webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 646

...

Sa isang pasilyo ay mayroong anim na nilalang na naghihintay sa pagbabalik ng kasamahan nito.

Kitang-kita na ang isa sa mga ito ay tila may ginagawa at mayroong mga kakaibang simbolong nagliliwanag sa kamay nito papuntang braso nito.

Nakasuot ang mga ito ng itim na maluwang na cloak. Talagang nakakatakot ang kabuuang kaanyuan ng mga ito sa uri ng kasuotang suot-suot ng mga ito.

Kung nakikita lamang ito ni Wong Ming ay sigurado siyang miyembro ito ng Red Skull Alliance na siyang nagsimulang mang-atake noon ng Dou City sa pagkakataong nakikita nila.

Nakaharap ang mga ito sa isang pabilog na itim na itim na platform habang mayroong tatlong nilalang na nakaupo rito.

Hindi maipagkakailang sa pagkakataong ito ay nagsubok ang mga itong ipasok ang tatlong miyembro nito sa loob ng isinasagawang trial ng Flaming Sun Guild.

Habang ang kasamahan nitong dalawa ay masuyo lamang naghihintay na tila kampanteng magagawa nila ang mga bagay rito ng matagumpay.

"Hindi ko aakalaing ang dating kaaway ng pesting ulagang prinsipeng ito ay nagbabalik. Siya nga ba ang Little Devil na ito na kinamumuhian ng dating Crowned Prince?!" Sambit ng isang miyembro ng Red Skull Alliance.

"Aba'y malay ko. Hindi naman natin nasilayan ang Little Devil na ito. Tanging ang dating Crowned Prince lamang ang nakakasisiguro kung ito ba talaga o hindi!" Sagot naman ng isa pang miyembro na kapwa sila lang dalawa ang nag-uusap." Pabalik na saad naman ng kausap nito.

"Mukhang pinagloloko lamang tayo ng dating crowned prince na ito. May gumamit lang ng pangalang "Little Devil" ay interesado ito. Ilang mga eksperto na rin ang pinaslang niya at tila aware na nga ang lahat sa tila curse name na ito dahil brutal na pinagpapaslang na ito ng dating crowned prince hehehe!" Pangmamaliit naman ng dating miyembro ng Red Skull Alliance.

"Palibhasa ay takot itong bumalik ang nagbigay sa kaniya ng bangungot ng nakaraan. Hindi ko nga alam kung bakit takot na takot ito sa pag-exist ng little Devil na iyon!" Ani naman ng miyembro ng Red Skull Alliance.

"Naniniwala kasi itong buhay pa ang batang iyon ngunit ini-insist nito na buhay pa ang Little Devil na iyon. Diba napaslang niya na iyon?!" Sagot naman nito pabalik muli sa kasamahan nito.

"Palibhasa ay bagong miyembro ka lamang ng ating Red Skull Alliance. Pambihira ang kakayahan ng Little Devil na iyon. Kitang-kita ko kung paano nitong napaslang ang napakaraming miyembro ng Red Skull Alliance noong nangyari ang pagsugod ng ating organisasyon sa loob ng Sky Flame Kingdom maging sa Sky Ice Kingdom!" Tugon naman ng dati pang miyembro ng Red Skull Alliance.

"Huh? May ganon bang ganap?! Bakit hindi ko nalaman iyon. Ni hindi napabalita sa Red City ang ganitong klaseng pangyayari?! Paano nangyari iyon?!" Puno ng katanungang sambit ng baguhang miyembro ng Red Skull Alliance.

"Iyon ay dahil balitang pinagtakpan ng Dou City ang buong kaganapan. Ayaw nilamg mas maging malala pa ang magaganap kapag nangialam ang kalapit na siyudad. Alam mo naman na ang bawat siyudad kasi ang pasukan at labasan ng bawat kaharian na pinamumunuan ng malakas na City Lord Kasama ang malalakas din nitong mga sangay." Pagkukuwento naman ng dati ng miyembro ng Red Skull Alliance.

"Malakas ba talaga ang Dou City? Balita ko ay humina ang pwersa ng siyudad na ito dahil sa mga internal conflicts dahil sa ating Red Skull Alliance ngunit bakit hindi pa tuluyang nawawasak ang siyudad na ito?!" Nagtatakang tanong ng baguhang miyembro lamang ng Dou City.

"Baguhan ka pa talaga. Humina man sa pangkabuuan ang Dou City ngunit hindi pa rin sumusuko ang City Lord sa pagprotekta ng mga nasasakupan nito. Lumalakas pa rin lalo ang dalawang kaharian nito habang mayroong mga maliliit na mga pwersang nakakalat sa loob nito maging ng mga rebelde kung kaya't natitiyak kong nananahimik lamang ang mga ito at ipinapakitang mahina sila ngunit napakalakas pa rin nila kapag tinutukan mong mabuti." Pagsasalaysay naman ng matagal ng miyembro ng Red Skull Alliance.

"Paanong naging malakas? Marami ding naging casualties sa kanila noon hindi ba?! Paano'ng lumakas pa lalo? Hindi ko maintindihan!" Tanong ulit ng baguhang miyembro ng Red Skull Alliance na nagtataka ulit.

"Dahil sa dalawang kaharian nila na lumalakas pa lalo na walang iba kundi ang Wind Fury Kingdom at ang Hollow Earth Kingdom. Alam kong nagmamatyag lang ang dalawang kahariang ito at hinahanda ang sariling mga hukbong sandatahan para sa nagbabalak na manggulo sa mga ito. Ang Wind Fury Kingdom ay isang Martial Kingdom habang ang Hollow Earth Kingdom ay isang Military Kingdom. Alin man sa dalawang kahariang ito ay mahirap kalabanin ito." Kwentong muli ng matagal na miyembro ng Red Skull Alliance.

"Kung ganon pala ay malalakas talaga ang pwersang bumabalot sa Dou City dahil sa pag-exist ng dalawang malalakas na kaharian." Ani naman ng baguhang miyembro ng Red Skull Alliance nang mapagtanto nito ang lahat ng sinabi ng matagal ng miyembro ng Red Skull Alliance nila.

"Sinabi mo pa. Hindi mai---!" Wika ng isa pang miyembro ng makaramdam ito ng kakaiba dahil biglang tumalsik ang kasamahan nito na may abilidad na ipasok ang tatlong miyembro nilang Red Skull Alliance sa mga trials.

Kitang-kita nila kung paano natumba isa-isa at nawalan ng malay ang tatlong miyembro nilang pumasok sa loob ng trials.

Masama itong senyales dahil malala ang lagay ng mga ito dahil maging ang isang may abilidad sa kanila ay nagtamo din ng backlash.

Walang hinintay na pagkakataon ang dalawang miyembro ng Red Skull Alliance kundi ang lisanin ang lugar na ito sa madaling panahon. Masamang senyales ito at kailangan na nilang maipagamot ang mga kasamahan nila sa madaling panahon.

...

Naglalakad na si Wong Ming patungo sa inn na kinaroroonan niya. Dalawang araw na ang nakalilipas at sariwa pa rin sa isipan niya na nagtagumpay siya sa ginawang trials ng Flaming Sun Guild.

Wala namang masyadong ganap dahil lahat ng mga nanalo ay nakatanggap ng isang Sun Token bilang Admittance upang makapasok sa Flaming Sun Guild.

Kakaiba nga ang token na ito sapagkat hindi mo alam kung orange ba ito o pula dahil na rin sa kahawig ito ng Araw sa katanghalian. Parang magkahalo ang kulay nito.

Talagang iniingatan ito ni Wong Ming dahil hindi maaaring mawala niya ito dahil kapag nangyari iyon ay wala na siyang pruwebang nanalo siya sa kompetisyong ito.

Uso pa naman ang nakawan ng sun token na nababalitaan niya o di kaya ay ang pagbebenta ng Sun Token na siyang isang illegal at ipinagbabawal na gawin ng mga nanalong mga kalahok.

Pero alam niyang walang patas sa mundong ito. Lakas pa rin ang nangunguna ngunit ang Kayamanan at background ay isa ring factor na masasabing kalakasan ng mga nilalang sa mundong ito kaya hindi imposibleng mangyari ang illegal na transaksyon na ito.

Magkagayon pa man ay isinawalang-bahala na lamang niya ito. Problema na ito ng mundong ito kung kaya't hindi niya gustong pasanin ang ganitong suliranin dahil hindi niya makokontrol ito. Isa lamang siyang ordinaryong mamamayan o ekspertong gustong subukin ang sarili niya.

Papunta siya ngayon sa isang kagubatan na sa dulong parte ng Red City. Tinatawag itong Snow Rain Forest.

Kakaiba kasi ang lugar na ito hindi lamang sa pangalan ng kagubatang ito kundi na rin sa kakaibang penomenang nangyayari rito. Buong taon kasi na nangyayari ang ganitong klaseng kaganapan na umuulan ng snow rito at walang Red Moon Tree na makikita sa lugar na ito.

May sampong araw pa siyang gugugulin bago sila pumunta sa Flaming Sun Guild na siyang guild na papasukan nilang mga nagtagumpay sa trial.

Sayang naman kasi kung tatambay o tutunganga lamang siya sa sampong mga araw na ito. Gusto niyang gumala at pagbuhusan ang araw niyang maglakbay baka sakaling may mapala pa siya.

...