webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 630

"Wala ng pangalawang pagkakataon. Dapat itinatak niyo yan sa mga kukote niyo bago kayo lumahok sa kompetisyong ito. Hindi lahat ng bagay ay madadaan sa pakiusap o dahil sa estado niyo sa buhay. Paano kung nasa digmaan kayo at nasa matinding panganib, iisipin mo bang mapapakiusapan niyo pa ang mortal niyong mga kaaway o mang-aambush sa inyo?! Diba hindi?! Kaya magsitigil kayo!" Wika ni Féng Dandan sa mataas na boses. Kitang-kita ng lahat kung paanong tumalim ang mga tingin niya sa nagbabalak pang makapasok sa loob ng pananggalang na mga kalahok.

Gusto niyang matuto ang mga ito ng tamang mga bagay lalo na sa pag-asta. Masasabi niyang mga mangmang ang mga ito sapagkat ang ipinunta rito ay kompetisyon at hindi isang laro-laro lamang. Hindi kailangan ng kanilang Flaming Sun Guild ang mga kalahok na mga ganito, mga walang respeto at tila gusto pa siyang sulsulan upang makasali ang mga walang hiyang ito sa susunod na trial.

Nagmumukha rin na tila nagbabanta ang mga ito sa piniling salita ng mga ito ngunit pinipigilan niya lamang ang sarili niyang pumutok ang galit niya rito at baka ano pa ang magawa niya.

"Wag kayong mag-alala kahit na hindi kayo makasali sa susunod na trial lalo na sa mga nanalo noong nakaraang kompetisyon noong nakaraang dalawang linggo ay may equivalent points iyon na pwede niyong gamitin upang makabili ng mga bagay na gusto niyo rito sa Red City. Yun lang at maaari na kayong umalis o lisanin ang lugar na ito." Seryosong saad ni Féng Dandan at agad na hinarap ang mga kalahok na nasa loob ng pananggalang.

Mabilis itong tumungo sa nasabing pananggalang at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay tumagos na laman ang katawan nito patungo sa loob ng harang na siyang halos ikaluwa ng mga mata ng mga kalahok

Magkagayon pa man ay tikom ang binig ng lahat at hindi umusal ng kung ano-anong mga bagay.

Mula sa seryosong mukha nito ay tila nagbago ang awra nito sa pagiging masayahin habang nakatingin sa kanila habang nakangiti pa ito ng napakatamis.

"Ikinagagalak ko ang pagpasa niyong lahat sa unang kompetisyong ito. Ang bagong patakaran lamang upang makapasok sa Flaming Sun Guild ay ang makapasa kayo sa apat na trials na inihanda ng aming Flaming Sun Guild. Ngayon ay tila tatlo na lamang ang natitirang trial para sa inyo. Kung iniisip niyong simpleng trial lamang ito ay nagkakamali kayo. Para maging patas ito sa lahat ay gaganapin ang bawat trial sa iba't-ibang lugar at napakadelikadong lugar ito upang malaman at subukin ang mga abilidad at kapangyarihang taglay niyo. Kaya good luck sa inyong lahat!" Mahabang salaysay ni Féng Dandan upang ipaliwanag ng malinaw ang nasabing kabuuang konsepto ng trial upang makapasok ng tuluyan sa Flaming Sun Guild.

Napatango na lamang ang lahat maging si Wong Ming. Hindi na nakapagsalita ang iba o magbiro dahil takot ang mga ito sa babaeng bagong MC nila na Féng Dandan ang pangalan nito.

Sinuri naman ni Wong Ming ang buong kaanyuan ng nasabing binibining si Féng Dandan ngunit hindi nito malaman ang cultivation level nito. Siguro nga ay hindi ito simpleng binibini lamang dahil sa uri ng pananalita at pakikipagtalastasan nito ay halatang hindi ito nagpapatalo o nagpapaapekto sa mga nilalang na may maunlad o mataas na estado sa buhay lalong-lalo na sa Red City.

Nangangahulugan lamang na mas mataas pa rin ang Flaming Sun Guild kumpara sa kahit na sinong miyembro ng organisasyon sa loob ng Red City o maging sa iba pang siyudad na kalapit lamang nito.

Tama ang desisyon ni Wong Ming na umpisahan na ang pag-iimbestiga niya dahil hindi malayong mula sa oras na ito ay mayroon na siyang gahiblang pag-asa upang matuklasan ang patungkol sa kinaroroonan ng Devil's Clock o kung sino man ang nagmamay-ari nito.

Pansin ni Wong Ming na tanging attribute lamang na nakita niya sa nilalang na ito ay ang apoy. Siguro siyang mataas ang komprehensyon nito sa Fire Element.

Bago pa man matuklasan ng sinuman lalo na ni Féng Dandan ang ginagawa niyang pagsusuri rito ay hindi na siya nag-atubiling itigil na muna ang ginagawa niya. Mahirap na at baka suspetsahan pa siya ng kung ano-ano nito. Mas mabuti na ang advance bago pa siya pagkamalan ng kung ano-ano.

Marami pa itong ipinaliwanag kagaya ng mga bagay-bagay patungkol sa mga basic survival, mga gagawin kapag nasugatan ng kalahok nito o ng mga nilalang kagaya ng Magical Beasts, mga safe terrain o safe towers na maaaring pagpahingahan ng mga kalahok kung sakaling malagay sila sa panganib. Ito rin kasi ang magsisilbing safezone kung sakali.

Mukhang kailangan pa nitong i-demonstrate ang mga kinakailangan alalahanin ng mga kalahok hanggang sa kalahating minuto ang nakalilipas at nagwika itong muli.

"Ilahad niyo ang mga palad niyo sa ere." Sambit ni Féng Dandan sa mga kaharap nitong mga kalahok sa kasalukuyan.

Agad naman sinunod ito ng lahat ng mga lalahok sa nasabing mga trials.

Hindi maipagkakailang nagtaka sila ngunit sa isang iglap ay naramdaman naman ng lahat ang isang bagay na nasa palad nila.

Tiningnan at sinuri ito ng mga kalahok maging si Wong Ming rin ang kulay puting bead na sinasabing safety bead. Wala naman siyang napansing kakaiba rito liban na lamang sa maliit na energy fluctuations na meron ang nasabing bead na hawak niya na halos kapareho lang din ng sa ibang mga kalahok na kasa-kasama niya sa kasalukuyan.

"Iyan ang mga safety beads. Kung sakaling ayaw niyo ng magpatuloy ng trial o sa susunod na mga trial ay maaari niyo itong durugin at awtomatikong ilalabas kayo nito sa mismong ligtas na lugar dito sa Red City. Isang beses niyo lamang magagamit ito. Wag kayong mag-aalala dahil merong nakakakabit na safety items sa katawan niyo upang ma-eject kayo sa mapanganib na lugar na darausan niyo ng mga trials. Hanggang dito na lamang at good luck sa inyong lahat!" Mahabang turan ni Féng Dandan sa malumanay nitong boses.

Bigla na lamang lumitaw sa kamay ni Féng Dandan ang isang safety bead at dinurog ito gamit lamang ng natural na pwersa ng kamay at sa isang iglap ay nakita nilang ilang daang metro ang layo ni Féng Dandan at na-eject nga ito ng tuluyab sa loob ng pananggalang.

Nagulat naman ang lahat ngunit napaisip rin ang mga ito. Talagang makapangyarihan ang safety bead na ito at magagawa nitong ilayo ka sa panganib na dulot ng kung anumang makakasalamuha nila.

Sa mga trials na gagawin nilang mga kalahok at lalahok sa mga pagsubok na ito ay siguradong hindi magiging madali. Alam niyang hindi lamang kaligtasan nila ang maaari nilang dapat gawin kundi mayroon pang dapat i-prioritize kagaya kung paano makakalagpas o makakapagpatuloy ang mga kalahok sa susunod na mga trials.