na sumisenyas dito na tumayo ito at lumapit kay Rina. Naka-fighting stance si Rina ng katulad nang sa isang boksingero. Inalis na ni Rina ang tuwalyang nakabalot sa ulo nito at inihagis sa isang tabi. Pasuklay na hinagod nito ang maiksing buhok na natuyo na.

Nagpilit tumayo si Sheryll at nang makatayo pasugod na nilapitan si Rina para sakalin ito pero nasangga pareho ni Rina ang mga kamay ni Sheryll at nagtulakan sila sa isa't-isa. Pero dahil mas malaki nga nang kaunti si Rina at may katigasan ang kamao nito kaya napapangiwi si Sheryll dahil nasasaktan ito sa paraan nang paghawak sa kanya ni Rina.

Nasasaktan din si Rina dahil bumabaon sa balat nito ang mga kuko ni Sheryll na may kahabaan at medyo patulis ang korte.

Nagpatuloy ang pagbubuno nang dalawang babae. Para silang mga pusa o mga panabong na manok. Nagsasagutan sa pamamagitan nang sampalan at sabunutan. Nagpagulong-gulong pa ang mga ito sa sahig at kung minsan ay nagkakapalit nang posisyon. Minsan si Rina ang nakapaibabaw at minsan naman ay si Sheryll na hindi rin magpatalo. Palitan din sila sa isa't-isa nang mga masasakit na salita o mga insulto.

Kahit halos mahubaran na si Sheryll, ganoon din si Rina na papahubo na ang pajama mabuti na lamang ay mahaba ang suot nitong pang-itaas na damit, nagpatuloy lamang ang dalawa at walang magpatalo sa kanila. Namumula na ang mga pisngi nang dalawa nang dahil sa palitan nang mga sampal, may mga scratches, dugo sa labi at nag-uumpisa nang mag-ube na mga marka sa mukha na nakuha mula sa sampal. Ang kaninang nakaayos na buhok ni Sheryll ay nawala na ang pagkakapusod at ito ay nakabuhaghag na at halos tumaklob na sa mukha nito. Dahil din doon nasasabunutan ito ni Rina kaya mangiyak-ngiyak na si Sheryll.

Sa sobrang gigil nang dalawang babae sa isa't-isa hindi nila alintana ang mga sigawan o kantiyawan nang mga taong nakasilip sa kuwarto kung saan nangyayari ang pag-aaway. Hindi man lang umaawat ang mga ito, sapagkat tuwang-tuwa pa na pinapanuod ang nangyayaring pagsasabong nang dalawang babae.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Tita Sonia! Tita Sonia!" pasigaw na binabanggit nang isang babaeng nakasuot nang Nursing Uniform ang pangalan nang isang Ginang habang papalapit ito sa puwesto kung saan nandoon ang Ginang na tinutukoy nito. Nasa kabilang bahagi nang kalsada ang Ginang. Kabababa lang nito mula sa Tricyle na sinakyan nito kasama ang dalawa pang babae habang bitbit nang mga ito ang tila mga pinamili mula sa groceries store.

Ang babaeng naka-uniform ay kanina pang nasa labasan habang inip na inip na nakatindig sa harapan nang gate nang boarding house. Para itong kiti-kiti na hindi mapakali. Paroo't-parito nang paglalakad sa puwestong kinaroroonan nito. Kanina pa nitong inaabangan ang pagdating nang Ginang na si Mrs. Sonia Rodriguez, ang may-ari nang boarding house.

Ang tricycle na sinakyan nang Ginang sa halip na sa harapan nang boarding house nagbaba nang pasahero ngunit sa kabilang kalsada na lang nito ibinaba ang mga sakay na pasahero. Napansin nang babaeng naka-uniform na pangnursing ang pagbaba mula sa tricycle nang Ginang at dahil nga may sasabihing mahalaga ito sa Ginang kaya nagpasya itong tatawid na lang sa kabilang kalsada kaysa hintayin pa nito ang paglapit nang Ginang. Kaya tumatawid pa lang ito sa pedestrian lane, isinisigaw na nito ang pangalan nang Ginang.

Ang Ginang ay nakasuot nang color Gray Capri Pants, Maroon Short Sleeve Blouse at Light-Brown Leather Closed Toe Slippers. Light make-up lang ang ginamit nito sa mukha nito. Tinatayang nasa apatnapu o higit pa ang edad nito. Ang buhok nitong lagpas-balikat ang haba ay naka- Low Bun. Wala itong gaanong suot na alahas sa katawan maliban sa Leather with Silver Analog Wristwatch at Pearl Dangling Earrings.

"O hija! Bakit parang hindi maipinta iyang pagmumukha mo? Para kang nakakita nang multo. Namumutla ka ahh! Okay ka lang ba hija?" sunod-sunod na pagtatanong nang Ginang sa babaeng nasa harapan nito. Kunot-noo nitong pinagmamasdan ang kaharap at mababakas sa tono nang pananalita nito ang pag-aalala at pagtataka.

"O---okay lang po ako Tita! Kaya nga lang po, sina ano---" habol ang hiningang tugon nang babae sa Ginang. Malayo-layo rin ang nilakad nang babae bago nakarating sa kabilang kalsada. Idagdag pa ang kabang nadarama nito habang naglalakad papalapit sa Ginang.

"Hah? Ano? Sino? At bakit? May nangyayari bang kaguluhan?" sunod-sunod na mga tanong nang Ginang sa babaeng nasa harapan nito.

Sinenyasan nito ang dalawang babaeng kasama nito sa tricycle kanina na mauna nang magtungo sa boarding house at dalhin ang mga pinamili mula sa groceries store. May pupuntahan sana ang Ginang pero dahil parang mayroon hindi magandang nangyayari sa loob nang boarding house kaya ipagpapaliban muna ito nang Ginang.

"Su---sumama na lang po kayo sa akin. Kayo lang po ang makakapagpatigil sa kanila."

"Hah? Eh! Bakit nga? Ano ba talaga ang nangyayari?"

"Basta po! Halika na po at magtungo na tayo sa ikalawang palapag nang boarding house."

~~~~~~~~~~~~~~~

"Hoy! Hoy! Hoy! Teka, teka! Anong kaguluhan itong nangyayari?"

"Bakit kayo nagkukumpulan diyan mga bata kayo?" pasitang saad nang Ginang habang papalapit ito sa mga nagkukumpulang tao na nasa harapan nang pinto nang isang kuwarto.

Nasa ikalawang palapag na ang Ginang at ang kuwartong tinutukoy ay ang ika-anim na kuwarto kung saan may nangyayari na kaguluhan.

Ang boarding house ay may Dalawang palapag. Sa unang palapag ay may labingdalawang mga kuwarto. Nasa unang palapag din ang Dalawang Banyo, Storage area at Dining area kasama na ang Kitchen. Sa ikalawang palapag naman ay labingwalo ang mga kuwarto. Nasa ikalawang palapag din ang kuwarto kasama na ang banyo kung saan natutulog sina Mrs. Sonia at Sheryll. Katapat naman nang kuwarto nang mag-ina ang isa pang maliit na kuwarto na puwedeng tulugan nang magiging bisita.

"Hala! Si Tita, lagot!" namimilog ang mga matang tugon nang isang boarder na lalaki na kabilang din sa mga nagkukumpulang tao sa harapan nang kuwarto kung saan isa ito sa mga nakikipanuod sa nangyayaring pag-aaway sa pagitan nang dalawang babae.

"Talagang lahat kayo ay malalagot kung hindi ninyo sasabihin kung ano ang nangyayari dito?"

"Eh, kasi po Tita! May nag-aaway."

"Nag-aaway? Sino at bakit?" nakataas ang mga kilay nang Ginang habang nakikipag-usap sa mga boarders na nandoon. Pilit pinapakalma ni Mrs. Rodriguez ang kanyang sarili dahil iniiwasan nitong uminit ang ulo o magalit dahil sa nasasaksihan nang kanyang mga mata.

"Benjo! Luisito! Aba at nandito pala kayong dalawa. Pero heto kayo at mga nakatunganga lang at mukhang tuwang-tuwa pa kayo sa nakikita ninyo." may sarkasmong mababakas sa tinig nang Ginang.

"Nakikita ninyo na pala na mayroon nag-aaway, hindi ninyo man lang awatin." saad nang Ginang sa dalawang kalalakihan na nandoon din at nakikisali sa mga nagkukumpulang boarders. Pinandidilatan naman nang tingin nang Ginang ang dalawang nabanggit na pangalan.

"Naku, huwag na Tita! Hindi naman papaawat ang mga iyan." sagot nang isang lalake. Matangkad ang lalakeng nagsalita. Sa tantiya ay nasa 5'11 ang taas nito. Pangahan ito. Ang buhok nito ay hanggang leeg ang haba. Diretso ang buhok at itim na itim ang kulay. Maganda ang hubog nang pangangatawan. Fit at Lean. Madalas itong magtungo sa isang Fitness Gym sa bayan kaya hindi kataka-takang gumanda ang hubog nang pangangatawan nito.

Nakasuot ito nang Brown Sleeveless with Collar Shirt, Military mid-thigh Cargo Short at Black Rubber Flip-Flop.

"Lalo na ang anak ninyo." dugtong na saad pa nang lalake at kulang na lang ay mapailing ito.

"O ano naman kinalaman ni Sheryll sa awayan?" kunot-noong tugon ni Mrs. Sonia sa tinuran ni Benjo, ang lalakeng nagsalita.

"Hayun ho! Tingnan ninyo kung sino ang nag-aaway." sagot ni Benjo sabay ininguso ang labi papunta sa direksyon nang kuwarto kung saan nangyayari ang pag-aaway.

Lumapit naman ang Ginang sa direksiyon kung saan nakaturo ang nguso ni Benjo. Samantala si Benjo ay hindi maitago ang pigil na pagtawa. Ang katabi nitong isa pang lalake na si Luisito na ka-roomate nito ay siniko pa si Benjo, pero kahit ito ay gusto rin matawa.

"Tumabi ka nga diyan Benjo! Tumabi nga kayo lahat diyan."

"O Diyos ko! Sheryll, Anong kalintikan itong ginagawa ninyo?" bulalas na saad ni Mrs. Sonia. Nanlaki ang mga mata nito nang dahil sa nasaksihan. Magkasalubong ang mga kilay ni Mrs. Sonia nang lumapit ito sa dalawang babae.

"Mama!" gulantang na napalingon si Sheryll nang marinig nito ang isang pamilyar na boses. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa ina, tila hindi makapaniwala ito na nasa harapan nito ang ina. Nakapaibabaw ito kay Rina na noon una ay patuloy pa rin ang pagsampal kay Rina ngunit sinasangga lang ni Rina gamit ang mga braso nito ang mga sampal ni Sheryll. Natigil lang ang pananampal nang sumigaw nga ang Ginang. Pamaya-maya ay umalis na rin sa ibabaw ni Rina si Sheryll at naiwan sa sahig si Rina na nakasangga pa rin sa mukha ang mga braso.

"Tumigil kayong dalawa! Sherryll at Rina?" saad ni Mrs. Sonia na tila nagulat pa nang mapagmasdan mula sa sahig ang babaeng nakahiga na halos hindi makatayo kung hindi pa ito tinulungan itayo ni Benjo.

"Anong---anong nangyayari at bakit kayo nag-aaway na dalawa?" pagtatanong ni Mrs. Sonia sa dalawang babae sa mataas na tono nang boses ngunit hindi umiimik ang mga ito.

"Sumagot kayong dalawa! Sheryll! Rina!" pabulyaw na tugon nang ina ni Sheryll dahilan para magulat ang mga taong naroon sa loob at harapan nang kuwarto.

"Mama! Si Rina po ang nag-umpisa. Kita ninyo naman po kung ano ang ginawa niya sa akin. Halos gulpihin na niya ako. Kung ano-ano pang mga pang-iinsulto ang sinabi niya sa akin, pati na rin po sa inyo, Mama!"

"Palayasin ninyo na po iyan salot na babaeng iyan dito sa ating boarding house." depensang sagot ni Sheryll sa harap nang kanyang ina. Napapailing na lamang si Benjo sa mga naririnig mula sa bibig ni Sheryll. Tahimik naman ang iba habang nakikinig sa usapan. Pero karamihan ay nag-alisan na dahil ayaw madamay sa sermon.

"Totoo ba itong mga pinagsasasabi ni Sheryll, Rina?" baling na saad at tingin ni Mrs. Sonia kay Rina na napatingin sa Ginang.

"Hindi po totoo iyon, wala po akong ginagawang masama sa kanya. Siya po ang nag-umpisa na manggulo, kahit itanong pa po ninyo sa iba."

"Sino ba talaga ang nagsasabi sa inyong dalawa nang totoo? Rina, magsabi ka nang totoo!"

"Pero nagsasabi po ako nang totoo. Kilala mo po ako Tita, hindi ko ugaling makipag-away o mag-umpisa nang away." depensang sagot ni Rina.

Paika-ikang lumapit sa patungan nang flower vase si Rina at may hinugot mula sa lalagyan nito. Pinahid ang mga dugong nakadikit sa labi nito gamit ang tissue paper. Inayos ang pagkakasuot sa damit na suot. Kumuha din sa drawer nang isang maliit na towel at nagpahid nang pawis sa mukha at leeg at sinuklayan nang mabuti ang buhok gamit ang suklay na nasa ibabaw nang drawer kahit napapangiwi ito dahil sa pananakit nang anit mula sa matinding pananabunot sa buhok nito.

"Kayong mga nakakita sa totoong pangyayari. Ano ang totoong nangyari dito habang wala ako? Magsalita kayo! Kung walang magsasalita, lahat kayo ay may parusang matatanggap." may pagbabanta sa tono nang boses ni Mrs. Sonia habang pinapasadahan nang tingin ang mga natitirang katao na nandoon sa kuwarto na iyon.

"Mama, huwag mong sabihing nagdududa ka sa mga sinasabi ko? Ako ang anak mo! Mas maniniwala ka ba sa sinungaling na babaeng iyan kaysa sa sarili mong anak?" nanggugumigil na saad ni Sheryll na halos tumirik na ang mga mata sa pag-irap.

"Tumahimik ka Sheryll! Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang totoong nangyari at kung bakit nauwi sa pag-aaway ninyong dalawa?"

"Wala ba talagang magsasalita sa inyo?"

"Hayy, Tita! Hindi ko po alam kung paano at sino ang nag-umpisa nang away sa dalawa na iyan. Pero isa lang ang sigurado, mayroon nasabi ang maganda ninyong anak na hindi magandang pakinggan sa tenga kaya hindi nakapagtatakang magrambulan silang dalawa." saad ni Benjo nang sumingit ito sa usapan. May pagkamalisyoso ang pagkakasabi nito.

"Benjo! Tumahimik ka!" paasik na bulyaw ni Sheryll. Matalim na tinitigan nito si Benjo habang nagngangalit ang panga nito. Kulang na lang ay batuhin nito si Benjo, nagpipigil lang dahil kaharap ang ina.

"Oops, Hayan Tita oh! Pakinig ninyo. May nagre-reak na isa diyan." pagpaparinig na tugon naman ni Benjo.

"Tama po ang sinabi ni Ate Rina, hindi po siya ang nag-umpisa. Si A--ate Sheryll po!" lakas-loob na pagsabat nang isang maliit na babae. Hindi aakalain na labing-walong taong gulang na ito dahil parang High School student lang ito kung pagmamasdan.

"Arghh!"

"Magsama-sama kayo! Tandaan mo Rina! Hindi pa tayo tapos, kayong dalawa ni Anna, babalikan ko kayo, lalong-lalo ka na!" pagbabantang saad ni Sheryll habang isa-isang tinapunan nang pamatay na pagtitig ang lahat nang naroon sa loob at labas nang kuwarto sabay padabog na lumabas na ito nang kuwarto at nagtatakbo sa hallway para bumaba sa ikalawang palapag.

"Sheryll! Saan ka pupunta? Sheryll, bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sheryll!" naghuhumiyaw na sagot ni Mrs. Sonia habang tinatawagan ang anak. Gustuhin man nitong habulin ang anak ngunit naisip nitong kailangan muna na maliwanagan ang kanilang mga isipan at ayusin muna ang dapat ayusin.

"O ano na? Tapos na ang palabas! Magsibalik na kayo sa mga puwesto ninyo. Katulad nang sabi ko kanina lahat kayo ay may parusa, walang excempted."

"Hala! Tita S, Bakit naman po pati kami ay nadamay?"

"Oo nga po! Hindi naman po kami iyon nakipag-away."

"Nasabi na rin po ang totoong nangyari."

"Nasabi ba? Naku! Bakit hindi ko narinig? Nabingi na yata ako?" pilosopong pagsagot ni Mrs. Sonia habang napapailing na lang ito at napahawak ang mga daliri nito sa kanyang magkabilang sintido at hinilot-hilot ito.

"Gusto ninyo malaman ang mga pagkakamali ninyo?"

"Una ni isa man lang sa inyo walang umawat sa nag-aaway."

"At ang pangalawa, ang pinakamalala sa lahat ay iyong panuorin lang ninyo. Mga tuwang-tuwa pa kayo habang nanunuod."

"Ano ang akala ninyo? Mga artista iyong dalawa! Umaarte nang isang action-drama na eksena?"

"I'm disappointed in all of you." saad ni Mrs. Sonia. Natahimik naman ang lahat nang nandoon sa kuwarto at napayuko ang mga ito.

"Lalo na sa iyo, Benjo! Pinsan mo na iyon nakikipag-away. Wala ka man lang ginawa para matigil ang pagtatalo. Isa ka sa pinakamatanda rito pero dinaig mo pa ang bata sa pagpapaamboy. Sa halip na sinaway mo, kinunsinti mo pa."

"Sorry na po Tita Sonia! Hindi na po mauulit. Please! Huwag na kayong magalit." pagsusumamong tugon ni Benjo, para itong maamong tupa habang magkasiklop ang dalawang palad nito.

"Talagang hindi na mauulit ito dahil sa oras na maulit pa ito. Mas maghihigpit na ako sa susunod."

"Isusumbong din kita sa ama mo."

"Ngayon na ba Tita? Huwag naman Tita! I'm begging you, please Tita! huwag mo po akong isusumbong kay Tatay. Kilala mo naman iyon kung paano magalit." pagmamakaawa ni Benjo kay Mrs. Sonia habang nakaluhod pa ito sa harapan ng Ginang. Tila gusto naman matawa nang ibang nakakakita kung hindi nga lang natatakot ang mga ito na mapagalitan nang Ginang.

"Sige na, Promise! Wala nang mauulit na ganito. Ako ang magsisilbing security officer dito. Please huwag mo lang akong isumbong Tita! Ayoko pang bumalik doon sa atin. Dito muna ako. Ang boring kaya doon."

"Oyy! Narinig ninyo lahat iyon. Wala nang magsisimula nang kahit anong away dito sa boarding house. Period."

"Puro ka kalokohan, Benjo! O Siya! siya! Balik na kayo sa inyong mga puwesto at mag-uusap kami ni Rina nang masinsinan."

"Nang kami lang!"

"Ayy! Hindi puwedeng makinig?"

"Aray! Aray! Tita, masakit!" pagdaing ni Benjo habang nangingiwi ito. Pinipingot kasi ito sa tenga nang Ginang kaya napatayo na ito mula sa pagkakaluhod.

"Pasaway ka talagang bata ka! Ka-lalaki mong tao, ang hilig mo sa chismis. Hala! uwi!"

"Ang sakit! Oo na po. Bye, Rina. Astig iyong ginawa mo kanina." tugon ni Benjo. Papalabas na ito nang kuwarto at bago ito umalis, kinindatan pa nito si Rina na inirapan lang ni Rina.

Nag-alisan na rin ang ibang nandoon kanina sa loob nang kuwarto maging iyong mga nasa labas kaya sina Rina at Mrs. Sonia na lang ang naiwan sa loob.

"Pasensiya na po Tita sa ginawa ko sa anak ninyo! Kung pinapaalis ninyo na po ako, maluwag sa kalooban kong tatanggapin." saad ni Rina habang nakayuko at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ni Mrs. Sonia. Nakaupo ito sa kama ni Anna.

"Hayy! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan ngayon! Konting hindi pagkakaunawaan, mag-aaway agad. Puwede naman pag-usapan muna nang maayos nang hindi humahantong sa samaan nang loob o awayan." tugon ni Mrs. Sonia. Nasa harapan ito ni Rina habang pinagmamasdan si Rina. Nasa tono nang pananalita nito ang pagkadismaya. Napabuntong-hininga na lamang ito at muling nagsalita.

"Ano na lang ang iisipin at sasabihin nang mga magulang ninyo, na pinapayagan ko ang mga ganitong pangyayari sa loob nang boarding house ko?"

"Kilala ninyo ako. Hindi ako mahigpit sa pamamalakad dito sa paupahan pero naghihigpit ako pagdating sa kung sino ang mga dapat kong tanggapin bilang boarders ko. Alam ninyo na hindi ako tumatanggap nang mga boarders na maghahatid lang nang gulo sa paupahan ko. Malas ang hatid noon sa negosyo at sa buhay kapag palaging may gulo sa paligid." nagpapaliwanag na saad ni Mrs. Sonia sabay upo sa kama kung saan umupo si Rina.

"Mayroon age limit ako na sinusunod. Labingwalong taong gulang hanggang dalawampu't-limang taong gulang ang edad lamang na tinatanggap ko bilang boarders dahil ang mga ganoon edad kahit papaano ay may sapat nang kakayahan para makapagdesisyon kung ano ang makakabuti para sa mga sarili nila."

"Kung dati rin ay mga babaeng boarders lamang ang tinatanggap ko dito pero katagalan ay tumatanggap na rin ako nang mga lalakeng boarders dahil alam natin kung gaano kahirap makahanap nang matutuluyan kapag nasa Maynila."

"Kaya sa mga ganitong paupahan parehong mayroong responsibilidad ang may-ari nang paupahan at ang mga boarders na dapat ginagampanan nang maayos."

"Isa pa! Ano ba talaga ang pinag-ugatan nang pagtatalo ninyo? Halos magpatayan na kayong dalawa sa nasaksihan ko."

"Pero bago ka magkuwento. Ayusin mo muna ang sarili mo."

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Nagmukha kang gusgusin. Paano ka niyan papasok sa eskuwelahan?" seryosong saad nang Ginang.

Tuloy-tuloy lang ito sa panenermon at pagpapaala-ala nang mga dapat at hindi dapat bagamat labag sa kalooban nito na pagalitan ang isang boarder dahil para dito wala naman itong karapatan para gawin ito ngunit dahil ang Ginang ang may-ari nang paupahan ay kailangan pa rin ang boses nito pagdating sa pagreresolba sa mga problemang mangyayari sa loob nang isang paupahan.

"Gagawa na lang po ako nang excuse letter kung bakit hindi po ako makakapasok." tanging tugon ni Rina.

"Sige, bababa na ako. Maiwan na muna kita. Aayusin ko iyong mga pinamili ko."

"Hihintayin kita doon sa kusina at doon tayo mag-uusap. Doon ko na rin aabangan si Anna. Si Sheryll, kahit gusto kong magkakaharap kayo kapag kinausap ko kayong tatlo ay malabo pa dahil alam ko na ang mangyayaring kasunod." tugon ni Mrs. Sonia sabay tayo mula sa kinauupuan nito.

"Paano nga pala itong mga gamit ni Anna at itong nangyari sa loob nang kuwarto?" pamaya-maya ay tanong nito kay Rina. Kanina pa nito napapansin kung gaano kagulo ang loob nang kuwarto. Ngunit hindi na rin ito magtataka kung bakit at kung sino ang may kagagawan nang pagkasira nang mga gamit ni Anna. Ang hindi lang alam ni Mrs. Sonia ay kung ano ang dahilan nang anak niya kung bakit ito nanggulo sa kuwarto nina Anna.

"Ako na lang po ang bahalang mag-ayos mamaya. Ako na rin po ang magpapaliwanag kay Anna." sagot ni Rina.

"Sige! Sa mga gamit ni Anna na sinira nang anak ko. Babayaran ko na lang. Hindi ko puwedeng hayaan na lang o kunsintihin ang mga pinaggagagawang kalokohan ni Sheryll. Alam kong hindi matutumbasan nang ipapalit kong mga gamit ang halagang mayroon sa mga gamit ni Anna na nasira. Pero kargo de konsensiya ko naman kung hahayaan ko na lamang ang mga ganitong pangyayari." saad ni Mrs. Sonia na may sinseridad sa tono nang boses nito.

"O siya, sige!"

~~~~~~~~~~~~~~~

"Kakahiya talaga iyong nangyaring pag-aaway. Sana hindi na lang pinatulan ni Rina iyong bruha. Anak pa rin kasi iyon ni Tita S, kaya natural lang na mas kakampihan ito." saad nang isang babae na may straight long hair na naka-low ponytail ang pagkakapusod. May pagka-brown ang kulay nang buhok nito at hanggang dibdib ang haba. Nakasuot ito nang Denim Jeans Pants, Black Tank Top at Black and White Design High Heel Flip-Flop.

Ang nagsalitang babae ay nakaupo sa isang swing. Ang boarding house ay mayroon medium-size garden at veranda. Katabi nang veranda ang garden at ang lawak nito ay umaabot hanggang sa may bandang likuran kung saan nakapuwesto ang dalawang banyo nang boarding house. Napapalibutan ang garden ng ilang mga halaman at isang malaki-laking puno nang Pine. May ilan mga upuan na yari sa kahoy at ilan din lamesa na hugis bilog na yari din sa kahoy ang nandoon sa garden. Sa magkabilang tabi nang puno nang Pine doon nakalagay ang dalawang swing.

"I don't think so! Malayong-malayo nga ang pag-uugali ni Sheryll sa ugali ni Tita S kaya sa tingin ko kahit anak pa niya ito, hindi niya kukunsintihin ang mga kagagahan ni Sheryll. Makakasira din iyon sa magandang reputasyon nang paupahan na ito." sagot naman nang isa pang babae na nakaupo naman sa isa pang swing.

Nakasuot naman ito nang White Long Sleeve Blouse, Purple High Waist Leggings at Open Toe Foam Slippers. Mayroon itong Wavy short hair with bangs. May pagkachinita ito kahit kayumanggi ang kulay nang balat.

"Well, may punto ka. Saka hindi na rin kataka-taka kung may magalit sa babaeng iyon. Sa gaspang nang pag-uugali noon kahit anghel pa sa kabaitan, magiging demonyita rin." pagsang-ayon ni Leslie sa sinabi ni Abegail. Si Leslie ang babaeng nakasuot nang Tank Top at si Abegail naman ang suot ay ang Long Sleeve na Blouse.

"Suwerte niya at hindi ako ang nakaharap niya dahil kung ako iyon hindi lang ganoon ang aabutin niya sa akin." may pagbabanta sa tono nang boses ni Leslie.

"Pero teka nga lang, ano daw ba ang dahilan nang pag-aaway noon dalawa?" pagtatanong ni Leslie habang iniuugoy ang swing.

"Ewan ko ba! Ang gulong kausap kasi nang iba. Ang sabi kesyo may ninakaw daw na gamit, may inahas o nilanding boyfriend, etc..." sagot ni Abegail habang abala sa pagpindot sa cellphone nito. Tila kinikilig pa ito dahil bigla na lang napapangiti ito.

"Ganoon? Bakit iba ang narinig ko?" may pagtataka sa tono nang pagtatanong ni Leslie. Napapakunot ang noo nito habang tinititigan nito ang ginagawa ni Abegail. Huminto na ito sa pagswing.

"Ano naman ang narinig mo?" tanging tugon ni Abegail na hindi lumilingon sa kinaroroonan ni Leslie.

"Sinira daw nitong Anna na friend at roomate ni Rina ang mamahaling damit nang bruha, kaya hayun nanggagalaiti sa galit ang maldita. Hindi naman nakapagtimpi itong si Rina kaya hayun nagwrestling silang dalawa." pagpapaliwanag ni Leslie sa kaharap habang pamustra-mustra pa nang mga kamay ito.

"Alam mo na naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?" pairap na tugon ni Abegail.

"Sorry naman, siyempre naninigurado lang kung tama ang nakita ko at narinig." sagot ni Leslie na nag-peace sign pa at nakangisi.

"Teka! Anna? Iyan ba iyong babaeng hindi makapagsalita nang maayos at puro ungol lang?" taas-kilay na tanong ni Abegail kay Leslie.

"Oo!"

"Erh,...erh!"

"Huh? Anong erh, erh?" nagtatakang tanong ni Abegail kay Leslie habang nakatingin dito. Nakita nitong nakapanguso si Leslie at tila may itinuturo sa kanya para tingnan.

"Woah, Ano ka ba naman Miss? Nakakagulat ka naman eh. Magsalita ka kaya." gulantang na bulalas ni Abegail dahil halos himatayin ito sa gulat. Muntik pa nitong mabitawan ang cellphone na hawak. Inirapan ni Abegail ang babaeng dahilan kung bakit ito nagulat.

"O, Bakit? Ano?" mataray na sagot nito kay Leslie habang nakatingin dito. Nakataas ang mga kilay nito dahil hindi nito maintindihan ang ipinapakitang facial expressions ni Leslie.

"Hi, Anna!" pagbating tugon ni Leslie habang bahagyang kumaway at ngumiti sa babaeng tinutukoy nito.

Ang buong paligid nang garden ay napalilibutan nang bakod na yari sa bricks. Hanggang sa bewang nang average height ng tao ang taas nang bakod. Sa kabila nang bakod sa may bandang likuran doon nakatayo ang babaeng tinutukoy ni Leslie habang nakapasilip ito at natatanaw sina Leslie at Abegail.

Ang babae ay isang dalagitang may balingkinitan na pangangatawan. Kayumanggi ang kulay nang balat nito. Hindi katangkaran pero hindi rin naman maliit. Medyo lagpas-balikat ang haba nang buhok nito at kulay itim. May suot itong puting hairband. Nakasuot ito nang V-neck Short Sleeve Floral Dress na hanggang tuhod nito ang haba. May maamo itong mukha.

"Ohh, ahh! Hi, ikaw pala si Anna. Sorry, akala ko naman kasi kung sino na. Anyway, do you need anything?" depensang sagot ni Abegail at bahagyang nginitian nito si Anna.

"Huwag mo na siyang englishin. Tagalugin mo para maintindihan ka niya." saad ni Leslie na bahagyang siniko si Abegail.

"Okay, May kailangan ka ba Anna?" muling pagtatanong ni Abegail kay Anna.

Iminustra ni Anna ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan nang sign language.

[Ano po ang nangyari dito? Bakit ko po narinig ang pangalan ko? May nangyari po bang hindi maganda kay Ate Rina?]

Mababakas sa hitsura ni Anna ang pagtataka at pag-aalala dahil napapakunot ang noo nito. Nakakaramdam din si Anna nang kaba dahil hindi mapakali ang mga kamay nito habang magkasiklop.

"Ano raw? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ikaw ba gets mo?" saad ni Leslie habang tinatanong si Abegail. Napapakamot ito sa ulo nito at umiiling naman si Abegail.

"Hindi rin! Ganito na lang ang gawin natin. Hindi kasi kami marunong bumasa nang body o sign language. Tutal hindi rin naman tayo magkakaintindihan, gamitan na lang natin ng hi-tech na gadget. Aware ka naman siguro sa mga mobile phones?" suhestiyon ni Abegail para sulusyonan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang tatlo.

"O---opo!" sagot ni Anna. Bahagyang nagulat si Abegail nang marinig na nitong magsalita si Anna. May kung anong kirot itong naramdaman sa kanyang puso.

"Okay, marunong ka bang gumamit nang Android phone o magbasa man lang nang text?"

"Ayy, sorry wala akong masamang ibig sabihin." pagpapaumanhin na tugon ni Abegail.

"Ko---ko---konti la---lang." saad ni Anna kahit nahihirapan ito sa pagbigkas. Nakangiti din ito sa dalawang babaeng nasa harapan nito.

"Ahhh, o-okay!" sagot ni Abegail na ngumiti rin. Niyakag nito si Anna na pumasok sa loob nang garden at umupo sila sa isang wooden bench na nandoon din sa loob nang garden. Itinuro ni Abegail kung paano gamitin ang Android Phone para kung sakaling may gustong sabihin si Anna, doon na lang sa cellphone ititipa.

Marunong kahit papaano na magbasa si Anna nang text mula sa cellphone kahit pa jejemon ito. Naturuan na kasi ito nang kaibigan at roomate nitong si Rina. Pero para mas madaling maipaliwanag kay Anna kung ano ang mga nangyari sa loob nang boarding house, si Leslie ang nagkuwento nang kung ano man ang nalalaman nito. Binuo nila ang mga salita sa halip na jejemon.

[Salamat po!❤😘]

Pagkatapos nang pag-uusap nang tatlo, nagpaalam na si Anna sa dalawang babae para puntahan sa loob nang boarding house si Rina.

"In fairness! Mabilis siyang matuto." sabi ni Leslie kay Abegail.

"Yeah, Well! maybe she's really a smart girl, it's just that she has a speech problem. Poor girl."

"Yeah, you're right!" may bahid nang kalungkutan na mababakas sa tinig ni Leslie.

"Change the Topic na nga lang." saad muli ni Leslie at ipinagpatuloy ang kung ano man ang ginagawa nila.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Anna? Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?" sunod-sunod na pagtatanong ni Rina kay Anna nang makasalubong niya ito sa hallway nang unang palapag. Napatakbo at napayapos naman si Anna kay Rina.

"Anna!" boses ni Mrs. Sonia ang narinig nang dalawa dahilan para mapalingon sila sa direksiyon kung saan nakatindig ang Ginang. Papalabas nang Dining area si Mrs. Sonia nang mapansin nitong dumaan sa hallway si Anna kaya sinundan ito nang Ginang.

Bahagyang sinulyapan ni Anna ang Ginang at tumango dito pero muling itinuon ang atensiyon kay Rina. Mababakas sa mukha ni Anna ang pag-aalala dahil halos maluha na ito. Nag-sign language ito. Mas matangkad nang kaunti si Anna kahit anim na taon ang tanda ni Rina. Labinglimang taong gulang na si Anna.

[Okay ka lang po Ate Rina? Bakit may mga pasa ka po sa mukha?]

"Oo, ayos naman ako. Huwag ka nang mag-alala sa akin."

"Anna, anak! Puwede ba kitang kausapin?" pagsingit na saad ni Mrs. Sonia. Kagaya nang ginawang pakikipag-usap ni Anna kay Rina ganoon din ang ginawa ni Anna kay Mrs. Sonia, subalit ipinaliwanag din ito ni Rina kung ano ang ibig sabihin dahil kagaya nang iba hindi marunong bumasa si Mrs. Sonia nang sign language.

Kahit isang taon mahigit nang nakakasama nang Ginang si Anna matagal muna bago naging malapit ang loob ni Anna sa Ginang. Kahit kinakausap nang Ginang si Anna at mukha naman naiintindihan siya nito pero matagal bago narinig nito na magsalita si Anna. Madalas isulat ni Anna sa papel ang mga gusto nitong sabihin pero mas madalas na wala itong imik.

Nang malaman nang Ginang na marunong sa sign language si Rina kaya madalas ipatawag nang Ginang ito para maintindihan nito ang mga sinasabi ni Anna. Pinalipat din ni Mrs. Sonia si Anna sa kuwarto ni Rina. Solo ni Rina ang buong kuwarto sapagkat iyon dalawang roomates nito ay umalis na sa boarding house. Ganoon din si Anna na sa una ay solong natutulog sa isang maliit na kuwarto. Ang kuwartong iyon ay para sa nagiging bisita nang Ginang na pansamantalang makikitulog at nasa ikalawang palapag din ito katapat nang kuwartong tinutulugan nina Mrs. Sonia.

[Ahh, opo! Bakit po Tita Sonia?]

"Dito tayo sa may kusina mag-usap." pagyayakag nang Ginang sa dalawang babae at pumasok sila sa loob nang kusina at umupo sa mga upuan na nandoon sa loob.

"Ganito kasi iyon, hindi sa namimintang ako o kung ano pa man. Nakarating kasi sa akin na may nangyari doon sa damit nang anak ko. Gusto ko sana malaman kung ano ang ibig sabihin nang anak ko at kung may katotohanan iyon." paliwanag nang Ginang sa harapan nang dalawang babae. May nakapag-ulit sa Ginang kung ano ang dahilan nang pagwawala ni Sheryll kung kaya ang nais nito ay ang marinig naman ang panig nina Rina at Anna.

"Ginupit-gupit mo ba ang damit ni Sheryll?" may pag-aalinlangan na pagtatanong nang Ginang kay Anna.

"Ayon sa napagtanungan ko. Nabanggit nang anak ko sa taong iyon na nakita na lamang nang anak ko na may sira iyong damit na tinutukoy nito at nabanggit din nang anak ko ang pangalan mo at sinasabing ikaw ang huling pinag-iwanan nito nang damit."

"Kaya gusto kong malaman kung may katotohanan o wala iyon sinasabi ni Sheryll tungkol sa iyo Anna?"

"Po---? Hi---hin---hindi po!" depensang sagot ni Anna na umiling-iling at namilog pa ang mga mata dahil nagulat ito sa sinabi nang Ginang. Ang akala ni Anna ay simpleng pagtatalo lamang ang nangyari kina Rina at Sheryll. Walang nabanggit ang dalawang babaeng nakausap kanina ni Anna na may kinalaman pala ito sa nangyaring pagtatalo sa pagitan nina Rina at Sheryll.

Ang nasabi lamang nang dalawang babaeng nakausap ni Anna na si Sheryll ay bigla na lamang pumasok sa kuwarto nina Anna habang nagwawala ito at nagkapikunan sina Rina at Sheryll kaya nauwi sa pagbubuno noon dalawa.

[Pinalabhan lang po sa akin ni Ate Sheryll iyon damit. Pagkatapos ko pong labhan, dinala ko po ito sa kanyang kuwarto pero wala pa po itong sira. Nag-iwan din po ako nang note kasama nang damit.]

[Hindi ko po gawain na manira nang gamit nang ibang tao. Kung sakali pong makasira man ako, gagawin ko po ang lahat para mapalitan ito. Sana po maniwala kayo sa akin.]

"Naniniwala naman ako sa iyo. Nagtanong na rin ako para malaman ko naman ang panig ninyong dalawa ni Rina. Ako sana iyong mapatawad ninyo dahil sa inaasal nang anak ko. Kahit ako, hindi ko rin maintindihan itong si Sheryll kung bakit nagkakaganyan?"

"Hindi naman ako nagkukulang sa pangangaral sa kanya." saad ni Mrs. Sonia. Mababakas sa mata nito ang pagkadismaya.

"Humihingi din ako nang tawad sa iyo, Anna. Mas malaki ang kasalanang nagawa nang anak ko sa iyo. Iyong mga gamit mong nasira, hindi ko alam kung magagawa kong palitan lahat, pero sisikapin kong mapalitan ang mga iyon."

"Ba---bakit po? A---an---ano pong nang---yari?" tugon ni Anna na nakakunot ang noo dahil naguguluhan ito sa sinasabi nang Ginang.

"Tara, samahan kita sa kuwarto ninyo." tangi tugon ni Mrs. Sonia sabay hawak sa kamay ni Anna para yakagin itong magtungo sa ikalawang palapag.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Sorry, hija!" ang tanging nasambit ni Mrs. Sonia.

Hindi nito alam kung paano ipaliliwanag sa dalagita kung bakit ganoon ang nangyari sa mga gamit nito dahil kahit ito ay hindi alam kung bakit pinagsisira nang kanyang anak ang mga gamit ni Anna nang dahil lamang sa isang damit. Halo-halong emosyon ang nadarama nito. Pumipintig din ang sintindo nito dahil nakakaramdam na ito nang bahagyang pananakit nang ulo. Hindi na lang ipinahalata ito nang Ginang sa dalawang kasama sa loob nang kuwarto.

Alam nang Ginang na masama ang loob ni Anna. Hindi lang nito magawang magreklamo dahil nahihirapan itong bigkasin ang mga gusto nitong sabihin. Napagmasdan nang Ginang ang panlulumo ni Anna, maging ang kagustuhan nitong umiyak, nagpipigil lang ito. Pinagsama-sama lahat ni Rina ang lahat nang mga gamit ni Anna, may sira man ito o wala.

Aayusin sana ni Rina ang buong kuwarto kanina pero dahil kailangan nitong linisin ang mga sugat na natamo at ang maging presko ulit ang pakiramdam kaya ipinagpaliban muna ito at nagpasyang magtungo sa banyo na sakto naman na papunta pa lang ito ay nakasalubong naman nito si Anna.

Umupo si Anna sa kama nito. Ganoon din ang ginawa ni Mrs. Sonia at hinagod ang likuran ni Anna. Pamaya-maya ay hiniram ni Anna ang de-keypad na cellphone ni Rina at itinipa ang mga gusto nitong sabihin. Mas madali na para kay Anna ang pagtipa kumpara sa una niyang ginamit na cellphone. Ipinagpatuloy naman ni Rina ang pag-aayos sa kuwarto habang nakikinig sa usapan nina Anna at Mrs. Sonia.

[Tita Sonia, puwede po ba humingi nang pabor sa inyo?]

"Oo naman! Ano iyon?" sagot ni Mrs. Sonia. Nagsuot nang reading eyeglass si Mrs. Sonia para mabasa ang text.

[Aalis na po ako dito sa boarding house. Ako po ang naging dahilan kung bakit nag-away sina Ate Rina at Ate Sheryll. Kung mananatili pa po ako rito, hindi po mawawalan nang gulo.]

"Naku! Ikaw na bata ka. Anong pumasok diyan sa isipan mo at bigla ka na lamang nagpapasya nang ganyan nang hindi mo man lang pinag-iisipan ang maaaring mangyari sa iyo?" sagot naman nang Ginang. Hindi nito naiwasang hindi tumaas ang tono nang boses nito. Napalingon naman si Rina at napatigil sa ginagawa.

"Hindi ako papayag diyan sa gusto mo. Ako na ang bahalang umayos sa nangyaring gulo. Tandaan ninyo, ako ang may-ari nang paupahan na ito. Batas ko ang masusunod."

"Oo nga naman Anna! Tama si Tita, Bakit ka nag-iisip nang ganyan? Wala ka naman kasalanan. Ako iyong may pagkakamali dahil hindi ako lumagay sa lugar. Sinabi mo naman ang totoo na hindi ikaw ang may kagagawan nang pagkasira nang damit ni Sheryll, kaya hindi ka dapat maguilty or take the blame because you don't do anything wrong."

"We're older than you at expected nang dapat alam na namin ang tama at mali pero dahil sa inasal ko at ni Sheryll, it caused dispute between the two of us. That attitudes are so unladylike and embarassing."

"Naturingan kaming mga edukada o may mga pinag-aralan pero we acted liked an immatured person whom didn't know how to respect each other."

"We supposedly to be the role models to you."

"Pero hindi namin mapanindigan." tugon ni Rina na nakakaramdam nang matinding hiya. Naiinis ito sa sarili dahil hindi nito ginamit ang utak at sa halip ay nagpadala sa emosyon.

"Naku, tama na iyan sisihan ninyo sa isa't-isa. Magsilbing aral sana sa lahat na kapag mayroon hindi pagkakaunawaan ang kahit na sino sa inyo, huwag idadaan sa galit kaagad. Kung may problema ay dapat ayusin kaagad ito o pag-usapan nang maayos. Ipadadaan ninyo lahat sa akin kung sakaling mayroon hindi pagkakaunawaan dahil ayaw ko nang mauulit ito."

"Kapag naulit pa ito, mapipilitan akong paalisin ang lalabag sa mga rules ko."

"Ako na ang bahala kay Sheryll, katulad nang sabi ko sa inyo. Hindi ko siya kukunsintihin kapag may nagawa siyang pagkakamali kahit anak ko pa siya. Kakausapin ko siya nang masinsinan mamaya."

"Siya nga pala, Anna! Saan ka nga ba nagpunta?" saad ni Mrs. Sonia. Gusto nitong malaman kung bakit wala si Anna sa boarding house nang napakaaga at kung saan ito nagpunta.

"Oo nga, Anna!" sang-ayon din ni Rina kaya pareho silang nakatingin kay Anna habang naghihintay nang sagot mula rito.

[Maaga po akong gumising sapagkat nagtungo po ako sa bahay ni Mrs. Consuelo De Guzman. Siya po iyon madalas kong makita na umoorder nang pagkain sa karinderya sa kabilang kanto. Inimbitahan niya po ako sa bahay nila na nandoon lang din po sa kabilang kanto. Nagustuhan niya po kasi iyong binebenta kong Suman malagkit. Nagpaturo po siya sa akin kung paano ang pagluluto noon kaya po maaga pa lang ay nagtungo na ako doon sa bahay nila.] muling nag-sign language si Anna at ipinaliwanag ulit ni Rina.

"Ikaw lang mag-isa? Hesus ko po, anak naman! Nakakakaba iyan ginagawa mo dahil delikado para sa isang katulad mo. Mabuti nagkaintindihan kayo. Alam ba ni Mrs. De Guzman ang kundisyon mo?"

"Saka bakit ka ba nagbebenta nang suman?" may pag-aalalang mababakas sa tono nang pananalita nito. Natapik pa nito gamit ang sariling kamay ang noo habang naiiling sapagkat hindi ito natutuwa sa ginawa ni Anna.

[Mabait naman po si Mrs. De Guzman at opo alam niya po. Noon una hindi po niya maintindihan ang sinasabi ko kaya isinulat ko po sa isang papel ang mga gusto ko sabihin kaya sa huli po ay naintindihan din niya.]

[Nag-iipon po kasi ako para maipagpatuloy kong muli ang pag-aaral ko.]

[Kapag natapos ko po ang High School kahit parang imposible pong mangyari iyon pangarap ko na makapag-aral sa isang Music's School, gusto ko pa rin subukan.]

Napayuko si Anna at halos hindi makatingin sa Ginang.

[Pasensiya na po! Hindi ko po gustong mag-alala kayo. Hindi ko na po uulitin.]

"Music's School katulad nang RockYourWorld School for Bands, Orchestra De Obra Musika Music School and etc...?" pagtatanong ni Rina kay Anna na tanging tango lang ang itinugon ni Anna.

"Ganoon ba! Pero hindi mo naman kailangan isangkalang ang kaligtasan mo para makapag-aral. Puwede naman ako ang tumulong sa iyo para makapag-aral ka." saad ni Mrs. Sonia nang marinig ang dahilan ni Anna kung bakit ito nagbebenta nang suman.

"Tinanong na kitang minsan tungkol diyan, Kung gusto mong ipagpatuloy ang pag-aaral maaari kong gawan nang paraan iyan tutal nasa poder na kita kaya walang problema sa akin basta magsabi ka lang."

"Noon isang taon ka pa dapat bumalik sa pag-aaral pero dahil nga nangangapa ka pa sa bago mong tahanan kaya ikaw ang hinihintay kong magpasya sa gusto mong gawin."

"Mabuti na lamang hindi ka pa ganoon ka-late para mag-enroll ngayon taon na ito, kaya mahahabol pa natin iyan pagpasok mo ulit sa School."

[Po!... Pero nakakahiya na po sa inyo Tita Sonia. Iyon pagtira ko po sa poder ninyo nang libre ay sobra-sobra nang kabutihan para sa akin. Kalabisan naman po na pati pag-aaral ko ay sasaluhin ninyo.] saad ni Anna habang nanlalaki ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala sa naririnig.

"Sus! Huwag mong problemahin iyon hija. Marami naman schools dito sa Pilipinas na nagbibigay nang libreng edukasyon lalo na para sa mga katulad mong may Disability."

"Ta--ta--laga po?"

"Pero kailangan natin ikonsulta muna iyan sa kundisyon mo sa pagsasalita para alam natin kung papaano ka makakapag-aral nang maayos nang hindi nakakaapekto sa iyo ang kundisyon mo. Kailangan ko din makausap iyon kumare ko na nagtatrabaho sa DSWD dahil may mga kakilala siya na maaaring makatulong sa atin para makapag-aral ka."

"Ikaw din Rina, puwede kitang tulungan pagdating sa iyong pag-aaral. Matrabaho nga lang siya, pero hindi bale, para sa pagtupad nang mga pangarap ninyo. Ako ang magsisilbing daan at ilaw ninyo para matupad iyon."

"Naku, Tita! Salamat po sa pag-consider sa akin para tulungan sa pag-aaral pero huwag na po ako. Kasama po naman ako sa isang Scholarship Program at sakop naman po lahat noon ang mga kailangan para makatapos ako sa pag-aaral. Huwag lang po talagang bababa ang mga GPA ko at huwag lang akong mawawala sa Dean's Lister para hindi mawala sa akin ang pagiging Scholar ay makakaya naman po tapusin ang pag-aaral."

"Aba naman, lalo akong gaganahan tumulong kapag ganyan. Ipagpatuloy mo lang iyan Rina! So proud of you Rina, ikaw din Anna. Hindi naging sagabal sa iyo ang kundisyon mo para hindi tuparin ang mga gusto mo. Kahit hindi ko kayo mga kadugo, bilang ina, napakasarap sa pakiramdam na nakikita mong nagsisikap ang mga anak para lang matupad ang mga mithiin sa buhay."

"Hayy! Sana lang iyong totoo kong anak, nag-iisip din nang ganyan para sa kanyang kinabukasan." sa una ay masiglang saad nito pero nang mapapunta na kay Sheryll ang usapan ay tila nawalan ito nang lakas.

"Pero kapag sumikat ka na Anna sa kahit anong larangan na pinili mo, huwag mo kaming kalilimutan hah! Magtatampo ako sa iyo." paglalambing ni Mrs. Sonia sabay yakap kay Anna at hagod sa buhok nito.

"At walang imposible kapag pinagsumikapan mong abutin ito."

"Oo nga Anna, Sumasang-ayon ako kay Tita Sonia. Bestfriends tayo hindi ba? Kaya huwag mo akong kalilimutan kapag sumikat ka na ah."

Napangiti na lang si Anna na kung kanina ay halos mapaiyak na ito pero dahil sa nararamdamang suporta mula sa dalawang taong itinuturing na ni Anna na kapamilya ay bumalik ang tiwala nito sa sarili.

"Naku, tama na nga ito mga bata. Ituloy na natin iyong mga balak natin gawin sa araw na ito."

"Anna! Pagkatapos mo sa ginagawa mo, samahan mo ako doon sa bahay nang kumareng tinutukoy ko na makakatulong sa atin para maasikaso na natin ang pagpapaaral sa iyo."

Tumango na lamang si Anna at hindi nawawala ang maaliwalas na ngiti.

"Siya nga pala, iyon sa nangyaring kaguluhan dito, paiimbestigahan ko ito dahil nakakapagtaka naman na bigla na lamang masisira ang damit nang anak ko kung hindi si Anna ang gumawa pala noon."

"Ta---talaga po! Maganda nga pong ideya iyan. Maiwan ko po muna kayo, pupunta lang po muna ako sa banyo." tugon ni Rina pero sa tono nang pananalita nito ay tila nagulat ito sa narinig na sinabi nang Ginang.

"Ahm, Tita! May cctv camera po ba ang boarding house?" sabi ni Rina ngunit para itong masasamid habang sinasabi iyon. Hindi lang napansin nang dalawang kasama.

"Naku! Iyon nga ang problema, wala siyang cctv camera. Dati mayroon isa, kaso nasira ito. Ang mahal naman lalo kung ipapagawa ko pa, kaya pinag-iipunan ko pa ulit ang pambili nang bagong cctv camera."

"Kailangan natin kasi ang cctv camera para mamonitor natin ang mga nagaganap dito sa boarding house. Katulad nga niyan awayan ninyong dalawa ni Sheryll, mamaya nag-away kayo ni Sheryll na hindi naman pala dapat dahil puwedeng nagkamali lang pala nang akala ang anak ko na si Anna ang sumira nang damit nito pero iyon pala ay puwedeng ibang tao ang gumawa noon."

"Basta ako nang bahala doon. O siya, diyan na muna kayo. May tatapusin pa akong gawain."

"Mamaya na lang ulit, Anna!"

"Sasabay na po ako sa inyo, Tita Sonia."

Nagpaalam na ang Ginang at si Rina kay Anna kaya naiwan itong mag-isa sa loob nang kuwarto. Kung kanina ay nagpipigil ito sa pag-iyak pero kusa na rin pumatak ang mga luha nito hindi lang dahil nasira ang ibang gamit nito kung hindi pati iyon pakiramdam na mayroon may ayaw pa rin sa kanya. Ang pakiramdam na kaawaan siya nang dahil sa kundisyon niya.

Nang maibuhos ang lahat nang emosyon sa pamamagitan nang pagluha, pinahid nito ang mga luhang bumakas sa pisngi nito at huminga nang malalim.

Kaya ko ito.