webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 65

"Bakit ko naman gagawin yun Fai?! Pwede mo bang sabihin sakin ng diretso. Masyadong malalim ang sinasabi mong mga salita." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang naguguluhan na ito sa sinasabi ng nagsasalitang quoll na si Fai.

"Ang nais ko lang sabihin batang Xiaolong ay kailangan mong pigilan ang nagbabadyang panganib sa Li Clan at sa iba pang angkan na nakatira rito sa buong Green Valley. Alam mo naman siguro na namatay na ang Ibang mga Clan Chief. Mabuti na lamang at buhay ang Clan Chief ng Li Clan kung hindi ay tuluyan ng madi-dissolve ang mga angkan ng Green Valley. Liban lamang sa tatlo pang angkan ay sobrang hina na ng Li Clan sa totoo lang lalo na kung gigipitin sila ng mga opisyales ng Sky Flame Kingdom ay wala kaying laban." Makahulugang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang makikita ang labis na lungkot sa boses nito.

"Kung ganon ay may ideya na ang Sky Flame Kingdom na mayroong Blood Gem Crystal Mine?! Ganon ba?" Tila biglang nasambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang nanlalaki nitong pares ng mata.

"Oo, parang ganon na nga pero hindi pa nila iyon sigurado pero malamang ay naghahanap na sila ng clue sa maaaring kinaroroonan ng lokasyon ng Blood Gem Crystal Mine." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang hindi mo alam kung naiinis ba ito o hindi.

"Pero bakit naman ang Green Valley ang mas pinagtutuunan nila ng pansin sa halip na ibang mga angkan o mas malaking angkan?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang inis sa boses nito. Tila nagtagis pa ang mga ngipin nito sa inis na nararamdaman nito.

"Hahaha... Nagpapatawa ka ba? Hindi nila iyon basta-basta magagawa lamang dahil mayroong mga ekspertong namamalagi sa kanilang mga angkan at masasabing napakarami nila. Hindi sila basta-basta matitibag o matatakot sa pwersa ng Sky Flame Kingdom. Hindi rin babalakin ng mga opisyales ng kaharian na gumawa ng anumang gulo sa mga ito dahil sila rin ang magdurusa sa kanilang gagawin aksyon. Tanging ang malalakas lamang ang mayroong ganitong prebilihiyo kaya hindi na kataka-taka na hindi sila gagalawin ng kaharian. Kaya kong gusto mong protektahan ang pamilya at ang buong Green Valley mula sa mapasamantalang mga nilalang ay kailangan mong gumawa ng hakbang ngayon bago pa mahuli ang lahat." Seryosong sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang mabilis itong humarap sa batang si Li Xiaolong.

"Hmmm..." Simpleng sambit ng batang at napatango lamang sa sinabi ng nagsasalitang quoll na si Fai na kaharap niya ngayon.

"Wag kang magugulat bata sa nakikita mo ha... Regalo ko na to sa'yo at sana ay gamitin mo sa tama ang Cultivation Resources mo. Hindi lamang ikaw ang nangangailangan ng lakas ngayon kundi ang mga Li Clan mismo. Umpisahan mo muna sa pamilya mo at pagkatapos sa sa buong angkan mo at sa mga karatig-angkan niyo sa Green Valley hanggang sa tuluyan ng maging stable ang lagay ng angkan mo at ng buong lugar na ito. Dahil kapag hindi mo nagawa ito ay baka kapag sinubukan mong umalis ay baka pagbalik mo ay wala ka ng babalikan. Hindi rin siguro papayag ang mga magulang mo na iwan na lamang ang buhay o pamumuhay niyo rito at makakaramdam sila ng ibayong lungkot kung sakali mang mawasak ang buong Li Clan. Wag mo munang isipin ang naunang plano mo at i-set aside mo muna ito. Hindi naman kita pipigilan sa nais mong mangyari pero sana ikonsidera mo ang mga inosenteng buhay at nilalang na nakatira dito. " Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang makikita ang sensiridad sa tono ng boses nito.

Nag-isip-isip muna ang batang si Li Xiaolong at mabilis din itong tumugon.

"Tama ka Fai. Wala namang ginawa sa aking masama ang Li Clan lalo na sa pamilya ko maging ang iba pang mga angkan ay tunay na mababait ang karamihan sa mga ito. Saka ko na poproblemahin ang mga nauna kong plano at pokus muna ako sa mismong kinakaharap na suliranin ng buong Green Valley. Sa una pa lamang ay hindi ko naman talaga pagmamay-ari ang pambihirang Blood Gem Crystal Mine na ito ngunit hindi ko naman gugustuhing mapunta ito sa mga gahamang kamay at makasariling benepisyo ng Sky Flame Kingdom. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ng mga ito. Sapat na kasi ang Blood Gem Crystal Mine na ito upang bumuo ng hukbo ng mga Xiantian Realm Experts." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na kaseryosohan sa tono ng boses nito. Hindi niya kasi maaatim na sa mapunta lamang sa mga walang puso at masasamang mga nilalang ang Blood Gem Crystal Mine na ito na isang malaking biyaya at oportunidad sa kaniya.

"Oo nga batang Xiaolong, kahit ako ay hindi ko hahayaang mangyari ang gusto ng mga gahaman at mapang-abusong nilalang ang makinabang ng lahat ng mga bagay na naririto. Sa ngayon ay wag kang magpadalos-dalos dahil ang panganib ay lubhang mataas na mabigo ka. Kailangan mong pag-isipan ang gagawin mong hakbang batang Xiaolong dahil hindi maaaring mabigo ka o paghinalaan ka mismo.

Napatango na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil wala naman siyang reklamo o pagtutol sa sinabi nito. Masyado pa siyang bata para ngunit hindi naman iyon ang nakikitang hadlang ng batang si Li Xiaolong. Kailangan niyang magsimulang maghandle ng mga responsibilidad dahil para ito sa ikakabuti ng lahat ng mamamayan ng Green Valley. Ang alam ng lahat kasi ay dahil lamang ito kay Li Mo at mga ekspertong hindi namamalagi sa Sky Flame Kingdom kung kaya't nagagalit siya sa Li Clan at sa iba pang angkan sa Green Valley ngunit ang totoong intensyon ng mga ito ay ang lupang kinatitirikan at inaapakan ng mga ito.

"Siya nga pala batang Xiaolong, halika dito, ipapakita ko sayo ang mga nakuha kong Blood Gem Crystals." Masayang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang mabilis nitong tiningnan ang batang si Li Xiaolong.

"Oo na, nandiyan na ko!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong lumapit sa kinaroroonan ng nagsasalitang quoll na si Fai. Tila ba hindi nito alam kung ano ang ipapakita nito.

Mabilis ding narating ng batang si Li Xiaolong ang nasabing kinaroroonan ng nagsasalitang quoll na si Fai. Nakita niya nga ang gusto nitong ipakitang mga Blood Gem Crystals.