webnovel

Kabanata 2

Kiss

Nagising akong nagaagaw kahel na ang kalangitan pahiwatig na mag-gagabi na. Napabalikwas ako at napamura.

Fuck. Nakalimutan ko. Bibili pala ako ng mga kakailanganin para bukas.

Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Wearing black fitted off shoulder paired with white high waist short and flat shoes.

Bumaba na ako at nag umpisa ng maglakad. Ginala ko ang aking paningin at umaasang makikita sina Mommy at Daddy ngunit mga kasambahay na naglilinis lamang ang aking naabutan.

"Ate Anna alam nyo po ba kung nasaan sila Mommy at Daddy?"

Napabaling ang kanyang atensyon sa akin. Makikita mo ang kagandahan ng mukha niya lalo na kapag ngumingiti na talagang nawawala ang kanyang singkit na mata. Anak siya ng mayordoma ng mansyon ito.

"Kanina pa sila umalis Reign, may aasikasuhin lang daw."

Napatango ako at ngumiti sa kanya.

"Sige po ate. Aalis po ako ngayon, pakisabi na lang po sa kanila. Babalik din ako agad."

Tumango siya at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa.

Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Pumasok na ako sa aking kotse at nagsimula ng magmaneho.

Hindi naman kalayuan ang Mall sa Village namin kung kaya't wala pa sa isang oras ay nakarating na ako.

Pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang bulungan ng iba at hindi nakaligtas sakin ang mga matang sinusuri ako mula ulo ang hanggang paa. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Napahinto ako sa isang Fashion Boutique at nagsimula ng pumili ng mga damit. Patuloy lang ako sa pagtingin nang may mahagip akong isang damit na suot ng manikin.

Agad nagningning ang aking mata pagkakita ko rito.

It is a dark silky red dress that is above the knee which really suits my fair skin.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong nilapitan ito. Sobra akong namangha sa pagkakagawa. Nang hahawakan ko na ang damit ay nagulat ako dahil may isa ding kamay ang nakahawak rito.

Tumaas ang kanyang kilay matapos makitang nakahawak rin ako.

"Excuse me, Miss. Naunang nakita ko ang dress na 'to" mataray na ani niya.

Ngumiwi ako na mapagtantong mukhang makakaaway ko pa ang panget na 'to.

Maganda siya pero masasabi ko na agad na panget ng ugali niya.

"Nauna mong nakita, pero ako unang nakahawak" panunuya ko sa kanya.

Matalim na tiningnan niya ako.

"Hindi bagay sayo ang dress na 'to" insultong aniya.

Aba hinahamon ako ng panget na 'to.

"Hindi talaga bagay" ani ko.

"Buti naman ala-

"Hindi talaga bagay lalo na kung mapupunta sayo." panunuya ko sa kanya.

Matalim na tumgin siya sakin.

Napasinghap siya sa sinabi ko at padabog na tumingin sa likuran niya.

Ngayon ko lang napansin ang isang lalaking nakamasid lamang sa amin. Tumaas ang sulok ng labi niya nang magtama ang aming tingin.

Lumakad papalapit sa kanya ang babae at inangkla ang mga braso.

Hindi man lang natinag ang tingin niya kahit na lumapit na sa kanya ang babae. Tinaasan ko siya ng kilay.

Wearing a plain round neck shirt and black sweatpants. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kanyang magulong buhok na tila'y kakagising lamang at ang mas nakaagaw pansin sakin ay ang kulay abong mata niya.

Damn. Sobrang perpekto ng mukha niya. It really turned out exceptionally well.

"Babe, can you get that dress for me? Please" malambing na aniya ng babae.

Umikot ang mata ko pagkatapos marinig ang napakalanding boses niya. Grabe yung pagbabago ng boses nya nung kausap nya ako sa kung pa'no niya ako kausapin.

Ngumuso ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Ano bang problema ng isang 'to? Kanina pa tingin ng tingin.

"Babe! Nakikinig ka ba?" naiinis na sabi nung babae.

Nahinto ang kanyang paninitig sakin at binalingan ang babae.

"Sam, let's just look for another one" Nanindig ang aking balahibo dahil sa lamig ng boses niya.

"But I want that dress!" bulyaw na ani niya.

"It's just a fucking dress,Sam" tila nawawalan na ng pasensyang ani niya.

Napangiwi ako sa lamig ng pangingitungo niya.

"No! Hindi tayo aalis hangga't di ko nabibili yan!"

Napatingin ako sa aking wristwatch at nangunot ang aking noo matapos makita na pasado alas diyes na ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras at walang pagdadalawang isip na tinalikuran sila. Wala naman akong mapapala kung mananatili ako, nagsasayang lamang ako ng oras.

Palabas ako ng boutique nang makaramdam ako ng gutom kung kaya't napagpasyahan ko na kumain na lamang sa malapit na restaurant.

Pagkapasok ko sa restaurant nagpalinga linga ako para maghanap ng pwesto. 

Nagsimula na akong kumain at ginala ang paningin sa lugar. 

Ashiel's Garden Bistro ang pangalan ng lugar. It is an Asian Fusion Restaurant. It has friendly atmosphere combined with a very soothing melodic music that makes the ambiance looks relaxing. And also the Filipino food is really mouth watering.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at lumabas na sa restaurant.

Napahinto ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Reign! Where the hell are you?!" bungad niya sakin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang parking lot. Makikita ang iba't ibang ilaw mula sa mga Mall na nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Umikot ang mata ko sa galit na boses niya.

"Pilipinas lang, nag shopping Blake" sarkastikong ani ko.

"Tinatanong kita ng maayos, Reign" naiinis na sambit niya.

"Pinauwi ako ni Daddy, Blake"

He's one of my friend in Canada. Lalo na noong natalo ko siya sa isang Car racing kaya naman mula noon hindi niya na ako tinatantanan at panay ang buntot sa'kin.

"At wala kang balak magpaalam? Kung 'di pa ako pumunta sainyo at sabihin ni Tita Margarett na nasa Pilipinas ka hindi ko pa malalaman!"

"Alright sorry, balak ko naman talaga na magpaalam kaso nawala sa isip ko" paliwanag ko sa kanya.

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"How long will you stay there?"

"Months"

Suminghap siya parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Don't worry, wala ng susuntok sayo" I grinned.

Hindi ko makakalimutan kung ilang beses na siyang nasuntok ng dahil sa akin. I have boyfriend that time and he accused me 'cheating' dahil sa kasama ko lang si Blake. Tapos ayon, nagbugbugan sila. After that, I broke up with him because of his immaturity. He didn't let me explain my side. Or atleast he should've trusted me.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Alright then, Gotta go. I'll just call you when I have free time."

"Sure, Blake"

"Take care okay?"

"Yes, I will" at pinutol na ang linya.

Nang makapasok ako sa kotse ay nagsimula na akong magmaneho. Hindi pa man nakakaandar ang sasakyan ay biglang huminto na ito dahil para mauntog ang ulo ko sa steering wheel.

Napamura ako ng malakas at inis na bumaba para tingnan kung anong nangyari.

Tumambad sa akin ang flat na gulong ng aking kotse.

Minamalas ka nga naman talaga.

Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Dad ngunit hindi sinasagot.

Napasapo ako sa aking ulo. I have no choice kundi ang magtaxi na lang. Inis na sinipa ko ang gulong ng kotse nang may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Do you need help?"

At lumakad papalapit sakin.

Kumunot ang aking noo na mapagtanto kung sinong nagsalita.

Siya yung lalaki kanina sa boutique!

Bakit siya narito? Nasaan na yung girlfriend niya?

"Uh no need, magta-taxi na lang ako"

Ayaw ko ng gulo baka ano pa sabihin ng girlfriend niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nakitaan ko ng pagkainis ang kanyang mata na agad din nawala.

"Gabi na, magta-taxi ka na ganyan ang suot?" insultong aniya.

Napaawang ang aking labi at matalim na binalingan siya. Ano bang problema niya sa suot ko? Wala naman ah.

"Why not? So if you'll excuse me, aalis na ako"

At nilagpasan siya ngunit hinigit niya ang aking braso.

"I won't let you" mariin na usal niya.

Pagak akong tumawa at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Ano ba pakialam mo? Your concern is not my responsibility"

At inalis ang pagkakahawak niya.

Ano naman sa kanya. Pakialamero 'to masyado.

Umigting ang kanyang panga at hinila ako papunta sa sasakyan niya.

"Get inside" mariin na aniya.

Nanlaki ang aking mata at napailing. Gago ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala tapos sasakay ako sa sasakyan niya?

"And why would I do that?! Are you out of your mind?"

"I'm just trying to help you" 

"I don't need your help! Kaya ko ang sarili ko"

"Really? Bakit kaya mo bang maayos ang flat na gulong ng kotse mo?!"

Inis na binalingan ko siya.

"Kaya nga magta-taxi na lang ako diba?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba nakikialam ka?"

Pwede naman niya akong iwan na lang. Hindi naman ako humingi ng tulong sa kanya.

"Get the fuck inside this damn car or else"

"Or else what?"paghahamon ko sa kanya.

"Or else I'll kiss you in front of those bastards who keeps on drooling over you" seryosong aniya.

Napaawang ang labi ko at ginala ko ang aking paningin. Kahit gabi na maaaninag mo pa rin ang mga tao.

Nakaramdam ako ng hiya nang makitang lahat ata ng tao ay nakatingin samin lalong lalo na sa kasama ko ngayon.

Napasinghap ako at nagyuko ng ulo sa sobrang kahihiyan.

Ganito ba siya magsalita kahit na my girlfriend na siya? Kawawa naman yung girlfriend niya kung ganon.

Mas lalong nanindig ang balahibo ko ng tumawa siya malapit sa akin tainga.

Tumama ang aking ulo sa kanyang dibdib ngunit wala akong lakas para tingnan siya.

"Just tell me if you don't want to come with me" mahinang bulong niya.

"I'm willing to kiss you infront of them"

At tuluyan nang nanlambot at nakaramdam ng paghihina ang aking tuhod kung 'di niya pa hinawakan ng isa niyang kamay ang bewang ko baka nahulog na ako.

Ang isang kamay niya ay binuksan ang front seat para makapasok ako habang nakahawak pa rin sa bewang ko.

"Get in now" 

Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok sa sasakyan niya.