webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 647

Nakapasok na si Wong Ming sa entrance ng Snow Rain Forest at ramdam na ramdam na niya ang lamig ng kapaligiran.

Gamit ang shadow steps na natutunan niya sa Golden Crane City partikular na sa amain niya ay agad niyang tinungo ang looban nito upang manggalugad na naman.

Isa

Dalawa

Tatlo

Hanggang sa hindi namalayan ni Wong Ming na nasa ikasiyam na araw na siya sa loob ng Snow Rain Forest.

Masasabi niyang napakalamig ng lugar na kinaroroonan niya. Hindi nito aakalaing napakalakas ng mga mababangis na mga magical beasts na nasa loob ng lugar na ito.

Halos daan-daang mga demonic cores ang nakuha niya mula sa mga nakasagupa niyang mga magical beasts na naririto. At hindi niya ikinagulat na purong mga Ice Type Beasts o Water Type Beasts ang nasasagupa at napapaslang niya.

Talaga nga namang naramdaman ni Wong Ming na sulit na sulit ang pagpunta niya rito sa Snow Rain Forest.

Akala niya noong una ay simpleng kagubatan lamang ang lugar na ito ngunit masasabi niyang napakalawak ng lugar na ito at tila maituturing na tagong yaman ng Red City ang nasabing kagubatang itong sakop ng nasabing siyudad.

Hindi naman porket itinuturing na siyudad ang lugar na ito ay wala ng masusukal na parte na tinatahanan ng mga mababangis na mga magical beasts.

Tingin nga ni Wong Ming ay maituturing na sangtwaryo ang isang lugar na ito ngunit sa lawak nito ay may limitasyon rin.

Masasabi niyang iilan lang ang pumupunta rito dahil sa hindi kanais-nais na temperatura na lumulukob sa Snow Rain Forest.

Tipikal na puno ng yelo at umuulan ng snow ang kagubatang ito. Masasabi niyang wala ngang mga Red Moon Trees rito at sa lugar na ito ay halatang puro mga puno't sanga na lamang ang karamihan sa nakikita ngunit mayroong mga puno ang tila namangha siya dahil hindi man lang nangalagas ang mga dahon nito bagkos ay tila patuloy na yumayabong pa ito.

Ramdam ni Wong Ming na espesyal nga ang lugar na ito. Karaniwan niyang masasabing halos tag-init ang klima sa Red City.

Hindi na inusisa pa ni Wong Ming kung saan nagmumula ang kakaibang uri ng taglamig sa lugar na ito. Ito siguro ay dulot ng isang artifact ngunit sa sobrang lamig nito ay alam niyang hindi niya ito makikita.

Ni hindi niya nga nalaman kung saan ang ancient artifact na Fountain of Memories at nakakatakot namang isiping pati dito sa lugar na ito ay hanapin niya rin ang pinakamakapangyarihang kayamanan ng Snow Rain Forest.

Alam niyang sa kasalukuyan ay hindi siya ang pinakamalakas sa Red City, Dou City at sa iba pang siyudad na kalapit rito. Naiisip niya ring ang Dark Mist City ay isang misteryosong lugsr din kung kaya't kailangan niyang mag-ingat para na rin sa kaligtasan niya.

Maituturing niyang ang trial ay hindi naman gaanong kahirap ngunit hindi niya maipagkakailang natauhan siya nang minsan niyang nakaharap ang mga miyembro ng Red Skull Alliance na tatlo pa lamang ang nakasagupa niya ay hindi niya kinaya ang mga ito kahit na narestrict ang lebel ng cultivation.

Kitang-kita niya na nasa Early Purple Heart Realm hanggang Late Purple Heart Realm ang mga cultivation levels ng mga ito ngunit natalo pa rin sa harapang pakikipaglaban rito.

Tunay ngang sa harap ng panganib ay siguradong malaki ang magiging sampal nito sa magkaibang

lakas at abilidad na meron siya at ng sarili niyang kalaban.

Kung hindi dahil sa Ice Demon Transformation niya ay siguradong hindi niya mapapaslang ang Crowned Prince at ang mga kasamahan nito. Sigurado siyang buhay pa nga ang mga ito.

Hindi siya tanga upang hindi malamang buhay ang mga ito ayon sa pagkakaintindi ng salita mula sa nakausap niyang babaeng healer habang ginagamot ang pinsalang natamo niya mula sa pakurbang espadang hawak ng malaking anino hugis skeleton.

Ganon pa man ay natandaan niya ang kayang gawin ng isang iyon.

Mula sa hindi kalayuan ay tila napansin niyang galit na galit siyang tiningnan ng isang dambuhalang unggoy.

Kakaiba ang unggoy na kulay blue dahil kitang-kita niyang parang tao lamang ito kung maglakad ngunit namilog ang mga mata niya ng mapansing hindi ito ordinaryong magical beast dahil apat ang mga kamay nito.

Kitang-kita niya ang tila mga kakaibang simbolo sa balat nito na halos hindi na mapapansin ngunit matalas ang senses ni Wong Ming.

Isang Soldier Beast ang Four Armed Blue Monkey na nakita niya.

HOO! HOO! HAA! HAA!

Narinig niya ang malakas na tunog na pinakawalan nito na parang sonic waves dahil kitang-kita ni Wong Ming kung paanong yumanig ang lupang kinaroroonan niya habang sumusugod ang mga kapwa Blue Monkeys nito ngunit dalawa lamang ang mga kamay ng mga ito. Hindi man masyadong masukal ang lugar na kinaroroonan niya ngunit sa bilis at liksi ng mga unggoy na ito ay sigurado siyang ilang segundo lamang ay makakarating na ang mga ito.agad na nagpakawala si Wong Ming ng mga tipak ng yelo patungo sa Direksyon ng mga Blue Monkeys ngunit tila naging hudyat pa ito upang magalit ang Four Armed Blue Monkey dahil kitang-kita ni Wong Ming kung paanong sumabog ang mga tipak ng yelo na papunta sa direksyon ng mga halimaw na unggoy nang biglang tumubo sa iba't-ibang direksyon ang naghahabaan at nagtatalasang mga Glacial Ice.

Ngayon ay alam na niya ang kayang gawin ng Four Armed Blue Monkey na siyang pinuno ng mga alagad nitong kalahi nito ang kumontrol ng elemento ng yelo.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong sa bawat padyak ng paa ng nasabing Soldier Beast na unggoy ay ganoon din kabilis ang paglitaw ng nagtatalasang mga tipak ng yelo patungo sa kaniya.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang tumakbo ng tumakbo ngunit tila wala itong silbi dahil pilit na hinahabol din siya ng mga alagad nitong mga Blue Monkeys.

Hindi naman ganoon karami ang mga Blue Monkeys na ito at sa palagay ni Wong Ming ay ordinaryong unggoy lang rin ang mga abilidad ng mga ito. Yun nga lang ay kailangan niyang mag-ingat sa kagat ng mga ito dahil paniguradong hihiwalay ang laman niya sa mismong katawan niya kapag nagkataon.

Napakatalas kasi ng mga ngipin nito kung kaya't hindi na nag-aksaya si Wong Ming na paslangin ang mga ito sa paraang gusto niya.

Sa palagay niya ay nasa Peak Houtian Realm lamang ang lakas ng mga ito.

Tuso ang mga matsing na nasa dugo na ng mga ito ang manlamang. Kung kaya't marami ang nagkakawatak-watak sa hanay ng mga ito dahil kahit na magkasama ang malalakas na matsing sa isang grupo ay magpapatayan ang mga ito kung kaya't natitiyak niyang tanging ang mga mahihinang miyembro ng Blue Monkeys ang alagad nito upang hindi manlaban ang mga ito sa pinuno nila.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang sampong Sword Needles kung saan ay nagpaikot-ikot pa ito sa mga kamay at braso niya hanggang sa pinapubulusok niya ito patungo sa mga ordinaryong Blue Monkeys.

Walang awang pinaslang ni Wong Ming ang mga ito lalo pa't kitang-kita niyang kinokontrol ng Four Armed Blue Monkey ang mga ito.

TAH!

Nagulat si Wong Ming nang kamuntikan na siyang mahati sa dalawang parte ang katawan niya nang lumitaw sa tinatapakan niya ang napakatulis na Ice Glacier.

ACCCKKKK!

Kitang-kita niya kung paano niya bawuan ng buhay ang mga natitirang Blue Monkeys.