webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 64

Nang marinig naman ito ng batang si Li Xiaolong ay halos gumulong na siya sa kakatawa.

"Hahahaha... Nagpapatawa ka ba Fai? Hindi ko alam kung matalino ka ba o hindi pero Low Grade Blood Gem Crystals? Seriously? Napakarami ko nang namina na ganon at nasa isang sulok nakatengga lang dahil hindi ko na magagamit iyon. Hindi ko na magagmait iyon dahil aside from konti na lamang ang benepisyong nakukuha ko doon ay maraming naiimbak na impurities sa katawan ko." Sambit ng binatang si Van Grego habang nakatingin sa naglalakad papalayo na nagsasalitang quoll na si Fai. Hindi niya laam kung matatawa ba ziya dito o maiiyak. Given na isa itong Blood Gem Crystal Mine ay malamang sa malamang ay maraming Low Grade Blood Gem Crystal dito kumpara sa Middle Grade Blood Gem Crystal not to mention the High Grade Blood Gem Crystals lalo na ang Top Grade Blood Gem Crystal. Isa pa ay never pa naman siyang nakarinig na mas marami pa ang Top Grade Blood Gem Crystal kumpara sa Low Grade Blood Gem Crystal. Kung sana ay ganoon kabait ang kalangitan ngunit mundo ito ng Cultivation, walang ganong klaseng senaryo.

"Ewan ko sa'yo bata. Basta sundan mo na lamang ako. Kanina pa ko nakatapos magmina pero ikaw hayst!" Tila bored na sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai. Bakas kasi sa tono ng  cute na boses nito na bagong gising lamang ito.

Tila nakaramdam naman ng hiya ang batang si Li Xiaolong. Alam niyang medyo mahabang oras don ang ginugol niya sa pagmimina. Nasa  mahigit walong oras siguro ng walang tigil sa pagbungkal ng mga lupa ang ginawa niya pero normal naman iyon para sa kaniya o sa mga minerong lagpas sampong oras o mas mahigitpa ang ginugugol nilang oras para magmina at magbungkal ng mga lupa sa mining site. Yun ay nabasa niya lamang sa mga librong minsan niya ng napagkainteresang basahin.

"Oo na, susunod na ko hayst!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong dinala ang sisidlang mayroong laman ng lahat ng kaniyang namina. Tila parang wala lamang ang naging usapan nilang ito. Mabilis na sinundan na lamang ng batang si Li Xiaolong ang direksyong tinatahak ng nagsasalitang quoll na si Fai na tila ba sinayang nito ang mahalaga niyang oras. Napakamot na lamang sa kaniyang buhok ang batang si Li Xiaolong habang naglalakad ito papunta sa tila dismayadong nilalang na si Fai.

Kahit sinuman ang makakarinig siguro ng palitan ng pangungusap sa pagitan ng batang si Li Xiaolong at ni Fai ay hindi maiiwasang makatalon o tumalon agad sa konklusyon na galit sa bawat isa ang mgsi to o may hinanakit. Para kasing barabas o parang sobrang impormal ng terminong ginagamit nila at kung mag-usap ay tila pataasan ng boses at pride pero sa totoo lamang ay wala naman talagang malalim na kahulugan ito o kung ano pa man. Isa lamang kasi itong  nodmal na pag-uusap sa pagitan nila. Ganon lang, yung feeling minumura ka pero hindi naman pala. Ganoon kasi sila nag-uusap palagi eh at mayroong kasamang kalokohan pero kung seryoso ang usapan nila ay seryoso naman sila at nilulugar ang pagbibiruan.

Kapag talaga may tinatago ang isa sa kanila siyempre normal na maiinis sa kanila ang isat-isa. Siyempre nilulugar lamang nila ang kanilang mga sarili. Pero kung kasama niya ang mga magulang niya ay malamang ay hindi nagsasalita ang quoll na si Fai dahil baka mabigla pa ang mga ito at palayasin ang batang si Li Xiaolong  o kaya ay lutuin ng buhay ang nagsasalitang quoll na si Fai.

...

Sumunod lamang ang batang si Li Xiaolong sa direksyong tinatahak ng nagsasalitang quoll na si Fai. Talagang totoo nga siguro ang kataga na wag magbiro sa mga taong bagong gising lamang pero di naman siya nagbibiro doon eh sadyang mainipin lamang ang nagsasalitang nilalang na quoll na si Fai.

Hanggang sa nakita na lamang ng batang si Li Xiaolong na huminto sa paglalakad ang nagsasalitang quoll na si Fai.

"Bakit ka napahinto Fai? May problema ba?! O pagod ka ng lumakad hahaha" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang kapansin-pansin na napahinto ito. Nagbiro pa ito sa huling pangungusap niya. Hindi kasi nito maintindihan ang pag-uugali ng nagsasalitang quoll na si Fai. Tila ba medyo naging seryoso ito pero may pagkabugnutin? Basta hindi niya maintindihan ang gawi nito. Kataka-taka talaga at wala siyang ideya kung bakit. Never pa naman kasi naging ganito o nagkaganito ang nagsasalitang quoll na si Fai. Baka rin siguro ay bagong kakilala niya lamang ito kaya hindi siya maka-relate sa nais nitong iparating.

Ngunit nabigla ang batang si Li Xiaolong nang magsalita ang nagsasalitang nilalang na si Fai.

"Talagang kahanga-hanga ang lugar na ito. Napakaswerte ng angkan niyo at ng buong mamamayan ng Green Valley dahil sa  minahang ito." Makahulugang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai. Tila ba mayroon itong ipinapahiwatig na kung ano pa man.

Napanganga na lamang ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng nagsasalitang quoll na si Fai  hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Hindi naman siyang manghuhula para manghula eh. Maya-maya pa ay mabilis din itong nagsalita.

"Ano ang ibig mong sabihin Fai?! May kinalaman ba ito sa Blood Gem Crystal Mine? Hindi ko alam ang nais mong iparating. Naguguluhan na ko sa inaasal mo." Tila merong pangamba sa boses nito. Ibang iba kasi ito sa masayahin at palabirong Fai na nakilala niya ng kaunting panahon lamang. Tila ba mayroong nag-iba sa pananaw ng nagsasalitang nilalang na si Fai na siyang kauna-unang masasabi niyang maaasahan at masasabing tunay niyang kaibigan.

"Wag kang magtataka batang Xiaolong kung sakaling maging sentro ng kaguluhan ang pag-aagawan sa teritoryo ng Green Valley sa alinmang angkan o organisasyon sa Sky Flame Kingdom lalo na ng mga ganid sa kayamanang mga opisyales. Sigurado akong kapag nalaman ito ng sinuman sa mga umuupong opisyales ay maghahasik ng kaguluhan upang paalisin ang Li Clan o alinmang angkan rito. Tiyak na magsasanib pwersa pa ang mga ito upang paalisin kayo o kung sinuman dito" Makahulugang sambit muli ng nagsasalitang quoll na si Fai. Bakas sa tono ng boses nito ang labis na kaseryosohan. Tila ba may halong lungkot ang boses nito sa sinasabi nito.

Tila napaisip ng malalim ang batang si Li Xiaolong sa siansabing ito ng nagsasalitang quoll na si Fai. Yung tipong alam niyang iba ito sa mga nauna niyang mga lano dahil hindi naman nito masyodong gets kaya alam ng batang si Li Xiaolong na masyadong malaking gulo ito kumpara sa plano niya. Ang kaniyang sariling plano ay external conflict pero sa tingin ng batang si Li Xiaolong na ang tinutukoy ni Fai ay masyadong malapit o internal conflicts/ struggles ito.

"Ano ang gagawin ko Fai?! Kung sakaling mangyari iyon ay tiyak na maapektuhan ako ng malaki at lalo na ang lahat ng mga mamamayan o nilalang na nakatira rito." Tila naguguluhang sambit ng batang si Li Xiaolong ngunit may ideya na siya na siya ang lubos na maaapektuhan rito lalo na ang mga mamamayan ng Green Valley. Kung paaalisin sila o mapapaalis sila sa lugar na ito ay tiyak na mawawalan siya ng Cultivation Resources.

"Ang dapat mong gawin ay palakasin ang buong pwersa ng Green Valley bago pa malaman nila ang Blood Gem Crystal Mine na naririto ng sinumang nasa matataas na opisyales ng Sky Flame Kingdom. Ang pangunahing kailangan mong gawin ay pabagsakin ang buong kaharian ng Sky Flame Kingdom kung ayaw mong mawala sa'yo ang lahat!" Seryosong sambit ng nasabing nagsasalitang quoll na si Fai habang nakatalikod ito sa batang si Li Xiaolong.

Tila nanlaki ang pares ng mata nang batang si Li Xiaolong nang marinig ang sinabi ng nagsasalitang quoll na si Fai. Tila bomba itong nalaglag at sumabog sa magkabilang tenga ng batang si Li Xiaolong.