webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 63

Inabot ng ilang oras ang binatang si Van Grego sa kaniyang pagmimina ng hindi niya namamalayan. Masasabi niyang maswerte siya ngayong araw dahil mayroon siyang tatlong Top Grade Blood Gem Crystals na ang presyo nito ay napakataas. Kung di naman ibebenta ay pwede itong gamitin ng mga Xiantian Realm Expert sa loob ng labinglimang araw. Mas marami itong enerhiya kumpara sa mga mabaang uri ng grado ng Blood Gem Crystals.

Ang Blood Gem Crystal kasi ay napakaliit lamang sizes ng mga ito at masasabing kapag mas maliit na Blood Gem Crystal ay mas puro ang enerhiyang nasa loob nito. Kapag medyo may kalakihan kasi ay nangangahulugan na hjndi gaanong puro at compressed ang enerhiyang nasa loob nito.

Habang mayroon naman siyang labing-isang High Grade Blood Gem Crystals. Masasabi niyang napakaswerte talaga niya. Kaya nitong isustain ang Cultivation o pagcucultivate niya sa loob ng labindalawang araw. Samakatuwid ay mayroon na siyang isang buwang Cultivation resources para sa gagawin niyang pagcucultivate. Hindi maipagkakailang napakasaya niya. Ang Middle Grade Blood Gem Crystals naman ay maaari itong suplay sa buong araw niyang pagcucultivate habang ang low grade Blood Gem Crystal at mga may defects ay isasantabi niya na lamang. Hindi na kasi masyadong tumatalab ang mga ito dahil sa hindi niya malamang dahilan liban na lamang sa tuamtaas ang kaniyang sariling Cultivation Level ay hindi na angkop itong gamitin. Nagsasayang lamang siya ng Cultivation Resources kung gagamitin niya ito.

Actually, marami na siyang nakuha noon pang mga nagdaang isang taon at nilagay niya doon sa isang sulok para hindi na siya mamroblema pa.

Ipinagpatuloy pa ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang pagbubungkal ng lupa upang magbabasakaling mayroon pa siyang mahukay na Top Grade Blood Gem Crystal at High Grade Blood Gem Crystal o kaya ay ang Middle Grade Blood Gem Crystal.

"Kung mamalasin naman ako ay siguradong puro Low Grade Blood Gem Crystal ang mamimina ko dito  huhu... Madami namang dadagdag sa tambakan ng di ko magagamit." Malungkot na sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Masasabi niyang hindi kasi maaaring maging ganon lamang ang palaging senaryo niya. Binabalak niyang maging Cultivators din ang kaniyang sariling mga magulang at ang kaniyang bunsong kapatid. Tama nga ang sabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai at may punto rin ito sa kaniyang suhestiyon. Pangarap nga niyang maging malakas na martial arts expert pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi niya gugustuhing masaksihan ito ng kaniyang sariling mga magulang at kapatid. Kapag tuluyan ng makakayang ipagtanggol ng kaniyang mga magulang ang kanilang sarili at mamuno sa mas malaking angkan ay sisiguraduhin niyang susuportahan niya ang mga ito. Hindi niya balak na agawin ang Li Clan sa pamumuno ng orihinal na pamilya ng Li Clan na sina Clan Chief Li San at ang mga opisyales nito. Naging mabuti ito sa kanilang mga mamamayan lalo na sa kaniyang oanilya kaya walang rason upang magkaroon ng power struggle isa pa ay maliit lamang na angkan ito at malabo pa sa sikat ng araw na biglang magbabago ang pamumuhay ng Li Clan na kaniyang kinamulang angkan para maging matatag na angkan. Magiging posible lamang iyon kung mayroong malalakas na eksperto ang lilitaw sa angkan ng mga Li. Kung makakabuti naman ito sa angkan ng Li, why not hindi ba pero ang risk at pagkabulilyaso ang matinding iniiwasan ng batang si Li Xiaolong dahil maging siya ay maapektuhan ito.

Ilang oras din siyang nagmina ngunit sa pagmiminang muli na ginawa ng batang si Li Xiaolong ay masasabi niyang hindi siya ganon kaswerte dahil apat na Middle Grade Blood Gem Crystal lamang at ang the rest na namina niya ay puro Low Grade Blood Gem Crystal.

"Hayst, ba't ang malas ko naman. Pero pasalamat pa rin ako dahil hindi nasayang ang halos buong araw kong pagmiminang ito. Sa susunod na pagmimina ko ay marami  na sana akong maiuuwing mga Top Grade Blood Gem Crystals tsaka High Grade Blood Gem Crystals.

Agad niyang nilagay ito sa kaniyang sariling sisidlang dinala niya kanina at nilagay dito ang lahat ng mga Blood Gem Crystals na nakuha niya na hindi naman niya usually giangawa.

Agad na rin siyang  umalis sa lugar na ito ngunit tinandaan niya na ang sulok ng lugar na ito para hindi siya magkanda-ugaga sa paghahanap ng mga kagamitan niya.

Pagkaharap ng batang si Li Xiaolong ay saka niya nakita ang maliit na nilalang na nakahiga sa isang batuhan.

"Hayst, dito lang pala natutulog ang dagang to o kung anumang klaseng nilalang na ito. Talagang pumusta pa talaga eh alam ko namang kahit dulo ng kagamitan na ginagamit ko sa pagmimina ay hindi nito mabuhat-buhat hahaha..." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Ang tinutukoy niya lamang dito ay ang natutulog na quoll na si Fai na nasa batuhan na hindi naman kalayuan mula sa kaniya. Ilang metro lamang ang layo kasi nito mula sa kinaroroonan niya.

Nakita niya na lamang na tila gumalaw ang nasabing nagsasalitang Quoll na si Fai na tila nagigising.

"Hayy... salamat naman at natapos ka rin batang Xiaolong. Alam mo bang kanina pa ko naghihintay sayong matapos ka?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila may iritasyon sa boses nito na may inip. Ganon na gnaon yung pagsasalarawan sa tono ng bises nito. Napahikab ap ito matpos nitong matulog.

"Aba, aba, aba, nahiya naman ako sayong daga ka eh ikaw nga natutulog ka diyan kanina pa, nagreklamo ba ako sa'yo? Mukhang naistorbo ko pa ata yung tulog mo ha? Uso namang bumalik sa lungga kung nasaan ka man nagmula o bumalik ka sa bahay namin kanina. Aba aba gigil mo si ako." Seryosong sambit naman ng batang si Li Xiaolong sa nagsasalitang quoll na si Fai. 

Napakamot naman sa kaniyang ulo ang nagsasalitang nilalang na si Fai. Mabilis din itong napabangon sa batuhan.

"Ang tagal mo kasi eh. Pwede na ba tayong umuwi?!" Sambit naman ng quoll na si Fai at nagsimula ng maglakad.

"Hahaha siyempre naman. Talo ka na kasi eh. Wala ka man lang nakuha maski isa haha..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang mapatawa. Hindi nito kasi aakalain na ito pa ang mag-aaya sa kaniyang umuwi na.

Napatigil naman sa paglalakad ang nasabing quoll na si Fai. Hindi nito alam kung matatawa siya o maiiyak sa sinasabi ng batang si Li Xiaolong.

"Ulol ka bang bata ka? Bilisan mo diyan at sundan mo ko. Kapal mo din sa sinabing matatalo mo ko? Ilang Low Grade Blood Gem Crystals ba nakuha mo ha?!" Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang nag-uumpisa na muli itong maglakad.