webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 273

BANG! BANG! BANG!

Muling bumalik si Wong Ming sa reyalidad. Kitang-kita niya kung paanong nakipagbuno si Prince Xing sa isang malaking Silver Arc Scorpion na isang Fourth Grade Beast na nasa peak level na ito. Alam ni Wong Ming na malapit na rin itong maging Fifth Grade Beast kapag na-consume na nito ang nasabing Ice Dragon Tears Herb.

Sumabog ng malalakas ang mga lupang tinatamaan ng mga atake ng Silver Arc Scorpion. Lubhang mapaminsala at territorial ang nasabing magical beast na ito kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na hindi magiging madali ang labang ito kung siya ang lalaban.

Mabuti na yan at para nay silbi pa rin ang prinsipeng si Xing sa kaniya. Hindi maaaring hindi niya gagamiting advantage ito upang makakolekta ng mga pambihirang cultivation herbs sa hilagang bahagi ng Smew Valley.

Ang Silver Arc Scorpion na ito ay may kakayahang maging invisible at mag-comouflage sa mismong kapaligiran nito. Hindi maipagkakailang ang kakayahan nito ay nasa Peak Form na din.

Isa lamang itong Stabilizer na herbs at nararapat lamang itong ibigay at i-consume ni Prince Xing. Hindi naman siya kontra rito at wala din namang malaking epekto sa kaniya.

Dahil sa mga Demon Symbols ay kinakailangan niya ng mga Cultivation Fruits kumpara sa cultivation herbs dahil nangangailangan siya ng napakaraming essence energy.

Mas lalong mahihirapan siyang makahanap muli ng mga blue essences energy kagaya ng nakuha niya sa babaeng magical beast na Blue Crest Lionness na iyon.

Mabuti sana kung palaging buntis ang Adult Purple Crest Lionness na iyon ngunit mukhang ito na lamang ang pinagmumulan ng lakas nito. As if naman na gugustuhin niyang makasagupa o makaharap man lang ang Adult Blue Crest Lion na isang King Beast. Isa iyong bangungot para kay Wong Ming.

Di na rin kasi eepktibo iyon sa kaniya lalong-lalo na isa na siyang Golden Vein Realm Expert, kahit ubusin niya pa ang blue essences na iyon ng Adult Blue Crest Lionness na iyon ay wala ring patutunguhan.

Mayroon siyang Vermilion Fruit dito ngunit hindi din iyon sasapat. Isa pa ay breakthrough fruit iyon kung kaya't gagamitin niya iyon kapag nasa Peak Golden Vein Realm Expert na siya o kung magkaroon siya ng bottleneck kung saka-sakali sa boundary ng Golden Vein Realm.

Pinag-isipan na talaga ni Wong Ming ito. Given na may kahati siya sa mga Cultivation resources niya ay hindi niya magawang magtipid lalo pa't may oportunidad naman.

Saka na niya ito i-explain kay Prince Xing. Dahil kung hindi niya babarahin at pagbantaan ang Ice Demon Prince na ito ay tingin ba niya ay mauuto niya ito? Malamang hindi.

Tinatantiya niya ang mga bagay-bagay dahil wala siyang aasahan kay Prince Xing kung ito ang magpaplano.

Ni malabo ngang magbahagi ito ng mga alaala nito dahil kakakilala pa lamang nila. Dahil dito ay medyo matatagalan pa siya bago makabuo ng solidong plano.

Ang paglitaw nito sa Martial World ay isang kakaiba at hindi niya pa alam kung bakit. Ni hindi nga nito alam na nilagay siya sa isang bronze coffin.

Bumalik muli si Wong Ming sa reyalidad nang mapansin niyang nahihirapan si Prince Xing sa pakikipaglaban sa Silver Arc Scorpion.

Napatampal na lamang siya sa kaniyang sariling noo dahil mukhang hindi pa sanay ang Ice Demon Prince na ito sa pakikipaglaban.

Given na isa nga itong prinsipe ay malamang sa malamang ay sanay itong mayroong nagsisilbi rito at makukuha ang lahat ng bagay na hindi man lang ginagalaw ang mga daliri nito ngunit malas lamang siya dahil si Wong Ming ang kasa-kasama nito. Buhay-prinsipe? Malabong mangyari iyon hangga't nasa tabi nito si Wong Ming.

Kitang-kita pa ni Wong Ming na bumuka ang bibig ni Prince Xing at doon niya nalamang may sinasabi itong tulungan daw siya nito.

Tinaliman ng tingin ni Wong Ming ang Ice Demon Prince na nakuha naman ng isa na tinaliman din ng tingin pabalik.

Lumapit si Wong Ming sa pwesto ni Prince Xing at nagwika "Limang minuto na lamang ang ibibigay ko sa'yo Xing, kung hindi mo magagawa iyon ay lisanin na lamang natin ang lugar na ito. Tutal naman ay hindi ka naman malakas hahahaha." Mapang-uyam na wika ni Wong Ming rito na mas ikinatalim pa ng tingin ni Prince Xing.

BANG! BANG! BANG!

Mas naging agresibo pa lalo ang Silver Arc Scorpion nang makita na lumapit pa rito si Prince Xing na ikinakamot naman ni Wong Ming ng kankyang sariling ulo.

Kahit Purple Blood Realm Expert ay alam kung paano mapapatumba ang isang Silver Arc Scorpion na ito gamit ang natural na kahinaan nito.

TAH! TAH! TAH!

Mabilis na sinakyan ng Ice Demon Prince ang likod ng Silver Arc Scorpion at doon niya pinagtataga ang mga nagsisilbing paa nito.

Ngunit nagbago ang tingin ni Prince Xing nang mapansin ang isang malaking buntot na naglalaman ng makamandag na lason ng Silver Arc Scorpion.

Maingat niyang sinalo ang tila matigas na buntot ng makamandag na scorpion na ito at mabilis na pinutol ito.

SHRRIIIIEEEKKKKK!!!!!

Kitang-kita naman ni Wong Ming na nagpakawala ng malakas na atungal ang Silver Arc Scorpion at mabilis na tumubong muli ang naputol nitong buntot.

"Mag-isip ka nga ng mabuti Xing. Isipin mong isang ordinaryong scorpion iyan, ano ang kahinaan nito kung sakali man?!" Seryosong wika ni Wong Ming habang matalim na tiningnan niya ang nasabing Ice Demon Prince.

"Kanina ay akala ko buntot o galamay nito pero mukhang mali ako. Kung butasan ko kaya ang likuran nito para mapaslang ko to?!"

"At paano mo magagawa iyon? Kahit ang isang Golden Realm Expert ay mahihirapan na magawa iyon dahil napakatibay ng outer shell nito!" Inis na turan ni Wong Ming.

Ano pa ang silbi ng pagiging Golden Warrior Realm Expert nito kung hindi man lang ito nag-iisip ng mabuti.

Napakamot sa kaniyang sariling batok si Prince Xing habang nag-iisip ito, kung nag-iisip nga ba?!

"Halos lahat ng mga gumagapang na nilalang ay kahinaan ng mga ito ang ilalim na parte ng katawan ng mga ito. Pero-----!" Seryosong turan ni Wong Ming at bago niya pa turuan pa ang Ice Demon Prince ay nakita niya ng nagsagawa na ito ng Ice Skill na Ice Shard.

Kitang-kita niya kung paanong bumulusok paitaas ang katawan ng Silver Arc Scorpion nang tumusok mula sa ilalim ang isang napakatalim at mahabang Ice shard .

Sa isang iglap ay napaslang na nito ang Silver Arc Scorpion.

Nakangiting parang aso naman si Prince Xing habang nakatingin kay Wong Ming na parang nagmamalaki. Nagwika pa ito "Dapat sinabi mo kaagad, edi sana ay napaslang ko na kaagad ito hahaha!"

"At kasalanan ko pa na ignorante ka? Napakadelikado ng ginawa mo kanina. Pag namatay ka edi kargo de consencia pa kita!" Halos umusok ang ilong ni Wong Ming sa sobrang inis habang napahalukipkip. Kung hindi niya lang mapapakinabangan ito ay pinaslang na niya ito.