webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 672

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang naglalakbay patungo sa ibang parte ng Hilagang direksyong ito ng Smew Valley.

Gusto niyang puntahan ang ibang parte nito dahil wala man lang siyang napala sa Ice Demon Prince na si Xing na tila dumadaldal na naman.

"O akala ko ba ay magiging pormal ka sa akin ha? Bakit Xing lang ang tawag mo sa akin Little Devil!" Pagmamaktol na wika ni Ice Demon Prince Xing habang nakasunod ito kay Wong Ming ng maingat.

"Aba aba, gusto mo atang mahuli muli ng mga lahing tao at hindi ka na makakabalik pa sa mundo mo ano?! Matuto kang umintindi na hindi lahat ng tao ay bukas ang isip sa mga katulad mo este natin. Ako nga ay kinukubli ko ang pagiging half demon ko pero ikaw ay sobrang tapang mo ata at gusto mo ng sumakabilang-buhay!" Seryosong wika ni Wong Ming habang hindi nito mapigilang maging sarkastiko ang tono ng pananalita nito lalo na sa huling mga salitang binitawan nito.

Napatahimik bigla si Ice Demon Prince Xing sa sinabing ito ni Wong Ming. Medyo tinamaan siya sa sinabi nito na siyang napakamot na lamang siya sa kaniyang batok.

Nakalimutan niyang nasa Martial World siya na siyang mundo ng mga taong nagcu-cultivate. Hindi kagaya niya o ng lahi nila na likas na ang pagiging cultivator upang mabuhay sila. Dito sa mundong ito ay tila may tinatawag na standards at ang iba ay hindi na naging cultivator.

Noong una ay parang ayaw niyang maniwala ngunit may sense naman ito. Hindi lingid sa demon world lalo na sa kanilang mga Ice Demon ang patungkol sa mundong ito.

May mga alaala siya ngunit karamihan sa mga ito ay malabo ang imaheng nakikita niya lalo na sa huling bahagi ng memorya niya. Epekto siguro ito ng mahabang pagkakatulog niya.

Halos kaedaran niya pala si Wong Ming ngunit pakiramdam niya ay mali iyon. Siguro ay dahil sa panahong inilagi niya sa mundong ito o mas mabuting sa bronze coffin na hinimlayan niya noon pa man.

"Xing na kung Xing ang itatawag mo sakin. Siyempre hindi ako magpapatalo, kung sakaling mabisto man ako ay ikaw ang unang ituturo ko hahaha!" Nakangiting turan ni Ice Demon Prince Xing habang tumawa pa ito sa huli.

Hindi siya pinansin ni Wong Ming at tila nasa hindi kalayuan ang tingin nito.

Nilingon naman siya ng masama ni Wong Ming habang matalim siya nitong tiningnan na siyang itinaas naman ni Prince Xing ang dalawang kamay nito na animo'y sumusuko.

"Wag mong subukan ang pisi ng pasensya ko Prince o kung anumang klaseng abnormal ka. Hindi ka magbubuhay prinsipe hangga't nasa tabi mo ako. sa mundo naming ito ay hindi ito kagaya ng mundo mo kaya magtatrabaho ka sa akin kung ayaw mong hindi ka makatapak muli sa Demon World!" Seryosong wika ni Wong Ming rito nang lumapit siya sa pwesto ni Prince Xing.

"Kalma, sige pumapayag ako ngunit yung saktuhan lang ha at walang lamangan." Tila sumsukong sambit ni Prince Xing na tila mayroon pa itong sinasabi sa hangin na hindi naman narinig ni Wong Ming.

"May sinasabi ka? Mukhang kulang pa ata ang mga kondisyon kong ito. Kung ayaw mo edi h------!" Pagpaparinig ni Wong Ming habang kitang-kita na gusto niyang subukan ang katigasan ng ulo ng Prince Xing na ito ngunit mabilis itong naputol ng magsalita ang nasabing prinsipe.

"Wala wala. Okay na ko sa mga kondisyon as if na may pagpipilian pa ko!" Nakasimangot na wika ni Prince Xing.

Sa isip-isip ni Prince Xing ay hindi ba nito alam ang estado nito, isa siyang Prinsipe ng mga Ice Demons.

Nalaman niyang hindi pa naman kumpirmado na extinct na talaga ang lahi ng mga Ice Demons dahil buhay pa naman siya at ng pesting Little Devil na ito.

Naiinis man siya at labag sa loob nito ang mga kondisyon nito ay wala siyang magagawa dahil hawak siya sa leeg ng halimaw na binatang ito. Sigurado siyang nasa lahing tao talaga ito nabibilang dahil sa dugong tao nito. Talagang feeling entitled talaga ito at gusto ata nitog alipinin siya rito. As usual, wala siyang pagpipilian, ano pa nga ba.

"Aba'y dapat lang. Kung hindi nagkrus ang landas natin ay hinayaan nalang sana kita roon sa malaking yungib na nagsilbing sleeping room mo hahaha!" Pambabara ni Wong Ming rito. Hindi takot si Wong Ming rito dahil alam niyang mayroon siyang upper hand rito.

"Oo na, pero ano yung tinitingnan mo sa malayo. Wait isang pambihirang herb naman pala iyong tiningnan mo pero ---!" Pag-iiba ni Prince Xing ng usapan habang may napansin siyang kakaiba sa hindi kalayuan lalo na sa mismong pambihirang herb na napapansin nito sa hindi kalayuan.

"Gusto kong subukan ang kakayahan mo. Aba aba baka hindi man lang kita mapakinabangan sa "SIMPLENG BAGAY" na ito." Kalmadong saad ni Wong Ming habang in-emphasize pa nito ang "simpleng bagay" daw.

"Ako? Kinikwestiyon mo ang kakayahan ng isang Ice Demon Prince? Mukhang kailangan kong patunayan ang kakayahan ko sa "simpleng bagay" na sinasabi mo!" Matalim na saad ni Prince Xing habang naniningkit ang mga mata nito.

"Aba aba, wag mong ipahiya ang pagiging Ice Demon natin ha naku naku prinsipe ka pa naman, bakit hindi nalang ako yung naging prinsipe total ay mas maabilidsd naman ako kaysa sa'yo!" Pambabara muli ni Wong Ming habang pinariringgan ang prinsipeng bilib na bilib sa sarili nito. Aba aba, kahit prinsipe ito ng mga Elemental Demons ay hindi magpapatalo si Wong Ming rito lalo pa't nasa mundo niya ang Demon Prince na ito.

"Oo na, dami mo pang sinasabi tsk!" Ani ni Prince Xing habang ang tono nito ay parang napipilitan na lamang.

Gusto pa sanang barahin at inisin ni Wong Ming ang pesteng prinsipeng ito ngunit gusto niyang malaman kung kinakalawang na ang kakayahan nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na unti-unting kumikilos si Prince Xing papunta sa kinaroroonan ng pambihirang herb na iyon. Isang Ice Dragon Tears Herb kasi iyon.

Ang Ice Dragon Tears Herb ay isang rare herbs at angkop ito sa mga Golden Realm Expert na katulad niya.

To be exact ay hindi siya ang kukuha at magpapakahirap sa mga pambihirang herbs na ito at si Prince Xing ang pagtatrabahuin niya nang sa ganon ay hindi lamang tatlong herbs ang makukuha niya kundi marami.

Naisip niyang naririto na sa puder niya si Prince Xing at katulad niya ay kailangan din nitong magpalakas.

Siyempre ay iniisip niya ng kailangan niya ng cultivation resources na aangkop sa kanila at sasapat ang mga ito sa dalawang buwan.

Kaya kinakailangan niya talagang magpalakas at magkaroon ng ranking sa Inner Disciple Trial Rankings kung ayaw niyang maghintay muli ng apat na buwan para sa nasabing trial.

Napakatagal na iyon para kay Wong Ming. Anim na buwan din iyon kung sakali man. Kung gugustuhin niya ay kailangan niyang ipagawa kay Prince Xing ang lahat ng bagay na ito kung ayaw niyang mamroblema sila sa cultivation resources.

Ginagawa niya ito sa sarili niya at tila nag-iisang Ice Demon na isa palang prinsipe.

Naniniwala siyang totoo ang sinasabi ng lider ng Lider ng Poseidon Phlox Demon Clan na ni Lord Damon na isang kakampi ng Ice Demon, ang mga Water Demons.

Napatunayan ni Wong Ming na maraming teorya patungkol sa mga lagusan patungo sa Demon World at ang mga paraan na naiisip niya ay humanap ng paraan upang ihatid doon si Prince Xing.

Ngunit ano na lamang ang gagawin niya kung mapatunayang wala na palang natitirang Ice Demon na kalahi nito, kapag nakita siya ng mga Fire Demons ay siguradong katapusan nito lalo na kung malamang mayroon pang natitirang Ice Demon, hindi lang basta-bastang ordinaryong Ice Demon kundi isang dugong bughaw pa.

Sumakit ang ulo ni Wong Ming sa kakaisip nito.