webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 631

Kitang-kita na lamang ni Wong Ming ang sarili niya maging ang ilang mga manlalahok na unti-unting nawawala sa loob ng arena nang nagliwanag ang buong arena na siyang kinaroroonan nila. Kung titingnang maigi ni Wong Ming ay nasa sampong libo ang bilang nila.

Isang teleportation array ito kung hindi nagkakamali si Wong Ming. Kakaiba at napakakomplikadong mga simbolo ang nakikita nito at masasabi niyang hindi magiging madali ito para sa kaniya upang matutunan ang ganito kalakas at kapambihirang teleportation array na kayang i-transmit ang libo-libong mga kalahok patungo sa isang malayong lugar.

Hindi niya aakalaing pinaghandaan at pinagkagastuhan talaga ito ng Flaming Sun Guild upang pumili ng mga nararapat na mga disipulong maaari nilang imbitahan sa kanilang guild.

Ramdam na ramdam na ni Wong Ming ang pagsisimula ng pangalawang trial.

Nakita na lamamg ni Wong Ming ang sarili niyang binabalutan ng kakaibang liwanag hanggang sa nakita nito ang sarili niyang nalalaglag sa himpapawid.

Hindi lang siya kundi ang mga kasamahan niya ring mga kapwa niya manlalahok ay ganoon rin. Ang kaibahan lamang ay nasa ilang daang metro lamang ang layo niya sa mga ito.

Agad na nagbalanse ang karamihan sa kanila sa ere sapagkat mga Xiantian Realm Expert sila habang ang iba naman ay pabulusok na nalalaglag sa himpapawid.

Hindi lumipad si Wong Ming sa ere at ang tanging ginawa niya ay magpalaglag na lamang habang tinatantiya nito ang maaaring lapagan nito.

Sa tingin ni Wong Ming ay nasa masukal silang kagubatan na hindi nila alam kung anong lugar ito.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil tama ang kaniyang naging desisyon. Nasa masukal silang kagubatan kung kaya't ang paglipad o anumang paggamit ng essence energy sa himpapawid ay maaaring maging mapanganib.

Maayos namang nakalapag si Wong Ming sa isang malaking sanga ng puno. Talagang swerte siya kung papaano at ang iba ay nakita niyang maayos ding nakalapag ngunit ang mga tatanga-tangang mga may mababang lebel ng Cultivation ay nagkandabali-bali ang parte ng katawan nila at inuuna lamang ang kakasigaw nila.

Ang ilan sa mga nakita niyang may mababang lebel ng cultivation at may pinsala ay sumuko kaagad at dinurog ang kanilang mga safety beads at agad na nawala sa lugar na ito.

Whaackkk! Shrrieeckk! Growwll!

Napatingin naman si Wong Ming sa ere nang marinig ang kakaibang mga tunog sa himpapawid na tila patungo sa kinaroroonan nila

Tatlong kakaibang uri ng mga magical beasts ang nakikita niya maging ng mga kalahok sa hindi kalayuan mula sa kaniya maging sa ere.

Halos mapamura naman ang mga lumilipad na mga kalahok. Ang ilan sa mga ito ay tumakas sa mga ito sa pamamagitan ng paglipad sa kalupaan habang ang iba naman ay nilabanan pa ang laksa-laksang mga magical beasts na gustong paslangin ang mga tila pagkaing nakahain sa kanila sa ere.

Tila nagkagulo naman sa lugar na ito kung kaya't naalarma naman si Wong Ming.

Hindi naman nanatili si Wong Ming sa lugar na ito upang maghintay na lamang na sugurin siya ng mga flying type magical beasts dahil sa kasalukuyang sitwasyon nila ay mukhang nabulabog na ang lugar na ito at hindi na ligtas para sa kaniya at sa iba pang mga kalahok.

Umiba ng direksyon si Wong Ming at ginamit ang footwork niya na Shadow Step, isang mysterious steps na hindi nangangailangan na sobrang lakas mo bagkus ay kaalaman nitong bagtasin ang lugar na abot ng tingin niya.

Mabuti na lamang at sanay na si Wong Ming sa mga flying type magical Beasts dahil nagmula siya sa Golden Crane City.

Pansamantalang tumigil si Wong Ming at rinig na rinig niya ang mga kakaibang uri ng sigaw at daing ng mga kapwa niya kalahok mula sa mga agresibo at mapaminsalang mga atake sa kanila ng mga magical beasts.

Hindi maipagkakailang medyo nakonsensya siyang iwanan ang mga ito ngunit alam niyang magiging okay lang naman ang mga ito. Isa itong kompetisyon at hindi niya kailangang maging bayani para sa mga itong kapwa rin nila sarili ang iniisip ng mga ito upang makaligtas at makapagpatuloy sa susunod na mga trials.

Ipinagpatuloy pa ni Wong Ming ang paglayo sa lugar na iyon hanggang sa hindi na niya narinig ang kung anumang ingay mula sa lugar na kinaroroonan niya kanina.

Hindi alam ni Wong Ming kung saan siya pupunta ngunit bigla siyang nagbalik tanaw sa panahong iyon kung saan nasa labas pa lamang sila ng lugar na ito bago pa sila dalhin rito ay may ipinaliwanag pa ang magandang MC na iyon patungkol sa mga Safety Towers na siyang mga safe zones ng lugar na ito.

Iyon ang gustong puntahan at hanapin ni Wong Ming sapagkat alam niyang wala na siyang maisip na clue ngayon kung para saan ang kompetisyong ito.

Laksa-laksa ang grupo ng mga kapwa niya kalahok at laksa-laksa rin ang mga magical beasts na naririto sa lugar na ito.

Tumigil muna si Wong Ming sa kinaroroonan niya at nagsagawa ng kakaibang skill na itinuro pa sa kaniya ng kaniyang sariling ama.

Ngayon pang bumalik na ang mga alaala niya ay gagamitin niya ang dalawang magkaibang katauhan niya upang makuha ang mga hangarin niya bilang si Li Xiaolong man o bilang kasalukuyang Wong Ming ng Golden Crane City.

Skill: Aura Detection!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong lumawak ang senses niya isang kilometro mula kinaroroonan niya.

Kitang-kita ni Wong Ming ang lahat ng mga kakaibang mga uri ng magical beasts sa kaniyang kapaligiran maging sa mga pinagtataguan ng mga ito.

Maging ang kabuuang estraktura ng kalupaang nagmistulang mapa sa isipan ni Wong Ming ay tila naging malaking tulong ito kay Wong Ming upang hasain at sanayin ang sariling kakayahan niya sa mga ganitont klaseng kapaligiran. Ang demograpikong mga lupain at ang maaaring maging safe zones ay maaari niyang madetect kung sakaling nandirito ito sa lugar na ito.

Ang unang dapat ns malaman nila ay ang lokasyon kung saan sila naroroon at ano'ng klaseng panganib ang maaari nilang masagupa.

Malalaki, maliliit at mga kakaibang mga magical beasts ang natukoy niya sa pagcast niya ng pambihirang skill na ito. Isa din ito sa masasabi niyang makabuluhang skill na magagamit niya upang iwasan ang panganib bago pa siya matukoy ng mga mababangis na mga halimaw sa lugar na ito.

Agad na ring naglakbay si Wong Ming at ginamit nito ang Shadow Step na siyang footwork niya upang makaalis o makaiwas na rin sa mga panganib na nakakubli sa lugar na ito.