webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 624

Isang maaliwas na umaga na naman ang nakakalipas ngunit patuloy sa pagcucultivate si Wong Ming. Pinili niyang pumunta sa lugar ng Red Mountain Ranges kung saan ang pinakamanipis ang essence energy sa kapaligiran.

Halos walang ksbuhay-buhay ang lugar na ito at ordinaryong mga tanim lamang ang naririto. Hindi alam ni Wong Ming kung bakit. Siguro ay dahil sa kabilang parte nito ay masagana ang essenve energy at di masyadong pinapasukan ng hangin ang lugar na ito.

Nasa pagitan ng dalawang magkaharap na talampas si Wong Ming at imposibleng tirhan ito ng anumang uri ng magical beasts.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang manatili rito upang magcultivate. Ramdam niyang ilang linggo mula rito ay maaari na siyang tumapak sa susunod na phase ng kaniyang sariling cultivation boundary.

Ngunit kung magsusumikap siya katulad ngayon ay maaaring mapaaga pa ang kaniyang pagbreakthrough.

Ngayon ay mas lalo pang sinipagan ni Wong Ming at magdamag pa niyang ginawa ang preparasyon niya.

Nakahanda na rin ang ginawang bath tub na gawa sa nagkakapalang yelo at mga batong pinatong-patong ni Wong Ming upang dumoble ang tibay nito.

Ngayon ay batid ni Wong Ming na handa na siya kaya bahagya niyang iminulat niya ang kaniyang mga mata at lumipat na sa malaking bath tub na inihanda niya kanina pa.

Bago pa siya lumusong ay pinatakan niya muna ito ng maraming kakaibang blue essences na nasa loob ng kakaibang lagayang parang bato.

Gamit ito ay nagsimula ng ilublob ni Wong Ming ang sarili niya sa ilalim ng bath tub na ito.

Sa una ay parang wala lamang hanggang sa naramdaman na nitong tila may nanunuot sa bawat parte ng balat niya ng kung ano mang bagay ito. Tila masakit na mainit sa balat ang nararamdaman ni Wong Ming at alam ni Wong Ming na dahil ito sa inihalo niyang mga kakaibang blue essences na galing mismo sa nakuha niya sa kuwebang tirahan mismo ng Adult Blue Crest Lionness.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay tila humahapdi ang bawat parte ng katawan ni Wong Ming dahilan upang nagsimula ng maglotus-position si Wong Ming sa ilalim ng katubigan na kinaroroonan niya upang magcultivate at i-absorb ang mga blue essences patungo sa kaloob-looban niya lalong-lalo na patungo sa mismong dantian niya.

Ilang oras din ang ginawa ni Wong Ming sa pagcucultivate na ito hanggang sa nakasanayan na niya ito maging ang dulot na init at hapdi sa balat ng pambihirang blue essences na ito ay parang naging normal na lamang.

Sa loob ng dalawang araw na ito ay ganitong routine na lamang ang ginawa ni Wong Ming dahil sa puspusang pagcucultivate niya ay di nito namalayan ang takbo ng oras. Buti na lamang at tuluyan ng naubos ang laman ng blue essences.

Maging ang mga dala niyang mga cultivation herbs ay hinalo na rin niya ito sa bath tub hanggang sa maubos na rin ng tuluyan ito.

Ngayon ay tila naging dukha na naman si Wong Ming dahil wala na siyang mahihita pa sa interspatial ring niya.

Napagpasyahan na ni Wong Ming na tapusin na muna ang pagcucultivate niya. Dito ay napansin niyang tila nawala ang mga toxin at mga masasamang enerhiyang nagmumula sa dantian niya maging sa ibang parte ng katawan niya. Ito ay dahil sa puspusang pagcucultivate niya at malaki ang naitulong ng blue essences sa kaniyang sariling katawan maging sa cultivation niya.

Ramdam ni Wong Ming ang rumaragasang enerhiya sa loob ng dantian niya na tila nagmistulang mga tubig itong nakakulong sa mumunting lugar sa loob ng katawan niya. Isang senyales ito na mayroong pag-unlad sa kaniyang sariling cultivation.

Maya-maya pa ay nagbihis si Wong Ming at nilisan na ang lugar na ito. Sa tantiya niya kasi ay sapat lamang ang blue essences na iyon sa lebel ng cultivation ng Adult Blue Crest Lionness na nasa Middle Purple Blood Realm lamang.

Ang kailangan niya ngayon ay ang cultivation resources na mas aangkop sa katulad niyang nasa Golden Blood Realm. Yun bang kayang magpabreakthrough sa kaniyang sariling cultivation boundary.

Alam niyang meron at meron dito sa loob ng red mountain ranges na ito.

Maingat na binaybay ni Wong Ming ang direksyon sa kabilang parte ng isang malawak na kabundukang ito kung saan siya naroroon. Maaaring swertehin din siya doon kung sakaling manggalugad siya roon.

Makapal at mayaman ang enerhiyang sumamyo kay Wong Ming nang mapansin na narating na niya ang pasukan sa nasabing lugar sa kabilang parteng pinagmulan niya.

Marami siyang napansing mga low level magical beasts sa kapaligiran ngunit maingat pa ring dumaan si Wong Ming dito. Ayaw niyang magambala ang simpleng pamumuhay ng mga ito at upang ingatan ang sarili sa maaaring panganib na mangyayari sa paglalakbay niyang ito.

Tumalon-talon si Wong Ming sa mga naglalakihang mga sanga ng punong dinaraanan niya na animo'y isang ninja. Sa palagay niya ay mas mapapadali ang paglalakbay niya kung ganito ang gagawin niya.

Pansin niyang mas nagiging masukal at makapal ang nadadaanan niyang mga puno rito at nagtatayugan rin ang mga ito. Kakaiba ang mga punong ito at ang nasabing mga dahon nito ay kulay dilaw.

Bahagyang huminto si Wong Ming at inobserbahan ang mga puno sa kapaligiran. Halos pare-pareho ang hugis ng mga ito.

Maya-maya pa ay naisipan niyang mag-iwan ng marka. Ramdam niya kasing parang may mali ngunit hindi niya mabatid kung ano ito.

Nagsimula muling tumalon-talon si Wong Ming sa mga naglalakihang mga sanga ng puno hanggang sa mawari niyang kalahating oras na siyang naglalakbay ay parang ganoon pa rin ang nadaraanan niya hanggang sa tumntong siya sa isang punong nilagyan niya ng sarili niyang marka at napagtantong bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina.

Nakaramdam ng pangamba si Wong Ming sa hindi niya mawaring dahilan. Pansin niyang napakalusog at yabong ng mga punong ito at kulay dilaw ang mga dahong tila nakayuko pa sa iisang direksyon.

Nagmatyag si Wong sa kapaligiran niya at sa wari niya ay mayroong nangyayari dito na ngayon niya lamang napansin.

Crrreeeaakkk! Crrreeeaakkk! Crrreeeaakkk!

Bahagyang nagpakawala ng tunog ang mga punong nakapalibot sa pwesto ni Wong Ming at ramdam ni Wong Ming ang tensyon sa lugar na kinaroroonan niya.

Mula sa hindi kalayuan kung saan nakatutok ang mga dahon sa mismong direksyong ito ay napansin niya ang nagbabagang walong pulang kulay na hugis bulang sa palagay niya ay mga mata ito ng hindi niya pa matukoy na nilalang.

Doon lamang napansin ni Wong Ming na parang isa itong dambuhalang gagamba at gumagalaw na ito ng maliksi patungo sa direksyon niya at handa na siyang sakmalin nito upang gawing hapunan.