webnovel

Kabanata 1

Home

Naalimpungatan ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa aking cellphone. Kunot-noo kong tiningnan ang orasan na nasa side table at napamura na mapagtantong madaling araw pa lamang.

Pikit matang kinapa ko ang aking cellphone at nilagay sa aking tainga na hindi tinitingnan kong sino ang tumawag.

"What do you want?" naiinis kong tanong sa kung sino man ang tumawag.

Ramdam ko ang sobrang pagkapagod mula pa kagabi dahil sa kakulangan ng tulog matapos mag aral sa natapos na exam. Ngayon lang ako nakatulog nang mahimbing kung 'di lang ako inistorbo ng tawag na ito.

"Did I wake you up, sweetie? I'm sorry" malambing na usal ng tumatawag.

Umikot ang aking mata matapos marinig ang kanyang boses.

"It's a No,Dad" mabilis na sambit ko.

"Pretty please, pagbigyan mo na si Daddy" pangungumbinsi niya sa akin.

"Dad, I've already told you that I don't want to go back in the Philippines"

Rinig ko ang mabibigat niyang hininga na tila iniisip kung paano ako makukumbinsi na umuwi ng Pilipinas.

"I don't have a choice, anak. Please, ikaw lang inaasahan ko since your brother is busy with his career"

Kung kailan masaya na ako dito sa Canada saka naman niya ako balak pauwiin.

"Dad, I don't have any idea how to handle your company! God! I'm just eighteen for petty sake!"

Ilang beses niya na akong pinilit na subukan man lang ang pamamalakad sa kompanya ngunit ni minsan hindi ako pumayag. I'm too young for that! Para akong ibon na pilit na kinukulong. I just want to have my own freedom. Yung walang pumipigil sa gusto ko.

"I just want you to try darling, even just for months, I'm sorry for the inconvenience anak. I just have some important business meeting to attend out of the country and no one can handle it except you" mahabang paliwanag niya.

"Months?!" gulat na tanong ko.

Akala ko mga ilang araw lang hindi ko inaasahan na aabot ng mga buwan.

"Really Dad? Don't tell me jan na rin ako mag-aaral?!"

"Please darling, this is my first and last request. Pagbigyan mo na ako anak."

Napasinghap ako at inis na sinabunutan ang buhok.

"If you have nothing to say, then I'll hang up the call. Goodnight Dad"

Bumuntong hininga siya tila sumuko na sa kakapilit sa akin.

"Alright sweetie, take care" Hindi ko man kita ang kanyang mukha pero halata ang pagkadismaya sa boses niya.

Suminghap ako at hindi na napigilan ang sarili. He's my dad afterall,naalala ko noon na kahit anong suhol ko ay naibibigay niya. Ngayon lang siya humingi ng pabor sa'kin hindi naman siguro masamang pagbigyan siya ngayon.

"Okay Dad, I'll book a ticket tomorrow" pampalubag loob ko sa kanya.

"Really sweetie? I love you" mababakas ang kasayahan sa kanyang boses.

"I love you too, Dad" Kahit labag sa loob ko wala akong magagawa. Hindi ko kayang makitang malungkot siya dahil lang sa simpleng pabor niya.

"Btw anak, No need to book a ticket, Ako na ang bahala roon ipapadala ko na lang jan ki Tita Margarett mo" natatawa niyang saad.

Tiim bagang akong hindi makapaniwala sa sinabi niya. I can't believe this, talagang planado na ang lahat.

Nanghihinang tumango ako kahit hindi niya naman kita.

"Okay Dad" at pinutol na ang tawag.

Huminga ako ng malalim at tulalang nakatingin sa kisame.

Damn. Wala na talaga akong kawala. Pinilit kong matulog ngunit hindi na ako dinalaw ng antok kung kaya naman ay pumunta na lamang akong banyo upang maligo.

Matapos kong magbabad sa bathtub ng humigit isang oras ay lumabas na ako ng silid at nagsimula ng mag impake ng gamit.Hindi na ako nag aksaya pang magdala ng marami dahil alam kong 'di naman ako magtatagal sa Pilipinas.

Narinig ko ang pagkatok sa aking pintuan dahilan upang mahinto ang aking ginagawa.

"Reign ito na yung ticket pinabibigay ng Daddy mo" ani ni Tita Margarett, ang kapatid ni Mom na byuda na. Isa pa ito sa dahilan kung bakit ayokong bumalik sa Pilipinas dahil walang makakasama si Tita Margarett dito.

Dito ako lumaki sa Canada kasama ang aking mga magulang.Subalit napilitan na umuwi ng Pilipinas sina Daddy at Mommy dahil naroon ang aming kompanya at iba pang negosyo kaya naiwan akong mag-isa rito kasama sina Tita Margarett at mga katulong.

"Are you going home?" malungkot na aniya niya pagkabukas ko ng pintuan.

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Yes, Tita. Pero babalik din ako agad baka kasi malungkot ka kasi 'di kana makakakita ng maganda" biro ko sa kanya.

Natatawang lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Please take good care of yourself,'di kita mababantayan lalo na sa mga nagbabalak na manligaw sayo" bilin niya habang masuyong hinahaplos ang aking buhok.

Napangiti ako sa sinabi niya. I am very lucky to have such wonderful family, wala na akong mahihiling pang iba.

Ramdam ko ang pag-ihip ng malakas na hangin sa aking mukha kasabay ng pagbaba ko sa eroplano.

I took off my gladiator while walking and started checking my phone if Dad already sent me a message.

Nangunot ang aking noo ng makitang wala ni isang mensahe galing sa kanya. Bago ko pa man siya matawagan ay may biglang humatak sakin dahilan para mauntog ako sa kanyang dibdib.

"Jesus Reign,look around!" naiinis na sambit niya.

Nakakunot-noo ko siyang binalingan at inalis ang pagkakayakap.

"What the hell is your problem, Art?!" bulyaw ko sa kanya.

"Ano ba yang suot mo? Really? Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo" Inis niyang pinasadahan ang kanyang buhok at matalim na tumingin sa akin.

Umikot ang aking mata at tiningnan ang aking suot. A vivid beige color silk dress that is above the knee match with heels.

"Ano bang problema mo sa suot ko?"

Tumaas ang isa kong kilay.

Napailing siya at kinuha na ang aking bagahe.

"I can't believe Dad spoiling you too much" bulong niya at nauna nang maglakad.

Napangisi ako at alam ko kung anong pinagpuputok ng butchi ng kapatid ko. I know that he's just trying to protect me.

"Okay next time, maghuhubad na lang ako" pang-iinis ko pa lalo at inangkla ang aking braso sa kanya.

Napahinto siya sa paglalakad at matalim na tumingin sa akin.

Napangisi ako sa nakitang reaksyon niya.

"Kidding brother" i said while grinning.

At muling pinagpatuloy ang paglalakad.

Ginulo niya ang aking buhok,"We miss you,little sis"

Lalo akong napangisi sa sinabi niya. Huminto kami sa isang itim na sasakyan at dumiretso sa front seat para pagbuksan ako ng pinto.

"Are you hungry? Pwede naman na mag stop over na lang tayo, may alam akong malapit na restaurant" he asked me while starting the engine.

Umiling ako habang inaayos ang seatbelts.

"Hindi na, diretso na tayo sa mansyon kuya"

"Alright"

Patuloy lang kami sa pag uusap hanggang sa marating namin ang Hollowcross Village. Pagpasok mo pa lang ay makikita mo na ang pangalan ng village na nagsusumigaw sa karangyaan at kagandahan lalo na sa pinaghalong kulay na ginto at itim nito.

Dati lang ay bilang lang ang nakatira dito ngunit iba na ngayon dahil kahit saan ka tumingin ay marami ng nagtatayuang magagarang mansyon na tumitingkad ang mga kulay at mamahaling mga sasakyan.

Paghinto ng sasakyan ay agad kong binuksan ang pinto at nagmamadaling pumasok sa mansyon.

Ginala ko ang aking paningin at napangiti. Dali dali akong pumasok sa loob habang nakasunod sa aking likuran si Kuya bitbit ang aking bagahe.

"Magandang umaga Ma'am" bati ng aming kasambahay at dumiretso na kay Kuya para kunin ang aking gamit.

"Reign na lang po" magalang na usal ko.

Binalingan ko si Kuya at akmang itatanong kung nasa'n sila Mom ngunit agad akong patingin sa kusina dahil sa yabag na papalapit.

"Oh my god! Dalaga na talaga anak ko!"

Napahagikhik ako.

Hinawakan niya ang aking braso at niyakap ng sobrang higpit.

"I miss you, Mom!" maligayang sambit ko.

"I miss you too!How are you, Sweetie? I'm sorry if once in a month lang akong nakakapunta sayo roon sa Canada hindi ko naman maiwan iwan yung Daddy mo dahil maraming kailangan gawin."

"It's okay Mom"

"Alright then, let's eat" at nauna ng maglakad patungo sa dining area.

"Where's Dad?" tanong ko sa aking kapatid habang ginagala ang aking paningin.

Kasabay ng pagtanong ko ay ang pagbukas ng pintuan at nagsalubong agad aming mata.

"My daughter is back!" maligayang utas niya at niyakap ako.

Umikot ang aking mata, hindi naman ako dito babalik kung 'di niya ako pinilit. Pero hindi ko man aminin, namiss ko rin sila na makasama.

"Hi dad" at niyakap siya pabalik.

"Lunch is ready!" maligayang usal ni Mom.

Lumakad na kami papuntang dining area at nakitaan ko ng pagbabago ang lugar.

Makikita sa gitnang bahagi ang kumikininang na chandelier at mga nuwebles na nasa gilid.

Nagsimula na kaming kumain at patuloy sila sa pag uusap sa mga negosyo kaya nanatiling tahimik ako.

"Are you going to stay here for good, anak?" biglang tanong sa akin ni Mommy.

Tumikhim si Dad.

Napabuntong hininga ako at inaasahan ko na natatanungin ako ng ganito.

Napahinto ako sa aking pagkain at sumulyap sa kanila na hinihintay ang aking sasabihin.

"No, Mom. Maybe pagkatapos ng business meeting ni Dad I will immediately go back there."

"But it will take months, how about your studies there sweetie?"

Bigla kong nakalimutan na pansamantala nga pala akong mag-aaral dito. Binalingan ko si Dad.

"Don't worry about that" baling ni Dad kay Mom.

"I already enrolled her" sagot ni Dad.

Ang bilis naman.

"In fact, pwede kanang pumasok bukas if you want" dagdag na sabi niya.

I will be taking up Business Ad since ito naman ang gusto ni Daddy. But for me I want also to take Fine Arts Major in Interior Design kung magkaroon pa ng pagkakataon ngunit alam kong malabo na.

"But pwede din na next week na lang, it's up to you sweetie"

Umiling ako at binalingan si Kuya na tahimik lang na kumakain.

"No Dad, i'll be there tomorrow" mariin na sabi ko.

I can't wait na matapos na ito. Sana naman hindi tumagal ang business meeting ni Daddy.

"Alright"

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako diretso upang pumunta sa kwarto dahil nakaramdam na rin ako ng pagkapagod.

Napangiti ako ng masilayan ang malinis na kwarto. Simply furnished from queen size bed, a dresser with mirror and a night table. Bago rin ang kurtina at ang pagkakapintura.

Lumakad ako papuntang walk in closet at mas lalong namangha. Mula sa damit, sapatos, bags, perfumes, at mga alahas na nakahanay at maayos na nakalagay sa kanya kanyang lalagyan. Pinapagitnaan ng salamin na kitang kita ang aking repleksyon. Pinaghalong kulay brown at ginto na wardrobe na mas tumingkad ang kulay dahil sa puting pintura.

Nakanguso ako habang iniisip na hindi nila pinapabayaan ang aking kwarto kahit matagal ng wala ako rito.

Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama at tumingin sa kisame. Iniisip kung anong mangyayari sa mga susunod na araw na pananatili rito.

Bigla akong naramdam ng lungkot na maalala na hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. At alam ko sa oras na malaman nila na umuwi ako ng walang paalam ay magtatampo sila sakin.

"Makakabalik ka rin, tiis tiis muna Reign" pampalubag loob ko sa aking sarili at tuluyan ng dinalaw ng antok dulot na rin ng kapaguran.