webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 271

"Ano'ng pibagsasabi mo? Mukhang ako pa ata may kailangan sa atin ha? Kaano-ano ba kita?" Pambabara ni Wong Ming habang ginagamit nito ang Demon Language na maalam njya gamitin. Mabuti at napakinabangan niya sa pagkakataong ito.

Hindi niya talaga makuha kung ano ang gustong ipahiwatig ng nilalang na ito kung umakto kasi ay parang siya yung may kasalanan.

"Paano ako napapad sa lugar na ito? Wait, hindi ito ang lugar namin, hindi ito ang demon world." Sambit ng nilalang na ito na parang may inaanalisa o may inaamoy sa paligid.

Inamoy naman ni Wong Ming ang paligid. Okay naman ah at nagwika.

"Sa pagkakaamoy ko ng paligid ay okay naman ah. Di naman mabaho o malansa. Demon World? Ano yun ha? Nasa martial World ka po, opo!" Sarkastikong turan ni Wong Ming habang kitang-kita ang inis niya rito.

Pag pangit ng amoy mundo nila tas pag mabango Demon World? Pinagloloko ba siya ng demonyong nasa harapan niya.

Ngunit bago pa magsalita si Wong Ming ay kitang-kita niya na nagsagawa ng malakas na core skill ang kalaban niya.

Paano ba naman ay lumiwanag ang mga mata nito at ang kamay nito ay alam niyang hindi simpleng skill ang gagawin ng elemental demon na ito.

"Lintik naman o! Nagalit pa ata!" Tanging nasambit ni Wong Ming habang hindi nito mapigilang magmura.

Core Skill: Gigantic Sword Ice!

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang hugutin ang concealing ring niya at itago ito sa loob ng interspatial ring niya.

Biglang lumabas ang totoong aura at cultivation level niya.

Hindi lamang iyon dahil walang pakialam si Wong Ming sa kung anumang consequences ito dahil nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya habang hindi nito alam kung mabuti ba o masama ang elemental demon na nasa harapan niya.

Ang nakakapagtaka pa ay kaya nitong gumamit ng yelo. Water Demon ata ang makakaharap niya na marunong gumamit ng Ice Skills.

Sa isang iglap ay nagbago ang anyo nito bilang isang Ice Demon.

Kitang-kita naman niyang natuod ang nasabing kalaban niya habang nakatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata nito.

Core skill: Ice Cannon Shield!

Kitang-kita naman ni Wong Ming na lumitaw ang napakaraming mga Ice Shards sa kinaroroonan niya na sobrang taas at matibay.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagsabog ng mga Ice Shards na humaharang sa kinaroroonan ni Wong Ming na pumoprotekta sa kaniya.

BANG!

Kitang-kita ni Wong Ming na sumabog na lamang ang Gigantic Ice Sword ng kalaban nito.

"Isa ka ring Ice Demon?! Teka lang, paanong nangyari iyon eh nararamdaman kong isa kang tao!" Sunod-sunod na sambit ng lalaking elemental demon rin.

"Isa ka ring Ice Demon? Pinagloloko mo ba ko ha? Wala na ang mga lahi ng Ice Demon sa pagkakaalam ko ay extinct na sila. Ako na lamang ang Ice Demon sa pagkakaalala ko pero hmmm... I-isa ka ring Ice Demon?!" Seryosong turan ni Wong Ming habang tinuturo nito ang sarili at sarili ng lalaking nilalang na kaharap nito. Nautal siya dahil mukhang napahiya siya rito. As if naman na isa siyang purong Ice Demon at least diba Half Ice Demon rin siya kung tutuusin.

Napangisi naman ang lalaking nakasuot ng kulay asul na roba at biglang nagbago ang kaanyuan nito.

Katulad na katulad ito sa kaanyuan ni Wong Ming na isang Ice Demon ngunit halatang hindi normal ang isang ito. Mayroong kakaiba sa nilalang na ito dahil kumpara sa Ice Demon Form ni Wong Ming ay alam ni Wong Ming na tunay na purong Ice Demon ang lahi nito.

Kung hindi dahil sa mga Demon Essences sa loob ng katawan nito ay baka napatumba na siya dahil sa natural na suppresion ability ng isang dugong bughaw na Ice Demon.

Nakaramdam naman si Wong Ming ng pagkapahiya. Mukha siyang hamak na langgam kumpara sa isang dugong bughaw na Ice Demon na ito.

Namimilog ang mga mata ni Wong Ming ngunit agad na ipinawala niya ito. Ayaw niyang maliit-maliitin siya ng dugong bughaw na Ice Demon ito.

"Ngayon ay naniniwala ka ng isa akong Ice Demon? Mukhang hindi ka man lang naapektuhan sa presensya ko, mukhang isa ka ring dugong bughaw na Ice Demon hahaha!" Malakas na wika ng lalaking nasa Ice Demon Form nito.

"O-oo naman, ngunit hindi ko papalampasin na inatake mo ko na parang isa mo akong mortal na kalaban. Aba aba!" Sumbat ni Wong Ming rito upang sabihing parang hindi nito kinalimutan ang nangyari kanina.

"Isa akong Ice Demon Prince. Okay naman siguro kung bibigyan kita ng gantimpala ngunit wala tayo sa Demon World kaya pasensya na." Kalmadong saad ng nilalang na ito na nagpakilala bilang ice demon prince. Bakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Eh paano ka napadpad sa mundo namin lalo na sa maliit na dimensional space na ito? Naalala mo pa ba ang tunay na pangalan mo? Tsaka gusto kong klaruhin na hindi ako ang nagdala sayo rito. Mukha bang may kakayahan ako?!" Seryosong wika ni Wong Ming rito habang sunod-sunod ang mga tanong nito sa Ice Demon.

Biglang nagsync-in sa isipan ng Ice Demon Prince ang mga alaalang biglang rumagasa sa loob ng utak niya.

Fire Demons!

Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ng Ice Demon Prince. Masasabi niyang ito ang uri ng lahing demonyo na nakasalamuha niya bago siya nawalan ng ulirat.

Pagkagising niya ay kaharap niya ang binatang ito na hindi niya alam kung lahing tao ba o lahing demonyo.

Aaminin niyang napabilib siya sa lakas ng loob nitong labanan siya. Kumalma lamang siya nang malamang isa rin itong Ice Demon. At least diba ay hindi Fire Demon dahil baka napaslang niya na ito.

"Siyempre ay alam ko ang pangalan ko. Ako si Ice Demon Prince Xing. Wala akong alam kung bakit napagpad ako rito. Alam kong hindi ikaw ang nagdala sakin rito dahil sobrang hina mo para mabitbit mo ako rito hahaha!" Sambit ng Ice Demon Prince habang hindi nito mapigilang asarin ang kausap niyang binata. Inilihim niya rin na ang Fire Demons ang may kinalaman kung bakit siya naririto sa lugar na ito at kung ano mang klaseng kamalasan ang nangyayari sa kaniya.

Nainis naman si Wong Ming sa sinabing ito ng pesteng Ice Demon Prince na ito. Hinamak pa talaga ang kakayahan niya?! Aba kapal naman nito.

Parang gusto na ni Wong Ming bawian ng buhay ang nagpakilalang Ice Demon Prince. Ngunit naisip niyang mapapakinabangan niya ito kung sakali sa hinaharap.

Mas naging makabuluhan para kay Wong Ming ang ganitong klaseng pangyayari. Gagamitin niya ang nilalang na ito upang makapasok sa Demon World sa hinaharap.

Mas mabuting siya ang nakahanap rito dahil hindi libre ang ginawa niya rito. Nasayang ang maraming oras niya dito.

"Tawagin mo na lamang akong Little Devil. Isa pa ay kailangan na nating lisanin ang lugar na ito at hindi pa natin alam kung sino ang totoong nagpadala sa'yo sa mundo namin." Simpleng pagpapakilala ni Wong Ming sa sarili nitong katawagan sa sarili niya. Gusto njya pa sanang sabihin at isigaw na "Akala ko ba ay nakakaalala ka!" Ngunit hindi niya isinatinig. Ayaw niyang ma-offend ito o ituring siya nitong kaaway. Natural lamang na hindi ito magtiwala kaagad sa kaniya lalo na sa personal nitong mga bagay-bagay na may kinalaman sa sarili nito.