webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 623

Biglang nagliwanag naman ang buong katawan ng Adult Blue Crest Lionness at sa pagkakataong ito ay nagsagawa ito ng pambihirang skill nito.

Sigurado si Wong Ming na isang Signature Skill ang isasagawa ng Adult Blue Crest Lionness kung kaya't hindi niya palalampasin ito.

Maaaring malaki ang insights na makuha niya sa labanang ito ng dambuhalang magical beast na ito at ng limang nakaitim na nilalang.

Pagkakataon na niya ito upang magkaroon ng kaalaman kung paano makakaligtas sa kakaibang atake ng kalaban nito kung sakali man sa hinaharap.

Skill: Blue Crest Lion Dance!

Kitang-kita ni Wong Ming ang paglaki ng mga pakpak ng Adult Blue Crest Lionness at sa pagkakataong ito ay itiniklop nito ang buong pakpak nito upang ibalot ang sarili nito sa gagawin nitong skill.

Nagpaikot-ikot ito sa ere habang ramdam ni Wong Ming na kakaiba ang skill na ito.

Mabilis na nagbabanggaan ang dalawang pwersa.

TZZZZZ! TZZZZ! TZZZZ!

Halos makapigil-hininga ang tagpong ito sa pagitan ng dalawang pwersa. Ramdam ni Wong Ming ang tensyon kung magagawa bang manalo ng Adult Blue Crest Lionness sa formation o pinagsama-samang atake ng limang nilalang na sa obserbasyon ni Wong Ming ay nasa Early Purple Blood Realm ang mga ito.

Ngunit sa kalagitnaan ng sagupaan ay ramdam ni Wong Ming ang kakaibang kilos ng kalaban. Kitang-kita niya kung paano napaluhod ang apat na miyembro ng nakaitim na kasuotang mga nilalang at napasuka ng dugo ang mga ito ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga ito.

SHRRRRRIIIIEEEECKKKKK!

Humuni ng malakas ang Adult Blue Crest Lionness at sa pagkakataong ito ay tinodo na nito ang nasabing atake niya.

Hindi rin nagpatinag ang limang nakaitim na kasuotang nilalang at ibinigay rin nila ang lakas na kaya nilang ibigay.

BANNNNNNGGGGGGG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa matinding banggaan ng dalawang pwersa at kapwa napatalsik ang magkabilaang pwersa.

Halos pantay ang naging labanan at masasabi ni Wong Ming na parehong nagtamo ng pinsala ang mga ito kung kaya't natitiyak niyang hindi na rin magpapatuloy ang labanang ito.

"Bwiset, napuruhan pa ata tayo ng pambihirang leon na ito!"

"Kulang ang pwersa natin upang mapatumba ang Blue Crest Lionness na ito!"

"Tama ka, kailangan na nating umalis kung gusto pa nating mabuhay!"

"Mauuwi lamang sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin!"

Nasa kalagitnaan pa ng pag-uusap ang mga ito nang makarinig sila ng isang malakas na atungal ng kung ano mang nilalang.

GROOOWWWWLLLL!

Nakaramdam naman ng panganib si Wong Ming dahil sa malakas na atungal na iyon.

Nauna nang lumayo si Wong Ming sa lugar na ito. Ramdam niyang isang malakas na magical beast ang paparating dahil sa kakaibang daloy ng hangin at pagsamyo ng kakaibang awra sa paligid.

"Umalis na tayo, mukhang may paparating na malakas na halimaw patungo rito!"

"Bahala na, lisanin na natin ang lugar na ito!"

"Oo nga!"

Sumang-ayon naman ang lahat ng nakaitim na kasuotang nilalang at sa isang iglap ay nawala ang presensya ng mga ito matapos nitong sunugin ang isang kapirasong papel.

Isang escaping talisman ito. Alam ni Wong Ming na isang pambihirang talisman ito ngunit pakiramdam ni Wong Ming ay kakaiba ito. Nabasa niya pa kung gaano ito kadetalyado ang mga simbolong nakasulat rito.

Kagaya ng limang nilalang na tumakas at nilisan ang lugar na ito ay mabilis ring lumayo si Wong Ming. Ramdam niyang nanggagaling ang malakas na atungal na iyon sa makakapal na ulap.

FLAP! FLAP! FLAP! *wooh *wooh *wooh

Rinig na rin Wong Ming ang papalapit na pagaspas patungo sa direksyon ng nasabing Adult Blue Crest Lionness at nakita niya ang kabuuang kaanyuan ng nasabing paparating na nilalang.

Halos doble ang laki nito sa Adult Blue Crest Lionness at may pagkakahawig ang nasabing nilalang na ito sa nasabing lioness.

Kulay dark blue ang balat ng nasabing magical beast at may isang malaking sungay ito sa gitnang noo nito na sobrang haba. Habang ang pakpak nito ay apat ang bilang.

Naramdaman naman ni Wong Ming ang labis na mangha at takot. Kung di siya nagkakamali ay isa itong pure Four-Winged Royal Lion, ang mataas na uri ng mga orihinal na magical beast sa lahi ng mga leon.

Grabe ang kabang nararamdaman ni Wong Ming dahil isang Level 6 Magical Beasts ito at ang pagkakaroon nito ng mahabang sungay ay nangangahulugan na isa itong Soldier Beast.ilang kilometro na ang layo ni Wong Ming nang naramdaman niyang nagpakawala ito ng supressing aura. Kitang-kita niya kung paanong tumigil ang lumilipad na mga ordinaryong ibon sa himpapawid na malayo sa kinaroroonan niya ngayon.

Maging ang mga hayop kagaya ng usa at mga kuneho ay tumigil sa paggalaw. Mabuti na lamang at nagawa ni Wong Ming na makalayo dahil ang magical beast na ito ay halos kapantay na niya ng cultivation level at malabong matalo niya ito dahil likas na pinagpala ang mga magical beast kumpara sa lahi ng tao na kailangan pa ng kwalipikasyon upang magcultivate mula sa umpisa.

Isang purong Four-Winged Royal Lion ang dumating na halimaw at sa palagay ni Wong Ming ay kabiyak ito ng Adult Blue Crest Lionness at galing din dito ang kakaibang uri ng batong nay laman ng liquid essences. Kung saan man ito nagmula ay alam niyang hindi ito matatagpuan sa kahit na anong parte ng lugar na ito dito.

Ang mga katanungan sa isipan ni Wong Ming ay sobrang dami. Alam niyang purong Blue Crest Lionness ang babaeng Magical beast ngunit nagawa nitong magkaroon ng ebolusyon. Masuwerte siya at maaari niyang pakinabangan ang nakuha niyang liquid essences na ito. Siguradong magbibigay ito ng kakaibang dulot sa kaniyang katawan kung kaya't hindi na niya aaksayahan ito.

Ramdam ni Wong Ming na kung saan man nagmula ang pure Four-Winged Royal Lion na iyon ay isang malaking lugar iyon. Isang flught beast ito at kung hindi siya nagkakamali ay nasa malapit lamang ang lungga nito.

Ngunit hindi naman ganid si Wong Ming upang sundan ang nasabing nilalang na katulad ng pure Four-Winged Royal Lion dahil isa itong Soldier Beast at ang pagsunod rito ay imposibleng hindi nito matunugan.

Hanggang sa nakalayo ng tuluyan si Wong Ming sa nasabing lugar na kinaroroonan ng dalawang mag-asawang magical beast.

Napangiti na lamang siya habang binabaybay ang direksyong gusto niyang puntahan. Napatunayan niyang may hiwagang binabalot ang Red Mountain Ranges dahil sa paglitaw ng pambihirang Magical beast na pure Four-Winged Royal Lion.