webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 632

Sa labas ng trial ay mapanuring nagmamatyag at nanonood si Féng Dandan sa kaniyang kinaroroonan. Ang lahat ng mga nasa labas ng trial ay masayang nanonood kung paanong nagkaroon ng disturbances ang buong paligid kung saan kanina pa ay maraming mga nasugatan, napinsala o di kaya ay napilitang sumuko na lamang sa laban dahil sa hindi makayanang sitwasyon na kinakaharap nila.

Kasabay ng pagsisimula ng trial ay ang may limang nilalang na nakasuot ng kulay pulang roba na may disenyo ng isang ginintuang araw.

Walang dudang mga nilalang ito na parte ng Flaming Sun Guild. Hindi sila ordinaryong mga miyembro lamang dahil ang limang itp ay mga Elders ng Flaming Sun Guild.

Kagaya ni Féng Dandan ay masugid din ang mga itong nanonood dahil na rin sa kanilang sariling ekspektasyon sa maaaring takbo ng mga trials.

Maraming mga eksena ang nakita nila. Dahil na rin sa mga kakaibang mga talismans na iginuhit at inilagay sa iba't-ibang parte ng masukal na kagubatang ito na tinatawag na Stone Wild Forest.

Kanina ay parang kalmado lamang ang mga ito ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagbago ang reaksyon ng limang mga elders na hindi maintindihan ni Féng Dandan kung bakit.

Pansin niyang naagaw ng isang binatang tila ito rin ang may kakaibang footwork na palipat-lipat ang pwesto upang lumihis sa direksyong pinagmumulan ng atake at labanan sa pagitan ng mga magical beasts laban sa mga manlalahok.

Kasalukuyan itong nakatayo sa isang lokasyon habang nakapikit ito ng mariin. Wala nanan siyang napapansin na kakaiba rito at wala siyang alam kung bakit niya ito ginagawa.

"Sino ang nilalang na iyan Féng Dandan?! Saan ito nagmula?!" Seryosong turan ng isang elder ng Flaming Sun Guild. Bakas sa tono ng pananalita nito ang hindi maipaliwanag na kuryusidad at interes sa binatang nakatayo sa isang lokasyon ng Stone Wild Forest.

"Siya po ba? Kung hindi ako nagkakamali ay si Little Devil iyan na mayroong siyam na sunod-sunod na panalo sa nakaraang trial. Bakit po ba, wala ng ibang impormasyon kung saan ito nabibilang?!" Makahulugang sambit ni Feng Dandan habang makikitang tila hindi nito alam kung ano'ng nakita ng mga elders upang gusto ng mga itong malaman ang existence ng nilalang na ito.

"Kakaiba kasi ang nilalang na iyan. Sa survivality ay masasabing siya ang may pinakamataas na porsyento sa kasalukuyan." Seryosong turan ng elder na siyang makikitang tila tiwala ito sa kaniyang sinasabi.

Nagulat naman si Féng Dandan sa sinabing ito ng isang elder. Sino ba ang nilalang na iyon upang purihin ng isang elder ng Flaming Sun Guild?!

"Paano'ng kakaiba Elder? Nakatayo lamang siya hindi ba?!" Sambit ni Féng Dandan lalo pa't wala siyang maramdamang energy fluctuations sa kinaroroonan ng binatang iyon na nangangalang Little Devil.

"Hindi simpleng binata lamang iyan dahil nakaya nitong magcast ng skill na kayang magdetect ng life forms ilang metro o kilometro pa ang layo. Pinag-uusapan pa namin kung gaano kaya kalakas ang binatang iyan sa kasalukuyan!" Wika ng Elder habang makikitang may kung ano sa mga mata nito.

"Anong skill naman iyon Elder? Isa ba iyong malakas na skill?! Bakit hindi ko alam ito?! Puno ng pag-alalang wika ni Féng Dandan habang makikitang tila hindi ito kumbinsido.

Isa lamang siyang outer disciple ng Flaming Sun Guild at ang pag-appear ng isang pambihirang martial arts experts sa kompetisyong ito ang pinakaayaw niya.

Marami pa siyang hangad sa buhay at ang pagpromote niya bilang inner disciple ang gusto niyang mangyari.

Isa din sa dahilan kung bakit nagboluntaryo ito upang makapagpatuloy siyang umangat kumpara sa mga kapwa niya outer disciple ng Flaming Sun Guild.

Napuno ng inggit ang puso niya sa pangyayaring ito. Ayaw niyang pangunahan ang pangyayari ngunit ilang mga taon na rin ang nakalilipas ngunit na-stock lamang siya sa pagiging outer disciple niya.

Hindi niya hahayaang hanggang dito na lamang siya. Naiinggit siya sa mga nilalang na gusto o natipuhan ng mga elders ng kanilang Flaming Sun Guild.

"Hindi mo na dapat malaman iyon. Kapag naging inner disciple ka na ay matutunan mo din ito." Seryosong turan ng elder saka ito pumuntang muli sa pwesto ng apat na elders.

"Masusunod po Elder." Magalang na saad ni Féng Dandan at mabilis na itinuon ang mga mata nito sa mga gumagalaw na mga imahe sa ere.

Kitang-kita niya rin na mas dumami ang mga manonood nang panahong ito. Pangalawang trial pa lamang ay ganito na kadami paano pa kaya sa ikatlo at sa ikaapat na trial ng kanilang Flaming Sun Guild.

Madami pa ang mga napansin ni Elders na mga kalahok na siyang hindi naman ikinatuwa ng loob ni Féng Dandan. Hindi niya inaasahang marami ang mga talentadong mga ekspertong kalahok rito habang kitang-kita na nagpapakitang gilas pa ang mga ito.

Nanood at matiyaga nitong tinignan ang mga kalahok at masasabi niyang lahat sa mga ito ay gustong makaligtas sa mga trial habang makikitang lumalaban ang mga ito para sa kaligtasan nila.

Masasabing marami ang namatay na mga magical beasts habang marami ding nateleport na mga sugatang mga kalahok. Kitang-kita kung paanong tila nabawasan talaga ng sobra ang mga kalahok at tila tatlumpong porsyento sa orihinal na mga kalahok noong unang trial ang nalagas at hindi na maaaring magpatuloy sa susunod na mga trials.

...

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malawak ngunit mayroong nagtataasang mga puno. Kakaiba ang lugar na ito dahil ang mga punong naririto ay kulay ube ang mga punong naririto. Mula sa orihinal na kayumangging puno't sanga at mga berdeng puno ay kakaiba ang lugar na ito ay tila kapansin-pansin ang kakaibang mga punong ito.

Ramdam ni Wong Ming kung gaano kayaman sa makapal na enerhiya ang lugar na ito at masasabing nakaramdam ng pangamba si Wong Ming rito.

Imbes na tumunganga na lamang siya ay mabilis siyang nagcast ng parehas na skill kanina.

Skill: Aura Detection!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong napabukas siya ng kaniyang mga mata nang makitang ang kaniyang sariling skill ay halos limang metro lamang ang sakop ng kaniyang sariling skill.

Sino ba ang mag-aakalang hindi naging epektibo ang naging hakbang ni Wong Ming para madiskubre ang lugar na ito. Para bang may kung anong klaseng bagay ang nakaharang at nakapaloob sa tila mala-ubeng kapaligirang ito.