webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 645

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang gumawa ng madaling paraan na siyang naiisip niya.

Gamit ang maliliit na mga kutsilyong hawak ni Wong Ming ay isa-isa niyang pinaslang ang mga mahihinang miyembro ng grupo-grupong mga kalahok.

Naging madali lamang ang pamamaraan ni Wong Ming sa pamamagitan ng paggilit ng kutsilyo sa leeg ng mga ito dahilan upang mawalan ng buhay ang mga ito at naiiwan lamang ang nakalutang na Golden Badge sa mga ito.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Nakita ni Wong Ming na madali lamang ang ginawa niya. Bago pa siya matransport dahil nakompleto niya ang kaniyang objectives isama pang apat lamang ang kinakailangan niya ay matagumpay siya sa nasabing kompetisyon na ito sa huling trial.

Kitang-kita niya pa na nagpapatayan na ang mga kalahok upang makuha ang gusto nilang makuha at ang pagkaalarma nila sa pagpatay ng kanilang mga kasamahan ang nagdulot ng mas intense na labanan sa ikaapat na trial.

Natuwa na lamang si Wong Ming. Kitang-kita ang mga ngiti sa labi niya. Ang kaniyang ginawa ay agresibong pamamaraan ngunit epektibo rin.

Ang ikaapat na trial sana ang pinakamahirap ngunit kapag pinagana mo ang utak mo sa pamamaraang alam mo ay magiging madali na lamang ito.

...

Nakita na lamang ni Wong Ming na nasa isang malawak na lugar. Pamilyar ang lugar na ito dahil nasa labas na siya ng mga trials.

Dito ay napagtanto niyang tapos na niyang mapagtagumpayan ang trial at nasa gitna siya ng field kasama ang lahat ng mga kalahok na nanalo. Nakakamangha nga at lahat ng mga nagtagumpay sa trial ay maayos ang lagay at tila wala silang pinsalang natamo.

Iyon ay dahil naging maingat ang mga ito at naalala niyang walang pinsalang maiiwan ang trial dahil nasa kontrol pa rin ng nasabing guild ang mga kalahok at ang lugar na kinaroroonan nila.

Kitang-kita niya na nasa kanila ang tingin ng lahat at kitang-kita niyang padabog na lumabas ng trial ang mga nalagas o napaslang sa trial ngunit buo pa rin ang mga parte ng katawan ng mga ito.

Grabe, halos hindi makapaniwala si Wong Ming dahil sa nangyari.

Ngunit may nakapang sugat si Wong Ming sa bandang kaliwang balikat niya. Kitang-kita niya na ito ang pinsalang natamo niya na kahit maliit ay tila nagdudulot pa rin ito ng kirot sa kaniya.

Sumenyas pa siya sa isang healer na nakapwesto sa isang gilid. Naintindihan naman ni Wong Ming ang naging tugon ng healer.

Pumasok ito sa isang malaking temporaryong tent at sumunod na rin siya doon.

Alam niya kasing hindi pa tapos ang huling trial dahil mayroong malaking screen na nakalutang sa ere at pinapanood ng lahat ng mga manonood maging ng kapwa kalahok ang mga nasa loob pa rin ng trials.

"Maaari ko bang malaman kung saan mo nakuha ang nasabing pinsalang ito? Hindi ito ordinaryong pinsala lamang!" Seryosong turan ng isang healer na babae sa malumanay na boses nito. Halatang nagtataka ito dahil sa nangyari.

Nag-aalinlangan si Wong Ming ngunit wala siyang nagawa kundi ang umamin rito. Naniniwala siyang hindi naman ito dapat ilihim pa.

"Mayroon akong nakaharap na tatlong nilalang na miyembro ng Red Skull Alliance. Ito ang pinsalang natamo ko nang subukan kong makipaglaban sa kanila." Tapat na saad ni Wong Ming upang aminin ang mga nangyari sa kaniya sa loob.

"Ganon ba?! Nalaman na rin namin ang nangyaring ito. Mayroong kakaibang nangyari sa loob at iilan lamang ang nakaligtas sa atake nila. Mayroon silang ginagamit na bagay upang makarating sa loob ng trial na hindi namin matukoy kung ano. Mortal na kaaway ng lahat ng righteous guild ang Red Skull Alliance kung kaya't parang normal na lamang ang nangyayari." Pag-aming turan ng babaeng healer habang inumpisahang ginagamot ang mga sugat na natamo ni Wong Ming sa naging laban nila.

"Paano kung napinsala o napaslang mo ang mga ito?! Mabubuhay pa rin kaya ang mga ito?!" Seryosong saad ni Wong Ming habang kitang-kita na parang malaking bagay ito sa kaniya upang mapalawak rin ang kaalaman niya. Simula pa lamang ay alam niya ng magiging mortal na kaaway niya na ang taksil na dating crowned prince ng Sky Flame Kingdom. Maging ang pamilya nito na mga dugong bughaw at lahat ng mga nakakaalam sa ginawa nitong pakikipag-ugnayan sa Red Skull Alliance ay kinamumuhian ito. Siya ang gumawa ng lahat ng kamalasang sinapit ng apat na kaharian at ng buong Dou City.

"Depende sa pinsalang tinamo ng mga ito. Kagaya ng natamo mo ay makukuha nila ito at andun pa rin iyon kahit na nasa labas sila ng trial. Magagaling at tuso ang mga Red Skull Alliance kaya't nagawa nilang pumasok sa loob ng trial ngunit kapag napinsala mo ang mga ito ng malala o napaslang mo ang mga ito ay siguradong ganon din ang mangyayari sa mga ito. Tanging ang totoong sumali o mga tunay na kalahok lamang ang sakop ng ginawang kontrol na inihanda ng Flaming Sun Guild ang maaaring makakuha ng benepisyo sa harap ng panganib o pagkapaslang sa trial. Ngunit kapag napaslang sila ng mga nilalang na pumasok sa illegal na pamamaraan ay mamamatay talaga sila kapag hindi naagapan ng mga healers ng trials na ito!" Seryosong saad ng babaeng healer habang makikitang may kalungkutan sa mga mata nito ngunit hindi na inusisa pa ni Wong Ming ang kadahilanan.

Nakaramdam naman ng kasiyahan si Wong Ming dahil sa pangyayaring ito lalo na sa natuklasan niya. Kung gayon ay napaslang niya ang taksil na dating crowned prince ng kanilang Sky Flame Kingdom.

Ngunit Nabahala siya dahil wala pa ring kasiguraduhan ang ginawa niyang ito. Kitang-kita niyang naglaho ang katawan ng mga ito matapos ang trial. Hindi siya naniniwalang napaslang niya ito. Ngunit paano iyon nangyari?!

Gulong-gulo si Wong Ming dahil mukhang tama ang hinala niyang parang may mali. Kaya't hindi niya pinalagpas na magtanong sa babaeng healer na ginagamot pa rin ang natamong sugat niya.

"Marami ba ang miyembro ng Red Skull Alliance? Marami ka bang alam sa organisasyong ito?!" Wika ni Wong Ming habang makikitang seryoso talaga ito.

"Wala akong alam sa bilang ng miyembro ng Red Skull Alliance ngunit nalaman kong madami-dami din ang mga ito at kadalasan sa mga miyembro nito ay may matataas na estado, mararangya o di kaya ay may mga pambihirang mga kakayahan kaya hindi imposibleng pumasok o makapasok sila sa loob ng trials. Aware naman ang mga guilds sa pananabotahe ng mga ito ngunit hindi iyon maiiwasan dahil isa ito sa pambihirang organisasyon ngunit lumalakad sa palihis na daan." Seryosong turan naman ng babaeng healer.

"Okay na pala ang sugat mo. Nalinis ko na iyan at nilagyan ko ng pambihirang mga gamot upang tuluyan ng gagaling. Mabuti at ipinagamot mo ito dahil pambihira ang sugat na natamo mo dahil naglalaman ito ng fatal energies ng magkakaibang properties. Mabuti at natalo mo ang nakalaban mo." Pahabol na saad ng babaeng healer.

"Maraming salamat po. Pasalamat nga lang ako dahil mababa ang mga cultivation levels ng mga ito kung kaya't nagawa kong matalo ang mga ito." Saad ni Wong Ming habang kitang-kita na ngingiti-ngiti pa ito.

Ngumiti na lamang ang babaeng healer habang abala itong sinusuri ang mga gamot maging ang iba pang bagay.

Naging hudyat ito upang umalis si Wong Ming at pumuntang muli sa gitna ng field kung nasaan ang mga kasamahan nitong nagtagumpay sa buong trials.